Chapter 15
✨
Happy
“'Ma, aalis na po ako!" sabi ko kay mama at hinalikan siya sa pisngi.
Balik-eskwela na naman. Konting-tiis na lang, malapit na ang graduation at malapit na rin ang bakasyon. Balak ko sanang pumunta sa isang lugar na malayo dito. Gusto ko ring magkaroon ng oras sa sarili ko. Gusto kong makapag-isip na muna. Pero s'yempre kailangan ko pa ng pera.
“Sige anak. Mag-iingat ka," sabi ni mama.
Hindi na ulit nagpunta dito ang tatay ko. Aaminin ko, medyo umasa ako na ipaglalaban niya ako. Pero bakit nga naman niya gagawin 'yon, 'di ba? May sarili na siyang pamilya at sigurado akong nakokonsensya lang siya noong nakaraan kaya siya nagpunta dito.
Lumabas na ako ng bahay at nagulat ako nang makita ang isang magandang motor sa tapat ng bahay namin. Sa motor na 'yon nakasandal ang napakaguwapong si Art.
Ano na naman kaya ang ginagawa niya dito?
Nilapitan ko siya kahit na naiilang ako sa titig niya.
"Hi," sabi ko.
Ngumiti siya. “Good morning. For you."
Inabot niya sa akin ang isang bungkos ng tulips na bulaklak. Napapadalas yata ang pagbigay niya ng bulaklak sa akin. Hindi kaya may flower shop itong si Art tapos walang bumibili kaya pinamimigay niya na lang?
Bahagya akong natawa sa naisip ko.
“Why are you laughing?"
Medyo nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakakahiya! Baka isipin niya nababaliw na ako dahil tumatawa ako bigla.
“Wala naman. Para saan nga pala itong bulaklak?" tanong ko.
“I just want to make you happy."
Napangiti ako sa sinabi niya. “Salamat. Pero hindi mo naman kailangan gawin—"
“But I want to do this. Just let me, okay? By the way, ihahatid na kita sa school mo."
Pagkasabi niya no'n ay napalinga-linga ako sa paligid. Wala naman siyang dalang sasakyan. Tanging motor lang. Huwag niyang sabihin na aangkas ako diyan?
“Mag-mo-motor tayo?" tanong ko.
Tumango siya. “Yes. Don't worry it's safe."
Hindi pa ako nakakasakay sa motor. Takot kasi ako. Baka maaksidente kami sa daan, pero s'yempre may tiwala naman ako kay Art.
Kinuha niya ang helmet at siya na mismo ang nagsuot sa akin.Ang lapit namin masiyado sa isa't-isa. Kitang-kita ko ang gwapo niyang mukha. Hindi ko alam kung nahihibang na ba ako, pero parang tumingin siya sa labi ko bago siya lumayo sa akin.
“Come on, Crystal," sabi niya kaya umangkas ako sa motor.
Nakapatong sa lap ko ang bulaklak. Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Nakakahiya namang yumakap sa kaniya.
“Give me your hands."
Kahit nagtataka ay inabot ko sa kaniya ang kamay ko. Siya mismo ang nagyakap ng braso ko sa beywang niya. Ramdam na ramdam ko ang abs niya kaya ipinilig ko ang ulo ko.
Magkakasala pa yata ako nito. Bakit ba kasi naisip niya pang mag-motor kami?
Pinaandar na niya ang motor at napapikit ako sa kaba. Pakiramdam ko naiwan ang kaluluwa ko. Gusto ko na kaagad bumaba.
“Hey, we're here." Pagkasabi niya no'n ay dahandahan akong dumilat.
Dahandahan ko ring kinalas ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa kaniya. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi yata ako masasanay sa pagsakay ng motor. Bumaba na si Art at humarap sa akin pero hindi pa rin ako gumagalaw.
Tinanggal niya ang helmet ko at siya na mismo ang nag-ayos ng buhok ko. Hindi nakakatulong ang ginagawa niya. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.
“Natakot ka ba? Namumutla ka kasi," sabi niya.
Tinignan ko siya nang masama. “Hindi na ulit ako sasakay sa motor mo. Pakiramdam ko mamamatay ako kanina."
Natawa naman siya. Lokong 'to. Tinawanan pa ako.
“Sorry. Next time, I'll use my car."
Inirapan ko siya at inalalayan niya na akong bumaba ng motor. Medyo nanginginig ang tuhod ko kaya todo kapit ako sa kaniya.
“Let me help you," sabi niya at humawak sa beywang ko ang kaliwang kamay niya habang ang isa ay nakahawak sa kamay ko.
“Ayos na ako. Pumasok ka na baka ma-late ka pa," sambit ko.
“Ihahatid na kita sa room mo bago ako aalis."
Hinayaan ko na siya. Kailan ba ako nanalo sa kakulitan ni Art?
Nakarating kami sa tapat ng room namin. As usual, ang daming mga matang nakatingin. Kapag kay Art sila nakatingin, nakangiti sila pero pagdating sa akin may kasamang irap na.
