Chapter 21
✨
Missing
"Mama, sigurado ka po ba na titira tayo kasama sila?"
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng naitanong 'yon kay mama.bUmaasa ako na magbabago pa ang isip niya. Umaasa ako na sa huli ay hindi na kami titira kasama ang mga Madrigal.
Alam ko namang ginagawa niya lang ito dahil sa akin.bGusto niyang maging ligtas ako at s'yempre para na rin makasama ko ang ama ko.
"Crystal, mas ligtas doon sa kanila.bKung inaalala mo na baka saktan ka nila, huwag kang matakot. Nandito ako. Kung tutuusin ay isa kang Madrigal," sabi ni mama.
"Ayaw ko lang po ng gulo."
"Nakapagdesisyon na ako, Crystal. Huwag ka nang makulit."
Bumuntonghininga na lang ako. Hindi na talaga magbabago ang isip ni mama. Wala na akong magagawa kundi ang sumunod.
Nagpatuloy sa pag-iimpake ng mga damit si mama na dadalhin namin sa mansyon. Sa amin pa rin itong bahay na ito kaya puwede akong pumunta dito anytime. Ayos na rin iyon para kung magkakaroon man ng problema sa mansyon at bigla kaming paalisin ay may mapupuntahan kami ni mama.
Hapon na nang dumating ang driver na maghahatid sa amin sa bahay ng mga Madrigal.
Ilang minuto lang ay pumasok na ang sasakyan sa garahe ng mansyon. Sa labas pa lang ay mamamangha ka na sa laki nito. Bawat kanto ng bahay ay sumisigaw ng karangyaan. May malaking fountain sa gitna at nakapaikot dito ang naggagandahang mga bulaklak.
Bumaba kami ni mama sa kotse at sinalubong ng isang lalaki.
"Nasa dining hall ang mga Madrigal," sabi nito.
Pumasok kami sa loob ng mansyon at muling namangha sa nagkikintabang muwebles ng bahay. May malaking chandelier sa gitna ng kisame at makikita rin ang napakalaking family picture ng mga madrigal. Ito ang buhay ni Julianna, na magiging buhay ko na rin kung sakali.
Iginiya kami ng lalaki sa dining hall at naabutan namin doon ang pamilya Madrigal.
"Sir, dumating na ho sila."
Sabay sabay nag-angat ng tingin ang tatlong nasa hapagkainan. Si Victor Madrigal na tatay ko, nakangiti sa aming pagdating at ang kaniyang asawa ay nagtaas lang ng kilay habang si Julianna naman ay umismid.
"Glad you're here already. Come on join us," sabi ng ama ko.
"I'm done eating. Akyat na ako sa kuwarto," sabi ni Julianna at agad umalis sa hapag.
Bahagyang nawala ang ngiti ng ama. Hindi natuwa sa inasta ng anak sa harap namin. Hindi rin naman niya kailangan makipagplastikan, alam kong ayaw niyang nandito kami. Sino ba naman ang nangarap na magkaroon ng pangalawang pamilya ang ama niya?
Umupo kami sa kanang bahagi ng mesa, kaharap ang asawa ng ama ko. Nanatili itong tahimik.
"Enjoy the food. Mamaya ililibot ko kayo sa mansyon," sabi ng ama ko.
"Sige po, sir. Salamat," sabi ko.
Nalungkot naman siya bigla. May mali yata sa sinabi ko. "Don't call me sir. Call me papa instead."
Natigilan ako sa sinabi niya. "Sige po... papa."
"That's better."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay wala ng nagsalita. Kumain na kami ni mama at nang matapos ay inilibot kami ni papa sa mansyon.
"Dito ang kusina, mayroon tayong personal chef. Kung nagugutom kayo you can just tell Ricky what do you want eat. Pero kung gusto n'yong magluto, feel free to use the kitchen."
Wow sosyal talaga. May sariling chef.
"This is the public bathroom may bathroom din sa itaas. Let's go sa back door."
Dumaan kami sa sliding door at bumungad sa amin ang napakalawak na swimming pool. Kalahati nito ay covered ang kalahati ay hindi.
