Chapter 34


Memories

Crystal

Nakatanaw sa malawak na karagatan at sa maaliwalas na kalangitan, dinarama ko ang lamig ng simoy ng hangin. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang muling pagbabalik ng alaalang pilit kong kinakalimutan. Mga alaalang nagdulot sa akin ng sakit at dusa kung kaya't naisipan kong lumayo.

Hindi ko inakalang magigising pa ako. At  ang una kong nakita ay ang taong naging dahilan kung bakit ako nasaktan nang sobra. Gustuhin ko man siyang yakapin ulit, hindi ko ginawa.

Nagmulat ako at sinalubong ng puro puting kapaligiran. Dahandahan kong iginalaw ang aking paningin at doon ko napansin ang lalaking nakayuko sa gilid ng kama ko. Base sa kanyang paghinga ay mukhang tulog na siya.

Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Miss na miss ko siya. At nawawasak ang puso ko dahil sa mga nangyayari. Siguro kaya ako binigyan ng isa pang pagkakataon na mabuhay ay upang maitama ko na ang mga mali ko. Siguro dapat ko ng ihinto ang kabaliwan na ito.

Lalayuan ko na si Art. Papalayain ko na siya.

"Anak, sigurado ka ba sa desisyon mo?" tanong ni mama habang nakatingin kay Art na ngayon ay natutulog na sa sofa.

Siguro, ilang araw na siyang puyat at pagod kaya sobrang lalim ng tulog niya ngayon.

"Opo, 'ma. Mas makabubuti po siguro kung lumayo na ako nang tuluyan. Pareho lang po kaming masasaktan sa ginagawa namin," sagot ko.

Balak ko sanang pumuntang probinsya at doon na manirahan pero hindi pa ako pwedeng umalis ng ospital ngayon kaya magpapalipat na lang muna ako sa ibang kwarto habang nagpapagaling. Si mama na ang bahalang magsabi na dinala ako sa ibang lugar upang doon magamot.

Ilang araw ang lumipas at patuloy akong nagpapagaling sa ospital. Alam kong ilang araw na ring nagpapabalik-balik si Art dito sa ospital upang alamin kung saan ospital ako inilipat. Naaawa na ako sa kanya pero kailangan ko itong gawin para sa aming dalawa.

"Shan!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Julius, isa sa mga naging kaibigan ko rito sa Cebu. Hinihingal pa siya pagkalapit sa akin at may kaunting pawis sa kaniyang noo.

"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. Napagod ako,alam mo ba 'yon?"hinihingal na sabi niya.

"Bakit mo ba ako hinahanap?"tanong ko.

"Kasi naman, gumising daw ang mama mo tapos wala ka na sa kwarto mo. Alam mo naman si Tita Christine, napaka-over protective sa'yo kaya ayun, pinahanap ka sa akin."

"Si mama talaga. Nagpahangin lang naman ako."

Tinitigan ako ni Julius at hindi ko maiwasang mailang. Hindi lingid sa akin kung ano ang nararamdaman niya pero sadyang may ibang nakatatak na sa aking puso.

"Iniisip mo na naman ba siya?"

Hindi ako sumagot. Alam kong nasasaktan si Julius sa tuwing nakikita niyang naaalala ko pa rin ang lalaking mahal ko. Noon hanggang ngayon.

"Shan, ilang taon na ang nakalilipas. Bakit hindi mo buksan ang puso mo para sa iba at pakawalan ang nakaraan na? Sigurado ka bang naiisip ka rin ng lalaking iyon ngayon? Baka nga may asawa na iyon, e."

Bumuntonghininga ako. Ilang taon na pala ang nakalipas. Pero lahat ng alaala ko kasama siya, malinaw na malinaw pa rin sa isip at puso ko. Hindi ko pa rin siya makalimutan. Para akong nahulog sa isang bitag at habang buhay na hindi makakawala. Napakadaling sabihin para sa kanila na kalimutan ko na ang lahat, pero para sa akin sobrang hirap gawin no'n. Para nila akong inutusan na pigilan ko ang aking puso sa pagtibok nito.

"Crystal, sigurado ka ba sa desisyon mo? Babalik ka talaga sa Maynila?" tanong ni mama habang nasa hapagkainan kami.

Nang makapagtapos ako ng pag-aaral dito sa Cebu sa kursong Accountancy, naraming job offers sa akin sa Maynila. Ayaw ko mang bumalik pa roon ay kailangan dahil mas may opportunity akong makukuha. Noong una ay pinilit kong magtrabaho rito ng ilang taon pero hindi talaga kaya. Kung doon ako sa Maynila mas matutulungan ko pa si mama sa mga gastusin. Hindi ko kasi ginagalaw ang mga ipinapadala ng aking ama, nais kong magtrabaho at umunlad gamit ang sarili kong pera.

"Opo, 'ma. Magiging ayos naman po ako roon. Huwag na po kayong mag-alala."

"Alam ko namang magiging ayos ka sa Maynila pero ang puso mo ba, kakayanin kung sakaling magkita kayo ulit?"

