12

One week had passed. Yes, it's been a week but Rod can't still erase the hot feeling he felt the last time CK and him talked. At sa loob ng isang linggo, hindi lang isang beses nagkamali si CK na nakapagpadagdag sa init ng ulo ni Rod. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi kayang tumagal ni CK na ilapit ang mukha sa katambal gayong madali lang para sa lalaki na ilapit ng basta-basta ang mukha nito sa kaniya.

"Tin, gawan mo ng paraan 'yang ex mo bago pa maubos lahat ng pasensya ko." Seryosong utos nito sa kaibigang direktor bago umalis. Panigurado hihithit 'yon pampakalma.

Tumawag muna ng five minutes water break si Tintin bago nilapitan ang kaibigan. Kaka-water break pa lang nila water break na naman ulit. Hindi man masabi ng ibang cast at crew ang mga hinaing nila, ramdam naman ni CK na siya ang ang bida sa mga kwento ng mga ito. Sino ba namang hindi makakapansin kung panay tingin ang mga ito sa kaniya habang nagtatawanan. Aminado naman siyang hindi niya gamay ang ganitong genre. Bromance? E kahit sa panaginip hindi niya nakikita ang sariling nakikipagharutan sa kapwa lalaki. Gaya nga ng narinig niya, naiintindihan nila kung nag-aadjust pa siya, pero mukhang grabeng adjustment naman yata ang kailangan para masanay siya. Magaling siyang aktor, alam ng lahat 'yan. Pero mukhang ang proyektong ito lang ang makakapagbagsak sa career niya.

"Oh." Abot ni Tintin ng bottle water sa kaniya. "You know what? I'm starting to regret forcing you to accept this project." Dugtong nito.

Alam niya namang hindi lang siya ang nahihirapan. Pero hindi niya talaga mapilit ang sarili niyang makipagharutan sa ibang lalaki. Maliban sa isa. His mind stated that fact. He just mentally rolled his eyes at the fact he can't accept.

"I'm sorry Tin."

"Hindi mo ba talaga kayang tapakan pride mo? Hindi mo naman siya kailangang halikan. Harutan lang CK. Hindi mo ba pwedeng ibigay?" Frustrated na tanong nito. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin para lang magawa ng kaibigan ang dapat nitong gawin at ng matuwa naman ang isa pang kaibigan. Pakiramdam ni Tintin naiipit siya sa hindi niya makitang harang.

"Actually," CK trailed off first. "Kaya ko naman."

"Ayon naman pala e! Bakit pa pinapahirapan mo ang lahat? CK naman. Ini-i-stress mo ako e!" Huli na ng mapagtanto ni Tintin na napataas ang boses niya. Kasalanan ba niya? Na-excite lang naman siya ng malamang kaya ng kaibigang makipagharutan sa kapwa lalaki.

"Kaso...."

"Don't tell me may kondisyon bago ka umayos? Sinasabi ko sa'yo CK ite-terminate ko kontrata mo 'pag nagkataon." Putol nito sa sasabihin ng lalaki.

CK sighed frustratedly. Hindi lang si Tintin, si Rod o ang mga kasamahan niya sa trabaho ang nasi-stress. Maging siya. Kailan lang ng mapagtanto niyang sa isang lalaki lang kayang makipagharutan ng pride niya. At hindi niya pa nga lubos na natatanggap, heto at pini-pressure na siya.

"I can only flirt...with one guy Tin." Nanlulumong pag-amin nito. Tintin on the other hand stressfully combed her hair backward. Isang lalaki lang naman ang katambal niya, bakit pa siya nahihirapan?

"CK, 'yong ka-partner mo lang naman ang haharutin mo. Obviously, isang lalaki lang talaga ang kaharutan mo. Bakit mo pa pinapahirapan?"

