Chapter 33
✨
Gone
Lumipas ang mga araw at pinanindigan ko ang sinabi kong bigyan na muna ng space ang relasyon namin ni Crystal. At siguro ganoon din siya dahil hindi ko siya nakita nitong mga nakaraang araw. Ni makasalubong ko siya ay hindi nangyari.
Naging abala ako sa pagpapa-imbestiga ng video na kinasangkutan ni Crystal. Ngayon ko pa lang malalaman kung anong resulta dahil ime-meet ko ang video inspector na na-hire ko noong isang araw.
"Sorry, I'm late,"Mike said, the video expert.
Tumango lang ako sa kan'ya at umupo na siya sa tapat ko. Sa isang restaurant kami nagkita at hindi talaga ako pumasok sa klase ko para rito. Inilabas niya ang laptop niya at iniharap sa akin.
"So, what did you find out?" I asked.
"Well, the first time I've watched the video, I can already tell that there was something wrong. Kung mapapansin mo, if you're going to zoom in to the face of the girl, magkaiba ang color ng face niya sa neck."
Tumingin naman ako doon. Medyo maputi nga ang mukha ng babae kaysa sa leeg at braso. But may ganoon naman talagang case. Minsan hindi nagpapantay ang kulay.
I motioned him to continue.
"Mapapansin din na hindi perpekto ang pagkaka-tampered ng mukha sa babae. Siguro magaling ang gumawa ng video na ito pero hindi pa sapat para takpan ang mga evidence ng pandaraya. Hindi makalulusot sa akin ang mga ganoong detalye," sabi ni Mike.
"So, you're saying that the face of the girl was tampered by other face?" I asked and he nodded. "Then, who is that girl behind the face of my girlfriend?"
May ni-click siya sa laptop niya at may panibagong video ang nag-play. But this time, hindi na mukha ni Crystal ang nakita ko. Ibang babae na ang nandoon at nakikipaghalika.
Who is this girl? Siya rin ba ang nagpakalat ng video na iyon?
Natapos ang usapan na iyon at nakahinga ako nang maluwag knowing na hindi talaga si Crystal ang nandoon. Hindi ko talaga alam kung ano ang magagawa ko kapag siya talaga iyon. Baka makagawa ako ng krimen bigla.
Umuwi ako sa bahay at nagulat ng may isang kotse ang nandoon. Sa pagkakaalala ko wala naman kaming pink na sasakyan. Kadalasang white, black and blue ang sasakyan dito sa bahay.
Pagpasok ko pa lang ay may naamoy na akong pamilyar na pabango. She's here?
Nasagot din agad ang tanong ko nang may nakita akong nagmamadaling bumaba ng hagdanan.
"Kuya! I missed you!"
"Aireen!" I exclaimed and hug my sister. That explained the pink car outside. "Why didn't you call? Para nasundo kita sa airport."
"Surprise?"she said then laughed.
"How are you? Finally,moved on?" I asked.
It's almost one year since she went to Paris. Kahit pinigilan namin siyang umalis, tumuloy pa rin siya. Gusto niya raw ng space at time para sa sarili niya.
"Why would I move on? Hindi naman ako brokenhearted kaya ako umalis. I just want to be independent," she said.
Tumango na lang ako kahit hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. I know she's just saying those things to hide the truth.
"Okay, if you say so. Pero sasabihin ko sa'yo, hindi lang ang katatapos sa break up ang may karapatang mag-move on,"sabi ko at inirapan lang niya ako kaya natawa ako.
Kahit kailan talaga may pagka-brat ang babaeng 'to. She's mean sometimes, I admit, but she also has a very sensitive emotion. That's why I hate it when she's sad, she's the princess in this family and we will protect her from pain and sadness.
"Ewan ko sa'yo kuya. Halika na, ipapakita ko sa'yo ang mga pasalubong ko. By the way,sila mom and dad pala nasa backyard naggi-grill ng barbecue para mamaya," sabi ni Aireen.
Dinala niya ako sa kwarto niya at ipinakita ang pasalubong niya sa akin. Puro branded clothes ang mga dala niya. Hindi naman talaga ako mahilig sa mga pasalubong. I just want her to go home. Sana umuwi na rin ang isa pa naming kapatid.
May nakita akong branded bags and accessories na dala ni Aireen, siguro kay mom ang iba doon.
"Ahm kuya, si Crystal ba doon pa rin nag-aaral ng college?"she asked out-of-the-blue.
