Chapter 19
✨
Girlfriend
Ganito pala ang pakiramdam kapag gusto ka rin ng taong gusto mo. Sobrang gaan sa puso. Para akong lumulutang sa ulap.
Nakasandal ako sa balikat ni Art nang bigla na lang bumuhos ang ulan.
"Pumasok na tayo sa kotse," sabi ni Art at tinulungan akong bumaba ng sasakyan niya.
Sabay kaming pumasok sa loob at inabutan niya ako pamunas dahil nabasa pa rin ako ng ulan. Wala pang ilang minuto ay talagang lumakas na ang ulan.
"I can't believe this. The rain is very wrong timing!" sabi ni Art.
Natawa ako sa reaksyon niya. Para siyang bata na inagawan ng candy. Kulang na lang ay magdikit ang dalawang kilay niya.
"Hindi naman wrong timing. Oras na kasi para umuwi. Gabi na masiyado," sagot ko.
Bumuntonghininga siya at hinawakan ang kamay ko. "Okay. We'll go home," sabi niya at ini-start ang kotse. "I can't wait to tell my family about the good news."
Kung kanina ay nakasimangot siya ngayon naman ay todo ang ngiti ni Art. Siguro gano'n din ang itsura ko ngayon.
Sa sobrang saya ko ay hindi ako dinalaw ng antok habang nasa biyahe kami. Kasalukuyan naming tinatahak ang kalsada na walang mga bahay sa bawat gilid. Wala rin kaming nakakasalubong na sasakyan dahil nga malalim na ang gabi.
Malakas ang ulan sa labas kaya malabo sa paningin ang daan, kinailangang bagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Pero bigla na lang tumirik ang kotse ni Art.
"Shit!"
"Huwag ka ngang magmura," saway ko sa kaniya.
"Sorry. Mukhang tumirik ang sasakyan. Sandali, i-che-check ko lang. Huwag kang lalabas," utos niya.
Aba't naghahanap yata siya ng sakit ah. Loko talaga 'tong si Art. Binuksan ko ang pinto at lumabas ng kotse. Sobrang lakas ng hangin at ulan kaya madali akong nabasa.
"Art! Pumasok ka na sa loob! Magkakasakit ka niyan, e!" sabi ko habang naglalakad palapit kay Art.
Ang hirap maglakad habang nakasuot sa akin ang basang ball gown. Ang bigat sa katawan.
"Crystal! I said don't go outside! Bumalik ka na sa kotse!"
"Hindi ako papasok doon hangga't hindi ka pumapasok. Dito lang ako."
Napahawak siya sa sentido niya na parang naiinis. Agad niya akong hinila sa palapulsuhan at ipinasok sa kotse kasama siya.
"Napakakulit mo talaga. If I told you to stay here, stay here, okay?Kaya ko ang sarili ko. Ikaw ang inaalala ko," naiinis na sabi ni Art.
"Paano kung ikaw naman ang magkasakit? Hindi porke't mag-do-doctor ka, immune ka na sa sakit."
"Just...Just stay here okay? Susubukan kong ayusin ang kotse para makauwi na tayo. Don't do anything stupid."
Lumabas siya ulit at naiwan ako sa loob. Napaka-bossy niya. Basta sinabi niya, dapat masusunod. Kinuha ko ang towel na nandito sa kotse niya at ipinunas sa braso ko nang makaramdam ako ng kirot sa bandang kaliwang parte ng dibdib ko.
Binalewala ko 'yon dahil akala ko ay mawawala rin pero hindi pala. Mas lalong sumasakit ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga.
'Huwag ngayon please...'
Sinubukan kong ibalik sa normal ang paghinga ko pero mas lalo akong nahihirapan. Naninigas na rin ang mga daliri sa kamay at paa ko.
"A-Art..." hirap na sambit ko. Umaasang bumalik na siya dito sa loob.
Pinagpatuloy ko lang ang paghinga nang malalim hanggang sa marinig ko ang pagbalik ni Art sa kotse.
"Hindi ko alam kung anong problema—Crystal? What happened? May masakit ba?"
Gusto ko mang magsalita ay hindi ko magawa. Halos wala akong hangin na masagap. Sumisikip ang lalamunan ko at nanginginig na rin ako sa lamig.
