6
A week had passed since Rod had a PA and if he's going to be honest with his self, mas pipiliin niyang mag-isa sa condo niya kaysa may kasama.
Sino ba namang hindi mag-aalburoto?
First day*
"Sa kompanya ka na dumeretso bukas. Malelate ako ng kaunti." Saad ni Rod bago akmang papasok sa kotseng maghahatid sa kaniya pauwi.
"Pinagsasasabi mo?"
Pagod na binalingan niya ang kausap bago malakas na napabuntong hininga. "Ang sabi ko—"
"I know. I heard you." Putol naman ni Ricky.
"Eh 'yon naman pala eh! Alam mo, ang lala talaga ng tama mo. Nakakabwesit ka na eh." Inis namang ani Rod bago tuluyang hinarap ang kausap na wala man lang takot na naramdaman.
"Eh sino bang nagsabing hindi tayo magkasabay? Kung late ka, late din ako."
"What do you mean?"
"I'm your PA remember? Kahit pa masakit sa pride ko but then I am your personal assistant kaya kung nasaan ka, nandoon ako."
"Tapos na ang oras ng trabaho. Uuwi na ako. Maglakwatsa ka na kung gusto mo." Pagod na salaysay ni Rod.
"Hep! Hep!" Pigil ulit ni Ricky bago kinuha ang susi sa bulsa. "You don't have a car 'di ba? You just came from the airport kanina kaya wala kang choice."
"Of course I really don't. Ihahatid mo ako and then makakaalis ka na." Rod stated the fact of what he believes.
"Sinong may sabi?"
"Ha?"
"I'm with you and you're with me, twenty-four seven. Get me?"
Agad na napataas ang kilay ni Rod sa narinig. Anong twenty-four seven? Huwag nitong sabihing sa condo niya rin uuwi ang damuhong hindi niya kilala?
"Ano ba direk? Uuwi ba tayo o hindi?" Kuha ni Ricky sa atensyon niyang lumilipad na naman.
Second Day*
Maagang nagising si Rod dahil may importanteng meeting siya sa umaga. Pagkatapos niyang ayusin ang sarili niya ay agad siyang bumaba para mag-agahan.
Pagdating niya sa kusina, wala siyang reklamo ng makitang maagang naghanda ang PA niya ngunit ng makaupo siya, hindi niya akalain na kailangan niya na namang maging sunod-sunuran.
"Good morning." Bati niya.
"Good morning." Bati pabalik ni Ricky.
"What's with the menu today? Bakit puro heavy meal?"
"You'll have a long day. Kailangan may lakas ka so you need to eat."
"I don't eat heavy breakfast."
"I eat heavy breakfast."
"You can eat it. I'll just have bread and coffee."
"Who says? You can have coffee but you can't have bread. Kung ano ang nasa mesa, kailangan kainin."
"What?"
Third day*
"Ricky, I'll have an important meeting mamayang hapon kaya huwag kang magtatagal kung saan ka pupunta ngayon. I'll update you."
"Sorry but you should go alone. I don't feel like it."
"Ano?"
"I'm going to sleep. Bye."
Fourth day*
Malakas na niyugyog ni Ricky si Rod para magising at ng makaalis na siya.
"Ano ba! It's Sunday! Pwedeng huwag muna ngayon?" Inis na pakiusap ng ginising.
"Aalis ako. Kanina ko pa hinihintay na magising ka kaso kung hindi kita ginising sigurado hanggang ngay—"
"Oo na! Oo na! Umalis ka na at huwag ka ng babalik. Pambihira, inaantok pa ako eh!" Pikong ani niya bago nagtalukbong ng kumot.
He can't take this long. He had enough. Okay lang sana kung nakikitulog lang ang lalaki sa unit niya at hindi na siya pinakikialaman but it is not what he expected. Sa bawat araw na dumadaan ay mas binibwesit siya ng kasama.
"Oh! Ang aga-aga nakasimangot ka na?" Puna sa kaniya ni Tintin ng maabutan siya nito sa opisina.
"Kasi uma-umaga na lang pinapakulo ng pisteng 'yon ang dugo ko. Pwede ko naman na siguro siyang tanggalin 'no? Tutal pinsan naman pala siya ni Bernardo. Hindi 'yon mamumulubi kahit walang trabaho ng dalawang taon." Tinawanan lang ni Tintin ang kamiserablehan niya. Naaawa siya sa kaibigan ngunit wala naman siyang magagawa kundi ang makinig sa mga hinaing nito.
Nabaling lang ang atensyon nila ng tumunog ang cellphone ni Tintin. Naiwang mag-isa si Rod sa office while Tintin make her way to the parking dahil sa napaka-oa na kaibigan niya na kailangan pa talagang sunduin.
"Tintin! You look pretty today." Bungad kaagad sa kaniya ni CK ng makababa ito sa kotse.
"Pretty, pretty ka d'yan. Baka nakakalimutan mo 'yong pasalubong ko."
"Grabe ka. Wala man lang kumusta? Pasalubong agad 'yong hiningi."
"You look well naman. No need for me to worry." Inosenteng sagot ni Tintin bago ikinawit ang mga kamay sa braso ng kaibigan at pumasok sa building.
"So...what's your thought about the proposal?" Pag-iiba nito sa usapan.
"I already gave you my answer Tin. I am not accepting any project right now. Pahinga muna." Sagot ng lalaki.
"CK naman. I am imagining this project with you as one of the lead actors. Sige na naman."
Naunang pumasok si CK sa elevator bago hinarap si Tintin. "I refuse. I decline. I'm sorry. I am not going to accept the project."
Hindi itinago ni Tintin ang disappointment na naramdaman niya. Talagang inilaban niya ang project na 'to hoping na papayag si CK na isa sa mga magiging lead role ng pelikula.
"Look, don't be sad. I know marami ka pa d'yang mahahanap na iba. I don't want to dissapoint you. Pero kung tatanggap man ako ng proyekto ngayon, as an exception, tatanggapin ko 'yong proyektong hahawakan ni Zamora."
It's like seeing the sun shine after the rain, Tintin face light up after she heard Rod's last name.
Tintin blink her eyes multiple times bago maproseso ang sinabi ng kaibigan. "Zamora, as in Rogin...David?" Walang pakialam na tango lang ang isinagot ng kaibigan kaya hindi nito napansin ang malawak na pagngiti ng katabi.
"What if...I tell you Direk Zamora will supervise the project?"
"Huwag mo 'kong lokohin Tin. 'Di porke't sinabi ko ang exception maloloko mo na ako."
"I—I'm not deceiving you." Pagtatanggol ni Tintin sa sarili. "Zamora really going to supervise MY project."
CK flatly look at Tintin who has an opposite reaction with his. "Not gonna bite it." Ani nito bago naunang lumabas.
"CK! I'm really telling the truth!" Habol naman ng babae.
"Oo na. Oo na. And pigs can fly. I get it." Saad lang niya bago dire-diretso papunta sa pinto ng opisina ni Tintin.
"Wait!" Pigil niya sa lalaki bago mabuksan ng tuluyan ang pinto. "How can I prove my self?" Panghahamon nito.
Binitiwan ni CK ang hawakan ng pinto at piniling sumandal dito para harapin ang kaibigan. "You really is a stubborn one. Fine. Bring Zamora in front of me right now and I will accept your proposal without a dou—"
"Ay!" Sigaw ni Tintin ng biglang natumba ang kaharap. "Naku, CK okay ka lang?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Tintin ng makitang namimilipit sa sakit ang kaibigan dahil sa biglaang pagbukas ni Rod sa pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top