Chapter 3
✨
Lunch
"Crystalshanna Andrada!"
Bumalik ako sa reyalidad nang biglang sumigaw si Lianne sa harap ng mukha ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya.
Kasalukuyan kaming nandito sa karinderya sa tapat ng school dahil mamaya pa ang klase namin. Abala ako sa pagtanaw sa mga estudyante sa labas at kanina ko pa napapansin 'yung isang lalaking umaaligid doon sa isang babaeng estudyante rin sa school na pinapasukan namin.
Hindi siya napapansin ng babae dahil busy siya sa kakadutdot sa cellphone niya. Sa itsura pa lang ng lalaki ay halatang may balak na itong masama.
"Hay naku, Crystal. Huwag mong sabihin sa akin na kaya hindi mo type si Art ay dahil mas bet mo ang kapatid niyang si Aireen? Kung makatitig ka akala mo wala ng bukas, e."
Napalingon ako kay Lianne nang sabihin niya 'yon. "Kapatid niya ang babaeng 'yon?" gulat na tanong ko.
Tumango siya. "Oo. Aminin mo nga sa akin, natotomboy ka ba kay Aireen? Alam kong sobrang ganda at talagang nakakabaliko. Sigurado ka na ba sa daang tatahakin mo?"
Napaismid ako sa kadramadahan ng kaibigan ko. Porke't nakatitig may gusto na kaagad?
"Sira ka! Hindi ko gusto si Aireen, 'no. Puro ka talaga kalokohan," sabi ko at ininom ang softdrinks na hawak ko.
"Buti naman. Pero kung sakaling nararamdaman mong iba ka, sabihin mo lang sa akin. Tanggap naman kita, e."
"Tumigil ka nga. Hindi nga..."
"Help! Help! Hinablot niya ang phone ko! Help!"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil narinig ko ang pagsigaw ni Aireen. Sinasabi ko na nga ba.
Lumabas ako mula sa karinderya bago siya nilapitan.
"Saan tumakbo 'yung snatcher?" tanong ko.
"Doon! Please, I need my phone back," natatarantang sabi niya.
"Huwag kang mag-alala. Babawiin ko ang cellphone mo," sabi ko at agad na hinabol 'yung snatcher.
May asthma ako pero sanay akong humabol ng masasamang tao. Doon sa lugar namin madalas dumadaan ang mga snatcher kaya nasanay na ako. Hindi ko lang matiis na manood na lang habang may ibang nabibiktima ng mga masasamang tao.
Binilisan ko pa ang pagtakbo at nang makalapit ako sa snatcher ay agad kong hinila ang kuwelyo niya dahilan ng pagbagsak niya sa semento. Hindi naman siya gano'n kabilis tumakas. Halatang baguhan pa lang 'to.
"Walanghiya ka! Kaya 'di umuunlad ang bansa natin dahil sa mga katulad mo!" sigaw ko at sinipa siya ng isang beses. "Ibigay mo sa akin ang cellphone!"
Tinitigan niya lang ako ng masama. Aba't ginagalit niya ako, ah. Huwag niya akong pinipikon ngayong hinihingal ako.
"Akin na ang cellphone!"
Nagulat siya sa mas malakas na sigaw ko kaya agad niyang inabot sa akin ang cellphone. Sakto namang dumating ang mga pulis kasama si Aireen.
"OMG! My phone! Buti hindi ka tuluyang nanakaw. Thank you, miss. Ang galing mo," masayang sabi ni Aireen.
Halatang importante sa kaniya ang phone niya.Napansin ko din na magkamukha nga sila ni Art. Parang babaeng version lang. Iyon nga lang palangiti siya pero si Art nakabusangot palagi.
"Walang anuman. Sa susunod huwag mo ng gamitin ang phone mo kapag nasa public places ka," paalala ko.
"Noted. Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan. Nandito kasi sa phone ko ang lahat ng mga pictures ng idol ko."
Umiling ako. "Sapat na ang thank you."
"No. Hindi sapat 'yon. Sa bahay ka na mag-lunch mamaya. Magkapareho tayo ng uniform kaya I guess magka-schoolmate tayo."
Natigilan ako sa alok niya. Hindi pa kami gaanong magkakilala pero iniinbitahan na agad niya ako sa bahay nila. Gano'n ba talaga kagalante ang mga mayayaman? Simpleng pasasalamat lang kailangan talaga bonggahan.
"Kahit huwag na—"
"I insist. Hintayin mo ako sa parking lot mamayang lunch break. Don't worry, sabay din tayong babalik dito sa school."
Mukhang hindi na ako makakatanggi pa. Wala naman sigurong masama kung paunlakan ko ang imbitasyon niya. Ang inaalala ko lang ay baka makita ako ni Art sa bahay nila. Baka isipin niya, gumagawa ako ng paraan para makita siya.
"Bes! Muntik na akong atakihin sa puso nang bigla kang tumakbo kanina! Ipapaalala ko lang sa 'yo, ano, may asthma ka," panenermon ni Lianne.
