2

"And....cut!" Sigaw ng direktor, pahiwatig na tapos na ang tinatrabaho. "Very good everyone. Okay! Let's wrap up for today. May event pa tayong pupuntahan bukas." Lahat ay masiglang nagliligpit ng i-anunsyo ng direktor na tapos na ang trabaho nila sa araw na 'yon. They spent thirty-five hours to shoot an endorsement video sa Paris at magmula no'ng maglanding ang eroplano nila, wala pa silang sapat na tulog at agad na inasikaso ang trabaho.

"Mr. Roben, darating mamaya ang mga damit na pagpipilian mo. Where do you want to try it? Sa wardrobe tomorrow o sa hotel room mo na lang mamaya?" Kuha ng direktor sa atensyon ng naturang model.

"You can sent it to my hotel room direk. Wala rin naman akong gagawin mamaya." Magalang na sagot nito na tinanguan lang ng huli.

Nang matapos sa pagliligpit, isa-isang nagsialisan ang mga tao sa lugar. Dahil na rin sa pagod, dumeretso na lang si CK sa hotel room niya. Handa na siyang matulog ng tumunog ang cellphone nito pahiwatig na may tumatawag.

"Yes?" Inaantok na sagot nito.

[Hello po Mr. Roben? Sorry to disturb you po pero pwede niyo po bang kuhanin na lang sa lobby ang mga damit? May emergency lang po kasi.] Magalang na pakiusap ng tao sa kabilang linya.

Wala naman siyang magagawa dahil hindi niya naman sigurado kung nagsisinungaling ba o totoo ang sinasabi ng nasa kabila kaya pumayag na lang siya.

"Got it." Maikling saad nito. Ayaw niya ng pahabain pa ang usapan dahil kanina pa hinihila ng antok ang diwa niya.

Pagkatapos ng tawag ay wala na siyang sinayang na panahon at agad na lumabas. He looks like a drunk man with his half open eyes at pagiwang-giwang na paglalakad. Natauhan lang siya ng maramdamang may nakabanggaan siya at may nakitang lalaki na nakasalampak sa sahig.

The man has broad shoulders, halata kahit nakasalampak siya and a high cheekbones. His way too handsome, enough to make him jealous about his appearance. He's fair and looks like a fluffy one. Makes him want to hug the man every time he sleep. Nakababa ang magulo niyang buhok na humaharang sa mga mata niya. Even the man's hair looks smoother than his. He looks like an angel, a delicate one. While him on the other hand, has this rough personality. Even strangers will think he's a gangster or sort of. If that man is the angel, then he is probably the devil.

Pero bakit ba? Naniniwala naman siyang mas gwapo at mas maganda ang katawan niya kaysa sa lalaki.

He extended his arm to help the man pero anak ng nanay niya ang taong kaharap at talagang tinitigan lang siya. Hindi niya alam kung niloloko lang siya ng gago o baka talagang nagwagwapuhan ito sa kaniya. Either way, wala siyang paki, ang importante sabihin niyang hindi niya kailangan ng tulong. "Mister, kung ayaw mo ng tulong magsabi ka. Nakakangalay kaya 'tong ginagawa ko. Mabuti na lang 'di ka nakakaintindi ng tagalog. Mamumura pa kita sa katangahan mo." Hindi naman nagreak ang lalaki sa sinabi niya kaya sigurado siyang kano ang kaharap. "Are you alright sir?" Tanong niya na lang para makaalis na siya at makababa.

Pero kung minamalas ka nga naman, sinungitan ba naman siya? "Next time, look at where you are heading to."

"Kasalanan ko pa eh siya nga 'tong lumilipad ang isip. Nakahithit siguro ang gago." Nilakasan niya pa ang boses para siguradong maririnig ng lalaki kahit pa hindi siya nito naiintindihan.

Mabilis siyang nakababa at nakabalik sa hotel room niya dala ang mga damit na susukatin. This clothes are too formal for him to wear. Pakiramdam niya binibihisan nila ang demonyo para magmukhang anghel.

He's been turning again and again and again to see if the clothes he's wearing fits with him but for God's sake, he doesn't want to admit but he doesn't have any sense in fashion. He's nothing without he's designer and stylist. 'Yon ang napatunayan niya sa ilang oras na nakaharap sa salamin sa loob ng banyo.

