Chapter 39


Recovery

Crystal

I woke up feeling dizzy. Tatayo sana ako pero agad kong napansin na nakatali ang mga kamay at paa ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Base sa itsura ng lugar ay mukhang nasa isang abandonadong building ako.

“Looks like our visitor is finally awake."

Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko ang isang babaeng hindi ko kilala.

“Who are you? Bakit mo ako pinadukot?" tanong ko sa mahinahong boses kahit na nagwawala na sa kaba ang puso ko. As much as possible, I need to control my emotions for the sake of my heart.

“Let's just say na ginagawa ko lang ang request ng kaibigan ko. Malaki ang kasalanan mo sa kan'ya and I think you deserve this," sabi ng babae at sinampal ako.

Dahil sa sinabi niya nagkaroon ako ng ideya kung sino ang nag-utos sa kanya. Pero hindi ko maisip na magagawa niya iyon. Gano'n na ba talaga kadesperada ang babaeng iyon na makuha ang gusto niya kaya pati pagpapadukot sa'kin ay naisip niya?

Mayamaya lang ay may narinig akong tunog ng heels na para bang may naglalakad palapit. At hindi nga ako nagkamali dahil mayamaya lang ay nakita ko si Cassandra. Her face is emotionless but her eyes are full of  hatred towards me. May mga nakasunod sa kanyang limang lalaki.

“Nice to meet you again, Crystal. You already spent too much time with my fiance, that's why I need to remove you from our lives. Permanently," Cassandra said.

Nagtindigan ang mga balahibo ko sa sinabi niya at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dapat ako magpakita ng takot kay Cassandra. I will not give her the satisfaction to see me suffer.

“You're that desperate to get Art? Pathetic," Isaid while looking at her sharply.

“Shut up!" she shouted and slapped me hard that I almost stumble from my seat.

Ang sakit ng sampal niya. Mukhang mamamaga ang pisngi ko nito. But I didn't show any reaction.

“You!" Tinuro ni Cassandra ang isa sa mga tauhan niya. “Torture her! But don't kill her. I need her alive."

Pagkatapos sabihin 'yon ay umalis na si Cassandra kasama ang kaibigan niya at lumapit naman sa'kin ang mga tauhan niya.

“No. Don't hurt me. Hindi n'yo kailangan sumunod sa baliw na 'yon. Pakawalan—AMP!"

Napasigaw ako nang suntukin ako ng isang lalaki sa sikmura ko. Shit!Kinapos ako sa hangin sa sobrang sakit. Hindi pa ako nakaka-recover sa sakit nang may sumampal na naman sa'kin. Nalasahan ko kaagad ang dugo mula sa labi ko.

“Huwag ka kasing madaldal masyado para nakakapagtimpi pa kami sa'yo," sabi ng isang sumuntok sa'kin.

“Damn you!"I shouted and I received another slap.

Natumba ang upuang inuupuan ko kaya bumagsak na ako sa sahig. I was about to move when I feel pain in my heart.

Shit! Shit! Shit!

Hindi na normal ang pagtibok ng puso ko at nahihirapan na akong huminga. No!I can't die. Atleast not here.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko dahil nakatuon ang atensyon ko sa sakit na nararamdaman ko. Another pain strikes me and I don't know what happened next.

Art Francis

“Dad, I need your help."

Kauuwi ko lang sa mansyon at dumiretso ako kaagad sa opisina ni Dad. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya hihingi na ako ng tulong sa kan'ya.

“What is it, Art?" Dad asked as he looked at me behind his specs.

My dad knows how to handle a situation like this very well. Hindi siya agad nagpa-panic kaya nga sa kanya ako lumapit.

“Crystal is missing. I have to find her bago pa may gawing masama si Cassy sa kan'ya. Dad please help me."

Tumingin muna sa akin si Dad bago tumango. "I'll call the authorities to let them know about this and you have to calm down at isipin mo kung saan maaaring dalhin ni Cassy si Crystal. I'll also call Mr.Madrigal to inform them about his daughter. Mas makakatulong siya."

