27

The venue of the event feels alive and somehow...chaotic. Hindi pa nagsisimula ang event kaya medyo nagkalat pa ang mga tao sa loob at labas ng building. This is the first press-con of the project kaya medyo kinakabahan ang ibang makakasama ko sa stage. It should be Tintin in my place but she can't make it. Tumawag naman siya para ipaalam na babantayan niya muna ang mama niya. Her mother had an accident no'ng araw na natataranta siya. I am not in the place para pigilan siya kaya heto, not my project pero ako 'yong haharap sa mga tao na 'to.

While maintaining my composure and image as the quite and mysterious director of this generation, hindi ko mapigilang hindi matawa ng madaanan ng tingin si Martha na busy sa paggabay sa mga bida sa kung ano lang ang dapat at hindi dapat sabihin sa press-con. Who wouldn't, right? Kung magkatabi lang kami ng mga oras na 'yon sigurado nasuntok na ako ng babaeng 'yon dahil sa pagputol ko.

A week ago

"What?" I hissed without looking whose the caller.

[Good morning direk. Sorry sa isturbo po pero kailangan po namin ng confirmation niyo po.] Masiglang bati naman ng nasa kabilang linya.

"What is it Martha? Make sure it's important para disturbuhin mo ang tulog ko." Pananakot ko pa. As if naman matatakot sa'kin 'to e na-briefing ng maayos no'ng amo niya.

[Sure direk. Hindi ka magsisisi.] Kampanteng sagot nito na may halong tawa pa. 'Di nalang talaga dumeretso sa pakay e! [Tumawag po si sir Bernardo, direk. Mag—]

"Don't tell me pabibilisan niya na naman ang deadline ng project? Pinipilit na nga nating sundin 'yong gusto niya tapos uulitin pa niya? Ano'ng akala niya sa crew ko at sa mga aktor? Walang tulogan? Walang pahingahan? Ang aga-aga nakakabwesit 'yang balita mo Martha ha!" Singhal ko para putulin ang pagsasalita niya. Kahit kailan talaga baliw ang taong 'yon. Kung ako talaga masusunod, magha-hire ako ng hitman para makapagpahinga na ng tuluyan ang lokong 'yon e!

[Chill direk. Aga-aga ang high blood e.] May halong pang-aasar pa sa tono ng boses niya.

"Ano ba kasi 'yon?"

[Patapusin mo muna ako direk ha?] Pang-aasar pa nito na inungulan ko na lang. Gusto pa talagang pumikit ng mga mata ko. [Sabi ni sir Bernardo next week daw 'yong press conference para sa project po. Tumawag ako para i-confirm kung okay ba sa inyo 'yong schedule o ipapa-resched na lang po.]

Puno ng paggalang na tanong nito. Akala mo naman lolo ang kausap. Hindi ko na lang binigyang pansin pa 'yong pagiging magalang niya at tiningnan na lang ang schedule. Kunti na lang at matatapos na kami. Sana naman sumikat ang proyektong 'to. Ito pa naman ang pinakaunang boys love na ginawa ko—namin ni Tintin.

[Hello? Direk? Tulog ka ba ulit?]

"I'm checking the schedule." Striktong sagot ko bago pinagpatuloy ang pagbabasa sa schedule. "Seems like we will finish in a week. What date ba ang schedule ng press-con?"

[April 9 po.]

"Can we move the date? Para may time pa 'yong mga cast makapaghanda."

[Sige po direk. Ano'ng date gusto niyo po?]

"May available ba na hindi masyadong busy day?"

[11 or 12 po. Friday or Saturday. 'Yan lang po direk. Kung hindi kaya, magiging next month na 'yong sched.]

"Bakit next month? Sabihin mo nga kay Bernardo na ang layo no'n. Ipapalabas na 'yong trailer after two weeks."

[Eh direk. Alam mo namang si sir Bernardo 'yong may final say eh. Ano'ng magagawa ko? 'Yon lang ang nakalagay dito sa mga papeles na pinadala niya.]

Alam ko namang walang saysay ang boses ni Martha kay Bernardo kaya itinakwil ko na lang ang ideyang 'yon. Wala rin naman kaming magagawa. Siya 'yong boss e. "Fine. Let's go with the 12."