"Crystal, look at me. Calm down. Now breathe," sabi ni Art habang hawak ang magkabila kong balikat.
Humawak ako sa mga kamay niya at doon kumuha ng lakas para huminga. Sobrang bigat ng dibdib ko at wala akong magawa kundi ang umiyak.
Kaya ko 'to. Hindi ito ang unang beses na nangyari sa akin 'to kaya malalagpasan ko rin ito. Nandito si Art. Hindi niya ako pababayaan.
"H-hindi....ako....m-makah-hinga...ma..sa..kit.."
"Just breathe. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale."
Sinunod ko ang sinabi niya pero hindi talaga umuubra. Narinig kong may kinuha siya sa kung saan at naaninag ko ang isang inhaler.
"Here. Let me help you," sabi niya at itinapat sa bibig ko ang inhaler.
Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko pagkatapos niyang i-pump ang inhaler.
"Kaya mo bang lumipat sa backseat?" tanong niya.
Dahandahan akong tumango at tinulungan niya akong lumipat sa likuran. Sumunod din naman siya at tumabi sa akin. Sa sobrang pagod ay nakatulog din ako kaagad.
Art Francis
"Crystal? Gising ka pa ba?"
Marahan kong inalog ang balikat niya pero hindi na siya nag-re-respond. Mukhang nakatulong sa kaniya ang inhaler pero namumutla pa rin siya.
Kailangang dalhin ko na siya sa hospital. Pero paano ko gagawin iyon kung hindi umaandar ang sasakyan?
Minutes later, she's trembling again. I wrapped my arms around her to warm her body. We stayed in that position for awhile until I fell asleep.
Nagising ako nang may paulit-ulit na kumatok sa bintana ng sasakyan ko. I glanced at Crystal and she's still sleeping. She looks paler than last night.
May kumatok ulit sa bintana kaya napatingin na ako doon. Binuksan ko ang pinto nang makita ang isang pulis. Nang makalabas ako ay 'tsaka ko lang napansin na may mga kasamahan pala siya.
"Nandito sila!" sabi niya sa ibang pulis at nagsilapitan naman sila sa amin.
"Sir, I need your help. I need to bring my girlfriend to the hospital," I told them.
"Yes, Mr. Baltazar. Natanggap po namin ang tawag ninyo kagabi pero malakas ang ulan kaya ngayon lang kami nakarating."
I sighed heavily. I understand their reason. Hindi naman namin ginusto na mangyari ang mga ito.
Dumating ang ambulansya at dinala namin kaagad sa hospital si Crystal. Naupo ako sa tapat ng kuwarto ni Crystal. Hinintay kong lumabas ang doktor pero bago pa mangyari 'yon ay dumating na ang mama ni Crystal kasama sila mom at dad.
"Art, what happened? Ano bang ginagawa n'yo sa Tagaytay? 'Di ba nasa senior ball kayo kagabi?" sabi ni mom.
Bumuntonghininga ako bago humarap kay Tita Christine. "Tita, sorry po. Isinama ko po si Crystal sa Tagaytay tapos nasiraan po kami ng sasakyan. She had an asthmatic attack last night."
"Wala kang kasalanan, Art. Sa susunod lang sana mag-iingat kayo at magpaalam muna kayo sa amin para hindi kami mag-alala," sagot ni Tita Christine.
Tumango ako at nakahinga nang maluwag. Ang akala ko ay magagalit siya sa akin. Samantalang si mommy, kanina pa masama ang tingin sa akin. Parang siya pa ang nanay ni Crystal.
Lumabas ang doktor at nakahinga kami nang maluwag nang sabihin niyang hindi naman malala ang sitwasyon ni Crystal. Hindi rin naiiba sa dating asthma attack niya ang nangyari kagabi.
Pumasok sa loob ang mama ni Crystal at naiwan muna kami sa labas.
"Art, why did you do that?" tanong ulit ni mommy.
"Mom, I just asked her to come with me to Tagaytay—"
"It's not that. I am asking, why did you left Yanna at the senior's ball? She was so upset last night! Kung hindi dahil sa kan'ya, hindi namin malalaman na umalis ka pala kaagad kagabi," pigil ang inis na sabi ni mommy.
