Chapter 29


Busy

It's been a month since my debut. Everything went well,I guess. I am now enrolled as a college student taking up an Accountancy related course. Actually, ngayon ang unang araw ko sa university kung saan din nag-aaral si Art.

I wore my uniform. It is a gray pencil-cut skirt and a blouse with gray blazer. I tied my hair into a ponytail and put some light make-up to add color on my face. After some spray of perfume, I'm off-to-go already.

May sarili akong driver na maghahatid sa akin sa school dahil hindi naman kami pwedeng magsabay ni Yanna. Baka hindi ako makaabot ng buhay sa school.

Habang nasa biyahe ay nakatanggap ako ng text mula kay Art.

From Art:
Text me when you're at school already.I'm sorry I have to go to school early.

Napangiti naman ako. Nag-offer kasi siya noong nakaraan na ihatid ako sa campus pero kinailangan niyang pumasok ng maaga ngayon. Naiintindahan ko naman iyon, hindi naman ako ganoon kababaw para magtampo.

To Art:
It's okay. On the way na ako sa campus.

Sinend ko ang text bago ko pinatay ang phone. Mabilis lang ang biyahe papuntang school. Nakarating kami kaagad pagkatapos ng 20 minutes. Pinagbuksan ako ng pinto ng driver ko.

Ngumiti ako. "Salamat po. Tatawagan ko na lang po kayo kapag magpapasundo na po ako," sabi ko sa matanda.

"Sige po, ma'am."

Nailang ako sa tawag niya sa akin pero ngumiti na lang din ako. Pumasok ako sa loob ng gate at bigla akong may naalala. Noong unang beses na pumunta kami dito ni Lianne.

Nakakatawang ngayon ay hindi ko na kailangan pang magtago sa mga guards para lang makapasok dito, dahil dito na rin ako mag-aaral. Nilabas ko ang phone ko para i-text si Art.

To Art:
Nandito na ako.

Wala pang ilang minuto ay nakapag-reply na siya kaagad.

From Art:
I know. Look at your right.

I obeyed what he said,and there,I saw him leaning on an Acacia tree.

Sinunod ko ang sinabi niya at nakita ko siyang nakasandal sa puno. Napakakisig niyang tignan na aakalain mong isa siyang modelo na handa ng kuhaan ng litrato. Naglakad siya palapit sa akin at hindi ko maalis ang tingin ko sa gwapong nilalang na ito. Pakiramdam ko, ang tagal naming hindi nagkita.

"Hi," nakangiting bati niya.

"H-hello."

"Are you stuttering?" he teased.

Umiling ako kaagad. "Hindi kaya."

Tumawa siya at kinuha sa akin ang shoulder bag na bitbit ko. Hindi naman ganoon kabigat iyon pero dahil makulit siya, hinayaan ko na lang.

"Akala ko ba hectic na agad ang schedule mo, e bakit nagawa mo pang tumambay doon sa ilalim ng puno?" tanong ko habang naglalakad na kami papunta sa building.

"Well, I'm just relaxing. Ang ganda kasi ng view doon kanina."

Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Maganda ang view doon? E, puro mga estudyante lang naman ang matatanaw mula sa pwesto niya kanina. O baka naman may iba talaga siyang tinitignan doon?

"Psh. Magandang view daw," pabulong kong sabi.

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Sa sobrang lapit niya ay kailangan ko pang tumingala dahil sa tangkad niya.

"Bakit? Maganda ka naman talaga."

Nag-init ang pisngi ko. Nanlaki rin ang mga mata ko. So it means ako ang tinutukoy niya?

"Manahimik ka nga. Papasok na ako," sabi ko at tinalikuran siya pero nahabol niya naman agad ako.

Habang naglalakad ay kapansin-pansin ang mga tingin ng mga babaeng estudyante sa lalaking kasama ko. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang mga pasimple nilang pagngiti. Iba talaga kapag malakas ang dating. Ang tagal nang nag-aaral dito ni Art kaya bakit hindi pa sila nasasanay?