“Salamat sa paghatid. Pati dito sa bulaklak," sabi ko.
“No worries. I'll fetch you later."
Umiling ako. “Kahit huwag na may kasabay naman ako."
At dahil pinaglihi sa kakulitan si Art, s'yempre ipipilit niya 'yon. At ako namang si dakilang marupok, s'yempre pumayag.
“Huy, bes! May something na sa inyo ni Art, 'no?" kinikilig na tanong ni Lianne na may kasama pang pagyugyog sa balikat ko.
Kinunutan ko siya ng noo. "Anong something ka diyan? Wala."
'Yan na naman yung tingin niya na hindi naniniwala. Akala mo palaging nababasa ang isip ko, e.
“Talaga ba? 'Di nga? E, bakit may pahatid-hatid pa? Akala mo 'di ko nakita 'yong ginawa niya sa 'yo sa parking lot?"
Bigla kong naalala iyong sa parking lot kanina. May nakakita pala sa amin.
“Hala ka, nag-b-blush siya. So ano nga? May relasyon na kayo?" tanong niya ulit.
“Wala nga. Oo, hinahatid niya ako at binibigyan ng bulaklak pero wala kaming relasyon," sagot ko at umupo na sa upuan ko habang nakatitig sa mga bulaklak.
“Ay gano'n? Baka naman nanliligaw pa lang siya. Hindi mo pa sinasagot kaya walang kayo."
Nanliligaw si Art? Wala naman siyang sinabi sa akin na nanliligaw na siya. At ayaw ko ring magtanong kung bakit palagi niya akong binibigyan ng bulaklak. Dahil baka ma-disappoint na naman ako sa sagot niya.
Mabilis na lumipas ang oras at tumunog na ang bell. Hudyat na lunch break na.
“Tara sa canteen, bes," sabi ni Lianne.
Sabay kaming naglakad papuntang canteen at marami nang estudyante doon. Wala akong ganang kumain kaya juice na lang ang binili ko.
“Una na ako sa table natin. Hintayin kita doon," sabi ko kay Lianne at naghanap na ng bakanteng lamesa.
Kaya lang dahil sa dami ng tao ay hindi maiwasang may makabangga sa akin kaya natapunan ko ng juice ang isang babae.
“Oh shit! You're so clumsy! You ruined my uniform!"
“Hindi ko sinasadya. Pasensiya na," sabi ko.
Pero nagulat ako nang kumuha rin siya ng juice at ibinuhos sa akin. Halos lahat ng tao ay napatingin na sa amin ngayon.
“Dapat 'yan sa 'yo! Oh wait, 'di ba ikaw 'yong anak ng babaeng nagsasabi na anak ka raw ni Congressman Madrigal? Ang taas naman ang pangarap n'yo! Hindi ka nga kasingganda ni Julianna, e. Assumerang oportunista!"
Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. Wala siyang karapatan na pagsabihan ang nanay ko ng gano'n. Ayos lang kung ako ang insultuhin nila pero huwag ang mama ko.
Napasinghap ang mga tao nang bigla siyang sampalin ni Lianne.
“Hoy, babaeng mukhang clown. Huwag mong maaway-away itong bestfriend ko. At huwag mo nga siyang ikumpara kay Julianna!Hindi siya kasingganda ni Julianna dahil mas maganda siya at mas maayos ang ugali niya. Ewan ko ba sa inyong mayayaman, ang babango n'yo nga pero ang mga ugali n'yo umaalingasaw. Amoy basura!"
Namula sa galit ang babae. "Hindi pa tayo tapos!" sabi niya bago umalis.
Humarap sa akin si Lianne at hinila ako palabas ng canteen.
“Bes, hanggang kailan mo ba sila hahayaang saktan ka?" tanong niya.
“Hangga't kaya ko pa."
Kaya ko namang magtiis. Ayaw ko lang bigyan ng sakit sa ulo si mama. Kapag napaaway ako siguradong ipapatawag ang magulang. Kaya hindi ako puwedeng masangkot sa anumang gulo.
“Bes, ako na lang ang pupunta sa banyo. Mauna ka na sa room," sabi ko.
“Sige. Bilisan mo, ah. Hihintayin kita sa room."
Nagpunta na ako sa c.r. dahil nanlalagkit na ako dahil sa juice. Buti na lang talaga may p.e uniform ako sa locker ko. Kaya lang,ang p.e kasi namin dito ay pang-volleyball attire kaya maiksi ang shorts. Pero ayos na 'to, kaysa naman manlagkit ako sa uniform ko.
Pumasok ako sa isang cubicle at doon nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Bumuntonghininga ako bago napagpasyahang bumalik sa room. Pero pagpihit ko ng doorknob ay hindi ko ito mabuksan. Ilang beses ko itong pinihit at doon ko na-realize na na-lock ako dito sa loob.
“Tulong! May tao ba diyan sa labas! Buksan n'yo 'to! May tao dito sa loob!" sigaw ko.