"This is our grand swimming pool. You can use it anytime. Tara ihahatid ko na kayo sa magiging kwarto ninyo."
Umakyat na kami sa second floor ng mansyon at dumaan sa mahabang hallway bago huminto sa tapat ng double-doors. Binuksan ito ni papa at namangha ulit ako sa laki nito.
Grabe talaga.nHindi yata ako matatapos sa kamamangha. Hindi rin yata ako masasanay sa ganitong buhay.
"It is only for you Crystal.bMay sariling bathroom ito,nmay walk in closet na rin. May sarili ka ding veranda. And do you see that another door?" Tinuro niya ang pintuan sa sulok. "That is an extension door papunta sa kabilang kuwarto which is kuwarto naman ng mama mo."
Pinaghandaan talaga ni papa ang pagdating namin. Akala ko talaga ihihiwalay sa akin si mama.
"Salamat, 'pa. Huwag kang mag alala, sisiguraduhin ko pong hindi kami magiging pabigat ni mama—"
"Oh no no no. Hindi kayo pabigat.nFeel at home. Hayaan mo akong bumawi sa pagkukulang ko sa 'yo," putol ni papa sa sinasabi ko.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko si papa. Mukhang nagulat din siya pero niyakap din ako kalaunan.
"O siya. Iiwan ko na muna kayo ng mama mo para makapagpahinga na kayo."
"Sige po. Magpahinga na din po kayo."
Pagkalabas ni papa sa k'warto ay tumingin ako kay mama na kanina pa walang imik.bInaasahan ko nang gano'n ang pakikitungo niya kay papa. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya.
"Anak, masaya ako para sa 'yo. Kasama mo na ang papa mo. Nakatira ka na sa mansyon na ito."
"'Ma, gusto ko po na masaya din kayo. Huwag na po kayong malungkot. Atsaka salamat din po kasi ginawa n'yo ito para sa akin."
"Mahal kita, e. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, anak."
Nang gabing iyon ay nakatulog ako nang mahimbing. Kahit na naninibago ako o iyong sinasabi nilang namamahay, nakatulog naman ako.
Kinabukasan, sabay kaming bumaba ni mama. Dumaan siya sa k'warto ko dahil ayaw niya raw kasing bumaba mag-isa.
Pagdating sa may sala ay nabigla ako kasi nando'n si Art. May dalang bulaklak. Lalapitan ko na sana siya pero naunahan ako ni Julianna.
"Hey Art! Ang aga mo naman. Is that for me?" tanong ni Julianna.
"Good morning, Yanna. To answer your question, this flower is for Crystal."
Nakita ko ang panlulumo ni Yanna pero napalitan iyon agad ng nagsusungit na mukha.
"Okay. Anyway, I hate flowers."
Lumapit ako kay Art at inabot niya sa akin ang bulaklak. Tinanggap ko ito at ipinatong sa center table.
"Ano na namang meron? Hindi ka nagsabi na pupunta ka," sabi ko.
"Well, surprise? Are you free today? Puwede ba tayong lumabas?"
Sasagot na sana ako pero nagsalita si Julianna. "You're going out?Can I go with you? Ang boring dito sa bahay, e."
Ano raw? Sasama siya sa date namin? Ano 'yon, thirdwheel siya?
"Yanna, maybe some other time," sabi ni Art.
"But Art, bawal akong sumama ngayon? We're bestfriends right?" sabi ni Yanna.
Bumuntonghininga ako. "Sige, sumama ka na sa amin, Yanna. Art, magbibihis lang ako," sabi ko.
Kita ko ang pagtutol sa mukha ni Art pero nginitian ko na lang siya. Si Yanna naman ay agad umakyat para magbihis din. Parang siya pa ang may date e.
"Ma, lalabas po muna kami ni Art. Magiging okay po ba kayo dito?" tanong ko.
Natawa si mama bago tumango. "Oo naman, anak. Mag-iingat kayo ha."
Umakyat na din ako sa kuwarto at naligo. Sinuot ko ang blue sleeveless dress na hanggang tuhod ang haba. Sinuot ko na rin ang flat shoes ko and then kinuha ang phone tapos bumaba na. Wala pa si Yanna kaya hinintay pa namin siya.
