Chapter 31


Space

"I will not let you go to him now. Kailangan mo munang ayusin ang sarili mo. Ayoko namang mag-break down ka at mahimatay bigla," sabi ni Lianne.

"Pero—"

"Wala ng pero pero, pahupain mo muna ang issue. Paano kung may mga warfreak na nandiyan sa labas at bigla kang sinugod? Kung talagang mahal ka ni Art, iintindihin at paniniwalaan ka niya."

At iyon nga ang nangyari. Hinintay kong humupa ang issue pero hanggang sa umabot na ng Lunes ay ganoon pa rin. Umuwi ako sa bahay kinagabihan ng linggo at napag-alaman kong wala pa doon sila papa. Hindi pa rin alam ni mama ang nangyayari sa akin. Hindi ko na lang din siguro sasabihin.

Dumaan ako sa bahay nila Art pero nakaalis na raw siya sabi ng kasambahay nila. Kaya wala akong choice kundi dumiretso sa school.

"Ang kapal naman ng mukha niya, nagawa pa niyang pumasok matapos ang kahihiyan na ginawa niya."

"Sinabi mo pa, walang hiya siya para pagtaksilan si Art."

"Malandi pala talaga siya. Narinig ko na nilandi niya rin si Kryan noon."

Ilan lang iyan sa mga masasakit na paratang nila sa akin. Wala naman akong pakialam sa sinasabi nila, ang importante sa akin ay ang iisipin at sasabihin ni Art. Siya lang ang inaalala ko.

"Shanna."

Nilingon ko si Kryan na naglalakad palapit sa akin.

"I know it's very obvious that you're not okay. But I still want to ask if you're okay?" he said.

Ngumiti ako ng tipid kahit na gusto ko na namang umiyak. "Ayos lang.Hindi naman ako mamamatay sa mga sinasabi lang nila," sagot ko.

"Malalagpasan mo rin ang lahat ng ito. Alam ko namang hindi mo magagawa iyon, lalo pa kay Art."

Sana lahat ng tao katulad ni Kryan. Iyong hindi agad nanghuhusga. Pero wala naman akong magagawa kung ganoon mag-isip ang mga tao.

Lunch time nang makita ko si Art. Natanaw ko siyang nasa parking lot ng school at mukhang aalis. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at nilapitan ko kaagad siya.

"Art."

Lumingon siya sa akin at halos maiyak ako nang makitang namumugto rin ang kaniyang mga mata. Nakita kong may bandage na nakabalot sa kamay niya.

"Art, let's talk please. Kung ano man iyong kumakalat na video. Hindi ako iyon. "Pinigilan ko ang nagbabadyang luha bago ako nagpatuloy. "Art, hindi ko magagawa iyon sa'yo. Maniwala ka naman sa 'kin."

Hinintay ko siyang magsalita pero nanatiling nakaiwas ang paningin niya. Para bang ni tignan ako ay hindi niya magawa.

"I have the video for investigation. Siguro...siguro dapat bigyan na muna natin ng space ang isa't-isa"

Lumunok ako bago tumango. "Sige, kung 'yan ang gusto mo. Pero gusto ko lang malaman... naniniwala ka ba sa akin?"

Lumapit siya at hinaplos ang pisngi ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

"Palagi naman akong naniniwala sa'yo. Kaya sana hindi ako mabigo sa bagay na pinanghahawakan ko ngayon," saad niya bago tumalikod at umalis.

I didn't see this coming to our relationship. Hindi ko maintindihan kung bakit ganitong klaseng problema pa ang dumating sa amin?

Bumalik na ako sa loob at nagtungo sa banyo. Tapos na ang lunch break kaya siguro naman wala na akong masiyadong masasalubong na estudyante.

Pero iyon ang akala ko. Dahil paglabas ko ay may isang grupo ng kababaihan ang nag-aabang sa akin. Nasa pitong babae silang lahat at may kanya-kanyang balde na dala.

"Look girls, siya iyong nanloko kay Art. Ang kapal ng mukha 'di ba?" sabi ng isa.

