Chapter 35
✨
Pain
I still remember a quote I once read, it takes time to heal a broken heart. But after so many years, I could still feel the pain. Nararamdaman ko pa rin ang sakit na para bang ni minsan hindi ito naghilom. Na para bang nakatago lang ito sa puso ko at ngayon ay muli itong nabuksan. Mas malalim, mas malala.
Kaya siguro hindi ko magawang mag-move on, ay dahil ayaw ko talaga. Dahil umaasa pa rin ako na baka mayroon pa. Na baka may babalikan pa ako. Pero sino bang niloloko ko? Ilang taon na ang nakalipas, tanga na lang ang maghihintay sa taong nang-iwan sa'yo nang biglaan. At ako? Tanga nga siguro ako para umasang may babalikan pa ako.
At kung nasasaktan man ako ngayon, dapat lang sa akin 'to. Dahil alam kong sobra rin siyang nasaktan noong iniwan ko siya. At ngayong nakahanap na siya ng kasiyahan, handa akong pakawalan siya. Hindi ko nga lang alam kung kakayanin ko.
"Miss, hindi ka ba sasakay sa elevator?"
Bumalik ako sa reyalidad nang may kumalabit sa akin. Doon ko lang napansin na bumaba na pala ulit ang elevator at nakatayo pa rin ako sa harap nito. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob ng elevator.
Habang paakyat nang paakyat ang elevator ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang magtaka kung ano ang ginagawa ni Art dito. At sa naiisip kong dahilan ay mas lalo lamang akong kinakabahan. Hindi ko yata kakayanin kung muli kaming magkakaharap.
Naka-assigned ako sa Financial Management dahil doon konektado ang kurso ko. Dumiretso ako sa isang pinto na may nakalagay na 'Finance' na sign.
As I opened the door, I was greeted by a rows of cubicle and there are people busy typing in front of their computer. May lumapit sa aking babae na sa tingin ko ay may edad na pero makikita pa rin ang pagiging sopistikada sa kanyang kilos.
"Hello, you must be the new employee? What's your name?" she asked.
Tumango ako at ngumiti sa kanya nang tipid. "Yes, ma'am. I'm Crystalshanna," I answered.
"Follow me, Crystal."
Sumunod ako sa kan'ya at nagtungo siya sa isang cubicle na mas malaki kaysa sa mga ibang naroon.
"Ito ang magiging cubicle mo,"sabi niya at may tinawag na isang lalaking employee. "This is Theo, he will tour you for awhile. Theo, ikaw na ang bahala kay Crystal."
Tumango ang lalaki at bahagyang in-adjust ang rounded glasses na suot niya.
"Yes, ma'am Carol," sabi ni Theo.
Umalis na si Ma'am Carol at naiwan kami ni Theo. Mukhang naiilang siya sa akin.
"Saan tayo mag-uumpisa?"tanong ko.
Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya na para bang nag-iisip.
"I'll show you the different departments here. Obviously, nandito tayo sa loob ng Finance department."
Naglakad siya palabas ng Finance Dept. at sumunod ako sa kan'ya. Sumakay kami sa elevator at nakita kong pinindot niya ang third floor, dahil nasa fifth floor kami ngayon.
Nang makarating sa third floor ay nakita kong buong floor ay may mga cubicles at mga employees na maraming ginagawa.
"Nandito ang Human Resource Management. Sa second floor naka-locate ang Managers offices. Nandoon lahat ng office ng mga middle and lower manager. Let's go."
Muli kaming sumakay sa elevator at nagtungo sa fourth floor. Dito naman ay nakita kong sa kabilang gilid ay may malaking kwarto na salamin ang pader kaya kitang-kita ang mga gamit sa loob. Mistulang pictorial room iyon. At sa kabila naman ay mukhang radio station.
"Ito ang Marketing Management. Kapag may mga endorsements at advertisements ay dito nila iyon ginagawa."
Tumango lang ako sa sinasabi niya. Napakalaking kompanya kasi ng BGcorp., kaya hindi na nakapagtataka na nafe-features ito sa iba't-ibang magazines and commercials.
After doon ay muli kaming sumakay ng elevator at inisa-isa namin ang bawat floor. It turns out that this building has fifteen floors including the ground floor and the rooftop.
Paakyat na kami ngayon sa 14-floor kung nasaan nandoon ang CEO's office. Buong floor daw ang ino-occupy ng CEO kaya hindi p'wedeng basta-bastang umaakyat doon ang mga employees.
Paglabas namin ng elevator ay napansin ko na may isa pang pinto at sa gilid no'n, nandoon ang table ng secretary nito. Tumayo ito at ngumiti sa amin ni Theo.
"Hi, Jannel. Nandiyan ba si Sir?"tanong ni Theo.
"Yes, nasa loob si Mr.Baltazar, kasama ang fiancee niya. Kararating lang."
Naestatwa ako sa narinig ko. Mr.Baltazar? Coincidence lang ba na pareho sila ng apelyido ni Art? At coincidence lang din ba na nakita ko si Art kanina? Hindi naman siguro siya ang CEO dito, 'di ba?
Mas lalong hindi ako nakagalaw nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa office ng CEO at ang paglabas doon ng nag-iisang taong nagpapabilis sa tibok ng puso ko. Parang bigla ay nahirapan akong huminga kaya mahigpit ang kapit ko sa aking bag. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko at parang anumang oras ay babagsak ako.
Kitang-kita ko ang ngiti sa mga labi niya. Ang ngiting biglang nawala nang magtama ang paningin naming dalawa. Parang may gumuhit na sakit sa dibdib ko nang tumingin siya sa akin gamit ang malamig niyang tingin.
I missed him so much. I missed him so much that it hurts me. I want to hug him. I want to tell him that I still love him. But I know, I know that he already moved on.