Hinampas ko ang pinto para humingi ng tulong pero wala namang dumating. Mayamaya lang ay biglang namatay ang ilaw.
Wala akong makita. Sobrang dilim. Natatakot na ako.
“Tulong! Tulungan n'yo ako!"
Napaupo ako sa sahig habang umiiyak. Kung walang magbubukas ng pinto, baka bukas na ako makalabas dito.
Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakakulong dito. Hanggang ngayon wala pa ring nagbubukas ng pinto. Namamaos na ako kakasigaw.
Napatayo ako nang marinig kong may nagpupukpok ng pintuan mula sa labas hanggang sa nabuksan ito. Sunod na bumukas ang ilaw.
Bumungad sa akin ang isang lalaki. Nakasuot siya ng varsity uniform kaya sa tingin ko ay member siya ng basketball team.
“Are you okay? Sorry, natagalan bago ko nabuksan ang pinto. Naghanap pa kasi ako ng ipangsisira sa kandado," sabi niya.
“Salamat. Kung hindi dahil sa 'yo, baka dito na ako natulog magdamag."
“Wala 'yon. Ako nga pala si Kryan. You are?" tanong niya at naglahad ng kamay sa akin.
Tinanggap ko iyon. “Crystalshanna. Kahit Crystal na lang ang itawag mo sa akin."
“Crystal? But, I want to call you, Shanna. Is it okay?"
“Oo naman."
Lumabas na kami mula sa banyo at napansin kong uwian na pala. Sobrang tagal ko pala sa loob.
“Papunta ka bang parking lot?" tanong niya at tumango ako. "Sabay na tayo."
Nagtungo kami sa parking lot at hinanap ko kaagad ang sasakyan ni Art pero hindi ko makita. Wala rin doon ang motor niya. Siguro hindi niya na ako masusundo. Ayos lang naman.
“May kasabay ka ba pauwi? Ihahatid na lang kita."
“Hindi na—"
“She'll go with me."
Napalingon ako sa likuran at nakita ko si Art. Nandito na pala siya. Hindi ko siya napansin. Diretso lang ang tingin niya kay Kryan.
“I see. Sige, Shanna. Mag-iingat ka," sabi ni Kryan.
Tumango ako at ngumiti. “Ingat ka rin at salamat ulit."
Pinagmasdan ko siyang sumakay sa kotse at nagmaneho paalis.
“Are you just going to watch him leave or we will go home already?"
Napalingon ako kay Art. Nakakunot ang noo niya at nagsusungit na naman. Ano bang ikinagagalit niya?
“And why are you wearing that kind of clothes? It's too short."
Napatingin ako sa damit ko. Maikli naman talaga. Pero bakit ba ang sungit niya ngayon?
“Nabasa kasi ako ng juice kanina kaya kailangan kong magpalit—"
“Bakit kayo magkasama ng lalaking 'yon? Ang sabi ni Lianne hindi ka na pumasok sa klase nang pumunta ka sa restroom. So, maghapon kayong magkasama?"
Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kaniya. Daig niya pa ang tatay ko ah.
“Bakit ba ang dami mong tanong?" naiinis na sabi ko.
Para naman siyang natauhan. “Nevermind. Let's go."
Kahit nagsusungit ay nagawa niya pa ring pagbuksan ako ng pinto ng kotse. Sumakay ako doon at umikot naman siya sa driver's seat.
Tahimik lang kami buong biyahe at halatang wala talaga siya sa mood. Baka hindi maganda ang naging araw niya? Gano'n din naman ako pero hindi ko naman siya sinusungitan.
Paghinto ng kotse sa tapat ng bahay namin ay hindi muna ako bumaba.
"May problema ka ba, Art?" tanong ko.
Bumuntonghininga siya. "Wala naman. Here."
Inabot niya sa akin ang isang paper bag kaya kumunot ang noo ko. Kinuha ko ang laman no'n at nagulat ako nang makitang isa itong cellphone.
"Ano 'to?" naguguluhang tanong ko.
"Tss. That's a phone."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam ko. Pero bakit ibinibigay mo sa akin 'to?"
"Para madali kang ma-contact. Ang hirap hulaan kung saan ka nagpupunta sa tuwing umaalis ka. Sa 'yo na 'yan."
"Hindi naman kailangan. Babayaran ko na lang kapag—"
"Crystal, you don't have to pay for it. Just take care of yourself, okay? Sige na, baka hinihintay ka na ng mama mo."
Tinitigan ko siya saglit bago ako ngumiti. Sobrang bait niya talaga sa akin. Kahit minsan nagsusungit siya, ayos lang.
"Salamat. Mag-iingat ka sa pag-d-drive."
Bumaba ako ng sasakyan at hinintay siyang makaalis. Nang makalayo na ang sasakyan niya ay 'tsaka ako pumasok sa loob ng bahay. Agad akong sinalubong ni mama.
"Crystal, yayaman na tayo! Nanalo ako sa raffle ng isang milyon!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top