Chapter 22


Need

Napatayo kami sa pagkakaupo sa sofa nang makita namin si papa na mabilis na bumababa ng hagdan. Sinalubong siya ng kaniyang asawa na nag-pa-panic din. Sa mukha pa lang ni papa ay batid kong may masamang balita.

"Where's our daughter? May nakakita na ba sa kaniya?" tanong ni Tita.

"Yes, the police called me. Natagpuan daw si Yanna sa gilid ng kalsada malapit dito sa subdivision natin. Walang malay at ang daming sugat. Nasa Manila General Hospital siya ngayon."

"What are you waiting for? Let's go, I want to see our daughter."

Nagmamadali silang lumabas ng mansyon at sumakay ng kotse. Maging ako ay natakot sa sinabi ni papa. Anong nangyari kay Yanna?

"Art, puntahan natin si Yanna," sabi ko kay Art.

Tumango siya. "Okay, let's go."

Sumakay na kami sa kotse ni Art. Sumama rin si mama sa amin dahil nag aalala rin siya. Ilang minuto ang lumipas at  pagka-park ng kotse ay bumaba agad ako at tumakbo papasok sa hospital.

Nagtungo ako sa front desk at ipinagtanong ang kwarto ni Yanna. Pagkarinig ko ng room number ay nagpunta agad ako doon. Saktong papasok sa loob sila papa kaya sumabay na rin ako.

Pagpasok ay halos manlumo ako sa kalagayan ni Yanna. Kasalukuyan siyang natutulog. May mga pasa siya sa mukha at braso.

"What happened to my daughter?Victor, what happened to our daughter?" tanong ni Tita habang humihikbi.

Niyakap siya ni papa para pakalmahin.bNaiiyak ako sa nakikita ko.Parang gusto ko ring magalit sa sarili ko. Nakokonsensya ako, pakiramdam ko ako ang may kasalanan.

Nagising si Yanna saktong pagdating nila Art at mama. Nilapitan siya ng mommy niya.

"Anak, what happened? Tell us,who did this to you?" tanong ni tita.

Hindi pa man nagsasalita ay nag uunahan na ang mga luhang tumulo mula sa mga mata niya. Walang tunog ang pag-iyak niya.

"Mom...t-they almost...raped me..."

Tuluyan na rin akong umiyak sa narinig ko. Oo, hindi kami magkasundo pero kahit kailan hindi ko hihilingin na mangyari sa kaniya ito. Ayaw ko pa ring may mangyring masama sa kaniya.

"Tell me, namukhaan mo ba sila?" tanong naman ni papa.

"Yes, dad. 'Y-Yong isang lalaki, parang nakita ko sa bahay nila Crystal the last time we went there. S-Siya... ang mastermind dito," sabi niya pagkatapos ay tumingin siya sa akin nang masama. "Crystal, kasabwat ka ba nila?"

Muling tumulo ang luha ko nang marinig ko ang pambibintang ni Yanna. Pinalis ko iyon bago sumagot. Posible bang si Tito Eric ang tinutukoy niya? Pero nakakulong na siya diba?

"Hindi. Hindi ko magagawa iyon—"

"Liar! You want me dead right? Para wala ka ng kaagaw kay Art!"

"Hindi totoo 'yan—"

"Shut up! Hindi ako naniniwala sa 'yo!"

"Pinagbibintangan mo ako? Kahit na hindi tayo magkasundo, hindi ako gagawa ng gano'n kasamang bagay!" sigaw ko.

"How dare you shout on my daughter in this kind of situation?" natahimik ako sa biglaang pagsigaw ni Tita.

Huminga ako nang malalim. "I'm sorry. Aalis na lang po ako."

Tumalikod ako at nakita ko si Art. Nakatitig siya sa akin. Sasabihin ko sanang umalis na kami pero biglang nagsalita si Julianna.

"Art, don't leave please."

Nakaharap ako kay Art at nakita ko ang pagsulyap niya kay Julianna. Alam kong gusto niya na akong samahang umalis pero may parte sa kaniyang naaawa kay Julianna kaya gusto niyang mag-stay.

"Art, I need you here. Huwag mo kong iwan please," pakiusap ni Yanna.

Kaya kong ipagdamot si Art hangga't gusto ko.bPero parang hindi ko magagawa 'yon ngayon. Mas kailangan siya ni Yanna. Kailangan siya ng bestfriend niya.

Yumuko ako at dali-daling lumabas. Naiwan siya sa loob. Iyon ang gusto kong gawin niya pero ang sakit. Umasa kasi ako na susunod siya sa akin pero kung iyon ang mangyayari, isa iyong malaking kamalian. Hindi dapat ako maging selfish.

