11
Isa-isa ng nagsialisan ang mga katrabaho ni CK, maging ang ibang crew ni Rod sa pagdidirek habang siya nandoon pa rin sa isang sulok nakatitig sa direktor. Ni hindi na nga makuha ni Rod na pagtuunan ng pansin ang pagliligpit niya dahil sa walang habas na pagtitig ng lalaking nakaupo sa isang sulok.
"Awat na! Hindi matapos-tapos si direk oh." Sagi sa kaniya ni Tintin bago siya tinabihan.
Inirapan niya lang ito bago umayos ng upo. "Tin, may tanong ako." Ani nito kapagkuwan. Hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa direktor pero 'yong utak niya, malayo na ang niliparan.
Tintin just hummed to urge him to talk while looking at the same direction as him.
"Kaibigan mo naman siya 'di ba?" Baling nito sa babae na tango lang ang sinagot. "So...you probably knew everything about him?" Hindi siguradong tanong nito. The uncertainty of his voice made Tintin face him with a furrowed eyebrows.
"Ahuh? What about him?"
"Ano kasi," CK rub his nape first before looking away from Tintin's scrutinizing looks. "Kilala mo naman siguro kung may naka-date na siya dati 'no?"
Tintin hissed first before looking at Rod and Ricky's direction. "Ahmmmm...if you are going to ask me kung naging babaero ba siya, I am proud to say na hindi. Hindi lalagpas sa sampu ang nakarelasyon n'yan." Ni hindi ko nga nakitang pumatol sa babae 'yan kaya paano magiging babaero? Saad nito sa sarili. Kahit naman malalim ang pinagsamahan nilang dalawa, she still respect Rod's privacy. Mas mabuti ng sa direktor nito malaman ang totoo kaysa sa ibang tao.
Hindi alam ni Tintin kung ano ang tumatakbo sa utak ng kaibigan pero ng mapansing tahimik na naman itong nagmumuni-muni, nakangiwing iniwan niya itong nakasalampak sa sahig at nilapitan ang pwesto ng direktor. Sila nalang apat ang naiwan, probably because Rod and Ricky are still fixing the director's things while CK's on his own world, siya naman, wala lang. Talagang hinihintay niya lang ang mga kaibigan para sabay umalis.
"What's your boyfriend's problem?" Mataray na tanong ng direktor ng makalapit siya. Pabulong nga lang.
"Boyfriend ka d'yan. Ex no." Pagtatama naman niya. Napansin niya pang medyo natigilan ang PA ni Rod pero binalewala lang din. Hindi pa siguro alam ng lalaki ang tungkol sa kanila. Sino nga ba naman ang makakaalam kung wala naman siyang sinasabi?
"Boyfriend, friend, ex, whatever, ano'ng problema n'yan sa'kin?" Frustrated na tanong nito bago marahas na tiningnan ang direksyon ng nakasalampak na lalaki. Kung totoong nakamamatay lang ang titig, panigurado paglalamayan si CK. Ikaw ba naman harap-harapang titigan ng walang dahilan, nunkang hindi ka maiinis.
"Baka gusto ka niya." Tintin nonchalantly stated na agad sinita ng direktor.
"Woman, don't take that thing as a joke. Hindi nakakatuwa."
"Ito naman." Pang-aasar pa ni Tintin na inirapan lang ng direktor. He know Tintin's just joking. Pero kung totoo man na 'yon nga ang dahilan, hindi niya alam ano ang gagawin niya. After all, hindi pa siya humantong sa point na pumatol sa isang aktor.
"Hoy!"
"Ha?"
"Tsk! Tsk! Tsk!" 'Yon lang ang sinabi ng babae habang pailing-iling na hinila ang PA niya. Aangal pa sana ito ng sinamaan niya ng tingin kaya walang nagawa si Ricky kundi ang hayaan ang babae na hilahin siya habang bitbit niya ang ibang gamit ng direktor.
Rod immediately check his phone ng maramdamang nagvibrate ito sa bulsa niya.
From: Trinidad
Let him live with you. It'll help him to loosen up and act out smoothly. I know you can convince him 😉😏.
Rod just make face after reading the message. Halatang may ibang ibig sabihin ang message ng babae. Sa uri pa lang ng emoji na sinend nito, malabong walang balak na asarin siya nito.
He just sighed silently before turning his phone off and put it inside his back pocket. Wala siyang planong makipag-usap sa aktor. Tutal tapos na ang oras ng trabaho, wala na siyang responsibilidad dito kaya tinapos niya na lang ang ibang gamit na ligpitin at ng makauwi na. Sigurado naman siyang hinihintay siya ni Ricky sa labas. Isa pa 'yon, hindi niya alam kung personal assistant ba niya talaga ito o sadyang ginugulo lang nito ang tahimik na buhay niya araw-araw.
"Your leaving?" Napaigtad pa siya ng marinig ng maayos ang tanong ng lalaking kinaiinisan niya lang kanina. Lumilipad na naman ang utak niya, hindi man lang niya namalayang nakalapit na ito.
