25

"What's your address?" Tanong niya habang deretso lang ang tingin sa daan. Hindi pa humuhupa ang init ng ulo ko kasabay ng init ng katawan ko ng dahil sa ginawa niya kanina kaya isinulat ko na lang sa isang pirasong papel at pinabasa sa kaniya. Willing pa nga sana akong bulyawan siya kung magtatanong man dahil sa bilis ng pagbawi ko ng papel pero ang gago walang imik na nagpatuloy lang sa pagdadrive at mukhang malinaw niyang nabasa ang address na ipinakita ko ng mapagtantong nasa tamang daan kami papuntang condo ko.

Edi ikaw na matalino!

Masyadong tahimik ang loob ng kotse kaya napagdesisyunan kong umidlip muna. Tutal matatagalan pa kaming makaabot sa condo ko dahil nasa gitna pa kami ng traffic.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, nagising na lang ako sa maingat na pag-alog sa akin ng kung sino man.

"Wake up. We're here." Bulong pa nito bago ka narinig ang mahinang pagsara ng pinto.

Mukhang medyo mabagal ang usad ng traffic ngayon dahil inabot na kami ng alas onse sa daan. Kaya pala mukhang napasarap ang tulog ko. Tss.

Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko ng mapansin ang isang jacket na nakayakap sa akin. It's not mine. So I'm sure kay CK 'to. But why would he lend me his jacket? It's not as if hindi ako sanay sa lamig ng aircon. Well...thank you, I guess.

Naabutan ko siyang nakahilig sa gilid ng pinto ng passenger seat kaya kahit na medyo awkward, I guess kailangan ko pa rin magpasalamat. After all, it's the thought that counts. "Thank you sa paghatid...at sa jacket."

"It's nothing." 'Yon lang? Wala man lang ka-effort-effort?

"You can go home. Hindi mo naman kailangang ihatid pa ako hanggang sa pinto ng condo ko." Nakangiting pagpapaalam ko sa kaniya.

"Who told you na hinatid kita?" Kunot-noong tanong nito bago naunang pumasok sa loob ng building.

Ha? E ano ba'ng tawag sa ginawa niya?

Ikiniling ko na lang ang ulo ko at sumunod sa kaniya. Mukhang umandar na naman ang topak ng isang 'to. Ang hirap talagang intindihin.

"About...about what I said in the car—"

"It's fine. I told you, kalimutan mo na lang 'yon. Naninibago ka lang sa project na 'to." Putol ko sa kaniya. Deretso lang ang titig niya sa pinto ng nakasaradong elevator. Ni hindi man lang ako tinapunan kahit isang sulyap ng putulin ko siya.

He heave a deep sigh first before facing me with a genuine smile on his face. "Yeah. Let's just forget about that." I blink my eyes multiple times just to make sure that I am really seeing what I am seeing right now. Fuck! Sabi ko kalimutan na lang 'yon! Bakit kailangan niya pang ngumiti ng ganoon? Paano ko ngayon kalilimutan 'yon?

Matagal bago ko nabawi ang wisyo ko. Nauna pa nga siyang nakalabas sa elevator kaysa sa akin e.

"Uhm...ride safe?" Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang imbitahin sa loob o pauwiin na lang. Alam ko namang pagod rin siya kaya kailangan niya ng magpahinga. Masyado naman siyang gentleman at talagang hinatid pa ako hanggang dito sa tapat ng pinto.

"Ha?" Kunot-noong tanong nito pabalik sa akin.
Don't tell me gusto niya pang manatili?

"Oh right! How rude of me. Gusto mo muna magkape? Come in. Come in." Aya ko na lang para makatakas sa mga titig niya. Hindi pa rin nawawala sa isipin ko ang pagngiti niya kanina.

"Coffee? Juice? Or what?" Tanong ko agad ng makapasok bago dumeretso sa kusina para maghanda ng kape niya.

"I can have my coffee at the condo." Sagot nito na ikatigil ng kamay ko sa ere.

E ano pa'ng kailangan niya at ayaw umalis kanina? "May kailangan ka pa sa'kin?" Tanong ko na tanging tango lang ang nakuhang sagot.

Agad naman akong umupo sa kaharap niyang sofa para pag-usapan ang pakay niya pero pagkunot lang sa noo ang natanggap ko. Nababaliw na ba ang taong 'to? Ayaw ng kape dahil gustong pag-usapan ang pakay niya. Ngayong kakausapin, pangungunutan lang ng noo? Aba! Ang tapang ng apog talaga!

