055

Zelda calling…

"Hello, Daisy! Pasensya na kung hindi kita matawagan, ha? Wala kasi akong load tsaka nakalimutan ko tuloy sa sobrang dami ng gawain sa klase."

"Ayos lang. Ako din naman ine-enjoy ko ang buhay rito sa probinsya. Siya nga pala, salamat sa gala, a!"

"Walang anuman iyon. Tsaka, matanong lang. Hindi naman sa nangingialam ako pero, hanggang kailan ka babalik ng Maynila? Kasi tignan mo. Dalawang buwan ka na nandito sa probinsya tapos napapansin ko ang pagbabago mo sa sarili mo. Hindi mo na kinukwento sa'kin ang nangyari sa inyo ng ex mo—"

"Okay, okay, Zelda. I must admit that I'm missing Manila but I don't want to go back there. You know our story, right? Tsaka, masaya na ako rito. Kahit papaano e naka-catch up sa mga activities sa college tsaka ilang weeks na lang, makakapagtapos ako."

"That's good, Daisy! Tsaka, gabayan mo mental health mo, okay? For the love of Hyrule* please don't hurt and blame yourself for what you did. Ang mahalaga nilabanan mo, hindi ba?"

"Yea. O siya, may tatapusin lang akong assignment. Tawag ako mamaya, okay? Bye bye, Zeldy!"

"Bye, Daisy!"

***

Hyrule - a place from The Legend of Zelda series.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top