"Bakit ka ba pumayag na sumama siya? I want some alone time with you," sabi ni Art habang nakasimangot.
Ang cute talaga niya. Kinurot ko ang pisngi niya. "Ayos lang 'yan. Hayaan na natin siya sa gusto niya."
Ilang minuto pa ang lumipas bago bumaba si Yanna. At akalain mo nga naman, naka-blue off shoulder dress siya. Mukhang nagulat siya na parehong kulay ang suot namin.
"What a coincidence," sabi niya na hindi ko na lang pinansin.
Lumabas na kami ng mansyon at nagtungo sa kotse ni Art. Pagkabukas ni Art ng pinto sa front seat ay agad pumasok si Yanna doon. Ang kapal ng mukha. Ako dapat ang uupo doon e.
Maging si Art ay hindi alam ang gagawin. Kung hahayaan si Yanna doon o sasabihan siyang umalis.
"Oh,what's the problem? Bakit hindi pa kayo sumasakay?" tanong ni Yanna.
Seryoso. Ang sarap niyang sapatusin. Pero nangako ako sa sarili ko na hindi ako magsisimula ng away kaya pagbibigyan ko na lang siya.
"Wala naman. Art, sa backseat na lang ako uupo," sabi ko.
Labag man sa loob niya ay pinagbuksan niya ako ng pintuan sa likurang upuan. Umikot siya sa driver's seat at nag-drive na.
Sa biyahe ay salita nang salita si Yanna. Laging si Art ang kausap niya. At para bang isa lang akong hangin dito sa likuran. Sa tuwing kakausapin ako ni Art ay sumasabad naman si Yanna. Parang isip bata kung kumilos.
Huminto sa tapat ng chinese resto ang sasakyan at ako ang unang pinagbuksan ni Art, sunod naman si Yanna. May sayad yata talaga ang babaeng 'to, kapag hindi nakatingin si Art ay iniirapan niya ako palagi. Baka bumaliktad ng tuluyan ang mata niya.
Sa upuan s'yempre ay hindi na ako pumayag na maunahan ni Yanna. Hinila ko si Art at pinaupo sa tabi ko. Nakabusangot tuloy si Yanna habang kumakain kami.
"Art, tikman mo," sabi ni Yanna at sinubuan si Art.
Lumingon muna sa akin si Art at tumango ako. Sinubo niya iyon at tuwang-tuwa naman si Yanna. Akala niya yata siya lang ang may naisip na paraan.
"Art, ayoko na nitong pagkain. Puwedeng share na lang tayo?" sabi ko kay Art.
Mukhang natuwa naman si Art. "Sure. I will gladly share my food to you."
"Ang sweet mo naman," sabi ko.
Nagsubuan kami ng pagkain ni Art. Kitang-kita ko ang pagkainis ni Yanna. Ano ka ngayon?
Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako kay Art na magpupunta muna sa restroom. .Iniwan ko sila sa table.
"Miss, nasa'n ang restroom?" tanong ko doon sa isang staff.
"Left side ma'am," sabi niya at doon ako nagtungo sa tinuro niya.
Pagpunta ko doon ay ginawa ko na ang dapat kong gawin. Agad din akong natapos kaya bumalik na ako sa table namin. Pero pagbalik ko ay inabutan ko ang hindi ko inaasahan.
Si Yanna,bhinahalikan si Art. Kitang kita ko na pilit siyang itinutulak ni Art pero hindi siya tumitigil. 'Sing bilis ng kidlat ang paglapit ko sa kanila at ang paghila ko sa buhok ni Julianna.
Para bang may sumabog na galit sa puso ko. Nanginginig ang kamay kong sumasabunot kay Julianna. Parang gusto ko siyang kalbuhin ngayon.
"Walang hiya ka! Pinapayagan kong landiin mo si Art pero hindi mo siya p'wedeng halikan! Hindi mo p'wedeng halikan ang boyfriend ko!" galit kong sigaw sa kan'ya
Wala akong pake sa mga taong nanonood sa amin. Hindi ako natuwa sa nakita ko kanina. Masiyado na siyang malandi.
"Aray, Crystal! Bitawan mo ako!Nasasaktan ako!"