"Go get your stuffs. I want to rest already." Ani niya.

"Bakit? Saan tayo pupunta?"

"My place." Tipid na sagot nito.

Oh. He's going to bring me to he's place. No wonder—wait! "Your what?" Bulyaw ko ng mapagtanto ang ibig niyang sabihin. "Why would you bring me to your place? Ano namang gagawin ko do'n? Natin do'n? I told you to forget nalang lahat earlier 'di ba? You're just going through some phases of your career life. Ang layo na ng inabot ng utak mo ha. Infairness for a first timer like you."

Shit! Nababaliw na ba siya? Kinabahan ako bigla doon sa sinabi niya ha. Tsaka, pwede naman kaming mag-explore dito. Bakit kailangan pang sa lugar niya?

Hindi ko mapigilang matawa sa ideyang pumapasok sa utak ko. He's really something. "You're just tired. Go home and rest. Bukas makakalimutan mo rin 'yang kahibangang pinagsasasabi mo ngayon." I dismiss him.

Baka kapag pinatulan ko siya magsisi siya.

"What the fuck are you talking about?" Confusion is visible on his handsome face. What? Hindi ba 'yong iniisip ko ang iniisip niya? "Starting tonight sa akin ka na uuwi. That PA of yours accompany Tintin all the way to our hometown. This is the only thing I can do in exchange of his kindness."

What? What the hell is he talking about? Tangina nai-istress ako sa pabigla-biglang anunsyo ng gagong 'to. Ano'ng sa kaniya uuwi? I'm fine living my life alone again here after that moron ruin my peace.

"No you don't need to." I decline straightforwardly.

"I insist." Ha?

"No. I insist." Pagmamatigas ko. Kaya ko ang sarili ko. Ano'ng akala niya?

"Go get your stuffs. Gusto ko ng matulog."

"Edi umu—"

"Uuwi ako ng kasama ka. Sabi ko naman sa'yo. Simula ngayon sa akin ka na uuwi. At kahit na ayaw mo, wala kang magagawa dahil ibinilin ka ng lalaking 'yon sa akin. Simula ngayon, kargo de konsensya na kita kaya kung asan ako dapat nandoon ka at kung may lakad ka dapat alam ko. Maliwanag?" Mahabang paliwanang nito.

"I...I..." Tututol pa sana ako ng mag ring ang telepono ng bahay ko. Mas lalo namang kumulo ang dugo ko ng marinig ang  boses ng taong puno't dulo ng lahat ng ito. "Ano 'tong ginawa mo?"

[It's for your own good. Tumawag ako para ipaalam sa iyo pero mukhang alam mo na.]

"Oh! Salamat at naisipan mo pang ipaalam sa akin ang bwesit na plano mong 'to."

[Uncle will be back one of these days. Hindi ko alam kung ano'ng problema niyo pero matagal ko ng alam na may mali sa inyong dalawa. I'm not there to protect you if he do something to you but that actor can. Close naman kayong dalawa kaya okay na 'yan.]

"Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o isumpa ka. Feeling ko magkakahighblood ako sa mga desisyon mo sa buhay e!"

[Magiging panatag ako kapag sumama ka sa kaniya Rod. Alam mo namang aso ni Uncle 'yong pinsan ko. Hindi ka no'n matutulungan kaya ipapaubaya kita kay CK. Please 'wag ng makulit.Hmm?]

"May choice ba ako?" Labas sa ilong na pagsuko ko. Tinapunan ko naman ng mabilis na tingin ang taong nakasimangot na nakaupo sa sala habang nakatingin sa direksyon kung nasaan ako. Tinted ang salamin sa parte na 'to ng sala kaya hindi niya makikita ang ginagawa ko habang malaya ko namang napagmamasdan kung gaanong kakisig ang lalaking 'to kahit na nakaupo lang. "Tawagan na lang kita para kumustahin 'yang kasama mo."

[Lowbat ka? 'Di ko kasi macontact cellphone mo.]

"Oo. Text na lang kita bukas." Paalam ko bago ibinaba ang tawag. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at hinanda na ang mga kakailanganin ko habang nasa puder niya. Ricky has a point. At least alam kong hindi niya ako mapipilit na makipag-usap sa kaniya kapag sumama ako kay CK.

After ten years, babalik na ulit siya. Hindi ko pa nga nalalabanan ng patas ang takot na dulot ng ginawa niya mukhang madadagdagan pa. Hay!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top