Chapter 32


Mess

Art Francis

"Your group project is great, Mr. Baltazar.I can see that you handled your team so well," Mr.Vanzuela said, our professor.

At last, after all the stressful and sleepless nights, we already finished our group thesis. Ngayon kami nag-submit ng project namin and I'm glad that our professor is impressed.

"Thank you, sir," I answered.

Pagkatapos ng usapan na iyon ay lumabas na ako ng faculty at bumalik sa room. I checked my phone and it's drained already. Nasa sasakyan pa ang powerbank ko kaya mamaya ko pa ito maicha-charge. Balak ko pa sanang i-text si Crystal ngayon. I miss her already.

Aaminin ko, nawawalan na ako ng oras sa kan'ya kaya gusto kong bumawi ngayong hindi na masyadong hectic ang schedule ko.

"Art, tapusin na natin sa bahay ang group task mamaya," sabi ni Calil, groupmate ko sa isang subject.

"Kailan nga ulit ang pasahan no'n?" tanong ko.

"On Monday, don't tell me you forget about that?"

Nasapo ko na lang ang noo ko. Akala ko pa naman mapupuntahan ko si Crystal mamaya.

"Okay. Uuwi muna ako then didiretso ako sa inyo," sabi ko.

"Sige. Hihintayin ka namin doon."

Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko si mommy na may kausap sa phone. Halatang problemado siya kaya lumapit ako sa kanya. Sakto namang binaba niya ang phone niya.

"Mom, what's wrong?" I asked.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kapatid mong si Andriuz. We're always letting him travel everywhere he wants pero dapat mag-ingat naman siya. Tapos ngayon sasabihin niya hindi siya makakauwi maski sa anniversary namin ng dad mo."

Napailing na lang ako sa katigasan ng ulo ni Andriuz. Lagi na lang niyang pinag-aalala si mom and dad sa mga dangerous travel niya. Hindi ko alam kung anong balak niya sa buhay niya, gusto yatang malagay sa peligro ang buhay.

"Mom, don't worry I'll talk to him again. He should learn to follow you and dad.Dapat nga nandito siya at nag-aaral hindi yung online studying ang ginagawa niya," sabi ko.

"Iyon na nga e. Ayos lang naman sa amin ng dad mo na ganoon siya. Mahilig magpunta sa kung saan-saan pero huwag naman iyong mababalitaan namin na naaksidente siya," sabi ni mommy at tuluyan ng umiyak.

Niyakap ko siya at pinakalma. Nagpakuha na rin ako ng tubig sa kasambahay namin at pinainom ko si mommy. Hinintay ko munang dumating si daddy galing trabaho bago ako umalis at nagtungo sa bahay nila Calil.

While on my way to their house, I dialed my brother's number and put my earpiece on.

"Hello, brother,"he casually said.

"Andriuz.What have you done now? Our parents are worried about you."

"Oh come on. Hindi pa ba kayo nasasanay? This is the life I want. Full of thrills—"

"Fuck that thrills! Bakit ba hindi ka na lang manatili dito sa bahay para naman hindi na mag-alala sila mom and dad."

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya sa kabilang linya.

"Kuya, you know that I don't like staying in one place. Mangyayari lang iyon kapag magse-settle na ako."

May sasabihin pa sana ako pero pinatay na niya ang tawag. Hayst. I just hope na makahanap na ng katapat ang kapatid kong iyon.

Nag-doorbell ako sa bahay nila Calil at pinagbuksan naman ako ng kasambahay nila.

"Nasa study room po sila, sir,"sabi ng kasambahay.

Doon ako dumiretso at naabutan ko silang nag-uumpisa na. Tumulong na rin ako para matapos kami agad. But then four hours later we are still not finish. Mukhang mag-eextend pa kami ng ilang oras.

"Guys mag-meryenda na muna kayo, o,"sabi ni Calil at nilapag ang pagkain at juice sa table.

Itinabi na muna namin ang mga gamit para hindi madumihan atsaka kami lumapit sa kaniya. Palapit pa lang ako nang tumunog ang phone ko at nakitang tumatawag si Yanna.

Nag-excuse ako sa mga kaibigan ko at lumabas na muna ng study room.

"Hello, Yanna. Napatawag ka,"bungad ko sa kan'ya.

"Where are you, Art?" she asked.

"Calil's house. Why?"

"So it might be true."

"Ang alin?"takang tanong ko.

"Someone told me that your girlfriend Crystal went to Sophie's party. Alam mo naman kung anong klaseng party iyon diba?"

