Chapter 20


Important

Pagkatapos umalis ni Tito Eric ay pansin ko ang panlulumo ni mama. Kahit naman palagi silang nag-aaway, alam kong sumaya rin siya kasama si Tito Eric.

Tumabi ako sa kaniya sa sofa at inakbayan siya.

"'Ma, pasensiya na po kayo. Pero kaya naman po natin kahit wala si Tito Eric kaya huwag na po kayong malungkot," sambit ko.

Bumuntonghininga si mama at pilit na ngumiti. "Hindi naman ako nalulungkot. Nakokonsensya lang ako dahil naisip ko ang lahat ng paghihirap mo noong kasama pa natin si Eric. Patawarin mo ako, anak. Kung siya ang palagi kong kinakampihan noon kaysa sa 'yo.',

"Ayos lang po 'yon. Naiintindihan ko naman po na mahal n'yo si Tito Eric. Huwag n'yo na pong isipin ang lahat ng nangyari sa nakaraan," sabi ko.

Humarap sa akin si mama at hinawakan ang kamay ko.

"Ang totoo, gusto talaga kitang bigyan ng buo at masayang pamilya. Pero mukhang imposible nang mangyari 'yon."

Parang may pumiga sa puso nang makita ko ang kalungkutan sa mga mata ni mama. Hindi ko kayang makita siyang ganito. Nasasaktan ako.

“Nandito ka naman po, 'ma. Alam kong hindi n'yo na ako iiwan ulit kaya ayos na sa akin na tayong dalawa lang."

Niyakap ko si mama. Wala naman akong sama ng loob dahil hindi kumpleto ang pamilya namin. Oo, naghahangad ako na mabuo ang pamilya ko pero kung imposible naman 'yun, ayos lang din sa akin. Ang mahalaga, kasama ko si mama.

Biglang kumalam ang sikmura ko kaya natawa kami ni mama.

"Mukhang gutom ka na. Halika na, kumain na tayo."

Nagtungo kami sa hapagkainan at sabay kaming kumain ng hapunan. Pagkatapos kumain ay ako na rin ang naghugas ng plato dahil inaantok na raw si mama.

Nang matapos ako sa ginagawa ay saktong tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako kaagad nang makita ko ang pangalan ni Art. Magkasama palang kami kanina pero parang na-mi-miss ko na siya kaagad.

“Hello, Art."

"Crystal, how are you? Did you drink your medicine?"

Tumango ako kahit na hindi niya ako nakikita. Umupo ako sa upuan at ipinatong ang baba ko sa aking palad.

"Oo, kaiinom ko lang. Naghapunan ka na ba?" tanong ko.

"Yeah, I just ate my dinner. Kung wala ka nang gagawin, matulog ka na kaagad."

“Ikaw rin."

Wala nang nagsalita sa aming dalawa pero hindi naman naputol ang tawag. Ano kayang ginagawa niya?

"Art? Nandiyan ka pa ba?" tanong ko.

"Hmmm. I just want to hear your breathing. It calms me."

Bahagya akong natawa. "Ewan ko sa 'yo. Tigilan mo nga ako sa mga banat mo."

"Why? Kinikilig ka?"

"Hindi. Matulog ka na nga lang," pigil ang ngiting sabi ko.

"I still have some readings to do. You may go to sleep first."

"Okay. Goodnight, Art."

"Goodnight, Crystal. Dream of me."

Ibinaba ko na ang tawag atsaka ako huminga nang malalim. Mukhang magiging maganda na naman ang gabi ko nito. Sana nga mapanaginipan ko si Art.

Umakyat na ako sa kuwarto pagkatapos kong i-check ang mga lock ng pinto at bintana. Nag-shower muna ako saglit at saka ako natulog.

Naalimpungatan ako bigla nang may marinig akong kalabog sa labas. Pinakiramdaman ko kung ano 'yon at may naririnig akong ingay. Kinuha ko ang arnis na nasa gilid ng cabinet ko at dahandahang lumabas ng kuwarto.

May naaninag akong anino kaya nagtago muna ako sa madilim na parte ng daanan.

"Pare, saan ba 'yong taguan ng pera? Sigurado ka bang nandito?"

“Oo nga. Huwag kang maingay diyan baka magising 'yung mag-ina."

Kumabog ang dibdib ko nang mapagtantong may tao nga. Nabosesan ko ang isang lalaki at kaboses siya ni Tito Eric. Balak pa talaga niya kaming pagnakawan. Ang sama niya.

Lumapit ako sa puwesto nila at nagtago sa gilid ng malaking vase. Dalawa lang silang nakikita ko. Nakatalikod sila sa may gawi ko at busy sa pangangalikot sa pinto ng isang kwarto.

“Crystal? Ikaw ba 'yan?"

Napalingon ako kay mama. Nagising din siguro siya sa ingay. Nilingon ko ulit ang dalawang lalaki at nakita kong naglabas ng balisong ang isa sa kanila. Nang naglakad ito sa direksyon ni mama ay 'tsaka ako kumilos. Sinalubong ko siya ng hampas sa mukha kaya tumalsik ang hawak niyang balisong.