“Yes, dad. Thank you," I said and I went out of his office. Nasalubong ko naman si Aireen na mukhang nakikinig sa usapan namin ni Dad.

“Is it true? Nawawala si Crystal?"she asked.

I nodded.“Yes, but don't worry. I'll do everything to find her."

Dumiretso ako sa kwarto at sinubukang i-track ang phone number ni Cassy na ginamit niya kanina nung tumawag siya sa akin. May device na binigay sa akin ang kapatid kong si Andriuz na p'wedeng gamitin pang-locate sa isang tao using their phone number. Unfortunately, hindi ko na ma-trace ang number na iyon. Next kong tinrace ay ang phone ni Crystal.At halos mabuhayan ako ng loob nang makita ko ang current location ng phone.

Medyo malapit lang ito. Kaagad kong kinuha ang susi ng kotse at nagtungo muna sa office ni Dad.

“I've tracked her location. Pupuntahan ko na siya ngayon," I said.

“Okay. I'll tell the authorities about that but you have to wait for them before going there. Mas'yadong delikado, Art."

Umiling ako at hindi na pinakinggan si Dad. Kailangan ko ng puntahan si Crystal. I have to save her. Ini-start ko ang kotse at agad nag-drive patungo sa location nila. Sana ligtas si Crystal. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kan'ya.

I parked the car outside an abandoned building. Kung titignan sa labas ay napakaluma na nito at wala ng ibang magtatangkang pumasok. But then kailangan kong pumasok dahil may posibilidad na nandiyan si Crystal sa loob.

Lumabas ako ng kotse ay maingat na pumasok sa loob ng gusali. Tahimik sa loob pero nakiramdam pa rin ako sa paligid dahil baka nandiyan lang sa tabi-tabi ang kalaban. Mayamaya ay nakarinig ako ng kaluskos. Agad akong nagtago sa likod ng poste habang pinapakinggan ang kilos at salita nila.

“Grabe talaga magalit si Miss Cassandra. Handang pumatay ng mga taong humahadlang sa plano niya."

“Sinabi mo pa. 'Yung babae kanina sa tingin ko hindi na tatagal 'yon dahil mukhang may sakit. Tsk tsk."

Aatras sana ako nang may maramdaman akong nakatutok sa may ulo ko.

“Itaas mo ang kamay mo kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo. Lakas ng loob mong magpunta dito mag-isa."

Dahandahan kong itinaas ang mga kamay ko habang umiikot paharap sa lalaking nagtutok sa'kin ng baril. Agad kong hinampas ang kamay niyang may hawak ng baril at agad kong binali ang braso niya. Napahiyaw siya sa sakit lalo pa ng hinampas ko sa ulo niya ang baril at nawalan siya ng malay.

“Tsk. Asshole!"

Narinig ko ang pagtakbo palapit sa'kin ng dalawang lalaki na nag-uusap kanina. Agad ko silang tinutukan ng baril pero nagulat ako nang bigla na lang silang bumagsak sa sahig. Parehong may tama ng bala sa dibdib. Nilingon ko kung saan nanggaling iyon at nakita ko ang mga pulis. Sumaludo sa'kin ang isa.

“Sir, they're already searching the area," sabi nito.

Tumango ako. "Thank you."

Mayamaya lang ay nagsilapitan sa amin ang mga pulis na naghalughog sa buong lugar.

“Wala ng ibang tao sa loob. Mukhang nahuli tayo ng dating," sabi ng pulis.

Naikuyom ko ang kamao sa narinig. Nahuli kami ng dating. Baka kung ano ng ginawa ni Cassy kay Crystal. Nakita kong gumalaw ang lalaking hinampas ko ng baril sa ulo kanina. Agad ko siyang kinuwelyuhan.

“Nasaan si Crystal?! Saan siya dinala ni Cassy ha?! Sumagot ka kung gusto mo pang mabuhay!"sigaw ko sa lalaki.

Inawat ako ng mga pulis sa pananakal ko sa lalaki.

