Chapter 27


Baby


Crystal

Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay sa labas ng bahay. Nakalimutan ko na palang kumain ng hapunan kagabi dahil na rin sa antok. Bumangon ako at dumungaw sa bintana at nakita ko ang mga nagkukwentuhang mga kapitbahay ko.

Ang aga-aga puro chismis na naman ang pinag-uusapan nila. Bumaba ako at lumabas ng bahay para bumili ng almusal.

"Grabe 'yong itsura ng lalaki kagabi, nakakaawa talaga."

"Oo nga, pinagtulungan ba naman ng mga tambay."

"Mukhang anak-mayaman nga. Pero sino naman kaya ang ipinunta no'n dito?"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa mga narinig ko. Sino kaya ang pinag-uusapan nila? Nabugbog daw kagabi? Ano ba 'yan nagiging tsismosa na rin tuloy ako.

Pagkabili ko ay bumalik na ako sa bahay. Narinig kong tumutunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha. Pangalan ni mama ang bumungad sa screen.

"Hello, 'ma."

"Crystal, alam mo na ba?"

"Ang alin po?" kinakabahang tanong ko.

"Nasa  hospital si Art. Nagpunta siya diyan kagabi at nabugbog ng mga tambay."

Para akong nabingi sa sinabi ni mama. Ibig sabihin, si Art ang pinag-uusapan ng mga tao sa labas. Siya 'yong nabugbog ng mga tambay kagabi. Pero bakit siya nandito? Anong dahilan?

"Anak, nandiyan ka pa ba?"

"'Ma, i-text n'yo po sa 'kin kung saang hospital siya nagpunta. Pupuntahan ko po siya."

"Sige, anak. Mag-iingat ka."

Kinuha ko ang bag ko at nagtungo sa sakayan ng jeep. Natanggap ko ang mensahe ni mama at doon ako bumaba sa lugar na iyon.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Pakiramdam ko ay sasabog ito anumang oras. Hindi ko alam kung kaya ko pang kumalma.

Tinanong ko sa nurse kung nasaan ang kwarto ni Art at agad naman niya iyong itinuro. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob. Pagkakita ko kay Art ay nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko. Ang dami niyang pasa at sugat.

Hindi ko maisip kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya sa mga taong 'yon. Napakasama nila. Bakit nila nagawang saktan si Art?

Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Ako ang ipinunta ni Art sa lugar na 'yon kaya nasaktan siya. Kasalanan ko ito.

"A-Art..." nanginginig  na sabi ko habang palapit sa kan'ya.

Wala siyang malay. At sa tingin ko ay hindi pa siya gumigising mula kagabi.

"Art...I'm sorry..."

Sa gitna ng pag-iyak ko ay may humila sa akin. Napalingon ako at nakita ko ang mommy ni Art. Kasama niya si Yanna at pareho silang matalim ang tingin sa akin. Alam ko na agad kung bakit.

"Tita..." kinakabahang sabi ko.

"Don't you dare call me tita! After what you've done to my son? May gana ka pang magpakita dito?" galit na sabi ni Tita Franz.

Mas lalo akong napaiyak. Ramdam ko ang galit niya, kasalanan ko naman talaga. Ako ang dapat sisihin.

"Tita, I'm sorry...hindi ko alam na mangyayari 'to—"

"Hindi mo alam? No'ng oras ba na kahalikan mo ang lalaki mo, naisip mo ba kung ano ang mararamdaman ni Art?!" sigaw ni Yanna.

Natigilan ako sa sinabi niya. Nagbalik sa alaala ko ang nangyari sa Palawan. Pero paano niya nalaman ang tungkol doon?

"Magpapaliwanag ako—"

"So, it's true? Ang kapal ng mukha mong magpunta dito matapos mong lokohin si Art!"

Umiling ako. "Hindi ko siya niloko! Hindi mo alam kung anong nangyari!"

Humarap siya kay Tita Franz na walang imik. "Look tita, nagmamaang-maangan pa ang babaeng 'to! Dapat sa kan'ya, tinuturuan ng leksyon!"

Sinugod ako ni Yanna at akmang sasampalin pero may kamay na pumigil sa kan'ya. Pareho kaming napatingin kay Art na ngayon ay gising na.

"Don't hurt her Yanna," sabi ni Art.

Halatang nahihirapan pa itong gumalaw pero nagawa niyang pigilan ang kamay ni Yanna. Agad na lumapit sa kan'ya ang kanyang ina.

"Art anak, kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" tanong ni Tita Franz.

"Ayos lang po ako. Gusto ko pong makausap si Crystal. Can you leave us for a while?" sabi ni Art.

"No! I won't leave you with this girl! Baka maloko ka niya ulit—"

"Just leave, Julianna."

Ayaw man umalis ay wala siyang nagawa. Iniwan nila kaming dalawa sa loob. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung saan dapat magsimula. Idagdag mo pa ang malamig niyang tingin sa akin na nakakadagdag kaba sa dibdib ko.

"What are you doing here?" malamig niyang tanong.

