Chapter 10


Art Francis

"Aireen left. Nasa Paris na siya ngayon."

She looked shock for a moment.

"Pero bakit? Isang buwan na lang at gagraduate na siya ah," sambit ni Crystal.

I sighed. "She needs it. She needs space for herself."

I also don't have any idea about what happened. But one thing is for sure, it is because of that boy. He hurt my sister that's why she left.

"Sayang hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya." I could feel the disappointment in her voice.

"Babalik naman siya kaagad. Saglit lang siya doon."

My phone beeped and I received a message from Yanna.

From: Julianna
I'm here outside the cafe. Can we talk?

I glanced to Crystal. I don't want to leave her again but I think that Yanna has something important to say. Pero paano naman nalaman ni Yanna na nandito ako?

“Sandali lang. May pupuntahan lang ako," sabi ko at lumabas na ng cafe.

I went outside and looked for Yanna. I didn't see her in front of the cafe so I went to the parking lot. And there, I saw her. She's leaning on my car.

“Yanna," I called her.

She looked at me. Her eyes were swollen and she looked pale.

“Art, are you with someone inside?" she asked.

I nodded hesitantly. “I'm with Crystal. Why? How did you know that I'm here?"

“So, it's true. There's something going on between the two of you. Siya pa ang kinuha mong date sa ball kagabi. Ang sabi ko, huwag ka nang um-attend dahil may sakit ako pero pumunta ka pa rin."

She started crying and I approached her. Julianna is the type of girl who doesn't cry in front of others. Maybe, I really hurt her feelings.

“Listen okay? She's not my date. I just saved her from the punishment," I said while holding her hand and wiping her tears.

“But why do you have to save her? It's her fault anyway. And why are you with her inside that cafe? Are you two dating?"

I shook my head. “No, Yanna. Don't think too much, okay? I just told her that Aireen left. That's all."

We've been friends since we were kids that's why I already know how to handle her attitude.

“I-Im sorry Art. It's just that, I don't want to lose you."

“You're not going to lose me."

I was caught off-guard when she kissed me. I wasn't able to react immediately because of that.

I pushed her gently. “Yanna, why did you do that? What's happening to you?

Napayuko siya. “I'm sorry. Nabigla lang din ako. Sige, I'll go home na."

I sighed. "I'll drive you home. Get inside the car."

Humarap ulit siya sa akin at hindi makapaniwala. “Really? I mean, how about Crystal? Iiwan mo siya?"

Oh shit! I almost forgotten about her.

“Wait. I'll just go back inside the cafe. Sumakay ka na sa kotse, babalik ako."

“Okay. I'll wait here."

I went back inside but she left already. She really don't know how to  stay. Kahit na sabihin kong babalik ako, aalis pa rin talaga siya.

“Where is she?" Yanna asked as I entered the car.

“She left."

Hinatid ko si Yanna sa bahay nila at umalis din ako kaagad. There's a part of me that wants to go to Crystal's house. I just want to make sure that she went home safe.

House for Rent.

My forehead creased when I read the sign outside their house.

Kailan pa sila lumipat? Kagabi lang hinatid ko pa siya dito. May nangyari ba?

"Mister, balak mo bang magrenta ng bahay?"

Nilingon ko ang babaeng nagtanong bago ako umiling. "Hindi po. Dito po kasi nakatira ang kaibigan ko pero umalis na pala sila. Alam n'yo po ba kung saan sila lumipat?"

"Ah, kaibigan mo ba iyong si Crystal? Pinaalis ko na sila kanina dahil hindi nagbabayad ng renta. Baka maabutan mo pa siya doon sa kanto."

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at sumakay na ako ulit sa kotse. Kung pinaalis na lang sila basta, baka wala siyang matutuluyan ngayon.

Habang nagmamaneho ay may nakita akong babaeng may dalang malaking bag. Kahit nakatalikod ay pamilyar siya sa akin. Inihinto ko ang kotse para sana tawagin siya pero bigla siyang nawalan ng malay.

I immediately carried her to the car then I drove my way home.

Bakit mag-isa siya? Nasaan ba ang parents niya? Basta na lang ba siyang iniwan kahit na malalim na ang gabi?

Sa itsura ni Crystal, mukhang kanina pa siya naglalakad. Maputla talaga siya noon pa pero mas maputla na siya ngayon.

I parked my car inside the garage then I carried her. Sinalubong agad ako ni mommy.

“Art! What happened to her?" mom asked.

“She fainted. Pinaalis sila sa tinitirahan nila kaya hindi ko alam kung saan ko siya ihahatid. Puwede po ba siya dito?" tanong ko.

Mom nodded. “Of course. Bring her to the guest room. I'll take care of her."

I brought her to the guest room and laid her to the bed. Mahimbing na ang tulog niya kaya inayos ko na lang ang kumot para hindi siya lamigin.

I stared at her for awhile before I left. I'm doing this again. I'm helping her without knowing why.

Crystal

Pagkagising ko ay napansin ko kaagad na nasa ibang kuwarto ako. Napabangon ako kaagad habang inililibot ang paningin sa paligid.