“Peste kang babae ka! Humanda ka!"

Sumugod ito sa akin. Sinangga ko ang braso niya at sinipa siya sa tuhod. Hindi man lang siya natinag. Bakal yata ang buto nito, e.

“Crystal, mag-iingat ka!" sigaw ni mama.

Pinagpatuloy ko ang pagsangga sa mga atake niya. Pero nahablot niya ang buhok ko at sinakal ako.

“Bitawan...mo 'ko!!"sabi ko.

Siniko ko ang sikmura at agad lumayo sa kaniya. Pero hindi ko napansin ang pag-atake ni Tito Eric.

“Aahh!" sigaw ko ng masaksak niya ako sa braso.

Sabay-sabay kaming napalingon nang may narinig kaming tunog ng sirena ng mga pulis.

“Pre sibat na tayo," sabi ng kasama ni Tito Eric.

Aalis na sana sila pero hinablot ko ang damit ni Tito Eric. Pilit siyang kumakalas pero hinigpitan ko ang hawak sa kaniya. Hindi ko siya papatakasin.

“Bitawan mo 'ko!"

“Aah!" Napasigaw ulit ako nang buong lakas niya akong itulak kaya napaupo ako sa sahig.

Tumakbo sila pababa ng hagdan kaya hinabol ko rin sila. Sakto namang pumasok ang mga pulis.

“Huwag kayong kikilos ng masama kundi magpapaputok kami!"

Hindi naman na sila nanlaban pa. Nakahinga lang ako nang maluwag ng nakaposas na silang dalawa. Kumirot ang braso ko kaya 'tsaka ko lang naalala ang sugat ko. Naupo na muna ako sa may sofa para magpahinga.

“Anak, kailangang magamot ang sugat mo. Dalhin na kaya kita sa hospital?" nag-aalalang sabi ni mama.

Umiling ako. “Huwag na, 'ma. Kagagaling ko lang doon, e."

"Sige, tatawag na lang ako ng gagamot sa 'yo."

Hindi na ako kumibo at pumikit na lang ako. Sa kahihintay ay nakatulog na ako ulit. Muli akong gumising nang may humahaplos sa pisngi ko. Pagdilat ko ay si Art ang nakita ko. Nasa kuwarto na rin ako at nakabenda na rin ang braso ko.

“Art? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

“I was worried about you. Sinabi ni Tita Christine sa akin ang nangyari kaya nagpunta ako kaagad dito," sagot niya.

Bumangon ako at nginitian siya. "Hindi ka na dapat nagpunta. Maayos naman na ang lagay ko."

"I told you to take care of yourself. Pero bakit naman kinalaban mo pa ang mga magnanakaw na 'yon? You should've called the police immediately."

Napanguso ako. "Hindi ko naisip 'yon dahil nataranta rin ako. I'm sorry kung pinag-alala kita. Huwag ka nang magalit."

Bumuntonghininga siya at tiningnan ang braso kong nakabenda. Hindi naman masiyadong malaki ang sugat ko. Nadaplisan lang ako ng kutsilyo kanina.

Bumukas ang pinto ng kuwarto ko at napakunot ang noo ko nang makita si Mr. Madrigal. Kasunod niyang pumasok si mama kaya tumayo na si Art.

"Crystal, kumusta ang sugat mo?" tanong ng ama ko.

"Hindi na po masakit. Maliit lang naman po ang sugat," sagot ko.

Umupo si mama sa tabi ko at mukhang may importante siyang sasabihin. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.

"Nag-usap kami ng ama mo. Pareho kaming nag-aalala sa kaligtasan mo kaya naisip naming, mabuti nga siguro kung titira ka na rin sa mansyon," sabi ni mama.

Mas lalong napakunot ang noo ko. "P-Pero bakit? Napag-usapan na po natin na hindi ako titira doon, 'di ba?"

"Oo nga, Crystal. Pero sana maintindihan mo na para rin ito sa kalagayan mo."

Umiling ako. "Ayaw ko. Hindi kita iiwan, mama. Kung nasaan ka, doon din ako titira."

Lumapit sa akin si Mr. Madrigal kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hindi mo naman kailangang iwan ang mama mo. Puwede mo siyang isama sa mansyon," sabi ni Mr. Madrigal.

"Isasama sa mansyon? At titira kasama ang asawa n'yo at si Julianna? Hindi po ba mas lalong nakakahiya ang gano'ng setup? Hindi po ba kayo nag-aalala na baka masira kayo sa ibang tao?" tanong ko.

Alam ko kung gaano kahalaga para sa kaniya ang reputasyon niya. Ang pagkakaroon pa nga lang ng anak sa labas ay isa nang kahihiyan. Paano pa kaya kapag tumira pa kami ni mama kasama ang tunay niyang anak at asawa? Pagod na akong mahusgahan ng ibang tao. Ayaw ko nang pati si mama ay kutyain nila.

"Yes, my reputation is important to me. But you're more important. You know why? Because you're my daughter."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top