"Sabay tayo mag-lunch mamaya," sabi ni Art pagtapat namin sa pintuan ng classroom ko.

"Sige," sabi ko at kinuha ang bag ko mula sa kan'ya.

Naglakad na siya palayo at nang hindi ko na siya matanaw ay 'tsaka ako pumasok sa loob ng silid. Medyo marami nang estudyante dito sa loob kaya sa bandang likuran na ako umupo sa tabi ng lalaking nakayuko sa desk.

Pagkaupo ko ay nag-angat siya ng mukha at nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ko siya.

"Kryan?" gulat na tanong ko.

Tumingin siya sa akin at ilang sandali lang ay ngumiti siya. He probably recognized me.

"Shanna! Nice to see you here. Tingnan mo nga naman, magkaklase pa tayo," sabi ni Kryan.

"A-Akala ko mag-t-transfer ka sa ibang school?"

Tumawa siya. Mas lalo siyang gumwapo ngayon. Bagong gupit ang buhok niya at napakakisig tignan sa kanyang uniporme. Mukha namang maayos lang siya pero nang matitigan ko ang mata niya ay napansin kong para siyang puyat.

"Well, I'm here. Besides, I don't want to lose the chance to be your classmate," sambit niya.

Lumungkot ang mga mata niya pero agad din iyong nawala nang ngumiti siya. Nakaramdam ako ng pagkailang. Alam kong may gusto siya sa akin pero siguro naman naka-move on na siya.

"Masaya ako at nandito ka. Hindi ko rin alam kung paano sasanayin ang sarili ko dito sa college campus."

Dumating ang prof namin at nag-discuss lang siya ng mga bagay na dapat naming malaman tungkol sa subject niya. Ganoon din ang ginawa ng ibang professors hanggang sa dumating ang lunch.

"Shanna, sabay na tayo mag-lunch," sabi ni Kryan.

Niligpit ko muna ang gamit ko at napalingon ako sa may pintuan nang biglang magtilian ang mga babae kong kaklase. Mukhang nandito na si Art.

Lumingon ulit ako kay Kryan nang tumikhim siya.

"I guess next time na lang. See you later," sabi niya at nauna nang lumabas.

Lumapit ako sa may pintuan at nakita ko kung paano nabuhayan ang mukha ni Art nang makita ako. Lumapit siya sa akin at kinuha ang bag ko.

"You have one-hour break right?" tanong niya kaya tumango ako.

Sabay kaming naglakad papuntang parking lot atsaka ko siya hinarap para magtanong.

"Saan tayo pupunta? May klase pa ako mamayang hapon, ah."

"Don't worry I'll bring you back ten-minutes before time. Sa labas na lang tayo kumain dahil maraming tao sa canteen."

Tinitigan ko siya saglit bago ako tumango. Malapit lang ang restaurant na pinuntahan namin. Siya na ang nag-order para sa aming dalawa at siya na rin ang nagbayad.

"So, you and Kryan are classmates," biglang sabi niya.

Tinignan ko siya, naninimbang kung anong iniisip niya. Hindi naman siguro siya galit diba? I mean, wala namang kagalit-galit doon.

"Ahm, oo. Hindi na kasi siya lumipat sa ibang school."

Tumango lang siya bago uminom ng tubig. Nagpatuloy kami sa pagkain pagkatapos ay bumalik na kami sa school. Pansin ko na matamlay si Art dahil na rin siguro sa pagod. Masiyado yatang maraming ginagawa sa course nila.

Mabilis na lumipas ang ilang buwan ko bilang freshman student. Hindi naman gano'n kadali ang pagiging college student pero nagawa ko itong mairaos. At ngayon, second sem na namin.

"Shanna! Come on,let's finish our research," Kryan said.

