077
Unknown
Text Message
Today 8:17AM
i'm so happy that
you're back.
come, be with me
please?
11:05AM
i know you're daisy.
the one i used to love.
can we meet at the park?
*****
tw: depictions of rape
DAISY
Unti-unti kong iminumulat ang aking mga mata mula sa'king nakita. Bahagyang sumakit ang ulo ko at rito ako nakaramdam ng konting pagkahilo matapos akong mahimatay sa parkeng sinasabi niya. Uminom lang naman ako ng simpleng tubig sa bote, a?
However, as I remembered the details slowly, I even had to realize — I have been drugged by someone I don't know! Worst of all, they tied my hands side by side so that I couldn't get up once I had to!
I cursed softly at myself for this room was familiar to me. Rito ko napagtanto na wala ako sa tinitirahan ko — kundi kay Waldo mismo! Unti-unti nang bumabalik sa'kin ang traumang naibon ng panahon, lalo na noong mga panahong sinaktan ako ng lalaking iyon dahil sa selos.
Lalakasan ko sana ang boses ko nang biglang may pumihit sa siradura ng pintuan. Rito ako nakaramdam ng kaba habang pinapakinggan ko ang tunog ng kanyang talampakan sa sahig ng kwarto at dito…
…sa tagpo kong ito…
…nagparamdam sa'king harapan ang katakot-takot na hitsura mula sa isang lalaking tumatalim ang kanyang tingin papunta sa'kin—
Si Waldo Wilt.
***
WALDO
"Ano Kuya, kamusta ang ginawa mo kay Daisy?" ani Warren sa'kin habang inaayos ko ang belt ng pantalong suot ko. Kakatapos ko lang gawin ang pinag-uutos niya sa'kin at sumatutal ay nagustuhan ko naman ang ginawa niya at kahit ayaw naman ng ex ko na gawin iyon ay sinariwa ko iyon na lalong nagpatigang sa emosyon ko.
Agad akong uminom ng alak sa lamesa at rito ay inaalala ko ng kaunti ang bawat nangyayari sa relasyon namin. Noong mawala si Daisy ay agad ko siyang hinanap simula noong mangyari ang insidenteng iyon. Naging laman ako ng mga tsismis at ang masaklap ay natanggal ako sa gaming team na sinalihan ko last year. Ilang linggo ako naging tahimik hanggang sa nakagawa ako ng sarili kong plano—ang kidnapin si Daisy at gawin lahat ng gusto kong gawin.
Noong una ay nagsisisi ako sa lahat ng mga pananakit at nasabi ko sa kanya, pero noong nalaman ko na ang girlfriend ko at si Luigi ay sila na, rito na ako nakaramdam ng galit at selos kung kaya mas lalo kong pinlano na gawin iyon sa pagbabalik ng ex ko.
Oo, masama na kung masama. Pero sadyang nabulag na ako sa pagmamahal kong ito, lalo na ang obsesyon ko sa girlfriend ko.
Fuck. I wanted her so bad. Hate me if you can, but that's what love is.
Kinabukasan, nagising ako sa samu't saring mga katok na gumagambala sa mahimbing kong pagkakatulog. Nang makatayo na ako sa sarili kong kama ay kinusot-kusot ko ang aking mga mata bago ko pagbuksan ng pintuan si Warren na ngayon ay natataranta at hindi mapakali sa'king harapan.
"Kuya, si Daisy, nakatakas!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top