Lumipas ang maghapon at namalayan ko na lang na gabi na. Umalis si papa at tita para asikasuhin ang imbestigasyon. Napagpasyahan kong bumalik sa hospital para i-check kung nandoon pa ba si Art. Hindi ko kasi siya matawagan.

Binuksan ko ng maliit ang pinto. Nakita ko si Art, nakatalikod sa may pintuan at kausap si Yanna. Hindi siya umalis mula kanina.

"Art, can you do me a favor?" rinig kong sabi ni Yanna.

"What is it?"

"Can you take care of me?Just like before, please don't leave my side. I need you now. Puwede bang ako muna at huwag si Crystal?"

Napahawak ako sa dibdib ko kung nasa'n ang puso ko. Ang sakit pala. Pero kailangan kong intindihin ang sitwasyon niya.

Sandaling katahimikan ang lumaganap. Gusto kong marinig ang sagot niya. Alam kong masasaktan ako kapag pumayag siya pero maiintindihan ko.

"Ayaw mo? Ayos lang. I forgot, mas priority mo na nga pala ang girlfriend mo—"

"Fine, I'll take care of you. Magpahinga ka na."

"Thank you, Art."

Nakita kong tumayo si Art pero bago pa ako makaalis sa puwesto ko ay nakita na niya ako. Bago pa ako makita ni Yanna ay umalis na ako. Mabilis akong naglakad palabas ng hospital. Hindi naman siguro ako susundan ni Art.

Pero nagkamali ako. Dahil bago pa ako makasakay ng taxi ay may humila na sa braso ko. Si Art.

"Are you okay?" tanong niya na halos ikatawa ko.

"Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Si Yanna ang nasa hospital at hindi ako. Kumusta na siya? Sigurado akong mabilis siyang gagaling kung ikaw ang mag-aalaga."

Pinilit kong pakalmahin ang boses ko pero may halong pait pa rin ang lumabas dito. Ang hirap magpanggap na hindi ako nasasaktan.

"Crystal, you know I love you right?" Tumango ako sa sinabi niya. "At kung inaalagaan ko man si Yanna, it is just a friendly concern. Trust me, okay?"

May tiwala ako kay Art. Hindi ko naman iaalay ang puso ko sa kaniya kung alam kong hindi niya kayang ingatan ito.

"Alam ko. Alagaan mo siyang mabuti, ha?Huwag mo siyang iiwan. Kailangan ka niya."

"I need you too."

Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Ang lakas ng epekto niya sa akin. Nayayanig ang buong sistema ko.

"Nandito lang naman ako. Puwede mo akong puntahan kung gusto mo," sagot ko.

Niyakap ako ni Art. Natatakot din ako na baka isang araw ma-realize niyang ayaw niya pala sa akin. Baka iwan niya ako.Hindi ko kaya.

"I love you, Crystal."

"I love you, too."

Lumipas ang isang linggo at bihira na lang kaming magkita ni Art. Pagkagaling niya kasi sa school ay dumidiretso siya sa hospital habang ako ay may practice para sa graduation namin. Hindi man magkasama ay hindi naman siya nakakalimot na tawagan ako. Ayos na sa akin 'yon.

"Hay naku bes, feeling ko talaga nag-iinarte lang 'yan si Yanna e. Makatawag kay Art akala mo si Art ang gamot niya," sabi ni Lianne.

Nakaupo kami sa may bench habang kumakain. Five minutes break kasi ang ibinigay sa amin ng teachers. Kanina pa kasi kami nagpa-practice.

"Hindi naman siguro. Hayaan mo na, baka kailangan niya talaga si Art para maka-recover."

"Basta mag-ingat kayo diyan kay Yanna. Baka mamaya palihim niya ng inaahas ang pag+aari mo."

Naalarma naman ako sa sinabi ni Lianne. Hindi tuloy ako nakatulog pag-uwi ko sa mansyon. Hindi din kasi tumawag si Art ng araw na iyon na lagi naman niyang ginagawa.

Posible bang, binabalak talaga ni Yanna na agawin si Art sa akin? Naaawa ako sa kondisyon niya kaya hindi ko masiyadong iniisip ang gano'ng bagay. Pero kung totoo 'yon, alam ko namang si Art na mismo lalayo sa kaniya.

Pero paano kung mahulog siya sa patibong ni Julianna? Paano kung...isang araw, bigla na lang niya akong iwan? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top