Nasaan ba ako? Ang alam ko pinaalis kami kagabi sa bahay tapos iniwan ako ni mama. Natatandaan ko rin na bigla akong nahilo habang naglalakad tapos wala na akong maalala.

Hindi kaya... May dumukot sa akin? Sinong nagdala sa akin dito? Anong ginawa nila sa akin?

Napakapit ako sa kumot nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang pamilyar na babae. Bahagya siyang nagulat nang makita ako.

Miss Franz? Bakit nandito siya?

“Crystal, buti at gising ka na. Nagdala ako ng almusal para sa 'yo. Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya bago inilapag sa mesa ang dala niyang tray.

"Nasaan po ako? Ano po bang nangyari?" naguguluhang tanong ko.

“Nakita ka ni Art na walang malay kaya dinala ka niya dito sa bahay namin. Bakit ka nga pala nasa kalsada ng hatinggabi? May dala ka pang malaking bag. Nasaan ang parents mo?"

Napayuko ako. "Ano po kasi..." Hindi ko magawang sabihin ang totoo dahil nahihiya ako. Ayaw ko namang kaawaan ako ni Miss Franz.

“You don't have to answer it. Sige na, kumain ka na. For sure nagugutom ka," sabi ni Miss Franz.

Hindi pa ako nakakasagot nang bigla kong narinig ang pagtunog ng sikmura ko. Natawa si Miss Franz kaya uminit ang pisngi ko sa kahihiyan.

“Pasensya na po. Hindi pa po kasi ako naghahapunan," sabi ko bago tinikman ang pagkain.

"Kung wala kang matutuluyan, puwede kang mag-stay muna dito."

Nasamid ako sa sinabi ni Miss Franz. Inabutan niya naman ako ng tubig. Nang mahimasmasan ay 'tsaka ko lang pinag-isipan ang sinabi niya kanina.

Ako? Titira dito? Kapag tumira ako dito, ibig sabihin no'n ay araw-araw kong makikita si Art. Ayoko nga!

Pilit akong ngumiti. “Ah, salamat na lang po. Maghahanap na lang po ako ng ibang matutuluyan. Nakakahiya po sa inyo."

Hinawakan niya ang kamay ko. “No, I insist. Dito ka na muna. Tutal nasa Paris si Aireen, hindi ako gaanong malulungkot kasi nandito ka naman."

“Hindi—"

“And, I don't take "no" as an answer."

Napahinga ako nang malalim at hindi na kumibo pa. Bakit ba parepareho sila ng ugali? Kapag nakapagdesisyon na, hindi na puwedeng sumalungat.

Tutulong na lang siguro ako sa gawaing bahay para hindi ako maging pabigat dito. For sure, hindi naman sila papayag na magbayad ako sa pagtira ko dito kaya sa gawaing-bahay na lang ako babawi.

Gabi na at dahil bukas na ang exam ay nag-review na muna ako. Binasa ko ang mga lessons namin lalo na 'yong mga hindi ko masiyadong naintindihan sa discussion. Nang makaramdam ako ng uhaw ay lumabas ako ng kuwarto at bumaba sa kusina.

Tahimik akong naglakad para wala akong magising. Hindi naman masiyadong madilim dito sa ibaba dahil may dim lights sila. Nagtungo ako sa kusina at napahinto nang mapansin kong may tao doon. Nakatalikod siya sa akin pero mukhang naramdaman niya na nandito ako kaya bigla siyang humarap.

Napalunok ako nang makita si Art. Mukhang nag-aaral din siya dahil may suot pa siyang salamin.

“Bakit gising ka pa?" tanong niya.

"Nag-re-review kasi ako. Bumaba lang ako para kumuha ng tubig," sagot ko.

Tumango siya bago kumuha ng baso at nagsalin ng tubig doon. Akala ko ay iinumin niya 'yon pero nagulat ako nang iabot niya sa akin ang baso.

"Salamat. Ako na dapat ang gumawa," sabi ko.

“I heard that you're going to stay here for awhile."

Dahandahan akong tumango. “Hindi naman ako makatanggi sa mommy mo. Pero huwag kang mag alala, pagtatrabahuan ko ang pagtira ko dito. Puwede akong maging maid."

“You don't have to do that."

“Ayaw kong tumira dito nang libre. Sana hayaan mo akong tumulong sa mga kasamabahay."

Bumuntonghininga siya. “Fine. Do whatever you want to do."

Pagkasabi no'n ay iniwan na niya ako. Sinundan ko pa siya ng tingin bago ako huminga nang malalim. Mukhang napikon siya sa akin.

Hinugasan ko ang ginamit kong baso at naglakadlakad sa sala. May natapakan akong bagay sa may gilid ng sofa. Dinampot ko iyon at nakitang isa iyong kwintas.

Kanino kaya 'to? Baka kay Miss Franz? O baka kay Aireen? Ibabalik ko na lang bukas.

Umakyat ako sa itaas at bumalik sa kuwarto ko. Nagbasa-basa ako ulit hanggang sa dalawin ako ng antok.

Sana, maging maayos na ang lahat. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa pagtira ko dito sa bahay nila. Pero sana, hindi ako magtagal dito. Dahil habang tumatagal na kasama ko si Art, mas lalong nagiging delikado ang puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top