"Damn man! Who would've thought ganito pala kahirap mag-ayos ng sarili mag-isa? Sana pala sinama ko na lang si Tintin dito. Mukhang mas marami pa 'yong alam tungkol sa damit kaysa sa'kin." Kausap niya sa sarili na walang pag-asa.
Isa-isa ng hinuhubad ni CK ang mga suot niya ng tumawag ang taong iniisip niya kanina.

[Wow naman. Talagang tinapat mo kung kailan ako kumakain 'no? Nakakadiri!] Pang-aasar ng nasa kabila ng sagutin ni CK ang video call.

"Wow naman." Panggagaya niya sa naunang reaksyon ng babae. "Akala mo talaga ako 'yong nandidisturbo eh 'no?" Sarkastikong dagdag nito na tinawanan lang ng nasa kabila.

"Ang sarap ng nakikita mo kaya huwag kang maarte. Ano ba kasing pakay mo at himala atang naalala mo ako?" Pagbabalik nito sa usapan.

[Well...kung nakakalimutan mo. May utang kang pasalubong sa akin.] Nagpapacute na saad ng babae.

"May utang kang pasalubong sa akin." Pabebeng panggagaya ni CK na naging dahilan ng paghalakhak ng babae.

Trinidad Sature. Twenty-eight years old. Five feet and three inches. CK's childhood bestfriend. A director. CK's first crush, first love, first girlfriend, first fiancee and first ex-lover. CK loves to call her Tintin kasi payat siya noong bata pa siya. Binubully siya ni CK noon na patpatin but fell inlove with her later on. Lahat ng nakakaalam, pinanghihinayangan ang relasyong pareho nilang ayaw ng ituloy. Tintin has her reasons, as well as CK. Pero kahit ganoon, the love, the care, and all those feelings and attitudes they have back then is still present on what they are now. Kaya hirap ang ibang maniwala na wala na talagang namamagitan sa kanila dahil na rin sa mga kilos nila.

"Mabuti at tumawag ka. Pumili ka ng susuotin ko bukas. Bayad sa pasalubong mo." Dagdag ni CK sa panggagaya kanina.

Ipinakita niya naman sa kausap ang mga damit na kinuha niya sa baba. Panay reklamo pa siya ng ipasuot sa kaniya ng paulit-ulit ni Tintin ang mga damit pero wala siyang choice kundi ang sundin ito dahil alam niyang walang ibang makakatulong sa kaniya sa oras na 'yon.

[You okay?] Tanong ni Tintin pagkatapos nilang makapili ng damit.

"Remind me to not ask for your opinion about fashion again. Kulang na lang gawin mo akong trumpo sa paulit-ulit na paghuhubad at pagsusuot ng damit eh." Reklamo nito.

[Nagrereklamo ka? Eh ikaw naman 'tong humingi ng tulong ko.] CK didn't argue anymore kasi alam naman niyang malaki ang naitulong ni Tintin sa kaniya.

"I'm not. Anyway, gotta grab some sleep. Hindi pa ako nakakatulog simula ng dumating kami." Paalam nito sa kausap.

Dismayado namang pumayag si Tintin dahil alam niyang kailangang bumawi ng lakas ng kaibigan. [Gano'n ba? Sayang. Gusto ko pa naman sana kitang ipakilala kay Rod.]

"Rod? Your new guy?"

[Nah. A friend of mine. 'Yong direktor na gusto mong makatrabaho, remember? He's also there. Aattend din siya ng fashion week. Pero I respect your decision naman. Bumawi ka muna ng tulog. I'll introduce you to him soon na lang.] Saad ni Tintin bago nagpaalam.

Nanatili pa sa isip ni CK ang taong nagngangalang Rod na kaibigan ni Tintin. She doesn't have a large circle of friends kasi hindi naman siya masyadong palakaibigan. But if she considered this Rod as one of her friends then maybe he's lucky enough to have a project with the legendary director he idolized the most. Not because of the director's good side profile but because of it's achievements.

Walang pakialam si CK kung gwapo ba o hindi ang direktor dahil sa lahat ng balitang sangkot ang pangalan ng nasabing direktor ay parehong kalahati lang ng mukha nito ang nakikita. Kaya walang nakakaalam kung ano ba talaga ang hitsura ng lalaki maliban sa mga kaibigan nito. Kaya kasabay ng pagsikat nito, ay ang mga haka-hakang sunog ang kabilang mukha ng direktor at iba pa para siraan ang direktor. Ang hindi nila alam, kung ikukumpara sa higit kanino man, Rod's face can pass as one of the Greek gods in the myths.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top