"That's the main problem Tin." Stress na stress na sagot nito. Hindi talaga maiwasang ilabas ang emosyong mag-iisang linggo niya ng kinikimkim. Alam niyang hindi dito ang tamang lugar para ilabas ang hinaing niya pero mababaliw siya kapag pinilit niya pang sarilinin ang problema. "He's not the guy I can flirt with." Mahinang dugtong nito.

Ipinalibot muna ni Tintin ang paningin bago ibinalik sa kaniya. Sino naman ang malas na lalaki na tinutukoy ng kaibigan niya? "Tell me who. I'll do anything I can para lang makausad tayo. Mauubos budget natin hindi pa tayo nakakapangalahati e." Desididong udyok nito sa kaibigan.

Tinitimbang pa ni CK ang kaibigan kung aaminin ba niya ito dito o hindi. Kilala niya ang likaw ng bituka ni Tintin, alam niya kung kailan aandar ang topak nito at kailan magseseryoso. At kahit pa sabihin niyang hindi naman nagkakalat ng kung anu-ano ang babae tungkol sa mga personal nilang buhay, nakakahiya pa ring isipin na aamin siya sa babaeng minsan niya ng nakarelasyon. Okay sana kung normal na sitwasyon ang kinahahantungan niya.

"Sabihin mo na at ng matuwa si Rod sa'yo. Alam mo bang inuubos mo talaga pasensya ng isang 'yon? Kung hindi lang siguro kita kaibigan matagal ka ng nasigawan ng lalaking 'yon." Bulalas ng babae.

Tahimik na humugot ng maraming hangin si CK na animo'y mabibigyan siya nito ng sapat na lakas ng loob para sabihin ang isang bagay na kahit siya, hirap tanggapin. "I...I c-can only flirt with R-Rod." He tried his best to avoid stammering those words but hell! Mukhang pati ang pagsasalita niya hindi niya na rin kontrolado!

"Pardon?" Pagkaklaro ni Tintin. "Did I hear it correctly?" Matipid na tango ang ibinigay niya sa kaibigan. Wala na nga 'ata siyang maitatago pa sa babaeng 'to. Wala rin naman siyang mapagsasabihan maliban dito.

"Damn! Si Rod lang naman pala 'yong kailangan mo hindi mo pa sinabi." Bulalas ng babae bago marahas na tumayo. "Wait here. Condition yourself para matapos na 'tong scene na 'to. Gusto ko na talagang umusad CK. Please naman." Bilin sa kaniya ni Tintin bago siya iniwan. Wala man siyang naintindihan sa mga pinagsasabi ng kaibigan, sinunod niya na lang ang bilin nito. Who knows? Baka nga kaya niyang mapa-oo ang direktor bilang kapalit ng ka-partner niya. Who said only action stars has the right to have a stunt man?

Nalibot na ni Tintin lahat ng lugar na pwedeng tambayan ni Rod para magpakalma pero hindi niya pa rin ito nakita. Maging ang mga smoking area napuntahan niya na rin pero wala kahit ang anino ng PA nito. Saan naman kaya pumunta ang kaibigan? At talagang kasama pa ang PA niya? Alam naman niyang wala siyang karapatang panghimasukan ang personal na buhay ng kaibigan pero hindi niya alam kung bakit disappointment ang nararamdaman niya ngayon. Dahil ba hindi niya makita ang kaibigan? O baka dahil alam niya ang tunay na pagkatao ng kaibigan? Pero bakit niya nga ba iniisip ang bagay na 'yon? It's not as if she and Ricky has some secret affair to begin with. And to hell with her heart! Bakit parang hirap siyang huminga isipin lang na magkasama ang dalawa at  malay niya anong ginagawa?

"Kung hindi ko lang alam na ganyan ka talaga kapag mag-isa iisipin kong susulong ka sa gyera." Putangina nga naman, oo. Kanina disappointment. Ngayon naman happy, happy? Mukhang siya 'ata ang kailangan magpa-appointment sa doktor e. Pati sariling emosyon niya hindi niya na maintindihan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top