Chapter 17


Jealous

Art Francis

She only sees me as a friend? I can't believe this. At mas lalong hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ba naiinis ako dahil lang sa kaibigan ang tingin sa akin ni Crystal? Ano bang nangyayari sa akin?

“Art? What happened?" dad asked.

He sat beside me on the sofa.

I sighed. “I don't really know, dad. I'm so confused. Sigurado akong hindi ko siya gusto. She's not even my type. Pero no'ng nalaman kong sumama siya sa iba, para akong nasaktan."

“So, you're in love?"

Napalingon ako kay dad nang sabihin niya 'yon. Love? I don't even know if I like her so how would I know if I love her? Is there any criteria to know if you're in love?

“That's impossible," I said.

He suddenly laughed that's why my forehead creased.

"That's how love works. It can turn impossible things to possible. Akala mo hindi mo siya magugustuhan, pero magugulat ka na lang na palagi na siyang nasa isip mo."

I shook my head. "I don't believe you, dad."

"Okay. But how will you explain that emotion you're feeling right now? Nagalit ka kasi may kasama siyang iba, anong tawag do'n?" tanong niya pero hindi ako sumagot. "That's jealousy, Art. And why are you jealous? It's because you like her. Just admit it to yourself. Wala namang masama. So, who's the lucky girl?"

I'm jealous because I like her? Oh, come on. This feeling is making me crazy.

Crystal, it's all your fault. You're messing my mind.

Crystal

“Bes, kanina ka pa tahimik. May problema ba?" tanong ni Lianne.

Umiling ako at ngumiti. “Wala naman."

Wala naman talaga akong problema. Nalulungkot lang ako. Kanina paglabas ko ng bahay, walang Art na naghihintay sa akin. Nakakalungkot na mukhang seryoso siya sa sinabi niya kahapon na lalayuan niya na ako. Nagalit talaga siya dahil hindi ako tumupad sa usapan.

“Sigurado ka ba? Puwede namang huwag ka na munang mag-practice ng cotillion para magpahinga ka na lang."

“Ayos lang talaga ako. Medyo kulang lang ako sa tulog," pagpapalusot ko.

Ngayon ang unang araw ng practice ng cotillion para sa Senior's ball. Bawat kasali sa cotillion ay kailangan ng partner. Kung may partner ka na, ayos na. Pero kung wala, ang teacher ang pipili ng ka-partner mo.

Nakaupo kami sa bleechers habang pinapanood ang third year and fourth year students na nagpa-practice. Kami na ang susunod sa kanila. Magkasunod kasi ng araw ang JS prom and Senior's ball.

“Okay, seniors. Line up!"

Pumila na kami at isa-isa kaming hinanapan ng partner. At nang matapat na ako na ang hahanapan ng partner ay wala na silang mapili. Ang malas ko talaga.

“Ayos lang po. Hindi na ako sasama—'

“I'm here! Sorry, I'm late."

Napalingon kami sa bagong dating na si Kryan. Hinihingal pa siya at pinagpapawisan.

“Great! Ngayon may partners na kayong lahat. Go to your formation!"

Agad na lumapit sa akin si Kryan kaya natawa ako. Mukha talagang nagmadali siya dahil ang gulo pa ng buhok niya.

"Sorry. Katatapos lang ng training namin kaya ngayon lang ako," paliwanag niya.

Umiling ako. "Ayos lang. Mabuti nga at dumating ka kundi hindi na ako sasama sa cotillion."

"Everyone listen!" Umayos na kami ng puwesto. "The boys should put their right hand at the left waist of the girl. And their left hand should hold the right hand of the girl. Girls!Put your left hand at the top of the shoulder of your partner!"

Ginawa namin ang sinabi ng teacher. Masiyadong nakatitig sa akin si Kryan kaya naiilang ako. Pakiramdam ko may dumi sa mukha ko ngayon.

“Now, remember the dance lesson on your P.E. subject. Let's do the waltz!"