"Good morning, sir Art. This is Crystalshanna, the new employee from Finance Management," Theo said.
Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa. Naramdaman kong bigla akong siniko ni Theo. Huminga ako nang malalim bago pinilit na magsalita.
"G-Good morning, sir. Nice to meet you." Again.
Tumango lang si Art bago humarap sa secretary niya. Naramdaman ko ang pagtubig ng mga mata ko kaya agad akong kumurap.
Kaya ko 'to. Ako naman ang dahilan kung bakit nangyayari ito, kaya dapat lang na kayanin ko 'to.
"Jannel, cancel all my meetings for today, I have a date with my fiancee," he said.
Another pain strikes to my heart. He really loves his fiancee. Hindi ko maiwasang isipin, kung hindi ba ako umalis, ganito rin ba ang mangyayari sa amin? Magtatagal pa rin ba kaya kami?
Pero wala ng sense kung iisipin ko iyon, dahil wala nang magbabago. I lost him already. At kahit masakit tanggapin, alam kong hindi ko na siya makukuha ulit.
Matapos makipag-usap sa secretary niya ay muli siyang pumasok sa loob ng kanyang office. Nakatulala pa rin ako at alam kong nalilito na sila Theo sa reaksyon ko.
"Ayos ka lang? Para kang nakakita ng multo," sabi ni Theo.
Tipid akong ngumiti at tumango. "Ayos lang ako. Ahm, magco-comfort room muna ako," sabi ko at tumalikod na ako agad.
Bawat floor ay may banyo pero pinili kong sa may lobby ako magpunta. Pagkapasok ko pa lang ay hindi ko na napigilan ang maiyak. Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang paghikbi ko.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. At kailangan ko itong pigilan dahil baka bumalik ang sakit ko sa puso. Bawal sa akin ang makaramdam nang sobrang emosyon. Isa iyon sa dahilan kung bakit ako umalis noon. Kailangan kong ipahinga ang puso ko. At ngayon, natatakot akong bumalik iyon dahil mas delikado.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo at ang tunog ng heels ng pumasok.
"Hey, are you crying? What happened?"
Nilingon ko ang babaeng nagsalita at nagulat ako nang makitang fiancee ni Art iyon. Bahagyang nakakunot ang noo niya dahil sa pagtataka kung bakit ako umiiyak. Napakaamo ng mukha niya na mukhang hindi nakagagawa ng kasalanan.
Parang mas lalong gusto kong umiyak. Bakit parang napakabait niya? Bakit hindi na lang maldita ang naging fiancee ni Art? Ang hirap isipan nang masama ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Atleast kung hindi siya mabait, pwedeng-pwede ko siyang isumpa sa isip ko.
"Hey, miss. Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"tanong niya ulit.
Umiling ako at yumuko. Pero parang gusto kong sabihin na masakit ang puso ko.
"Okay lang ako. Salamat," sagot ko.
Parang ayaw niya pa maniwala pero hinayaan na lang din niya ako. Nakita kong nag-retouch siya ng make-up niya. Saglit ko lang inayos ang sarili ko bago ako lumabas.
At gusto ko na lang kutusan ang sarili na lumabas ako agad. Dapat pala pinauna ko na lang ang fiancee ni Art. Hindi ko naisip na baka naghihintay sa labas ng banyo si Art.
Nagkasalubong kami at napahinto ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung iiwasan ko ba siya o babatiin bilang respeto kasi amo ko siya. Pero sa huli ginawa ko lang kung ano ang tamang gawin.
"Good morning, sir," sabi ko.
Nang hindi siya sumagot ay naglakad na ako ulit at nilampasan siya. Dumiretso ako sa elevator para magtungo na sa fifth floor kung nasaan ang cubicle ko.
Habang binubuklat ko ang mga folders na nandoon ay nabasa ko ang pangalan ng kompanyang pinasukan ko. BaltazarGuevarra Corp.
Bakit ba ngayon ko lang nalaman ang ibig sabihin nito? Edi sana hindi ko na tinanggap ang offer nila.
Mabilis na natapos ang araw at inaayos ko na ang gamit ko. Pinauna ko ng sumakay ng elevator ang mga kasamahan ko dahil ayaw kong makipagsiksikan.
Sa susunod na pagbaba ng elevator ay tatlo na lang kaming sumakay. Pagbukas ng elevator ay nakita kong nakasakay din doon si Art. Mag-isa lang siya. Ilang beses ko ba siya masasalubong dito? Parang nananadya naman yata ang tadhana.
Huminto ang elevator sa first floor at lumabas na ako habang si Art ay sa ground floor pa ang baba dahil nandoon yata ang kotse niya.
Nag-aabang ako ng sasakyan pauwi nang may sasakyang huminto sa harapan ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Bumaba ang bintana ng kotse at nakita ko ang madilim na mukha ni Art.
"Sakay."
Para akong kinapos sa hangin nang sabihin niya iyon. Bakit niya ako pinapasakay sa kotse niya? May balak ba siyang patayin ako? Baka ihulog niya ako habang nasa daan kami.
"A-ano?"
Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil sa pagkautal ko. Masyado akong halata na may epekto pa rin siya sa akin.
"Don't make me repeat what I said," he said, dangerously.
"Ano bang kailangan mo, sir? Kaya ko pong mag-commute."
Nag-igting ang panga ni Art at nakita ko kung paano humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela ng sasakyan.
"Get in, Crystal or I will drag you inside this fucking car!"
Napaigtad ako sa pagsigaw niya. Galit na talaga siya. Wala akong choice kundi sumakay sa sasakyan niya.
He starts driving and I don't know where he will take me. My heart beats faster and even faster as minutes pass by.
"I believe, you have a lot of explaining to do."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top