"Talagang masasaktan ka kung hindi mo titigilan 'yang kalandian mo!"
"Art help!"
Aba humingi pa ng tulong kay Art. Ang kapal talaga.Tumingin ako kay Art at puno ng pagkalito ang mukha niya. Alam kong importante din sa kan'ya si Yanna kasi kaibigan niya ito pero hindi niya alam ang gagawin. Binitawan ko na si Yanna para hindi na siya mahirapan kung anong gagawin niya.
"I cant believe this, Art! Hinayaan mong saktan ako ng babaeng 'yan! Ako ang best friend mo simula pagkabata!"
"Yanna—"
"I hate you! I hate all of you!"
Padabog siyang umalis ng resto. Napailing na lang si Art bago lumapit sa akin.
"I'm sorry about that. Hindi ko alam kung bakit ginawa ni Yanna 'yon—"
"Wala kang dapat ipaliwanag, Art. Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari. Talagang sumosobra na 'yang si Yanna."
Naniniwala naman ako kay Art. May tiwala ako sa kaniya. Alam kong hindi naman siya gagawa ng bagay na ikagagalit ko. At alam ko rin na si Yanna ang may kasalanan. Pero hindi ko pa rin siya p'wedeng pabayaan.
"Sundan na natin siya baka kung saan pa 'yon pumunta," sabi ko.
Pagkalabas ng resto ay hinanap namin ni Julianna pero wala na siya.
"Baka umuwi na siya," sabi ko.
"Mabuti pa, magpunta muna tayo sa inyo. Kilala ko si Yanna, hindi 'yun agad umuuwi kapag masama ang loob niya."
Pumayag ako sa kagustuhan niyang umuwi muna. Pagdating sa mansyon ay sinalubong kami ni mama.
"O, ang aga n'yo yata umuwi. May nangyari ba?" tanong ni mama.
Bumuntonghininga ako. "'Ma, nandito na po ba si Yanna? Umalis kasi siya sa resto kanina."
"Hindi ko napansin. Bakit naman siya umalis?"
"Nagkasagutan po kasi kami. Kung hindi pa siya umuwi, nasa'n na siya?"
Gumapang ang kaba sa dibdib ko. Saan naman kaya siya nagpunta?
"Tama ba ang naring ko? Nawawala ang anak ko?"
Napalingon kami sa mommy ni Yanna. Hindi ako agad nakasagot kasi hindi ko pa naman alam kung nawawala nga ba si Yanna.
"Tita, she left the resto earlier. Hindi namin alam kung saan siya nagpunta," sabi ni Art.
"My goodness! Where did she go? Have you tried calling her?"
"Yes, tita. Pero naka-off po ang phone niya."
Nasapo ng mommy ni Yanna ang noo niya. Halatang namomroblema na siya. Mayamaya lang ay bumaba si papa mula sa itaas.
"What's happening here?" tanong ni papa.
"Victor, our daughter is missing," nag-pa-panic na sabi ni Tita.
"How can you be sure that she is missing? Baka naman namasyal lang kasama ang mga kaibigan niya," sabi ni papa.
"Kahit na. You have to know kung nasa'n ba siya. Utusan mo ang mga tauhan mo na alamin kung nasaan si Yanna!"
Bumuntonghininga si papa. "Okay, I will. Kumalma na muna kayong lahat."
Bumalik si papa sa opisina niya para siguro utusan ang mga tauhan niya. Si Mrs. Madrigal naman ay bumaling sa akin.
"Kapag may nangyaring masama sa anak ko, humanda ka sa akin Crystal," mariing sabi ni Mrs. Madrigal sa akin.
Agad namang humarang sa harap ko si mama. "Aba huwag mong pagbantaan ang anak ko. Hindi naman niya kasalanan kung gala 'yang anak mo."
Pinigilan ko na si mama na magsalita kasi baka lalong lumala ang sitwasyon. Ayaw kong magkagulo dito.
Pero kung tutuusin, matanda na si Yanna at kaya na niya ang sarili niya. Hindi na nga talaga kami dapat mag-alala. Pero sa ugali ni Yanna, baka mamaya kung anong gawin niya. At ang malala, baka maglayas talaga siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top