22

Weeks gone too fast. Wake up early in the morning, get ready for the day, get stressed in the set, go home exhausted. 'Yan lang ang paulit-ulit na ganap sa loob ng dalawang linggo. Yes. Two weeks. Two weeks of hell ng dahil sa pagiging siraulo ni Bernardo. Akalain ba namang inabot na naman ng topak ang gago at talagang dinamay pa talaga ang timeframe ng set.

Of course, dahil mataas pride natin, syempre pa at hindi tayo papatalo kaya ayun at parang torong hindi napakawalan ang gago.

"Ayoko na!" Ngawa ni Tintin ng makaupo sa tabi ko. "Pagod na pagod na ako Rod!" Dagdag pa nito. Natatawa na lang ang ibang taong nasa set na nagliligpit ng gamit.

Sino ba naman kasi ang hindi pagod? Kahit nga ako ubos na ubos na. Lahat ng taong kabilang sa pelikulang 'to sagad na sagad na. Wala rin naman kaming magagawa. Dahil hindi lang reputasyon namin ang masasayang kung magpapadaig kami sa pagod.

"Gather yourself. I'm tired too. We all are. But look at the big picture, we're in the middle of the movie. Kunting tiis pa at matatapos na rin 'to." Pang-aalo ko na lang.

Tanginang Bernardo kasi 'yon. Itinataga ko talaga sa utak ng isang 'yon na hinding-hindi niya ako mapapapayag na gumawa ng proyekto pagkatapos nito.

"Water?" Alok ni Ricky sa harap ko. Isa pa 'tong taong 'to. Kung hindi lang pinsan ng gago matagal ko ng nasipa 'to.

"Walang lason 'yan. Huwag mo'ng titigan ng masama." Dugtong nito na inirapan ko. Pagkatapos kong tanggapin ang bote ng tubig, parang isang tutang nagpapalambing sa amo naman siyang umupo sa kabilang gilid ni Tintin. Psh! Nahiya pa talagang umamin e halatang-halata naman na gusto niya si Tintin.

Hindi ko na pinansin pa ang walanghiya. Iinom na sana ako ng tubig ng muntik ng mabilaukan dahil sa tinawag ni Tintin. Mabuti na lang at napigilan ko. Magmumukha akong tanga sa harap ng maraming tao.

"CK! Uhaw na uhaw?"

Ayoko siyang tingnan pero agad nakuha ni Tintin ang atensyon ko. Sino ba namang hindi mapapatanong kung dala-dalawang bote ng tubig ang dala-dala mo.

"Ah...y-yeah. Gusto mo?" Alok nito sa katabi ko. Ni hindi man lang talaga ako tinapunan ng tingin. Psh!

"She's fine dude. I already bought her water." Pagsingit naman ng aso ni Tintin na nakabusangot sa gilid.

CK doesn't seem affected about Ricky's rudeness. And I also don't care. After what happened two weeks ago, I did not dare to make any conversations with him. Bakit? Kasi mali. Maling mali. I am not supposed to feel something towards him. Besides nagkakaroon lang naman kami ng interaksyon sa tuwing nahihirapan siya sa role niya. And that interaction is like once in a blue moon. As in. Compared to what he is noong kakasimula pa lang ng shooting at maging sa workshops, I can say that he's improving. And I know it's for the best. For him, and for the set.

Minsan na lang siyang nahihirapang makipagtitigan ng matagalan sa kapares niya. Thinking about that thing, I wonder kung gusto niya pa kayang tumanggap ng bagong project na may ganitong genre ulit. Ang swerte ng magiging kapares niya kung ganoon nga—wait! Did I just think about that?

Oh no! Malala na nga talaga ako. Ano naman ngayon kung tatanggap siya ng bagong proyekto? Kung kaya niya naman bakit hindi? Isa pa, it's not as if he should ask for my approval first before deciding what's good for his work.

Hay! I just mentally face palm myself before heaving a deep sigh. Thinking about him really is a bad habit for me. Hindi ko dapat siya iniisip. Masamang impluwensya siya sa akin.

"What's on your mind?" Puna ng lalaking may bitbit na dalawang bote ng tubig.

"Facebook?"

"Ha?"

"Wala." Pairap na sagot ko. Kung may humor test lang paniguradong bagsak ang isang 'to.

"Ano nga?" Pangungulit niya pa at hindi pa talaga nakuntento at umupo pa sa gilid ko.

I automatically give us a space after he settled his self. Parang tanga naman 'to. 'Di makahalatang iniiwasan? "Ba't ba tumatabi ka?"

"What?" Ang hina naman ng understanding ng utak nito. Tagalog na nga may pa 'what, what' pa!

"Why are you sitting beside me?" Pag-uulit ko sa tanong gamit ang Ingles.

"I undestand you the first time."

"'Yon naman pala—"

"What I'm confuse is why are you asking obvious questions? It's not as if bawal umupo sa tabi mo." Putol nito bago iniharap ang buong katawan sa direksyon ko.

"Talagang bawal. Uso personal space po."

"Natulog na nga tayo ng magkatabi tapos sa pag-upo bawal? E mas matagal naman tayong nagtabi noong natutulog tayo kesa ngayon." Walang prenong paliwanag niya na parang wala lang sa kaniya ang sinasabi niya samantalang ako, kung pupwede lang na takasan ako ng kaluluwa ko ngayon din, pinagawa ko na.

I felt my hands instantly went cold the moment he utters those words. My body became stiff na kulang na lang talunin ko ang mga mannequin ng damit. I felt bullets of sweats forming in my forehead na para bang ganoon ka-init sa lugar na 'to kahit na ang totoo ay gabi na at naka on pa ang Aircon.

I can't hear anything. Aside from the loud thump of my heartbeat. Kung posible lang talaga na lumabas ang puso mag-isa sa bibig ko baka kanina pa 'yon nangyari. I don't mind him talking about that night. Tutal alam niya naman ang totoo. Ang problema ko....ang dalawang taong katabi ko na paniguradong nanlalaki na ang mga matang nakatingin sa akin ngayon.

"You... slept together?" Paglilinaw ni Tintin.

"Yeah." Walang prenong sagot ulit ng tarantado. Baka una ko pang mabugbog 'to kesa kay Bernardo e.

"Ulit?" Kyuryusong tanong ulit ni Tintin.

"Yu—"

"No!" Putol ko sa sasabihin niya bago siya pinanlakihan ng mata na salamat naman at gumana. "We slept...together. Yeah. Remember? S-sa office mo?" Shit! Why am I stuttering?

Para namang nabunutan ako ng isang malaking tinik sa lalamunan ng maalala ni Trinidad ang araw kung saan aksidente kaming nagtabi sa pagtulog sa kwarto niya sa loob ng opisina.

"Ah...akala ko may something na." She dismissively stated before giving her attention back to what she and Ricky talking about earlier.

Nang mapagtantong busy na ulit siya. Palihim ko na kinurot ang katabi ko bago siya tinapunan ng pamatay na tingin.

"What?" Bulong nito bago hinihimas ang nasaktang tagiliran.

"You better shut up your mouth!" I hissed, annoyed. I check for the last time the two person beside me before threatening the one stressed me out completely. "Huwag na huwag kang magkakamaling sabihin sa ibang tao ang nangyari two weeks ago. I swear you don't want to see me angry at you."

"Oh. I didn't know it's a top secret." Bulong nito na halata namang nang-iinis. Gago talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top