Napag-isipan ko na rin iyon. Kung sakaling magkita kami sa Maynila na hindi imposibleng mangyari, siguro iiwas na lang ako. Alam ko namang galit siya sa akin. At wala akong balak bumalik pa sa buhay niya. Alam ko namang malapit na siyang ikasal dahil nababasa ko sa mga magazines na siya ang tinatalakay. Maging sa internet ay siya rin ang usap-usapan. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi si Julianna ang papakasalan niya. Akala ko pa naman silang dalawa na ang magkakatuluyan.

"O siya sige, kung buo na ang desisyon mo nandito lang ako para suportahan ka. Huwag mo ring kalilimutan na dumalaw sa papa mo ha? Miss na miss ka na no'n," sabi ni mama.

Kinagabihan ay hindi ako makatulog kaiisip kung ano ang mangyayari sa akin sa Maynila. Para akong nasasabik at kinakabahan sa magiging kapalaran ko roon.

"Miss,"

Napadilat ako nang may tumapik sa akin. Bumungad sa akin ang mukha ng flight attendant na nakangiti.

"I just want to inform you that the plane will land soon,you should fasten now your seatbelts," she said.

"Salamat."

Inayos ko na ang seatbelts ko at mayamaya lang ay lumapag na ang eroplano sa NAIA. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nandito na ulit ako sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Huminga ako nang malalim bago tumayo at kinuha ang mga bagahe ko.

Pagkalabas ko ng airport ay agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa dati naming apartment ni mama. Doon ako magi-stay habang nagtatrabaho ako rito sa Maynila. Ayaw ko namang doon kila Papa manirahan.

Wala pang pagkain sa apartment kaya lumabas ako ulit para mag-grocery. Mabuti na lang at may budget pa ako.

Bawat produkto ay sinisipat kong mabuti kung masustansya ba ito at mura. Kailangan kong magtipid para mabuhay ako.

"Shanna?"

Napahinto ako sa ginagawa nang may tumawag sa akin. Iisang tao lang ang tumatawag sa'kin nang ganoon. Lumingon ako at nakita ko ang lalaking naging kaibigan ko rin.

"Kryan!"I exclaimed.

Sa sobrang tuwa ay napayakap ako sa kanya. Hindi ko aakalaing magkikita kami agad.

"Shanna, where have you been? Na-miss kita, sobra," sabi ni Kryan.

Nakonsensya naman ako dahil umalis ako nang hindi nagpapaalam sa kanila. Nakalimutan kong may mga kaibigan pala akong maghahanap sa akin.

"Ahm, sa Cebu lang. Kaluluwas ko lang kanina," sagot ko.

"It's been years. Mas lalo kang gumanda. Hiyang ka yata sa hangin pamprobinsya."

"At ikaw, bolero ka pa rin."

Mas lalo rin naman siyang gumwapo at tumangkad. Dati kasi hanggang mata niya pa ako pero ngayon hanggang leeg na lang.

"Why don't we hang-out sometimes to catch up?" sabi ni Kryan.

"Sige ba."

Masaya akong umuwi dahil atleast may nakita ako ulit na kaibigan. Hindi na ako nagpahatid pauwi kay Kryan dahil may lakad pa pala siya. Sa makalawa na ako papasok sa trabaho kaya may panahon pa ako para ihanda ang sarili ko.

Kinuha ko ang magazine na binili ko kanina dahil siya ulit ang nasa cover nito. Sa tuwing kinukuhanan siya ng litrato, palaging seryoso ang mukha niya. Nagtataka rin ako kung bakit hindi siya ina-address bilang doctor. Sa ilang taon na lumipas ay sigurado akong graduate na siya sa course medicine.

Binasa ko ang mga nakalagay doon.

Art Francis Baltazar spotted together with his fiancee, Cassandra Silvia, at the most expensive Italian restaurant in Paris. In front of them is a wedding organizer whom they choose to handle their upcoming wedding.

Mapait akong napangiti habang tinitignan ang larawan. Nakangiti si Art sa fiancee niya at makikitang mahal na mahal niya talaga ito. No doubt na niyaya niya itong magpakasal. Maganda si Cassandra at mukhang galing sa kilalang pamilya. Bagay na bagay silang dalawa.

Tama na,Crystalshanna. Sinasaktan mo lang ang sarili mo.

"Manong sa tabi na lang po,"sabi ko sa jeepney driver.

Ngayon ang unang araw ko sa trabaho at sinigurado kong maaga akong umalis sa bahay pero dahil sa traffic ay mukhang male-late pa yata ako.

Tinakbo ko papasok ang entrance ng kompanya. Pasarado na ang elevator nang makalapit ako. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang dalawang taong naghahalikan sa loob no'n. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko.

"Art."

Hindi ko nagawang pindutin ang button ng elevator nang muli itong bumaba. Mabuti na lang at may ibang paakyat din kaya sila na ang pumindot doon.

Bakit ganon pa rin ang epekto sa akin ni Art? Bakit parang walang nagbago? Bakit parang mas lalong lumala?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top