Hinila ko siya palayo doon at sabay kaming naglakad pabalik sa school.
"Oo, alam ko. Tinulungan ko lang naman si Aireen," sabi ko.
"E, ano namang kapalit ng pagtulong mo? Atake ng asthma gano'n?"
"Niyaya niya akong mananghalian sa bahay nila," nakangising sabi ko.
Nakita ko kung paano napalitan ng pagkagulat ang reaksyon niya. Sabi ko na nga ba at magugulat siya kapag nalaman niya.
"Talaga? OMG! Ang swerte mo, bes. Isilip mo na lang ako kay Art ko ha?"
Natawa ako sa sinabi niya. Talagang crush na crush niya si Art, ha. Kadalasan naman, mabilis siyang magpalit ng crush pero iba yata ngayon. Ilang linggo na pero siya pa rin ang bukambibig ng kaibigan ko.
"Mabuti pa sumama ka na lang sa akin," pag-aya ko sa kaniya.
S'yempre para kahit papaano hindi ako ma-a-awkward doon. 'Di hamak na mas makapal ang mukha niya sa akin, e.
"Gustuhin ko mang sumama, hindi puwede. May pupuntahan ako mamayang lunch time," malungkot niyang sabi.
Bumuntonghininga ako. Wala pala akong makakasama mamaya. 'Di bale, lunch lang naman. Bibilisan ko na lang kumain.
Lumipas ang mga oras at dumating ang lunch break. Nagdadalawang-isip ako kung sisiputin ko ba si Aireen o tataguan ko na lang. Pero parang ang bastos naman kapag ginawa ko 'yon. Kaya nagpunta na lang ako sa parking lot at doon hinintay si Aireen.
Mayamya lang ay natanaw ko na siyang naglalakad papalapit kasama ang mga kaibigan niya. May sinabi muna siya sa kanila bago siya tuluyang lumapit sa akin.
"Hey, did I make you wait?" she asked.
Umiling ako. "Hindi naman. Kararating ko lang din."
"Okay. Let's go."
Pinagbuksan kami ng pinto ng driver at pareho kaming sa backseat sumakay. Ngayon lang ako makakasakay sa ganito kaganda at kamahal na kotse. Napakalinis ng loob na parang ayaw kong tapakan dahil baka madumihan.
Umandar ang sasakyan at humarap sa akin si Aireen.
"By the way, I'm Aireen Franchezca Baltazar. What's your name?" tanong niya.
Itinigil ko muna ang pagmamasid sa sasakyan bago ko siya nilingon.
"Crystalshanna Andrada. Crystal na lang ang itawag mo sa akin," sagot ko.
Tumango siya at muling itinuon ang atensyon sa phone niya. Ilang minuto lang ay pumasok ang sinasakyan namin sa isang subdivision. Namamangha ako sa kalakihan ng mga bahay. Parang mala-mansyon ang mga bahay na nandito.
Huminto ang sasakyan sa harap ng malaking gate na kusang bumukas at dumiretso ito sa loob.
"Let's go," sabi ni Aireen at bumaba na kami.
Pumasok kami sa loob ng mansyon at muli na naman akong namangha. Itong bahay nila, sa mga palabas at magazine ko lang nakikita. Siguro kahit banyo nila ay 'di hamak na mas malaki kaysa sa bahay namin.
"Hi mom! Hi dad," bati niya sa mga magulang niyang nanonood sa sala.
"Hi, sweetheart!" bati ng mommy niya at napatingin sa akin. "May bisita ka pala?" tanong ng mommy niya.
Hindi na ako nagtaka kung bakit maganda si Aireen at guwapo si Art. Nasa dugo pala nila 'yon. Maganda at sexy ang mommy niya at napakaguwapo naman ng daddy niya.
"Yes, mommy. Si Crystal po pala. Niligtas niya po ako kanina doon sa snatcher," sabi ni Aireen.
"What? Nabiktima ka ng snatcher? Nasaktan ka ba anak?" Nag-pa-panic na tanong ng daddy niya.
"Hindi po, dad. Muntik lang po akong manakawan pero nandoon naman si Crystal at hinabol iyong snatcher. Kaya nga po in-invite ko siya for lunch," sabi ni Aireen.
Nakikita ko kung gaano nila kamahal at pinoprotektahan si Aireen. Lahat naman siguro ng magulang ganito sa kanilang anak. Hindi ko nga lang alam kung ganito rin ba ang papa ko.
"Salamat sa pagtulong mo sa anak namin. You deserve a very delicous lunch. Magpapaluto ako ng mga paborito mo," sabi ng mommy ni Aireen.
Napangiti naman ako. "Hindi naman po ako maarte sa mga pagkain. Kahit ano na lang po ang ipaluto n'yo," sagot ko.
"Okay, if you say so. Doon muna kayo sa kuwarto ni Aireen. Ipapatawag ko na lang kayo kapag kakain na."
Dinala ako ni Aireen sa kuwarto niya sa second floor ng bahay. Pagkapasok ko pa lang ay napansin ko na puro posters ng isang banda ang nakadikit sa pader ng kuwarto niya. Malaki ang kuwarto niya, mas malaki sa room namin sa school.