Napalunok ako bago magsalita. Pakiramdam ko ang laki-laki ng kasalanan ko at ngayon ako hahatulan.

"Binibisita kita. Pero kung ayaw mo naman ayos lang. Aalis na lang ako," sagot ko at tinalikuran siya pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko.

"Did I tell you to leave?"

Pinigilan ko ang sarili ko na mainis sa inasta niya. Ako ang may kasalanan kaya ako dapat ang manuyo.

"Art, anong ginagawa mo doon sa lugar namin kagabi? Ako ba...ang pinuntahan mo?" tanong ko.

Pagak siyang tumawa na para bang iyon na ang pinaka-istupidong tanong na narinig niya.

"Obviously, ikaw lang naman ang pupuntahan ko doon. It's my turn to ask you. Anong ginagawa ninyo ni Kryan sa dalampasigan?" tanong ko.

Huminga ako nang malalim. "Art, magpapaliwanag ako. Noong araw na iyon gusto kitang kausapin pero hindi kita matawagan. May natanggap akong picture na kasama mo si Yanna at nakahalik sa pisngi mo. Nakangiti ka pa nga—",

"So you mean, gumaganti ka?"

"Hindi!" pagtanggi ko. "Nasaktan ako sa nakita kong picture at sinamahan ako ni Kryan. Nagulat ako nang gawin niya iyon. Nasampal ko pa nga siya. Maniwala ka, please."

Nanatili siyang nakatitig sa akin. Hindi nagbabago ang lamig sa kaniyang mga mata. Namuo na naman ang mga luha sa mata ko kaya agad akong kumurap.

"I don't believe you," sabi niya.

Napaiyak na talaga ako. 'Di bale ng magmukha akong tanga sa harap niya. Nasaktan talaga ako na hindi siya naniniwala sa akin.

"Bakit? Ikaw nga hindi mo sinasagot ang mga tawag ko tapos pumapayag ka pa na halikan ni Yanna."

"First of all, naiwan ko ang phone ko ng mga oras na tinatawagan mo ako. Second, dare lang ang kiss na iyon. Third, tatawagan sana kita kaya lang naibato ko na ang phone ko nang makita ko ang picture niyo ni Kryan."

"Aalis na lang ako. Ayaw mo namang maniwala sa akin," sabi ko at tinalikuran na siya.

Mabagal ang bawat paghakbang ko, umaasa na pipigilan niya ako pero nakarating na ako sa pintuan ay hindi niya pa rin ako pinipigilan.

Bumuntonghininga ako bago pinihit ang doorknob. Bubuksan ko na sana iyon pero muli itong sumara. Nanlaki ang mga mata ko dahil nasa likuran ko na si Art.

Nahihirapan siyang tumayo pero pinipilit niya. Nakahawak pa siya sa tiyan na para bang masakit ang parteng iyon.

"Ang hilig mong umalis at iwan ako. Gano'n na lang ba kadali para sa'yo na gawin iyon?" tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Ang lapit niya sa akin masiyado. Nawawalan ako ng space para sa sarili ko.

"Hindi ka naman naniniwala sa akin. Kung ayaw mo na sa akin edi aalis na lang ako—"

"Sinong may sabing ayaw ko sa'yo? Kung ayaw ko sa'yo, sa tingin mo ba pupunta ako doon sa delikadong lugar na iyon kagabi? Sa tingin mo ba kakausapin kita ngayon?"

Napayuko ako dahil ramdam ko ang inis niya. Kasalanan ko na naman. Inangat niya ang mukha ko para magtama ang paningin namin. Nakaharang sa kaliwang bahagi ko ang braso niya kaya wala akong kawala. Iniwasan ko ang paningin niya.

"Look at me."

Hindi ako tumingin. Ayaw kong makita ang panlalamig niya. Nasasaktan ako.

"Crystal, don't make it hard for the both of us. Look at me, baby."

Lumukso ang puso ko sa tawag niya sa akin. Napalunok pa ako dahil sa pagkabigla. Masiyadong masuyo ang pagkakasabi niya no'n. Hindi kinakaya ng sistema ko.

"I don't like you okay. It is because I love you. Hindi ko rin kayang magalit sa'yo nang matagal. God knows that I'm willing to forgive you for every mistakes you will make."

"Sorry..." tanging nasabi ko.

"I don't want to hear you saying sorry. Just I love you from you will be fine."

"I love you, Art. And thank you. Sorry na rin kasi hindi ako nagtiwala sa'yo. Sorry kung nagalit ako. Kung hindi ko ginawa iyon edi sana wala ka ngayon dito," naiiyak na sabi ko.

Pinunasan niya ang luhang lumandas sa pisngi ko. Na-miss ko ang haplos niya. Parang ang tagal kong nangulila sa kan'ya, samantalang isang linggo lang kaming nagkahiwalay.

"Apology accepted. Promise me that you won't let other man kiss you again," bulong niya.

Tumango ako. "Pangako, Art. Ikaw rin, huwag ka nang magpapahalik sa iba."

"I promise. It won't happen again."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top