Napahinto ako sa ginagawa bago sumagot. "Yes, but I haven't seen her for awhile."
"Is she...is she mad at me?"she asked.
Napakunot ang noo ko.Wala naman akong matandaan na galit si Crystal sa kaniya. Hindi naman madaling magalit si Crystal, kasi napakabait niya.
"Hindi naman. Nag-alala lang siya sa'yo kasi bigla kang nawala. But I'm sure she's not mad."
"I feel guilty, kuya. Ako ang nagsabing magkaibigan kami pero iniwan ko naman siya bigla. Puwede mo ba akong samahan sa kan'ya?"
Natigilan naman ako. Kung nasa ibang sitwasyon kami baka pumayag na agad ako. Pero hindi ko pa nga nakakausap si Crystal.
One week has passed and I still haven't seen Crystal. I missed her already, but what can I do? I pushed her away that's why she's hiding from me.
Nasa bahay lang ako ngayong araw dahil busy ang school sa pag-prepare para sa foundation of the school week event. Hindi ko naman makikita si Crystal sa school kaya mas mabuting dito na lang ako sa bahay. And Julianna called,she said that she will drop-by to see Aireen. Siguradong na-miss din niya ang kapatid ko.
"Kuya Art," Aireen called and sat beside me on the sofa.
"Why?"I asked.
"I just want to ask if...may improvement ba sa relasyon ninyo ni Crystal noong umalis ako?"
Hindi ako agad nakasagot. Wala naman akong balak magsinungaling sa kanya. Gusto ko lang sabihin iyon kapag nagkaayos na kami ni Crystal. Kaya lang hindi ko alam kung nasaan siya.
Nagpunta na ako sa bahay ng papa niya pero wala raw doon sila Crystal ang sabi ng katulong. Hindi ko rin kasi naabutan doon ang papa niya dahil abala sa trabaho kaya hindi ako makapagtanong kung nasaan sila Crystal at ang mama niya.
"Don't answer it. Alam ko na ang sagot. Ang torpe mo talaga kahit kailan, kuya," Aireen said.
Magsasalita sana ako pero narinig kong tumunog ang doorbell kaya ako na ang tumayo para lumabas. Hindi naman kasi tatayo si Aireen sa kinauupuan niya kahit utusan ko pa siya.
I opened the gate and saw Yanna carrying some boxes of pizza and drinks. I smiled at her. Ganoon niya ba namiss si Aireen at nagdala pa siya ng pagkain.
"Hi, Art," she greeted.
"Hi, pasok ka. Nasa loob si Aireen," sagot ko.
Pumasok na siya at isasarado ko na sana ang gate nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin kaya napatingin ako sa isang side. Parang may nagtatago roon pero hindi ako sigurado kaya lumabas ako at nilapitan iyon.
Paglapit ko ay nakita ko ang isang babae na tumatakbo palayo. She looks familiar. Hindi kaya...
Sinundan ko siya at nakitang sumakay siya ng taxi. Natanaw ko ang mukha niya at hindi ako nagkamali. Si Crystal iyon at umiiyak siya. Kailangan ko siyang sundan.
Bumalik agad ako sa bahay at kinuha ang susi ng kotse ko bago pinaandar iyon. Hindi na ako nag-abalang magpaalam kina Aireen at Yanna. I need to follow Crystal.
Nasa biyahe pa lang ako nang mag-ring ang phone ko. Unknown number.
"Hello," I said.
"Art, nandiyan ba si Crystal sa inyo?" tanong ng boses babae,kaboses ng mama niya ito.
"Hindi po. Pero parang nakita ko po siya kanina kaya hinahanap ko siya ngayon.Ano po bang nangyayari?"
"Hijo, please hanapin mo ang anak ko. Hindi pa siya magaling masyado pero umalis na siya ng ospital."
Ospital? Galing siyang ospital? Kaya ba hindi ko siya nakikita ng ilang araw?
"Sige po tita.Hahanapin ko po siya."
Natapos ang tawag at halos lumipad na ang sasakyan ko sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko. Saan ko hahanapin si Crystal? Hindi ko nga alam kung saan siya nagpahatid sa taxi na iyon.
Muling tumunog ang phone ko at may natanggap ulit akong tawag mula sa isa na namang unknown number.
"Hello," sabi ko.
"Hello. Si Art po ba ito?"tanong ng boses lalaki.
"Ako iyon. Anong kailangan mo?"tanong ko.