Mas naging close kami ni Kryan. Kapag may mga activities na kailangan ng partners kaming dalawa ang laging magkasama. Katulad ngayon, may practical research kaming kailangang gawin.

"Wait, tatawagan ko lang si Art."

I dialed his number pero nakailang rings na ay hindi niya pa rin sinasagot. Hayst.Ilang beses ng nangyari ito.Hindi nagtutugma ang free-time namin kaya in the end, hindi na kami madalas magkasama.

To Art:
Hindi na muna ako sasabay pauwi. May tatapusin pa akong research. Take care. I love you.

Pagka-sent ay bumalik na ako sa harap ng computer dito sa com lab ng school. Ako ang nagta-type ng mga informations at si Kryan ang naghahanap. We are just on the middle of our research nang lumapit sa amin ang babaeng nagbabantay dito.

"Miss Andrada and Mister Soriano, gagamitin ang com lab mayamaya lang kaya sa bahay n'yo na lang ipagpatuloy ang ginagawa n'yo," sabi ng babae.

"Sige po. Thank you," sabi ni Kryan.

Isinave ko na muna sa flash drive ko ang file pagkatapos ay umalis na kami ni Kryan. Naglalakad kami ngayon patungong parking lot.

"Sa bahay na lang natin gawin ang research. Maaga pa naman. Ihahatid na lang kita pauwi," sabi ni Kryan kaya napaisip ako.

Wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kanila. Tatapusin lang naman namin ang research paper na ito then uuwi na ako.

Tumango ako. "Sige."

At iyon nga ang nangyari. Sumama ako sa bahay nila at nagkataong wala doon ang pamilya ni Kryan. Tanging mga kasambahay lang nila ang nandito. Mabuti na lang at nasa library nila ang computer at wala sa k'warto niya.

Nang matapos namin ang research paper ay alas otso na ng gabi. Balak ko na sanang umuwi kaagad pero biglang umulan nang malakas.

"Let's go. I'll drive you to your house," Kryan said.

Nagpahatid ako sa bahay at pagkapindot ko ng doorbell ay nagulat ako nang si Art ang nagbukas ng gate.

"Where have you been?" he asked.

Napalingon siya sa likod ko at nakita ko kung paano nagtangis ang mga panga niya. Mayamaya lang ay narinig ko na ang pag-andar ng papalayong kotse ni Kryan.

"Art," sambit ko.

Kumulog ng malakas kaya napaigtad ako. Pakiramdam ko ay iisa ang pakiramdam ni Art at ang panahon ngayon. Parehong galit at mapanganib.

"Pumasok na tayo baka magkasakit ka pa," sabi niya at inabot sa akin ang payong.

Pagpasok sa loob ay nakita ko si mama na naghihintay sa sala.

"Crystal! Saan ka nanggaling?" tanong ni mama.

"Tinapos lang po namin ang research paper namin sa bahay nila Kryan."

"Tsk," rinig kong singhal ni Art sa likuran ko.

"Anak sa susunod magsabi ka kung saan ka pupunta ha. Sige mag-usap na muna kayong dalawa," sabi ni mama at iniwan kaming dalawa ni Art.

Humarap ako kay Art at nakatingin na rin pala siya sa akin.

"Art," tawag ko sa kan'ya. "Galit ka ba?"

Ngumiti siya ng tipid at pinaupo ako sa tabi niya. "I'm just worried. Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo. Sa susunod kung may pupuntahan ka, kahit sa bahay pa nila Kryan, sabihin mo sa akin. Ako ang maghahatid sundo sa'yo."

"Pero alam ko namang pagod ka palagi. Hindi mo na kailangang gawin iyon. Mag-iingat naman ako."

"I know. But I still want to protect and take care of you, okay?"

Hinalikan niya ako sa noo bago ako niyakap. Kahit na pareho kaming busy sa pag-aaral at hindi kami madalas magkasama, hindi pa rin magbabago na mahal namin ang isa't isa.
 




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top