Natigilan ako sa narinig. Sophie's party is all about finding relationship. Laging nagaganap iyon sa tuwing birthday niya. Hindi ko alam kung ano ang trip ng babaeng iyon.Pero ang mas inaalala ko ay si Crystal. Bakit ba siya nagpunta doon?

"Okay. I'll fetch her. Thanks," I said and ended the call.

Bumalik ako sa study room at inayos ang mga gamit ko.

"Aalis ka na, Art? Hindi pa tapos ang ginagawa natin,," sabi ni Jessica.

"I'm sorry, guys. May importante lang akong pupuntahan. Babalik na lang ako kung aabot pa," sabi ko at umalis na.

Nag-drive ako papunta sa bahay nila Sophie. Ilang minuto muna akong nag-stay sa loob ng sasakyan bago ako lumabas at nag-doorbell sa gate nila Sophie. Pinagbuksan naman ako ng kasambahay nila at pinapasok.

Sa garden ako agad nagpunta dahil doon ko naririnig ang ingay mula sa malakas na tugtog at sa mga tawanan ng mga tao.

Naikuyom ko ang kamao ko sa nakita. Crystal in the arms of someone. What a scene. So heartbreaking.

Umalis na ang lalaki bago pa ako makalapit at susundan pa sana siya ni Crystal pero pinigilan ko na siya.

"Anong—"

Hinila ko siya palabas ng gate nila Sophie. "Aray ko, Art!Nasasaktan ako!" sigaw niya at binawi ang braso niya.

Napatingin ako doon at namula iyon. Na-guilty naman ako pero galit pa rin ako.

"So now you turned to a party girl huh?" I asked angrily.

"In-invite ako ni Sophie atsaka nagpaalam naman ako kay mama—"

"Shut up!"

Napatalon siya sa gulat nang sumigaw ako.

"Ano bang problema mo?" tanong niya.

I stepped forward and she stepped back. Ican't explain the anger I am feeling now. And I'm afraid I might hurt her.

"You went here like you don't have a boyfriend so that you can flirt to other guys!"

"What are you talking about?!" she shouted.

"You can't fool me, Crystal. This party is for single people who wants to spend their night with someone!"

Nakita ko siyang natigilan na parang nagulat sa sinabi ko. Hindi niya ba alam?

"Hindi ko alam. Maniwala ka. Nagpunta lang ako dito dahil birthday ni Sophie. Ni hindi ko alam kung ano yang sinasabi mo."

"Lagi ka na lang kasing walang alam. P'wede ba kahit minsan matuto kang tumanggi! I went here to fetch you pero iyon pa ang aabutan ko? Sana hindi na lang ako nagpunta dito kung alam ko lang na nagpapakasaya ka na pala—"

"Sana nga hindi ka na lang pumunta! Sana hindi mo na ako sinundo kung aakusahan mo lang din naman ako sa bagay na hindi ko naman ginawa at hinding-hindi ko gagawin!Ganon ba ang tingin mo sa akin huh? Babaeng makikipaglandian sa iba kapag wala ang boyfriend niya?!"

"Do you want to know the truth? Yes! Nagawa mo ngang makipaghalikan kay Kryan noon diba? Noong inakusahan mo akong nakikipagrelasyon kay Julianna—"

She slapped me and just like that, I realized what I said to her.

"Bwiset ka, Art! Ayaw na kitang makita!" she shouted and ran.

Masiyado akong nagpadala sa galit ko. Nasaktan ako sa nakita ko kanina kaya ko nasabi ang mga bagay na 'yon. But it's not my intention to hurt her.

"Dude, long time no see. How's life?" Mark asked.

I went to his bar where I used to drink before. He is the manager of this place that's why he knows me.

"I messed up!" I answered.

Inabutan niya ako ng hard liquor at ininom ko kaagad iyon. I need to get wasted.

"Oh. Mukhang mess up nga. What happened?Don't tell me,you got your girl pregnant?" Mark asked.

I shot him a death glare. If I got Crystal pregnant then I wouldn't be here. I will probably celebrate but that's not what happened.

"I hurt her. I said hurtful words to her, I even shouted on her. Damn! I was so mad that time that's why I lost my control," I frustratedly said.

I drank another shot of liquor. I don't want to sleep, I don't even want to close my eyes. I'm afraid I might see her eyes full of tears. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak pero ako naman ang nagpaiyak sa kan'ya ngayon.

"You know what to do, Art. Ilabas mo ang lahat ng galit mo ngayon then bukas kapag maayos ka na, kausapin mo siya," sabi ni Mark at tinapik ang balikat ko bago bumalik sa trabaho.

Sana nga gustuhin pa akong kausapin ni Crystal. Matapos kong iparamdam na wala akong tiwala sa kan'ya. Sana nga mapatawad pa niya ako.

