Chapter 24
✨
Surprise
Crystal
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng mga estudyanteng katulad ko. Ang araw ng pagtatapos namin sa high school. Ang araw kung kailan makakamit namin ang nararapat na parangal sa paghihirap namin. Pero ito rin ang araw na ikinalulungkot ng nakakarami dahil maghihiwa-hiwalay na ang mga magkakaibigan.
Kanina pa ko nakaayos. Naka-make-up at nakakulot ang aking buhok. Suot ko na rin ang puting bestida at ang toga ko. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko. Ang sarap sa pakiramdam na may naabot na naman akong bagong yugto sa aking buhay sa kabila ng mga pagsubok.
Napalingon ako sa pinto nang may kumatok.
"Anak? Tapos ka na ba? Aalis na tayo," sabi ni mama mula sa labas ng k'warto.
Muli kong sinulyapan ang aking sarili sa malaking salamin. Huminga ako nang malalim bago magtungo sa pintuan at salubungin ang aking ina.
"Ang ganda mo anak. Napakasuwerte ko at naging anak kita," sabi ni mama.
Ngumiti ako at niyakap si mama. "Mas masuwerte po ako dahil ikaw ang mama ko. Mahal na mahal po kita."
"Mahal na mahal din kita Crystal. Tara na? At baka ma-late pa tayo sa graduation mo," sabi ni mama.
Sabay kaming bumaba ng hagdan at nakita ko si papa na naghihintay sa sala. Sasama rin siya sa graduation ko at sila raw ni mama ang magsasabit ng medalya ko. Sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni mama, pakiramdam ko buong-buo na ang pamilya ko.
Umalis na kami at nagtungo sa school. Marami ng estudyante pagdating namin doon pero hindi pa naman kami huli. Hinanap ko agad si Lianne at madali ko lang siyang nakita.
"Bes! Gagraduate na tayo!" masayang sabi ni Lianne.
Natawa ako sa kan'ya at nagyakapan kami. Kahit kailan talaga ang kalog ng kaibigan kong ito. Kaya nga mahal ko siya e, hindi ko siya ipagpapalit sa iba.
"Ay, hello po. Tita Christine and Congressman Victor," bati niya sa magulang ko.
Ngumiti sa kan'ya si papa at tinapik ang balikat niya. "You can call me Tito Victor. That will be fine," sabi ni papa.
Tumango naman ang kaibigan ko. Mayamaya lang ay hinatak niya ako palayo sa mga magulang ko.
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko.
Huminto siya sa paghila sa akin at hinarap ako. Nakapameywang siya at nakataas ang kilay.
"Magsabi ka nga ng totoo. Break na ba kayo ni Art?" tanong niya.
Muntik na akong matawa matapos marinig iyon. Seryoso ang mukha niya habang nagtatanong kaya pinilit ko ring magseryoso kahit na gusto kong tumawa nang malakas.
"Kami? Hindi naman. Bakit mo naitanong?"
"E, bakit wala siya ngayon sa graduation mo?"
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Siguro naman pupunta siya. Na-discharge na si Yanna sa hospital kaya wala ng dahilan para bantayan niya pa ito.
"Pupunta 'yon. Baka late lang," sabi ko.
Makalipas ang ilan pang minuto ay nag-umpisa na ang graduation ceremony. Lahat ng estudyanteng magsisipagtapos ay magmamartsa sa red carpet kasama ang mga magulang.
Tumugtog ang musika, hudyat na nag-umpisa nang magmartsa ang nasa unahan. Nasa kaliwa ko si papa at nasa kanan ko naman si mama.
"Ngayon pa lang, congratulations, Crystal,"bsabi ni papa.
Niyakap ko sila ni mama. Sobrang saya ko at kasama ko sila sa araw na ito. Kumpleto na ang buhay ko.
"Salamat po."
Kami na ang maglalakad sa red carpet. Maraming photographers ang nasa paligid. Napuno ng ingay ang mga tao. Hindi na ako nagtaka sa mga ikinilos nila. Congressman ng bansa ang papa ko malamang iba-iba na ang nasa isip nila.
Sa dulo ng red carpet ay nagpa-picture kaming tatlo bago ako nagtungo sa kanan at sila naman sa kaliwa. Dumiretso ako sa upuan na para sa akin at nanatiling nakatayo para sa pagpasok ng mga pangunahing panauhin.
Habang naghihintay ay nilibot kong muli ang paningin sa paligid. Wala pa rin si Art. Maiintindihan ko kung wala siya dahil wala naman dito si Aireen pero hindi man lang ba siya dadaan dito para puntahan ako? Nakalimutan na ba niya na ngayon ang graduation ko?
Nag-umpisa ng magsalita ang emcee sa stage kaya nakinig na ako. Kung hindi man siya darating edi hahayaan ko na lang. Baka nga busy siya. Pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot.