“Sa p-pier. Balak patayin ni Miss Cassandra 'yung babae."

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad akong nagtungo sa pier. Siguraduhin lang ni Cassy na maaabutan kong buhay si Crystal kundi ako mismo ang papatay sa kan'ya.

Basta ko na lang ipinarada ang kotse ko at tinakbo papasok ang pier. Sa laki ng lugar na ito hindi ko alam kung nasaang parte sila. Pero kung may balak ngang masama si Cassy kay Crystal sigurado akong nasa tagong parte sila ng pier.

“Itigil mo na 'to Cassandra!"

Napalingon ako at nakita ko si Crystal na nakatali ang mga kamay at paa sa may gilid ng daungan ng barko. Mataas ang parteng iyon at maaaring mahulog si Crystal kapag tinulak siya ni Cassy.

“Cassy!" sigaw ko at napalingon siya sa akin.

Itinutok niya sa akin ang baril at lumapit kay Crystal.

“Huwag kang lalapit! Babarilin ko ang babaeng 'to at ihuhulog para hindi mo na siya makasama kahit kailan!" sigaw ni Cassy.

Umiling ako. "Cassy, please. Huwag si Crystal. Huwag mo siyang sasaktan please. Pag-usapan natin 'to—"

“No! Anong tingin mo sa'kin? Tanga?! Kinausap kita, Art. Nagmakaawa ako sa'yo pero anong ginawa mo?! Pinili mo pa rin ang babaeng 'to! Kaya wala kang karapatan na magmakaawa sa'kin!"

Umatras si Cassy habang nakapulupot ang braso niya sa leeg ni Crystal. Sa itsura pa lang ni Crystal halatang nanghihina na siya. Hindi lingid sa kaalaman ko ang sakit niya sa puso. Hindi ko kakayanin kapag may mangyaring masama sa kan'ya.

Mayamaya lang ay nagdatingan na ang mga pulis. Mukhang naalerto si Cassy dahil umatras pa siya lalo. Hindi niya yata napapansin na kaunti na lang ay mahuhulog na sila ni Crystal.

“Cassy please! Put your gun down!" I begged.

Lumapit sa akin ang isang pulis at bumulong. “Sir,may mga snipers na pinadala ang Governor Madrigal. Sila na ang bahala kay Miss Cassandra."

Kinabahan ako sa sinabi niya. Paano kung magkamali ang sniper at kay Crystal tumama? Paano kung masaktan siya?Shit! Mababaliw na ako.

“Art!" Napatingin ulit ako kay Cassy nang sumigaw ito.“Tignan mo kung paano ko barilin ang babaeng 'to—"

“No!!" I shouted.

Parang bumagal ang paligid nang makita kong may tumamang bala sa dibdib ni Cassy at natumba ito pero binaril niya rin si Crystal kaya nahulog ito sa dagat.

“Crystal!!"

Tumakbo ako palapit sa hinulugan ni Crystal at agad na tumalon sa dagat. Sumisid ako pero hindi ko siya nakita. Umahon ako saglit para kumuha ng hangin bago ako sumisid ulit.

‘Crystal...'

Sa pangatlong sisid ko ay nakita ko na siya. Agad ko siyang inihaon at kinalagan ng tali.

“Crystal...wake up!" I said while shaking her shoulders and checking her pulse. Buhay siya.

I immediately performed CPR on her. Hindi ko siya tinigilan. Pero kahit anong pag-revive ko sa kanya hindi pa rin siya nagigising.

“No..no..no..Crystal gumising ka!! Crystal!"

“Sir, kami na ang bahala sa kan'ya,"sabi ng isa sa mga Medical Team na kararating lang.

Inihiga nila sa stretcher si Crystal at isinakay sa ambulansya. Sumama ako hanggang sa hospital at ni isang beses ay hindi dumilat si Crystal.

“Art." Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Mr.Madrigal na kararating lang sa hospital. "Si Crystal?"