"What a flirt! Kaya nga mas gusto ko si Yanna para kay Art. Maganda na, may delikadesa pa. Hindi katulad mo!Bitch!" sigaw ng isang mas malapit sa akin at ibinuhos ang laman ng baldeng dala niya sa akin.

Hindi ako nakagalaw agad dahil sa lagkit ng ibinuhos sa akin. Masakit din sa ilong ang amoy no'n. Gumaya na rin ang iba at ibinuhos sa akin ang mga laman ng baldeng dala nila.

Kahit lumuluha ay tinignan ko sila ng masama. Iyong tipong malalaman nilang hindi ako basta-basta susuko.

"Iyan lang ba ang kaya n'yo? Ang buhusan ako ng maduming tubig at pagsalitaan ng masasama? Ni hindi nga nasaktan maski ang hinliliit ko sa paa," sabi ko.

"Napakawalanghiya mo talaga!" sigaw ng leader nila at agad akong sinugod para sampalin pero nasangga ko kaagad ang braso niya at ako ang sumampal sa kan'ya.

Natumba siya sa basang sahig at tinulungan naman siya ng mga alipores niya.

"Bwiset kang babae ka! Girls give her the punishment she deserves," sabi pa niya nang makatayo siya mula sa sahig.

Pinalibutan ako ng anim na babaeng kasama niya. Mas mabuti na siguro ang pisikal na sakit kaysa emosyonal. Atleast mawawala agad kapag ginamot.

Hindi na ako nanlaban nang sabunutan ako ng isa sa kanila. Sunod-sunod ang natanggap kong sampal at sipa galing sa mga babaeng ito. Akala ko hindi na matatapos iyon pero nang makitang nanghihina na ako ay tumigil na rin sila.

'Yun lang iyon? Dapat tinapos na nila ako.

Pinalipas ko muna ang isang oras bago ako tumayo atsaka ako lumabas. Sumabay ako sa papalabas na sasakyan kaya hindi ako napansin ng guard. Maglalakad na lang ako pauwi dahil nakakahiyang sumakay ng jeep kung ganito ang itsura at amoy ko.

Ramdam ko ang sakit sa bawat parte ng katawan ko. Buti nga hindi ako inatake ng hika sa sobrang pagod na nararamdaman ko ngayon.

"Pst! Miss bakit basang-basa ka? Nilalamig ka ba? Gusto mo...painitin kita?"

Binilisan ko ang lakad ko sa takot doon sa lalaking mukhang adik. Naririnig ko ang mga yapak niya sa likuran ko kaya tumakbo na ako. Maliwanag pa pero walang mga sasakyan na dumadaan sa street na ito at puro talahib pa kaya paniguradong mahihirapan akong tumawag ng tulong kung sakali man.

"Ah! Bitawan mo 'ko!" sigaw ko habang nagpupumumiglas sa hawak niya.

"Saan ka pupunta ha? Kinakausap kita e."

"Bitawan mo 'ko! Ano ba!!hmph!"

Isang suntok sa sikmura ang natanggap ko at halos mahimatay ako sa sakit. Bakit ganito? Napakamalas ko naman yata. Dito na ba ako mamamatay? Mamamatay na ba akong hindi man lang kami nagkakaayos ni Art?

Nakakatawang kanina hinihiling ko pang tapusin ako ng mga estudyante sa school pero ngayon mukhang matutupad na.

"B-bitawan mo ko...parang awa mo na...." pagmamakaawa ko.

"Manahimik ka!" sigaw niya at sinampal ako.

Namanhid ang kaliwang pisngi ko at parang naalog ang utak ko sa lakas ng sampal niya. Nagpumiglas ako ulit at hindi ko napansing may kutsilyo na pala siyang hawak.

"Sorry miss! Napag-utusan lang."

"AH!"sigaw ko matapos niyang saksakin ang tagiliran ko.

Napag-utusan? Sino naman kaya ang gusto akong mamatay?Mapakla akong tumawa sa isip ko. Oo nga pala, maraming may galit sa akin ngayon.