Nag-umpisa na kaming gumalaw ayon sa steps. Hindi naman gaanong mahirap dahil basic pa lang ang itinuturo.

“Ang tahimik mo. Naiilang ka ba sa akin?" tanong ni Kryan.

Napatingin ako sa kaniya. “Hindi. Nag-co-concentrate lang ako sa practice."

“By the way, napag-isipan mo na ba ang alok ko?" tanong niya.

Wala naman sigurong masama kung siya ang maging date ko. Tutal wala namang ibang nag-aaya sa akin at saka ka-partner ko siya sa cotillion kaya ayos na rin 'yon.

Tumango ako. "Sige, pumapayag na ako."

Sobrang natuwa siya sa sinabi ko to the point na niyakap niya ako. Lumingon tuloy ang ibang estudyante sa amin. Nakakahiya talaga.
Agad din naman siyang lumayo at napakamot sa batok niya.

"Sorry, natuwa lang ako," nahihiyang sabi niya.

“Ayos lang. Halata ngang natuwa ka masiyado."

“Mr. Soriano and Ms. Andrada, oras ito ng practice kaya anong ginagawa n'yo? Pagkatapos nito, sumunod kayo sa akin," sabi ng supervisor namin.

Napayuko ako at sineryoso na ang practice. Pagkatapos ay sabay kaming nagpunta ni Kryan sa office ni supervisor.

"Shanna, sorry. Nadamay ka pa tuloy," sabi ni Kryan.

"Hayaan mo na. Hindi naman siguro mabigat ang ipapagawa nila sa atin," sagot ko.

Pero ang totoo, kinakabahan talaga ako. Ayaw ko namang magkaroon ng bad record dahil mahihirapan akong kumuha ng good moral kapag gano'n.

“You both know that you're in the middle of practice, right?" tanong ni supervisor.

“Opo."

“Pero hindi ninyo sineseryoso. As a punishment, lilinisin ninyo ang buong library ngayong araw."

Napanganga ako sa punishment namin. Napakalaki ng library ng school na 'to tapos kami lang ang maglilinis? Pero ayos na rin 'yon kesa naman ma-suspend kami.

Kumuha muna kami ng cleaning materials bago kami nagtungo sa library. Pagpasok pa lang ay para na akong napapagod. Ang daming libro dito at puro alikabok pa.

"Doon ka sa kabilang side. Dito naman ako," sabi ko kay Kryan.

"Okay. Pero wait lang," sabi niya at may kinuha sa bulsa niya.

Facemask pala. Inabot niya sa akin 'yon kaya napangiti ako.

"Maalikabok dito kaya magsuot ka ng facemask. Sige na, magsimula na tayo."

Isinuot ko na ang facemask bago ako nagtungo sa side ko. Inumpisahan ko na munang isalansan ang mga libro. Pinagpagan ko na rin ang mga alikabok. Balak ko rin sanang ayusin ang libro sa pinakamataas na bahagi ng shelf pero hindi ko maabot. Ang pandak ko kasi, e.

Nagpunta ako sa kabilang side kung nasaan si Kryan. Naabutan ko siyang naglalampaso ng sahig.

“Kryan, tulungan mo nga ako. Hindi ko maabot ang mga libro sa itaas," sabi ko.

“Sige, saan ba?"

Dinala ko siya sa puwesto ko kanina at siya na rin ang pinag-ayos ko ng mga libro. Pero habang kinukuha niya ang mga 'yon ay may nahulog na libro at tumama sa ulo ko.

“Aray!"

Ang sakit no'n, ah. Agad namang lumapit sa akin si Kryan at tinignan ang ulo ko.

“I'm sorry. Masakit ba? Dalhin na lang kita sa clinic," natatarantang sabi niya.

Umiling ako. “Hindi na. Ayos na ako—"

“No. Dadalhin na lang kita sa clinic. Baka magkabukol ka."

Hindi ko mapigilang matawa. “Kryan, ayos nga lang ako. Hindi mo na kailangang mag alala."

“Are you sure?" tanong niya pa ulit kaya tumango ako. "Titingnan ko na lang baka may sugat."

