18

"How do you feel?" Tanong ni CK pagkatapos gamutin ang direktor. Nag-alangan pa siya noong una ngunit agad ring tinanong ang kalagayan nito. While treating his wounds, hindi man lang nakitaan ng kahit anong emosyon sa mukha si Rod. It's like CK's treating a steel na kahit gaano pa karaming alcohol ang ilagay sa sugat nito, nasa kawalan pa rin ang wisyo nito. "Rod," tawag ulit nito na may kasamang pagyugyog.

"Ha?" Sagot ng direktor habang nakatingin diretso sa mata niya.

CK heave a deep sigh first before putting back the medicines he used to treat Rod's wounds. "Okay ka na ba?" Seryosong tanong nito habang nakatingala sa mukha ng direktor. They are in the living room. Minabuti ni CK na ilabas na muna ang direktor para man lang makabawi sa pagkakatulala at sa panginginig na nangyari sa loob ng kwarto kaya sa sala niya na lang ito ginamot. Nakaupo ang direktor sa pang-isahang sofa habang nasa paanan siya nito. He's looking upward to see the director's eyes while the director looks at him downward. They are completely staring at each other. Tinatansya kung sino ang mauunang magsasalita. Sa huli, mahinang tumango ang direktor bago ibinaba ang tingin nito papunta sa paa niyang kagagamot pa lang.

"Stay here." Utos ni CK ng mapansing hindi pa nakakapagbihis ang kaharap.

Hindi pa man siya tuluyang nakakatayo, agad na nahanap ni Rod ang palapulsuhan niya at mahigpit na hinawakan kasabay ng mahinang paghila. Muntik pa nga niyang madaganan ang direktor kung hindi lang otomatikong nakahawak ang isang malaya niyang kamay sa sandalan ng sofa. Their faces are inches away from each other. At kung gugustuhin ni CK, pwedeng -pwede niyang huwag itukod ang isang kamay niya sa sandalan para mahalikan ang direktor. The thought of it cross CK's mind but automatically dismiss it. Hindi siya baliw para humalik ng lalaki. At kahit pa may ibang nangyayari sa katawan niya sa tuwing malapit siya sa direktor, hinding-hindi siya papayag na may mangyari sa kanila. Kahit na ang totoo, Wala siyang alam kung hanggang saan niya kaya o kung kaya nga ba niya.

While checking the director's face, hindi niya namalayang unti-unti niya na palang tinatawid ang pagitan ng mga mukha nila. Hinding-hindi papayag na may mangyari sa kanila pero mismo ang katawan niya na ang gumagawa ng paraan para sa kaniya. CK didn't notice his action, but the director did. Plano niya lang namang tanungin ang aktor kung saan ito pupunta at gusto nitong manatili siyang nakaupo pero mukhang iba ang kinalabasan. Lutang pa siya ng mahila niya si CK sa kadahilanang iiwan siya nito na ayaw niyang mangyari sa ngayon kaya napasobra ang paghila niya dito. Tuwid na nakaupo lang siya habang nakakulong sa katawan ni CK at ng sofa. Mariin ang titig ng aktor sa kaniya na siyang nakapagpatuyo ng lalamunan niya. He unconsciously lick his lower lip, making it wet. Gusto niya lang namang basain ito dahil nararamdaman niya ang pagkatuyo. Ang hindi niya inaasahan, ang sundan ng aktor ng tingin ang pagdaan ng dila niya sa labi niya bago ito matunog na napalunok. Na animo'y isang basong tubig ang namamahay sa bibig nito at isang lagukan lang ang kakailanganin.

Rod feels hot all of the sudden. Ang panginginig niya at pagkabalisa ay agarang napalitan ng pag-iinit ng katawan at biglaang pagkauhaw. Ngunit bago pa man bumigay ang katawan niya sa pagkaing nakahain sa harapan na hindi naman tubig pero siguradong makakapawi sa uhaw at init na nararamdaman niya, agad niya na itong binitawan. The moment Rod let go of CK's hand, doon pa lang natauhan ang huli. Mabilis na nawala ang init ng palad ni Rod na bumalot sa palapulsuhan niya. Ng matanto kung gaano na sila kalapit, napakurap na lang siya at napatikhim sabay atras ng kaunti para makasagap ng hangin. Wala naman sila sa close space kaya nakakapagtakang tila kulang ang hanging nakukuha niya sa loob ng unit.