"Obviously." Maikling sagot nito. Ayaw niyang makipag-usap ng matagal sa lalaki. Panigurado maiinis lang siya.
"Let me give you a hand. Iniwan ka ng PA mo e." Walang ganang alok ni CK pero iba ang dating kay Rod. He know he doesn't mean it that way but he can't help but to think green about his choice of words. Putangina! Hindi naman siya hayok sa sex pero bakit nagrereact ang katawan niya sa lalaki?
"Hey, you okay? You look tense." Untag naman ng lalaki na nakapagpabalik sa kaniya sa reyalidad. Pinangaralan niya pa ang sarili na umayos at baka magkandaleche-leche ang lahat bago hinarap si CK na parang wala lang.
"Akin na. Kaya ko naman." Saad nito bago hinablot ang bag. Hindi man lang binigyan ng pagakakataong umangal ang katabi.
Nauna siyang naglakad palabas at kahit hindi man niya lingunin, alam niyang nakasunod ang aktor sa kaniya.
"Ahm..." He trailed off. Contemplating if he's really going to ask his suggestion earlier or not. Hindi naman niya maipapaliwanag ng mabuti sa sarili kong ano nga ba talaga ang nangyayari sa kaniya kung hindi niya susubukang kilalanin ang direktor. "You can...talk to me...that way, i-if you want. Kung gusto mo lang naman." He mumbled nervously.
Kunot-noo naman siyang tiningnan ni Rod. What the fuck is this guy talking about? Ano'ng talk to him that way? Paano ba niya ito kausapin?
"This." Nahigit ni Rod ang sariling hininga ng ilapit ni CK ang sariling mukha sa mukha niya. Nanlalaki ang mga matang nakatitig ito sa mukha ng lalaki habang pilit na itinitikom ang bibig niya. He didn't expected him to do this. Hindi nga nito magawa ng mabuti sa isang kuhaan lang ang isang scene nila kanina tapos ngayon parang wala lang sa lalaki ang ilapit ang mukha nito sa mukha niya ng ilang dangkal.
Rod can feel his heart race na para bang may sampung libong kabayo ang nakikipagkarerahan sa loob ng dibdib niya. It makes him worried na baka marinig ng kaharap niya at iba pa ang isipin.
"You can talk to me this close. Hindi ko rin alam, pero mukhang kailangan kitang pagpraktisan para magawa ko ng mabuti 'yong nasa script." The man talk clearly while looking at his eyes but damn! Hindi siya ganoon katibay! Kahit na nasa mga mata rin ni CK nakatuon ang paningin niya, nasa mga labi naman nito ang atensyon niya. Feeling niya tuloy para siyang binuhusan ng isang baldeng tubig na may libo-libong sili dahil sa init na nararamdaman niya.
"Breath direk. Ayoko naman maging cause of death mo." Pagpapatawa pa nito. Doon lang natauhan si Rod. Kanina pa pala niya pinipigilan ang sariling huminga. Kung hindi lang lumayo ng kaunti ang lalaki paniguradong ito nga ang magiging cause of death niya. Iniisip pa lang ang dahilan ng paglisan niya sa mundo nahihiya na siya.
Sinigurado niya munang nasa tamang takbo na ang puso niya at hindi na siya mauutal bago tuwid na hinarap ang lalaki. CK just stared at him intently. His eyes are like lasers trying to pierce something in his soul. "You should not do that next time." Pangaral nito.
"Ha? Bakit naman? Ginawa mo naman 'yon kanina 'di ba?" Kuryusong tanong nito. Hindi alam ni Rod kung nagmamaang-maangan lang ba ito o sadyang inosente talaga ang lalaki sa ganitong bagay. Well... it's not like he is a girl para makuha ni CK ang gusto niyang sabihin.
"I mean, huwag kang basta-basta gumawa ng ganoong bagay. Baka ma-misinterpret ng iba. Maging laman pa tayo ng balita." Paliwanag niya pero ang totoo, para lang din naman sa sarili niya ang inaalala niya. Mahirap na. Ayaw pa naman niyang ihalo ang personal na pagnanasa habang nasa trabaho.
"Pero pwede naman kitang pagpraktisan 'di ba?" Pangungulit pa rin nito na ikinangiwi niya. Pakiramdam niya gamit na gamit siya ng lalaking ito. Talaga naman, sa lahat ng salita na pwedeng maisip at sabihin, pagpraktisan pa talaga? Hindi man lang nirespeto ang propesyon niya ng lalaking ito.
"I'll think. I'm off." Sagot niya na lang dito para matapos na ang usapan. Pagod siyang pumasok sa shotgun seat ng kotse. Isang nang-aasar na ngiti ang ipinabalon sa kaniya ni Tintin ng makita siya nito at isang mapagmasid na titig naman galing sa lalaking katabi niya na magmamaneho ng kotse.
Hindi niya na lang ito binigyan ng pansin, sa halip, tamad na isinandal niya ang ulo sa bintana at pumikit. "Wake me up when we get there." Utos niya dito bago tuluyang tangayin ng kadiliman. CK literally drained his remaining energy dahil sa biglaang ginawa nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top