Umalis na ang lalaki at iniwan akong nakahandusay sa gitna ng daan. Pilitin ko mang tumayo ay hindi ko na kaya. Kung dito na ako mamamatay, sana malaman ni Art kung gaano ko siya kamahal. At si mama, sana hindi siya mahirapan sa pagkawala ko.

Kumirot muli ang sugat ko bago ko tuluyang isinara ang aking mga mata.

Nang dumilat ang mga mata ko ay sumalubong sa akin ang puting kisame. Iisipin ko na sanang nasa langit na ako kung hindi ko lang narinig ang boses ng mga tao sa paligid.

"Thank God, you're awake!" sabi ni Lianne.

"Nag-alala ako ng sobra anak. Akala namin hindi ka na magigising. Pero dininig ng Diyos ang mga dasal ko," sabi naman ni mama.

Sinubukan kong tumayo pero kumirot ang sugat ko kaya bumalik na lang ako sa pagkakahiga. Nakaramdam ako ng matinding uhaw kaya pinainom na muna ako ni mama ng tubig.

"Ilang o-oras na po akong t-tulog?" tanong ko.

Nagkatinginan sila mama at Lianne.

"Isang linggo ka ng tulog mula nang may makakita sa'yong nakahandusay sa kalsada at may saksak."

Isang linggo? Ganoon katagal?

"Si Art po...nagpunta na ba siya dito?" tanong ko.

Kung isang linggo na ang nakalipas malamang may resulta na ang imbestigasyon doon sa video. Dapat nalaman na nilang hindi talaga ako ang nasa video na iyon. Dapat nagpunta na dito si Art.

"Hindi pa siya nagpupunta dito, Crystal."

May kumirot sa puso ko dahil sa narinig. Hindi pa? Pero bakit? Wala na ba talaga siyang pakealam sa akin? Hindi na ba ako importante sa kan'ya?

"Sshh. Huwag ka ng umiyak anak. Hindi ka pa mas'yadong magaling," sabi ni mama.

"Gusto ko pong makita si Art...gusto ko pong nandito siya..."

"Sige, anak. Papapuntahin ko siya dito."

Umasa ako sa sinabi ni mama. Hanggang sa tatlong araw na naman ang lumipas pero walang Art na dumating. Gustong-gusto ko na siyang makita kaya ako na lang ang gagawa ng paraan.

"Anak, uuwi na muna ako ha. Kukuhaan kita ng mga malinis na damit. Si Lianne na muna ang magbabantay sa'yo," sabi ni mama.

"Sige po, 'ma," sagot ko.

Pagkalabas ni mama ng k'warto ay siya namang pagpasok ni Lianne. Silang dalawa ni mama ang salitang nagbabantay sa akin. Si papa naman ay dumadalaw pero mabilis lang dahil abala rin siya sa trabaho at sa pagpapaimbestiga sa nangyari sa akin.

"Bes, magba-banyo lang ako ha. Naparami yata ang kain ko kanina," sabi ni Lianne at nagtungo sa banyo.

Nang masara niya ang pinto ay agad akong bumangon at tinanggal ang dextrose sa kamay ko. Nakaplano na ang dapat kong gawin. Nakasuot na ako ng pormal na damit sa loob ng hospital dress ko kaya hindi na ako mahihirapan magbihis.

Lumabas ako ng k'warto at kaswal na naglakad sa hallway ng hospital habang nakayuko. Masakit pa rin ang sugat ko pero hindi ako p'wedeng magpahalata kaya tiniis ko iyon.

Pagkalabas ng hospital ay pumara agad ako ng taxi. Sinabi ko ang address ng bahay nila Art. Kasabay ng pagkirot ng sugat ko ay ang pagkabog ng dibdib ko.

"Dito na lang ho," sabi ko sa driver mga ilang metro ang layo sa bahay nila Art. Nagbayad ako mula sa pera na nakuha ko sa bag ni mama kanina.