"S-saan ka pupunta?" Mahinang tanong ni Rod. Palihim na pinagalitan pa ang sarili ng mautal. Pero okay lang naman 'yon 'di ba? Galing naman siya sa pagkakatulala. Galing siya sa pag-iyak. Understandable naman na siguro kung mauutal man siya.

"Relax. Ikukuha lang kita ng damit. You're still wet. Baka magkasakit ka niyan kapag natuyuan ka." Paliwanag ni CK. Nginitian niya muna ang direktor bago tinalikuran. Naisip niya na baka isipin nitong iiwan niya. Mukha pa namang hindi pa nakakrekober ang isang 'yon. Hindi rin naman siya ganoon ka bastos para hayaang mag-isa ang taong ayaw mapag-isa.

Naghalughog siya ng pwedeng suotin ni Rod sa closet niya. Malaki man ang unit niya, ayaw niya namang magkaroon ng walk-in closet. Sure he can have it if he wanted but he doesn't want to have a walk-in closet in his unit. Tama ng mayroon siya sa kwarto niya sa bahay ng mga magulang. Hindi rin naman ganoon karami ang damit niya sa unit kumpara doon sa bahay ng magulang niya. They have the same body size, ang kaibahan lang, mas labas ang lahat ng muscles ni CK kumpara kay Rod na saktong-sakto lang. Mahahalatang alipin ng gym si CK habang tamang exercise lang ang kay Rod. Kaya ng maisuot ni Rod ang damit na ibinigay sa kaniya, nagmistulang malaking tao ang nagmamay-ari nito. Rod unconsciously pouted at hisself. He check the clothes in his body only to feel belittled. Hindi naman siya maliit pero dahil hindi magkasinglaki ang muscles nila sa katawan ng lalaking pinagtatawanan siya, nanliliit na lang siya sa iniisip.

"You look cute though." Pampalubag-loob ni CK.

"Hindi ka naman ganoon kalaki ha. Mas malaman ka lang." Maktol na sagot niya naman na tinawanan lang din ni CK.

"It's fine. Sa susunod isasama kita sa gym para hindi ka magmukhang maliit sa mga damit ko." Taas-noong suhestyon ni CK. Rod just scoffed with confusion. May balak pa yata ang kausap na maulit ang pagtuloy niya dito.

Inirapan niya lang ito bago sinundan sa kusina. "Anyway, why am I here?" Tanong nito ng nakaupo sa stool sa harap ng island counter habang nasa kabilang dako naman ang aktor at abalang itinuloy ang naudlot na ginagawa kanina.  "What are you doing?" Sunod na tanong nito.

CK finish preparing the things he needed first before facing straight to the director. "Lasing na lasing ka kanina. Wala kang maalala no'ng mga huling oras mo sa bar?" Tanong niya na inilingan ng direktor. "Mukha naman."

"E bakit nga ako nandito?" Ulit nito sa tanong kanina na parang hindi narinig ang sagot ng aktor.

"Kasi nga lasing ka kanina."

"And?" Confusion is now visible on Rod's face.

"Lasing ka. Tinatanong kita kung saan kita ibababa puro ungot lang sagot mo. I don't have a choice but to bring you here." Nauubusang pasensyang paliwanag ni CK.

"So bakit nga ako nandito?" Tanong ulit ni Rod ng pangatlong beses.

CK just raise his left eyebrow silently telling Rod that he already answered his question. Ng makitang walang pinagbago sa reaksyon ng kausap humugot muna siya ng malalim na buntong hininga bago ibinuhos ang buong atensyon sa kausap. Iniisip niya na lang na baka lasing pa rin ito hanggang ngayon kaya hindi napoproseso ng maayos ang sagot niya. "Kasi nga lasing ka—"

"Oo nga. Paulit-ulit na lang 'yan e." Putol ni Rod sa kaniya na ikinakunot ng noo niya. Gets niya naman pala, ba't pa paulit-ulit? "My question is why am I here? And why am I with you? As far as I remember you did not join us earlier, kaya bakit nandito ako at wala sa unit ko o unit ni Trinidad? I should be with Ricky and Tintin, given na 'yon. But you? No. Humabol ka ba?"

Palihim na natigilan si CK sa mga tanong na 'yon. Paano nga ba niya sasagutin 'yon? Paano niya ipapaliwanag na nandoon siya dahil nautusan siya at hindi dahil nag-aalala siya. Na wala naman siyang pakialam sana kung iwan man si Rod ng alalay niya. Paano niya sasabihing nandoon siya at sinundo niya ito hindi lang dahil napag-utusan siya kundi dahil hindi siya makakatulog kakaisip kung ano na ang ginagawa ng direktor sa bar.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top