3

Three hours before the sun set to say goodbye for the day, the venue of the fashion week filled with shining lights and earbreaking music to welcome the night and every big time guests and sponsors that are invited for the night's event. Lahat ng makikita at mahahawakan mo ay sumisigaw ng kayamanan. From the ceiling to the floor of the venue hall, the foods, the decorations, even the lightings cost thousands of pesos. 

'Di nagtagal ay nagsidatingan na rin ang mga bigating tao sa industriya. From the good looking, handsome and gorgeous invited actors and actresses, the striving and hardworking well-known directors, designers, stylist and fashion icon people to their stunning and elegant bosses. Lahat ng imbitado ay kaniya-kaniyang rampa sa mga suot nilang tila perlas kung kuminang sa ilalim ng nagsasayawang ilaw sa lugar. Not long after, the venue hall is filled with laughter and greetings when everyone meets their acquaintances.

The program started at lahat sabik sa mga damit ng sikat na fashion line sa Paris. They are really looking forward to what the designer's thinking of this events theme. The famous designer is so rare to have such big event. That's why everyone is anticipating more for the event.

As the event goes on, one person seems looking for someone. At 'yon din ang napansin ng ibang guest na kakilala niya.

"Man, mukhang kanina ka pa may hinahanap. A lady?" Untag sa kaniya ng kababayan at kaibigan.

"Hindi dude. Wala 'to." Balewalang sagot nito bago ibinalik ang atensyon sa harapan. Ngunit hindi niya talaga mapigilan ang sarili na pilit hanapin ang direktor sa dagat ng bisita. Every time he attempts to look for the director, he gets pissed when he fails. Ang mas nakakainis pa, hindi niya kilala ang direktor kaya wala siyang alam sa hitsura nito, kaya bakit ang lalaking nakabanggaan niya kahapon ang pilit na tumatatak sa alaala niya?

Those shoulders, those long legs, those features of a man na sa tingin niya kinaiinggitan niya ay walang habas na bumabalik sa alaala niya kahit na pilitin niyang isipin ang direktor.

"May problema dude? Kanina ka pa hindi malapitan dahil mukha kang galit." Untag sa kaniya ng kaibigan. Ulit. Pilit naman niyang inayos ang hitsura niya, akalain pa ng iba may kaaway siya sa event. It's not good for his image.

"Wala dude. May nakapagsabi kasi sa'kin na aattend din ang direktor na si Zamora. Akala ko may chance na akong makipagkilala sa kaniya." Sagot niya na lang. Kaysa naman pilitin ang sariling hanapin ang taong hindi niya pa nakikilala sa dagat ng mga bisita, mas mabuti pang tulungan siya ng kaibigan.

"Oh! Director Zamora. Oo nga. May narinig din ako kanina na pupunta siya. But I don't think he's presence is already here." Kumpirma ng kaibigan sa spekulasyon niya.

Hindi nila alam na may isang designer pala ang nakarinig sa pangalan ni direktor Zamora at agad nakuha ang atensyon nila.

"Excuse me, you guys are waiting for Mr. Zamora also?"

"Also?" Pag-uulit ng kaibigan niya.

"Well...you are not the one who're thrilled to meet the legend, you know. Everyone's expecting his presence on this evening but unfortunately, he can't make it." Salaysay nito. Hindi man ipinakikita ni CK pero dismayado siya sa nabalitaan.

"Why though?" Tanong ulit ng kaibigan nito.

"His representative said that Mr. Zamora has an urgent affairs and already on his way back to the Philippines. He didn't have any more usable information except those facts that's why everyone throws away the thought of meeting the director tonight." Sagot ulit nito.

Nagkatinginan pa silang dalawa bago nagpasalamat sa kausap at tumalikod.

"Saan ka na?" Tanong ng kaibigan ng mapansing papalabas sa venue ang daan na tinatahak.

"Yosi tapos alis na." Maikling saad nalang nito.
Hindi niya alam kung bakit ang bigat ng dibdib niya. Sigurado siyang hindi niya kilala ang direktor pero dismayado siya sa nalaman. Wala naman silang usapan na magkikita ngayong gabi at pawang paninigurado lang ang meron siya pero hindi niya mainitindihan kung bakit malungkot, nanghihinayang at dismayado siyang malaman na hindi makakapunta ang direktor. Siguro ganoon na lang talaga ang pag-asam niya na makilala ito at makatrabaho ito.




"Bakit?! Anong problema at kailangang i-terminate?" Gulat na sagot ng direktor sa kabilang linya.

"They're narrow-minded Rod! They can't even understand my point. Wala akong oras para makipagplastikan sa kanila." Sagot naman nito.

Rod packed hurriedly his belongings. Nakapag-book na siya ng flight pabalik. Aattend sana siya ng fashion week ngunit hindi natuloy dahil sa tawag na narinig. "Calm down first. Pabalik na ako. Wait for me before you rush things. I will try my best."

"Rod...you don't need to do something. I'm fine." Pagtanggi ng kaibigan niya.

"No you're not Trinidad! Wait for me. I'll hang up now." Pinal na sagot ni Rod bago nilisan ang hotel room.

Hindi na nag aksaya ng oras pa si Rod at agad na sumakay sa pinakaunang transportasyong nakita. Nang dahil sa pagod sa ginawa niya buong araw at sa nabalitaan, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa eroplano. Mabuti na lang at nakapag face mask pa siya kahit papaano.

Nang maramdamang umuuga ang eroplano ay agad na iminulat ni Rod ang mga mata. Huwag naman sanang madisgrasya ang sinasakyan niya. May kaibigan pa siyang dapat tulungan at marami pa siyang gustong gawin at maranasan. Naninigas at kinakabahan siya habang mahigpit na nakahawak sa upuan niya. Mariing nakapikit ang mga mata at walang tigil sa pagdarasal. Nang mapagtantong dulot lang ng paglanding ng eroplano ang pag-uga nito ay pinagalitan niya ang sarili. Hindi niya akalain na hindi niya naisip ang posibilidad na lumalanding lang pala ang sinasakyan. Puno ang isip niya sa kung papaano matutulungan ang kaibigan. Umaasam na sana naman pakinggan siya ng mga taong nakaupo sa taas.

Hindi niya gusto ang eksenang madadatnan niya pagdating sa kompanya. After his plane land, he immediately rush his way on the company where he knows he can find Tintin. And there, he saw the woman carefully saying her farewell to the other employees while the latter are trying their best to stop his friend.

"Trinidad!" His voice is full of authority that everyone in the place looks at his way immediately. The other staffs got starstruck on the man who just called the director on her first name. While the woman, on the other hand, got nailed on her spot while feeling the shivers slowly travelling from her nape down to the every single fiber of her body. She cannot attempt to face the person who just called her earlier. It feels like she's facing the real boss now than what she faced minutes ago.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top