Umupo sa kama si Aireen at binuksan ang laptop niya habang ako ay naupo na lang sa sofa sa gilid. Ang linis at ang ganda ng kuwarto niya. Ano kayang itsura ng kuwarto ni Art?
Napailing ako kaagad para mawala ang iniisip ko. Bakit ko naman gustong malaman ang itsura ng kuwarto ni Art? Nahahawaan na yata ako ni Lianne.
"OMG! Ang guwapo talaga niya."
Napatingin ako kay Aireen nang bigla siyang tumili. Mukhang may pinapanood siya sa laptop niya. Napansin niyang nakatingin ako kaya napangiti siya.
"Aireen, puwedeng makigamit ng restroom?" nahihiyang sabi ko.
Tumango siya. "Sure. Pero under-maintenance kasi ang bathroom ko kaya 'yung restroom na lang sa may hallway ang gamitin mo. Pagkalabas mo, iyong pangalawang pinto sa kaliwa ang restroom."
"Sige, salamat," sabi ko bago lumabas ng kuwarto niya.
Naglakadlakad ako sa malambot na carpet ng hallway. Gaano katagal kaya ako magtatrabaho para magkaroon ako ng ganito?Hindi ko mapigilang mainggit.
Nakarating ako sa dulo ng hallway sa tapat ng may nakalagay na comfort room. Pipihitin ko na sana ang doorknob pero bigla itong bumukas at lumabas si Art na bagong ligo at naka-topless!
Nanlaki ng todo ang mga mata ko. Tanging tuwalya lang ang takip niya pang-ibaba. Muntik pa akong mapasigaw pero napigilan ko ang sarili ko. Nakakahiya 'yon kapag nagkataon.
"Oh, you're the asthmatic girl right? What are you doing here?" tanong ni Art.
Kung magsalita siya akala mo hindi nakabalandra ang abs niya sa harap ko ah. Uso kaya magbihis muna.
"Ah, inimbita ako ni Aireen. Thank you gift niya daw sa pagtulong ko sa kaniya," sabi ko.
Todo-todong pagpipigil ang ginawa ko para hindi tumingin sa katawan niya. Iniiwasan ko ngang makita siya pero ngayon nandito naman siya sa harap ko!
"Hmmm, I see. Papasok ka ba?" tanong niya at sinenyas ang banyo.
Tumango na lang ako at pumasok sa loob. Agad ko iyong sinarado at medyo napalakas pa. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, mukha na akong kamatis dahil sa pamumula.
Tinapos ko na ang ginawa ko sa banyo pagkatapos ay bumalik na ako sa kuwarto ni Aireen. Palabas na siya pagbalik ko.
"What took you so long? Pupuntahan na sana kita, e," sabi niya.
"Ahm medyo naligaw lang, sorry," palusot ko.
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Sino nga namang maniniwala na naligaw ako gayong nasa dulong parte lang naman ang cr?
"Oh okay. Pinapababa na tayo ni mommy. The lunch is ready," sabi niya at nauna nang bumaba.
Sumunod ako sa kaniya papuntang dining area at nandoon na nga ang parents niya.
"Crystal, eat everything you want to eat okay? Feel at home," sabi ng daddy nila.
Pinagmasdan ko ang mga pagkain sa lamesa. Napakadami, daig pa ang may fiesta. Nagsandok na ako ng kakainin ko at sakto namang dumating si Art. Nakabihis na siya ngayon at mukhang papasok na sa school.
"Art, eat lunch first," sabi ni Mrs. Baltazar.
Napayuko ako nang sumulyap sa akin si Art. Umupo siya sa upuan na katapat ko at nagpatuloy sa pagtitig sa akin. Mas lalo tuloy akong nahiyang kumain.
"Crystal, hindi mo ba nagustuhan ang mga pagkain? Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo," sabi ng daddy nila.
Ngumiti ako. "Masarap po ang mga pagkain. Nagustuhan ko po," sagot ko at agad na isinubo ang pork stake.
Pero kung mamalasin nga naman, nabulunan pa ako. Napaubo ako at sinubukang uminom ng tubig pero ayaw mawala ng nakabara sa lalamunan ko.
"Crystal, ayos ka lang?" tanong ni Aireen.
Tinapik ni Aireen ang likod ko. Pero kaagad na tumayo si Art.
"No, you're doing it wrong. Let me," sabi ni Art at pumwesto sa likuran ko.
Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko na huminto sa tiyan ko. Itinulak niya ng ilang beses paitaas ang sikmura ko at naibuga ko ang nakabara sa lalamunan ko. Inabutan niya kaagad ako ng tubig.
Nang mahimasmasan ay 'tsaka ako tumingin kay Art. Ilang beses ba akong mapapahiya sa harapan niya? Puwede na ba akong magpakain sa lupa ngayon?
"S-Salamat," nahihiyang sabi ko.
Tumango siya. "I saved your life twice already. I hope you'll take care of yourself better next time."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top