"I told them that I had some urgent things to do," I said.
Ilang minuto lang ay pinapasok na rin kami ng mama ni Crystal. Tulog pa rin si Crystal pero hindi na siya gaanong maputla.
Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama niya. Hindi siya nakakasawang titigan.
Mayamaya lang ay may kumatok sa pinto at biglang bumukas iyon..
Napalingon kaming lahat at nakita namin si Julianna. Dirediretso ang pasok niya kaya tumayo ako agad.
"Hello Art," she greeted.
"Yanna. What are you doing here?" I asked.
Sumulyap siya kay Crystal bago tumingin sa akin. "Sinama ako ni daddy. After niyang malaman na nasa hospital ang babaeng 'yan, nagmadali siya papunta dito."
Sunod na pumasok si Congressman Madrigal. Pero bago pa siya makalapit kay Crystal ay ipinagtulakan na siya ni Tita Christine.
Crystal
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka namin kailangan dito kaya umalis ka na."
Parang nagising ang diwa ko nang makarinig ako ng sigaw. Dahandahan akong dumilat at nakita ko ang puting kisame.
Nasa hospital ba ako? Ano bang nangyari?
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nakita ko si Art at Julianna na nakatayo sa tabi ko. Pareho silang nakaharap sa dalawang taong nagsisigawan. Si mama at ang tatay ko.
"Christine, I just want to see my daughter. If you want, I can pay the bills here," sabi ng tatay ko.
Tinulak siya ni mama pero hindi naman gano'n kalakas. Agad na lumapit si Julianna sa daddy niya.
"Will you stop pushing my dad? Siya na nga ang concern tapos kayo pa ang galit?" sabi ni Julianna kay mama.
Naikuyom ko ang kamao ko. Hindi nila dapat sinisigawan si mama. Wala silang karapatan.
"Umalis na kayo," malumanay na sabi ni mama pero alam kong nagpipigil lang siya.
"Christine, bakit ba kasi hindi na lang kayo tumira sa mansyon? I will provide her maintennance basta doon na kayo tumira."
"Hindi po kami titira kasama kayo," sabad ko sa usapan nila.
Nilingon nila akong lahat. Lumapit sa akin si Art at hinawakan ang kamay ko.
"I'm glad you're awake. How are you feeling?" tanong ni Art.
"Ayos na ako," sabi ko sa kaniya bago tumingin kila mama. "Salamat na lang po sa concern pero hindi po magandang ideya na tumira tayo sa iisang bubong. Ayoko po ng gulo."
"Hindi naman magkakaroon ng gulo. Mas ligtas kayo sa mansyon."
"Dad, huwag mo na silang pilitin. Parang ikaw pa tuloy ang naghahabol," sabi ni Julianna.
'Yan ang sinasabi ko. Kung titira kami sa iisang bahay sigurado akong hindi matatahimik si Julianna. Baka kung ano pang maisipan niyang gawin.
"Sige, hindi ko kayo pipilitin. Pero laging bukas ang mansyon kung sakaling nagbago ang isip ninyo. Mag-iingat ka Crystal," sabi ni Mr. Madrigal at lumabas na sila ng kwarto.
Napabuntonghininga ako. Sa totoo lang, gustong-gusto kong makasama ang papa ko. Gusto kong maranasan na magkaroon ng ama. 'Yong gigising ka tapos kumpleto ang pamilya mo. Napakasarap siguro sa pakiramdam no'n.
Pero kung ganito kakomplikado ang lahat? Maiisipan ko pa bang gawin 'yon? Iisipin ko pa ba ang sarili kong kaligayahan? Hindi man nila sabihin, alam kong tutol ang mommy ni Yanna sa desisyon ni Mr. Madrigal. Sino ba namang asawa ang gugustuhing makasama sa iisang bahay ang anak sa labas ng asawa niya?
"Sigurado ka ba talagang ayos na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Art.
Nakailang beses na niyang tinanong 'yan mula nang bumalik siya dito hospital. Masiyado siyang nag-aalala sa kalagayan ko, naiintindihan ko naman iyon. Hindi siya sanay na nakikita akong inaatake kaya nag-pa-panic siya.
