060
+63913******* calling…
"Hello, sino po sila?"
"Hi, I'm Daisy! Missed me?"
"..."
"Luigi? Okay ka lang ba?"
"A-a-ayos lang… tsaka paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Boses mo."
"Grabe ka naman, a! Siya nga pala, kamusta buhay?"
"Sigh. Heto, traumatized pa rin. Noong una, hindi ako makatulog, umiiyak tsaka iniisip 'yung nangyari noong Valentine's ball. Baka hindi ako makakapagcelebrate nito next year dahil sa nangyari, e."
"Aw. Pasensya ka na."
"It's okay. Pero, what if I tell you that I'm still healing? I know it's not easy to do it but with the help of my friends, suddenly, I felt better. Oo, may mga times na iiyak ako pero sinasabi ko rin sa sarili ko na, 'Lilipas din 'to.'"
*silence*
"You know what Daisy, I'm proud of you for all you've been through. Pero teka, ikaw ba 'tong Daisy na nakilala ko? Kasi sa naririnig ko e palaban ka na yata…"
"Hoy!"
"Oops. Pero maiba tayo."
"Hindi ba ako ang magsasabi sa'yo?"
"Hay naku."
*laughs*
"Maiba tayo. Kamusta ka naman, Luigi?"
"Ayun, kakatapos lang ng recognition. Tsaka, after nito, lumipad ako papunta sa probinsya ni Patrick, 'yung boyfriend ng kapatid ko. Pero ang unexpected kasi nakita ka niya."
"Oo, e. Tsaka noong nakita niya ako na naka-mask, that means kokonti lang ang nakakakilala sa'kin sa gamer side ko. Ah, how I miss playing video games and stream while doing it."
"Speaking of, may sasabihin sana ako sa'yo, e."
"Lagi kang may sasabihin, Luigi. Huwag mo akong susubukan! 'De biro lang."
"Ano…"
tumikhim
"Pwede na ba tayong magkita?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top