Huminga ako ng malalim bago ako naglakad palapit pero napatago agad ako nang may sasakyang huminto sa harap ng gate nila. Pamilyar ang sasakyan na iyon. Parang nakita ko na 'yon dati. Bumaba ang tao na nasa may driver seat.

"Julianna," sambit ko sa sarili.

Anong ginagawa niya sa bahay nila Art? At may dala pa siyang tatlong boxes ng pizza. Nice. Nagawa pa nilang maghang-out habang nasa ospital ako.

Nag-doorbell siya at ang nagbukas sa kan'ya ay si Art. Parang gusto kong manghina nang makita ko kung paano siya ngumiti kay Julianna. Napatakip ako sa bibig ko para hindi ako makalikha ng tunog mula sa pag-iyak ko.

Ito ba ang dahilan kung bakit hindi niya ako mapuntahan sa hospital? Ako ang biktima dito. Pero bakit si Julianna pa rin ang kasama niya? Bakit ako na naman ang nababalewala?

Lumingon ako ulit sa kanila at nakita kong pumasok na si Yanna sa loob habang si Art naman ay biglang tumingin sa side kung nasaan ako. Mabuti na lang at nakapagtago ako agad sa puno. Ayokong makita niya ako sa ganitong sitwasyon. Baka hindi ko na lalong kayanin kapag ngayon niya sasabihin sa akin na wala na talagang pag-asa.

Sumilip ulit ako at nakitang naglalakad siya papunta sa kinaroroonan ko kaya agad akong lumiko sa kanto na malapit sa akin at tumakbo palayo. Takbo lang ako nang takbo habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Kailan ba matatapos ang sakit na nararamdaman ko! Ayoko na! Pagod na pagod na ako!

Pumara ulit ako ng taxi.

"Saan po kita ihahatid, ma'am?" tanong ng driver.

"Kahit saan."

"Ma'am, may sugat po kayo. Dapat sa hospital ko po kayo ihatid."

Doon ko lang napansin na dumudugo na ulit ang sugat ko. Bumuka yata ang tahi nang tumakbo ako kanina.

Hindi na kumibo ang driver at nagmaneho na lang. Habang nasa biyahe ay nakatanaw lang ako sa labas at hinayaang umagos ang luha ko. Baka sakaling kapag naubos na ito, hindi na ako iiyak pa.

Napadaan kami sa isang tulay kaya napaayos ako ng upo.

"Manong, dito na lang po," sambit ko.

Nakita ko ang pagkalito sa mukha ng driver pero sinunod niya pa rin ang sinabi ko. Binigay ko sa kaniya ang lahat ng pera sa wallet ko bago ako bumaba.

Pinagmasdan ko ang kalangitan habang nasa gilid ako ng tulay. Umihip ang malakas na hangin kaya napapikit ako. Kumikirot pa rin ang sugat ko pero binalewala ko iyon. Kinapa ko ang kuwintas kung saan ko isinabit ang singsing na ibinigay sa akin ni Art at tinanggal ko ito.

Nangako kaming hindi namin susukuan ang isa't isa. Pero mukhang imposible na naming matupad iyon. Paulit-ulit lang kaming nagkakasakitan.

Muling humangin nang malakas kaya nabitawan ko ang hawak kong k'wintas. Sinubukan kong abutin iyon pero nadulas ako at agad na nahulog mula sa tulay.

Ramdam ko ang hampas ng hangin sa katawan ko bago ako tuluyang bumagsak sa tubig. Sobrang lakas ng pagkabagsak ko sa tubig at parang naubusan agad ako ng hininga. Pero sinubukan ko pa ring lumangoy kahit pa hindi ako marunong.

Muling kumirot ang tagiliran ko at nakita ko ang pagdugo nito. Suminghap ako at nakainom ng tubig kaya mas lalo akong naubusan ng hininga.

Kahit anong pilit kong paglangoy ay hindi ko na magawang makaahon. Hanggang sa tuluyan akong nagpadala sa tubig at hinayaang lumubog ang katawan ko.

Siguro nga...dito na talaga magtatapos ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top