Nanlulumong tumingin ako sa ER. Ilang oras na ang nakalipas mula ng maipasok diyan si Crystal pero hindi pa rin lumalabas ang doctor para sabihin kung ayos na ba si Crystal.

“Sorry po. Hindi ko na naman po naprotektahan si Crystal. Nasaktan na naman siya ng dahil sa'kin," sabi ko.

Naupo sa tabi ko ang ama ni Crystal at tinapik ang balikat ko.

“It's not your fault. Hindi mo naman kontrolado ang isip ng Cassandra na iyon," sabi nito.

Minutes later and the doctor finally went out from the ER.

“Doc, how's my daughter?" Mr.Madrigal asked.

"We successfully removed the bullet from her chest. However, the patient was declared in coma. As I monitored her, nakita ko na mahina ang tibok ng puso niya. I think due to the happenings around her, it triggers her heart," paliwanag ng doctor.

Hindi ako makapagsalita dahil nanghihina ako sa mga narinig ko kaya si Mr.Madrigal na ang kumausap sa doktor.

“What do we have to do? Does she need a heart transplant? I can find a heart donor," Mr.Madrigal said.

“As of now,mino-monitor pa namin siya at tinitigan namin kung kakayanin pa ba ng puso niya na i-sustain ang pangangailangan ng katawan niya."

“Magpapahanap pa rin ako ng heart donor just to be ready."

“The patient will be transfer to ICU later. Excuse me," the doctor said.

“Thank you, doc,"Mr.Madrigal said. Humarap sa'kin ang ama ni Crystal. "Aalis muna ako para asikasuhin ang kaso ni Cassandra Silvia."

Tumango ako at hinayaan siyang umalis. Mayamaya lang ay nagtungo na ako sa ICU at pinagmasdan si Crystal sa glass window.

'Hang in there, baby. Don't leave me okay?'

Naupo ako sa tapat ng ICU at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang may tumapik sa akin. Napansin kong nandito na ang parents ko pati si Aireen.

“Kuya, umuwi ka na muna para makapagpahinga ka. Kami na ang bahala kay Ate Crystal," sabi ni Aireen.

Umiling ako at tinignan ulit si Crystal mula sa salamin. “Dito lang ako. Gusto ko makita niya akong nandito kapag nagising siya."

“Art, kailangan mo ring kumain at magpahinga. Hindi matutuwa si Crystal kapag nalaman niyang pinapabayaan mo ang sarili mo," sabi naman ni mommy.

Hindi ko sila pinansin. Nagtanong ako sa nurse kung p'wede ba akong pumasok sa loob at nang pumayag ito ay nagsuot na ako ng scrub suit. Umupo ako sa upuan sa gilid ng kama niya at hinawakan ang kamay niya.

“Crsytal...gumising ka na. Tinatakot mo na ako. Huwag mo akong iiwan please.vHindi ko kakayanin. Just wake up. I'll do everything you want me to do basta gumising ka lang. Mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin kapag nawala ka nang tuluyan sa akin. Please, wake up baby. I miss you..."

No response. But it's okay. I'm willing to wait for her. Hihintayin kong magising siya kahit gaano pa katagal.

Lumabas na ako ng ICU at sinalubong ako ng nag-aalalang tingin ng pamilya ko. I tried to hold back the tears but I just can't handle it anymore. Yumakap ako kay mommy at umiyak. Hindi ko na kaya ang bigat ng nararamdaman ko.

“Mom, I'm afraid. Natatakot ako sa mga.. p'wedeng mangyari. Hindi ko kakayanin kapag nawala...siya sa akin. Hindi ko kaya..."

“Sshh. Everything's gonna be okay. You just have to pray to Him and He will answer your prayers."

Tumango ako at nagpakalma ng sarili. Mayamaya lang ay nagtungo ako sa chapel. I stared at the cross before I knelt down.

I prayed to Him. I prayed for Crystal's recovery. Ipinagdasal ang lahat ng takot ko. Alam kong gagabayan Niya kami. At kung ano mang plano niya para sa amin, tatanggapin ko. I will trust His plan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top