Lutang ako habang dinaraos ang seremonya. At nang dumating ang oras ng bigayan ng awards at ako na ang aakyat ng stage ay hindi ako mapakali kakatanaw sa mga taong nakaupo. Nagbabakasakaling isa si Art sa kanila. Baka sakaling nandoon siya, nagtatago. Pero muli akong nabigo. Hindi ko nga alam kung nakangiti ba ako sa camera kanina e.
"Congrats, anak," sabi ni mama.
Tipid akong ngumiti. Napansin nila ni papa iyon at alam kong magtatanong sila.
"Bakit hindi ka masaya?" Inaasahan kong tanong mula sa kanila.
"Masaya po ako. Kaya lang, hindi po nakarating si Art. Akala ko po pupunta siya," sagot ko.
"Huwag ka ng malungkot. I'm sure may dahilan si Art kung bakit hindi siya nakapunta," sabi ni papa.
Sana nga lang ay mas importante pa talaga sa akin ang dahilan niya. Iiwasan ko na munang magduda, walang magandang maidudulot iyon.
"Crystal!"
Napalingon ako sa kaibigan ko mula sa malayo. May isinenyas siya sa akin sa likuran niya at napangiti ako sa nakita.
"Tito Glenn,Tita Franz," sabi ko sa mga magulang ni Art.
Kung nandito sila, may pag-asa bang nandito din si Art?
"Crystal, congrats!" sabi ni Tita Franz.
Niyakap ako ni Tita at nakipagbeso naman ako kay Tito. Napakabait talaga nilang dalawa.
"Ano po palang ginagawa ninyo dito?" tanong ko.
Nasa ibang bansa na kasi si Aireen na dapat ay kasabay naming gumraduate kaya nagtataka ako kung bakit sila nandito sa araw ng graduation.
"We just passed by to personally congratulate you."
Buti pa sila nagawa akong puntahan. Ano na kayang nangyari doon kay Art? Nasa'n ba kasi siya?
"Ahm tita, si—"
"Si Art ba ang hinahanap mo? Pasensiya na iha at hindi ko din alam kung nasa'n ang anak ko. Naalala ko lang na nagpaalam siya na pupuntahan si Yanna then hindi ko na siya matawagan."
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Totoo nga na pinuntahan niya si Yanna. Kahit na nasaktan ako sa narinig ay hindi ko pinahalata. Nagkunwari akong hindi naaapektuhan pero ang totoo, gusto ko na namang umiyak.
Pilit akong ngumiti. "Gano'n po ba? Sige po ako na lang ang tatawag sa kan'ya mamaya," sabi ko.
Malungkot na ngumiti si Tita Franz. Tinapik niya ang balikat ko at tumango ako senyales na ayos lang ako.
"So, aalis na kami. Congrats again, Crystal."
"Sige po. Salamat po."
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay bumalik ako sa mga kaklase ko para makapagpa-picture kaming lahat.
Ilang minuto pa ang itinagal ko doon at maya-lmaya lang ay nag-closing na ang seremonya. Naglalakad na kami papuntang parking lot. Sabi ni papa may party daw na inihanda sa bahay para sa akin. Ayos lang naman sa akin kahit walang party, nandiyan naman na sila mama at papa.
Kinuha ko ang cellphone ko at napagpasyahang tawagan si Art. Dahil hindi niya sinasagot ang tawag ay pansamantala akong huminto sa paglalakad at hindi ko napansin na ang layo na nila mama at papa sa akin. Tatakbo sana ako pero may biglang tumakip na panyo sa ilong ko at may naamoy akong nakakahilong gamot.
Gustuhin ko mang sumigaw ay hindi ko na nagawa dahil nawalan na ako ng malay.
Nagmulat ang mata ko at nakita kong nakasakay na ako sa van. May katabi akong dalawang naka-mask na mga lalaki. Lahat ng mga nakasakay dito sa van ay naka-mask, except sa akin na may panyo sa bibig para hindi ako makasigaw. Pero napansin kong hindi naman nakatali ang mga kamay at paa ko. Kaya lang mahihirapan akong matakasan sila dahil sa malalaki nilang katawan.
Huminto ang van sa tapat ng isang napakalaking itim na gate. Matataas ang pader sa paligid nito kaya hindi ko din matanaw kung ano ang nasa loob.
Natatakot ako. Paano kung patayin nila ako?O kaya naman pagsamantalahan. Paano kung saktan nila ako?
Sa takot ay hindi ko na napigilang umiyak. Napansin ng isang lalaki ang paghikbi ko at nakita ko siyang may tinawagan.
"Nandito na kami sir...Opo sir..Sumunod kami sa usapan sir..Sige.."
Wala akong maintindihan sa pinag-usapan nila. Sino ba 'yong sir nila? Anong kailangan nila sa akin? Kidnap for ransom ba ito? Dahil ba isang congressman ang ama ko?