"Sir, hindi ko po alam kung kaano-ano mo yung babaeng hinatid ko pero sir kailangan ninyong pumunta dito sa may SouthBridge. May balak ho yatang magpakamatay yung babae"
Hindi na ako sumagot at agad akong nagmaneho papuntang SouthBridge. Kailangan kong maabutan si Crystal.
Sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko ay hindi na ako nagtaka nang may makita akong tatlong police mobile na nakasunod sa akin. Hindi ko na muna sila iintindihin, I'll deal with them later.
Malayo pa lang ay natanaw ko na ang tulay at nakita si Crystal. Agad kong hininto ang sasakyan at tumakbo papunta kay Crystal pero wala na siya roon. No!
"Crystal!" sigaw ko habang nakatanaw sa malawak na ilog na binagsakan niya.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at sumampa na ako sa bakal na harang at agad na tumalon. Bumagsak ako sa tubig at halos hindi ko makayanan ang lakas ng agos nito.
Umahon ako saglit upang kumuha ng hangin bago sumisid ulit. Pero hindi ko siya makita dahil hindi ganoon kalinaw ang tubig sa ilalim.
"Crystal!!" sigaw ko ulit, umaasang makakaahon siya.
Muli akong sumisid, this time mas malalim at mas matagal. Hindi naman ako nabigo dahil natanaw ko siyang papalubog. Hinawakan ko agad ang kamay niya ng makalapit ako sa kan'ya at lumangoy ako pataas.
Doon ko napansin na may mga rescuer na pala sa kabilang side. Dinala ko si Crystal sa kanila at agad naman nila siyang inasikaso.
"Crystal, don't leave me please," I said while holding her cold hand.
May sugat siya sa tagiliran at patuloy ang pagdurugo nito. Namumutla na rin siya dahil sa dami ng dugong nawala sa kaniya. Patuloy lang sila sa pag-revive sa kanya pero hindi pa rin siya gumigising. Hanggang sa maisakay siya sa ambulansya at madala sa hospital.
"Art! Anong nangyari sa anak ko?" tanong ni Tita Christine, mama ni Crystal.
"Tita, I'm sorry. Hindi ko po siya napigilan nang tumalon po siya sa tulay. It's my fault. I'm really sorry."
Kasalanan ko naman talaga. Kung pinakinggan ko sana siya. Kung hindi ko sana siya pinalayo, hindi sana aabot sa ganito. Masiyado akong nagpadala sa galit kaya nasaktan nang sobra si Crystal.
"Iho, ano bang sinasabi mo?Bakit ka nag-so-sorry?" tanong ni Tita Christine.
Hindi alam ni tita ang tungkol sa nangyari? Hindi niya alam na ako ang dahilan kung bakit nagkagano'n si Crystal?
Crystal, hanggang ngayon ba ako pa rin ang pagtatakpan mo? I don't know what did I do to deserve you.
Sasagot na sana ako nang lumabas ang doktor kaya nabaling sa kan'ya ang atensyon ni Tita Christine. Maging ako ay lumapit upang marinig ang sasabihin ng doktor.
"Doc, kumusta na po ang anak ko?"tanong ni Tita Christine.
"Malayo na sa peligro ang pasyente. Pero hindi pa namin masasabi kung kailan siya magigising."
"Diyos ko po, anak ko." Muntik nang matumba si Tita Christine dahil sa nalaman kaya inalalayan ko siya.
"Doc, gawin n'yo po ang lahat para mailigtas si Crystal, please," pagmamakaawa ko.
"We are doing everything we can. Sa ngayon, maghintay na muna tayo na magising siya. Excuse me," he said before leaving us.
Inilipat sa ICU si Crystal. At pagkatapos siyang puntahan ni Tita Christine, 'tsaka lang ako pumasok.
I broke in tears at the sight of her. She's alive but she looks lifeless. Para akong sinasaksak ng ilang beses sa sobrang sakit na nakikita ko siyang ganito.
"Crystal..." I whispered."Crystal, wake up please. I'm sorry. Sorry for everything. I love you, please don't leave me. Pangako, kapag nagising ka, I'll do everything to make you happy. Poprotektahan kita. Mas mamahalin pa kita...iyon ay kung....kung mapapatawad mo pa ako.."
I hold her hand, afraid that I might lose her. I don't want to leave her side. I'll never leave her again.
But everything changed when I woke up and she's already gone.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top