[Okay po direk. Sleep well po ulit.] Masiglang paalam nito na inungusan ko na lang. I'm still sleepy. Might as well get some sleep.

*********

"Director Zamora!" Tawag ng kung sino man galing sa likod. "I almost did not notice you. Buti na lang nakita ko 'yong mask mo." Ani ng hindi ko kilala. But he looks like a media man so I have to shot a good smile para naman maging approachable ako 'kuno'.

"Hey. Nice to see you." Maikling sagot ko lang.

"We're from the Daily News Magazine po. Pwede po ba kayong makunan ng picture saglit?"

"Oh sure." Kahit hindi naman talaga. Nakakapagod kayang ngumiti. "Saan ba?" They lead the way to the right side of the venue where the poster of the project located. At first it's just me, and then when they spotted the lead actors, they ask them to join me in for the picture and then joined by the supporting actors and lastly the biggest fish of the company before they call us for the start of the press-con.

Simula noong sinabi ni CK ang pagbabago sa kaniya sa kotse ng gabing 'yon, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para iwasan ang madikit sa kaniya at maiwan na kami lang dalawa. Kapag nasa condo niya naman, I always make myself busy. Lalo pa at tinatapos namin ang last part ng scene kaya pagkarating sa condo, nagkakatabi na lang kami kapag matutulog na.

Nakakatulong naman siya ng kaunti para mapigilan ko ang sarili kong itapon ng tuluyan sa kandungan niya. Kaso may mga oras talaga na sinusubok ng lahat ang haba ng pasensya mo e. Alam ko namang ramdam ng gagong 'to na pilit naming kinakalimutan at hindi pinapansin ang reaksyon ng mga katawan namin kapag nagkadikit, naiintindihan ko rin na baka naguguluhan lang din talaga siya sa mga pagbabagong nararanasan niya, pero sa loob ng huling isang linggo ng taping, hindi ko alam kung ako ba talaga 'yong may problema sa utak at desisyon para umakto ng ganito o talagang hinahamon ng gago kung hanggang saan ang pasensya ko.

Kagaya na lang ngayon, alam ko namang given na ang pagiging sweet dapat nila sa isa't isa dahil para naman 'yon sa movie. Naiintindihan ko 'yon. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit sa dinami-rami ng taong uupo dito sa taas ng stage, 'yong pangalan ko pa ang pinili ng mga kampon ni kadiliman para itabi sa dalawang 'to, na isang linggo ko ng tinitiis! Hindi ba nila alam ang salitang distansya? Ang hirap na nga'ng iiwas ang paningin sa dalawang 'to sa taping tapos ngayon, talagang tinabi pa? Ang galing mo tumayming Lord. Damang-dama ko 'yong love and favoritism mo po. Pramis!

Pagpasok pa lang, todo display na ng fan service ang dalawang katabi ko. Kaya hindi na kataka-takang halos lahat ng camera sa kanila nakatutok. As everyone settle on their own spot, here I am, trying my very best  to maintain my poker face and my composure and my attitude and my eyes all in their respective places para lang maitaguyod ng matiwasay ang gabing 'to. Mukhang hindi lang pagiging magaling na direktor ang pwedeng igawad sa akin e. Pwede na akong bigyan ng Oscar's Award sa galing kong ignorahin ang naglalandian sa gilid ko. Kahit ampalaya siguradong tatamis kapag idinikit sa kanila e.

Five minutes before the press-con starts, the noise in the area died down. Everyone's getting ready for their possible questions for the cast. Lahat may kanya-kanyang mundo at mukhang ako lang 'yong nanggigigil sa mundo ngayon pero mukhang may isa pang kampon ng kadiliman na gustong humabol sa pambebwesit sa akin.

From: Trinidad

Smile direk. Napaghahalataan kang inggit e 😂.

From: Trinidad

Uyyyyy! Suplado ng bespren ko na 'yan.

From: Trinidad

Nagseselos o nagseselos? 🤔

From: Trinidad

May label? Walang label po boss. Awat sa selos. Red flag 'yan. Heheheh 😉😘

Ilang text messages pa ang pumasok pero hindi ko na pinansin. I just turned off my phone and ignored everyone as hard as I could. Who are they anyway for me to get jealous? Ako? Nagseselos? Hmph! Natural! Tao e.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top