Ibinaba na nila ako mula sa van. Hinayaan nila akong maglakad at hindi man lang sila nakahawak sa akin. Gano'n ba sila mangidnap?Iniinsulto yata nila ang kakayanan kong manlaban.
Pagpasok sa loob ng lumang building ay sobrang dilim. Halos wala akong makita. Naramdaman ko na lang na wala na akong kasama. Mag isa na lang ako dito sa madilim na lugar na ito.
"Tao po! Nasa'n kayo?! May tao ba diyan?!" sigaw ko pero wala akong natanggap na sagot.
Humakbang ako paatras pero tumama ako sa kung ano. Nang gumalaw ito ay doon ko lang na-realize na tao iyon. Lalayo na sana ako pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko.
Gumapang ang takot at kaba sa buong sistema ko. Lalo na nang dumausdos ang kamay niya sa beywang ko.
"Huwag...pakawalan mo ko please," pagmamakaawa ko.
Mas niyakap ako ng taong ito at ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. Nakakakilabot. Nakakatakot.
Nanlaki ang mata ko nang may nagkasa ng baril. Hindi ko alam kung saan ko narinig 'yon. Ang alam ko lang, delikado ako dito. Baka anumang oras ay mamatay na ako.
"Huwag ninyo akong patayin! Maawa kayo sa akin—Aahh!" tili ko nang may marinig akong pumutok.
Napayuko ako at napapikit. Pagdilat ko ay maliwanag na.
"SURPRISE!!"
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa paligid. Parang sa isang iglap ay nasa ibang lugar na ako. Nandito ang mga kaibigan ko, sila mama at papa, at may iba pang bisita. Nandito rin ang mga lalaking nakamask.
"Surprise." Napaigtad ako nang may bumulong sa tenga ko.
Nilingon ko iyon at nakita ko si Art. Hindi na ako nagsayang ng oras at agad ko siyang pinaghahampas sa dibdib.
"Nakakainis ka! Tinakot mo ako! Akala ko...akala ko mamamatay na ako dito! Tapos kagagawan mo lang pala!" umiiyak kong sabi.
Hinuli niya ang mga kamay ko kaya hindi ko na siya nahampas ulit. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Natakot kasi talaga ako. Hindi ko akalain na set up ang lahat.
"Hey, stop crying. I'm sorry. I couldn't think of a unique style to surprise you and then this idea popped up into my mind."
"Hindi mo ako kailangang sorpresahin. Makita lang kita sa araw ng graduation ko, ayos na. Hindi 'yong ganito na para akong aatakihin sa puso."
Pinunasan niya ang luha ko. Aaminin ko, natakot man ay kinilig ako sa sorpresa niya. Kaya pala wala siya sa school kanina kasi may ganito palang pangyayari.
"I love you," sabi niya.
Hindi ako sumagot at nanatiling nakatitig sa kaniya. Napakunot ang noo niya.
"Hey, I said I love you."
Hindi pa rin ako sumagot. Pagtitripan ko rin siya. Akala niya siya lang ang pwedeng mang-trip? P'wes ako rin.
"Crystal naman. Bakit hindi ka nagsasalita? Galit ka ba?"
Umalis ako sa harap niya at nagtungo sa lamesa na may mga pagkain. Kakain na nga muna ako. Bahala siya sa buhay niya.
"Crystal, hindi ka p'wedeng kumain hangga't hindi mo ako kinakausap."
Aba, nanakot pa siya ah. Grabe talaga.
"Ano bang problema mo? Kanina grabe ang takot ko dahil sa sorpresa na ito tapos ngayon ayaw mo naman akong pakainin?" kunwaring galit na tanong ko.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko pero hinawi ko lang iyon. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at nagawa niya naman.
"Sorry. Don't be mad please. I'm really sorry. Hindi ko na uulitin."
Tumalikod siya at akmang aalis pero pinigilan ko siya. Kalalaking tao mag-wa-walk out?
"Sinabi ko bang umalis ka? Nagbibiro lang ako. Ikaw naman masiyadong seryoso," sabi ko at tumawa ng malakas.
Imbes na tumawa siya ay niyakap niya ako nang mahigpit. "Sorry if I scared you. I love you, okay?"
"Oo na. I love you, too. Huwag ka na ulit mag-wa-walk out ah? Hindi bagay sa 'yo."
"Ehem. Baka gusto n'yo munang kumain bago maglambingan," sabi ni mama kaya agad kaming naghiwalay ni Art mula sa pagkakayakap.
Ngayon ko lang napansin na halos lahat ng bisita ay nakatingin sa amin. Ano ba 'yan! Nakakahiya ang ginawa kong kalokohan kanina. Napaka-immature ko kasi pinag-trip-an ko si Art.
Pero kung tutuusin, pareho kaming may pagkabaliw ni Art. Kaya siguro, bagay kami sa isa't isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top