14

"Rod!" Ngiting tawag ni Tintin sa atensyon ng kaibigan habang patungo sa kotse nito.

Maagap naman na hinintay ni Rod ang babae habang kasunod nito ang aktor na siyang dahilan ng mga tambol kanina sa dibdib niya. Mabuti na lang kahit papaano ay humupa na ang dagundong sa dibdib niya. Mukhang nagco-concert pa siguro ang mga dugo nito sa tuwing nakikita ng malapitan ang aktor. "Bakit na naman Tin? 'Wag mo nang subukan 'yang swerte mo. Sagad na sagad na ako kanina." Pagod na sagot nito sa babae ng makalapit.

"Ito naman...parang na-miss lang kita e." Nakangusong saad ng babae bago kumapit sa braso ni Rod. Nasa driver's seat na si Ricky at hinihintay ang pagpasok ni Rod habang mabagal naman na umuusad ang tatlo patungo sa kinaroroonan ng sasakyan.

"Mandiri ka nga!" Bulong ni Rod, pinipigilang marinig ng isa pa nilang kasama. "Baka isipin ng boy friend mo may malisyang nangyayari sa 'tin."

"Hindi ko nga siya boyfr—"

"Kaibigang lalaki. Okay na?" Paglilinaw ng direktor sa kausap na inirapan lang siya. "Ano ba kasing pakay mo at nandidisturbo ka pa ng pauwing tao?"

"Bar tayo?" Aya ng babae na may kasamang pag-alon ng kilay. "Tutal rest day bukas, sulitin na natin 'to. Siguradong tuloy-tuloy na magiging taping dahil wala naman na masyadong harap-harapang landian sa mga next scenes e. Sige na." Pamimilit nito.

Hirap na tinitingnan lang ni Rod ang babae. Hindi pa ba ito pagod? E halos buong araw nga itong busy kaysa sa kaniya pero marami pa rin itong energy samantalang siya gustong-gusto ng ihiga ang katawan sa kama. "Aren't you tired Tin? Masyado kang busy kanina. You need to rest."

"Kaya nga bar tayo. Para isang pahingahan na lang bukas tapos bakbakan ulit. G?" Makulit na pamimilit nito. Wala namang magawa si Rod sa kakulitan nito. Kaibigan niya e. At kilala niya ang babae, hindi ito titigil hanga't hindi nakukuha ang oo niya. Ang dugyot lang pakinggan!

"Do I have a choice? Kahit naman umayaw ako hindi ka pa rin papipigil." Walang magawang sagot nito bago inirapan ang babae at naunang maglakad. "Ano? Convoy na lang?" Baling nito sa dalawa ng makalapit sila sa kotse.

"Sige. Message na lang kita kung saang bar." Pagpayag ni Tintin bago hinila ang isa pang kaibigan papunta sa kotse nito.

"Sa condo na lang ako." Basag ni CK sa katahimikan sa loob ng kotse. Gusto niyang mapag-isa. Gusto niyang i-kondisyon ang takbo ng puso niya dahil simula kanina hanggang sa mga oras na ito, hindi pa rin normal ang bilis ng pagtibok nito. Ayaw niyang aminin sa sarili kung ano ang rason kung bakit abnormal ang takbo ng puso niya. Pero ang tanong, ano nga ba? O mas tamang sabihing hindi niya maamin sa sarili niya kung sino ang rason at bakit abnormal ang takbo ng puso niya.

Naputol lang ang pag-iisip niya ng tanungin siya ni Tintin kung bakit hindi siya sasama sa masungit na paraan. Alam naman niyang maiintindihan naman siya ng babae kung sasabihin niya ang rason niya, ang kaso lang, kapag 'yong rasong nabuo sa utak niya ang magiging alibi niya, hindi kakayanin ng pride niya. Sigurado siya sa sarili niya na matuwid pa kesa sa bakal ang pagiging lalaki niya tapos ngayon ng dahil lang sa paminsan-minsang interaksyon nila ng direktor, sa hindi malamang dahilan, nagsisimula na siyang pagdudahan ang kasarian niya. Maaari nga ba na magkagusto siya sa isang lalaki kahit na alam naman niyang attracted pa rin siya at pumapatol sa babae?

"Pagod ako Tin. Gusto ko na lang magpahinga. Hayaan mo na ako. Sasama naman ako kung hindi lang ako napagod kanina e." Mahinang sagot nito. Wala namang nagawa ang kaibigan dahil bakas din naman sa pagmumukha niya ang pagod. 'Yon nga lang, napagod siya sa kaiisip, hindi sa pag-acting.

Tintin heave a sigh. Wala rin naman siyang magagawa. Kapag pinilit niya ang lalaki, baka manatili lang ito roon ng ilang minuto tapos aalis na. Sayang lang sa oras. Mas mabuti pang ipahinga niya na lang ang pagbisita niya ng ilang oras sa bar. "Sige. Pero kung magbago isip mo sunod ka na lang ha." Bilin nito ng makarating na sila sa harap ng building.

Tango lang ang sinagot ni CK bago pumasok sa loob. Agad na humiga si CK sa sofa ng makapasok sa unit niya. Hindi naman grabe 'yong mga ginawa niya kanina, pero ramdam niya ang kapaguran sa buong kalamnan niya. Ngayon niya lang napagtanto na mas nakakapagod pa lang mag-isip ng mag-isip. Idagdag pa ang abnormal na takbo ng puso niya, talagang mapapagod siya.