Lumapit siya sa akin at tiningnan ang ulo ko. Ayaw talaga niyang maniwala na ayos lang ako. Medyo makapal nga ang librong nahulog sa akin pero ayos lang.

"O, 'di ba wala? Hindi naman ako magkaka-amnesia dahil diyan," natatawang sabi ko.

Napaigtad ako nang biglang may bumagsak sa sahig. Nilingon ko kung saan galing ang ingay na 'yon at nakita ko si Art. Seryoso siyang nakatitig sa amin ni Kryan.

Umiling siya na parang na-disappoint bago umalis. Nagkatinginan kami ni Kryan at nagkibit-balikat siya. Hindi na ako nagsalita at basta ko na lang sinundan si Art.

“Art!" tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako nilingon.

Sobrang bilis niyang maglakad kaya kinailangan ko pang tumakbo para lang mahabol siya.

“Art, sandali lang!"

Huminto ako saglit para huminga nang malalim pero pagtingin ko ay wala na siya. Tumakbo ako ulit at hindi ko napansin ang bato kaya napatid ako.

“Aray!"

Tumayo ako kaagad at nakita kong dumudugo ang tuhod ko. Sobrang sakit kaya hindi ko na magawang lumakad nang maayos.

"Bwiset ka, Art! Hindi ka man lang huminto! Sana madapa ka rin!" naiinis na sabi ko.

“Bakit mo ba kasi ako hinahabol?"

Napatayo ako nang tuwid pagkarinig ko sa boses niya. Pero muli rin akong napadaing dahil nabanat ang sugat ko sa tuhod. Sobrang sakit talaga.

"O, bakit bumalik ka? Dahil sa 'yo nadapa ako."

Kumunot na naman ang noo niya. Naging seryoso ulit ang mukha niya. Ano, magagalit na naman siya?

“Hindi ko sinabing sundan mo ako. Umalis na nga ako para hindi ko kayo maistorbo ng lalaking 'yon," sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Ano bang kinagagalit mo na naman?Bakit ba ang init ng ulo mo kay Kryan?" inis na tanong ko.

Naririndi na kasi ako sa kaniya. Palagi na lang siyang nagagalit. Hindi naman niya sinasabi kung bakit.

“Sinong ka-date mo sa senior's ball?" tanong niya.

Umirap ako. Ang galing niya talagang mag-iba ng usapan.

“Si Kryan," sagot ko.

“Sinong kapartner mo sa cotillion?"

“Si Kryan."

“Sinong kasama mo kanina?"

“Si... Kryan."

“See? Si Kryan na lang palagi. Paanong hindi ako maiinis?" sabi ni Art.

Napamaang ako sa sinabi niya. Kawawa naman si Kryan, napagbubuntunan ng galit. Wala naman siyang ginagawang masama.

“Iyon lang ba ang ikinagagalit mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

“'Yon lang? Crystal, it's a big deal for me!"

Medyo nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. “Hindi kita maintindihan, Art! Napakagulo mo kasi. Bakit hindi mo ipaliwanag sa akin kung bakit ka nagkakagan'yan? Hindi naman ako manghuhula!"

“I'm jealous!"

Hindi ako nakasagot. Naubusan ako ng sasabihin. Sinabi niya ba talaga 'yon? Baka naman nabingi lang ako.

“Anong sabi mo? Nagseselos ka?"

Para naman siyang natauhan. Pumikit siya nang mariin.

“I already said it. Hindi ko na uulitin. Hindi mo rin naman kailangang intindihin ang sinabi ko. Nadala lang ako sa emosyon ko."

Bumuntonghininga ako. Mas lalo lang niyang ginulo ang isip ko. Baka ba palagi niya akong pinapaasa tapos bigla niyang babawiin? Pinaglalaruan niya ba ako?

"Okay. Hindi ko na iintindihin 'yon. Pero sa susunod, kung magagalit ka lang sa akin, huwag ka na lang magpakita.",

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top