Hindi ako masyadong nagpakalasing dahil magmamaneho pa ako. Pero sinadya kong magpagabi ng uwi para hindi na ako tanungin ni mom or ni dad.

Kinabukasan, maaga akong nagising at agad naligo dahil balak kong puntahan si Crystal. Kailangan naming mag-usap. Pagkalabas ko ng banyo ay saktong pagtunog ng phone ko.

I opened the notification and saw that it is a video. Babalewalain ko na sana iyon dahil akala ko nagkamali lang ng tag sa akin pero nakita kong naka-tag din si Crystal doon. I played the video.

Sa video makikita si Crystal at 'yung lalaking kasama niya kahapon na naghahalikan sa loob ng isang kwarto. So,hindi lang pala simpleng hawak ang nangyari kahapon dahil may mas malala pang nangyari.

Ang kagustuhan kong makita siya at humingi ng tawad ay napalitan. Parang gusto ko na lang magkulong dito sa kwarto habang buhay. Hindi si Crystal ang nasa video, iyon ang sinasabi ng puso ko. Hindi siya ganoong babae. Hindi niya magagawa sa akin iyon.

Pero kung siya nga iyon? Anong gagawin ko? Anong mangyayari sa akin? Sa amin?

Fuck! Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. I am mad, hurt, and confused. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ako lumabas buong weekend kahit na gustong-gusto ko ng puntahan si Crystal. Wala akong lakas ng loob na harapin siya at alamin ang totoo. Natatakot ako na baka tuluyan na akong mawasak kapag umamin siya.

Ngayon, kahit ayaw ko mang pumasok ay hindi naman pwedeng hindi ko siputin ang mga ka-groupmates ko. Ngayon namin ipe-present ang ginawa naming research noong nakaraan. Umalis na nga ako ng maaga noon tapos hindi pa ako tutulong ngayon?

Pagkapasok ko pa lang sa may gate ay pansin ko na agad ang mga tingin ng mga estudyante sa akin. I'm sure they already watched the video. Hindi ko nga lang alam kung anong reaksyon nila at wala na rin akong pakealam.

Pero iyon ang akala ko. Akala ko hindi ako maaapektuhan kapag narinig ko ang mga sasabihin nila. But I was wrong. Dahil nang mapadaan ako sa isang grupo ng mga lalaking nagkukumpulan habang may pinapanood at narinig ko ang sinabi nila ay nagtangis ang bagang ko.

"Akalain mong may tinatago rin palang kaharutan itong si Crystal. Masydong mala-anghel ang mukha niya pero may sa-demonyo rin pala—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil tumama na ang kamao ko sa mukha niya.

"Magsabi ka pa ulit ng kahit anong kabastusan kay Crystal. Iswear, sa ospital ka na aabutin," galit na sabi ko.

Inawat siya ng mga kaibigan niya nang akmang susugurin niya ako.

"Give me the copy of that video." Humarap ako sa mga estudyanteng nakikiisyoso. "Kayo! Say a word against my girlfriend and you'll know what happen. Kung ano man ang video na kumakalat, hindi si Crystal iyon. So stop spreading nonsense rumors!"

Lunch time when I decided to left the campus. Ipapa-investigate ko ang video kung edited ba ito o hindi. Pero bago pa ako makasakay ay may tumawag na sa pangalan ko.

"Art."

My heart beats faster just like before. I'm not ready to face her now. But I can't help but to look at her. Nag-iwas agad ako ng tingin dahil ko kayang makita siyang ganyan. I hate seeing her crying.

"Art, let's talk please. Kung ano man iyong kumakalat na video.Hindi ako iyon." She took a deep breath before continuing. "Art, hindi ko magagawa iyon sa'yo. Maniwala ka naman sa'kin."

'I know. But I can't be with you yet, because I'm still hurting. Baka magkasakitan lang tayong dalawa.' Iyan ang mga salitang gusto kong sabihin pero hindi ko na binanggit.

"I have the video for investigation.Siguro...siguro dapat bigyan na muna natin ng space ang isa't-isa"

"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Pero gusto ko lang malaman... naniniwala ka ba sa akin?"

Lumapit ako at hinaplos ang pisngi niya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. I missed touching her. I missed her.

"Palagi naman akong naniniwala sa'yo. Kaya sana hindi ako mabigo sa bagay na pinanghahawakan ko ngayon."

Dahil alam ko sa sarili ko na kahit mapatunayang siya iyong nasa video,papatawarin ko pa rin siya. Mamahalin ko pa rin siya. 'Cause God knows I can't live without her.

I love her very much and I'm afraid that this love will break me soon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top