Natapos na siyang maglinis ng katawan at handa ng matulog ng tumunog ang cellphone niya. [Bud!] Bungad agad sa kaniya ng kaibigan niya ng sagutin niya ang tawag. Kitang-kita sa background nito na nasa loob ito ng isang mamahaling bar. Mula sa nakakahilong ilaw na nagbibigay liwanag sa loob, hanggang sa malalakas na tugtog na nagpapaindak sa mga taong nandoon at sa mga taong nagsasayawan sa likuran nito, halatang-halata na isang mamahaling bar nga ang kinaroroonan ng mga  kaibigan. Sa mga suot pa lang ng mga kababaihan, nunkang magkakamali siya.

"Himala at hindi ka 'ata busy. Naipuslit mo pa talaga ang pagba-bar."nakangising komento ni CK.

[What?] Pasigaw na tanong nito sa katabi. [Oh yeah. Sandali lang! Ito na nga. Tinatawagan na nga!] Sigaw niya ulit. [Hoy CK! pare!] Sigaw nito at inilapit pa ang cellphone sa bunganga.

"Ano." Ngingisi-ngising sagot ng nakaupong CK.

[Punta ka rito dali! Hanap ka ng mga chikababes. Miss na raw nila si commander. Right ladies?] Baling ulit nito sa mga kasama at talagang ipinalibot pa ang hawak na cellphone. [Bro nandito kami sa—wait! Pare teka lang ha, hoy gago, si Trinidad 'yon 'di ba?] Kausap nito sa kasama. Wala sanang interes si CK sa pinaggagagawa ng kaibigan ng marinig ang tinanong nito sa kasamahan. Si Tintin, ibig sabihin, nandoon din si Rod. Pero bakit nga ba iniisip niya kung nandoon ba ang direktor o wala? Ano naman ngayon kung kasama ni Tintin ang direktor? Kaibigan niya rin naman ito.

[Girls sorry pero next time na lang kayo makipag meet and greet kay commander okay?] Nakangiting pagtataboy ng lalaki sa mga babeng kasama nito kani-kanina lang. [Pare 'di ba si Trinidad may hawak ng project mo ngayon?] Baling nito sa kaniya.

"Yeah." Maikling tugon naman niya. Para talagang walang interes pero ang totoo, kating-kati na siyang utusan ang kaibigan na ituon ang camera ng cellphone sa kinaroroonan ni Tintin.

[Oh well, mukhang wala ka namang balak magsaya ngayong gabi, hindi ka na lang namin iisturbuhin.] Ani nito at akma ng papatayin ang tawag ng pigilan niya ito.

"Wait! Wh-who's with her?" Nahihiya niya pang tanong na mabuti na lang at hindi pinansin ng mga kaibigan niya.

[May kasama siyang dalawang lalaki...'yong isa mukhang close na close niya. 'Yong isa naman....mukhang kasama lang, gano'n.]

[That's Ricky and David.] Singit naman ng isang babae. Hindi pa pala ito umalis?

[You know them?]

[Of course. Who wouldn't? Just like you, that Ricky guy is a beast in the bed. I wonder when can we have our part two. You know.] Malanding ani nito sa huling tinuran.

[What about that David guy?]

[Oh him? Well... he's a manwhore. I can say that this is his favorite bar. Marami kasi siyang katulad dito. Some of these men are into men also, so....] Hindi na tinuloy ng babae ang sasabihin at nagkibit-balikat na lang.

Nagpaliwanag lang naman ang babae pero parang gustong ingudngod ni CK ang pagmumukha nito sa semento. Ano'ng karapatan nito para insultuhin ng ganoon na lang ang lalaki? Hindi ba nito ito kilala? Sabagay, Rod is a private person. Siya nga hindi niya nakilala noong una ang direktor ano pa kaya ang babaeng 'yon na wala namang ambag sa buhay ng direktor.

Pagkatapos magpaliwanag ng babae, agad pinutol ng kaibigan niya ang tawag kaya heto siya at naiwang nakatulalang nakatingin sa salamin sa loob ng banyo. Ano naman ngayon kung totoo nga na pumapatol ang lalaki sa lalaki rin? Choice niya naman 'yon. Ano naman ngayon kung nasa bar sila, siya? Kasama sana siya pero choice niya rin namang magpahinga. Pero bakit nga ba iniisip niya pa ang mga bagay na 'to? Matutulog na dapat siya 'di ba? Bakit niya pa iniisip 'to?

Inis na ginulo niya lang ulit ang magulo niya ng buhok. Bugnot na bugnot siyang lumabas ng banyo para matulog. Mas mabuting pang matulog na lang kesa ang mag-isip.

"Rod." Tawag niya sa lalaking ngayon ay pasuray-suray ng nakikipagsayawan sa dancefloor. Matulog lang naman ang plano niya 'di ba? Pero mukhang pahamak nga talaga ang tadhana dahil kung kailan nakahiga na siya, tsaka naman siya nakatanggap ng text mula sa isang unknown number na nagsasabi—este, nag-uutos na siya na ang magsundo sa direktor dahil hinatid niya pa ang babae.

At siyempre, dahil wala na siyang choice, dahil hahabulin lang naman siya ng konsensya hanggang sa panaginip niya, sinunod niya na lang ang lalaki na naging dahilan ng pagtungtong niya sa bar.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top