"Art, ayos na ako. 'Di ba nga sabi ng doktor puwede na akong ma-discharge ngayong araw? Ibig sabihin wala ka ng dapat ipag-alala," sagot ko.
Bumuntonghininga siya at natawa na lang ako. Muli kong inayos ang mga gamit ko para pagbalik ni mama ay makakaalis na kami. Nag-volunteer si Art na ihatid kami sa bahay namin.
"Bayad na lahat ng bills. Puwede na tayong umuwi," sabi ni mama.
"Ako na po ang magbubuhat ng bag ninyo,"sabi ni Art at kinuha ang bag na may gamit ko.
Napaka-gentleman talaga. Hindi ko maiwasang hindi kiligin. Si mama naman napapakunot na lang ang noo sa ikinikilos ni Art.
Lumabas na kami ng hospital at sumakay na kami sa kotse ni Art. Sa front seat ako at nasa back seat naman si mama, s'yempre si Art ang mag-d-drive.
Pagdating sa tapat ng bahay namin ay nauna ng pumasok sa loob si mama. Naiwan muna ako kasama si Art.
"Tandaan mo ang bilin ng doctor, ha? Bawal magpagod," sabi ni Art.
"Oo. Huwag ka na ring masyadong mag-alala."
Niyakap ako ni Art kaya niyakap ko rin siya. Napakasarap sa pakiramdam kapag nasa bisig niya.
"You can't stop me from worrying about you. Pumasok ka na sa loob. Take care, okay?"
Tumango ako. "Mag-iingat ka rin."
Pumasok na ako sa loob ng bahay at narinig ko na rin ang pag-alis ng sasakyan niya. Halos mapunit ang labi ko kakangiti. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na may gusto talaga siya sa akin.
"Crystal, bakit ka ngumingiti mag-isa?"
Nagulat ako nang biglang nagsalita si mama. Nakaupo siya sa may sofa. Hindi ko siya napansin.
"W-Wala po," sabi ko.
"Kayo na ba ni Art?"
Napakurap-kurap ako sa tanong ni mama. Alam kong nakakahalata na rin siya sa kilos namin ni Art. Wala rin naman kasi kaming balak itago ang relasyon namin.
"Opo, 'ma," sagot ko.
Tumango si mama at naglakad patungo sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko.
"Hindi ako tutol sa inyong dalawa. Sana nga lang ay hindi ka masaktan. Kung saan ka masaya susuportahan kita."
"Salamat po, 'ma."
Matapos ang pag-uusap namin ay umakyat na ako sa kuwarto ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Parang hindi nga ako na-confine, e. Ganito pala ang feeling ng in love.
At dahil wala naman akong gagawin ngayon ay umidlip na muna ako. Nagising na lang ako nang may marinig akong sigawan.
"Nakipagkita ka na naman sa lalaking 'yon! Bakit? Naghahabol ka ba sa pera niya?"
"Hindi totoo 'yan! Dinalaw niya lang si Crystal."
"Hindi ako naniniwala. Malandi ka kaya paniguradong gusto mong huthutan—"
Napaigtad ako nang sampalin siya ni mama. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Maging ako ay hindi natutuwa sa sinasabi ni Tito Eric kay mama. Walang katotohanan lahat ng 'yun.
Bumaba ako ng hagdan at namagitan sa kanila. Hindi puwedeng palagi na lang niyang inaaway ang mama ko.
"Tama na po!" pag-awat ko sa kanila. "Huwag n'yo namang pagsalitaan ng gan'yan si mama! Ano pong karapatan n'yo na sabihin kay mama na naghahabol siya sa tatay ko? Kung gagawin niya 'yon sana noon pa. Pero hindi naman po, 'di ba? Nanatili siya sa tabi ninyo kahit nahihirapan siya!
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para sabihin 'yon. Nirerespeto ko siya pero sana naman respetuhin niya rin kami.
"Magsama kayo ng nanay mo! Aalis na ako! Mga walang kuwenta!"
Lumabas siya ng bahay at sinarado ko kaagad ang pinto. Mabuti na rin na umalis siya. Wala rin naman kaming mapapala kung nandito siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top