Epilogue

Lumipas ang mga araw at buwan. Naka-graduate na tayo lahat-lahat pero ang nararamdaman ko para sa'yo.. hindi pa.

Simula nang sinabi mo sa akin iyon, hindi ka na nagpakita pa. Hindi ka na pumasok. Nawala ka na lang na parang bula. Marami sa mga kaklase natin ang nagtatanong sa akin kung anong nangyari sa'yo. Tanging ngiti lang ang nasasagot ko.

Sa totoo lang, may mga pagkakataong gusto kitang sugurin sa bahay niyo at pagsasapakin. Nakakainis ka kasi. Bakit ba sa dinami-dami ng makikilala ko, ikaw pa?

Bakit ba sa dinami-dami ng lalaking pwede kong magustuhan, ikaw pa? Yan tuloy, nung nahulog ako sa'yo, walang sumalo sakin.

Minsan, pinagsisisihan ko yung araw na pagpunta ko sa NBS para bilhin yung libro. Kung hindi ko sana kinuha iyon, edi sana hindi tayo nagkakilala talaga. Edi sana ngayon tahimik pa buhay ko.

Edi sana hindi ako gulong-gulo sa nararamdaman ko para sa'yo.

~

Sinarado ko ang notebook na matagal nang nakaimbak sa pinaka-ilalim ng aparador ko. Ilang taon na rin pala no? Sa pagkakatanda ko, huli ko tong sinulat pagkatapos ng graduation natin. Nakatulugan ko to eh, kaya hanggan doon lang natapos.

Nakakatawa lang na nabasa ko ulit ito matapos ang apat na taon. Ngayong araw, gagraduate na ako ng college, kursong bachelor in elementary education.

Nakagraduate ako dahil sa scholarship na ibinigay mo. Salamat ha. Salamat kasi tinulungan mo akong tuparin ang isa sa mga pangarap ko.

Gusto ko kasing maging teacher at turuan yung mga bata sa children's home na pinuntahan natin dati. Hanggang ngayon, bumibisita pa rin ako sakanila. Tinuring ko na kasi silang pamilya. Isang beses nang pumunta ako doon dalawang araw matapos ang stageplay, tinanong ka nila sa akin. Umiling lang ako at ngumiti, hindi na naulit pa ang ganoong pangyayari.

Naghanda na ako para sa aking pagtatapos. Kinuha ko ang diploma ko at saglit na nagpaalam sa mga taong naging parte ng buhay ko sa kolehiyo. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa children's home kung saan nagpahanda si Sister ng maliit na handaan para sa akin.

Kaso kahit gusto ko pang magtagal, hindi ko magawa. Ngayon kasi ang lipad ko papuntang America para ayusin ang kompanyang naiwan ng namayapa kong lola.

Lola ko ito mula sa mother's side. Hindi siya kilala ni mama dahil iniwan siya nito noong sanggol pa lang siya. Kailan ko lang nalaman na ipinahanap pala kami ni lola para iiwan ang mga kayamanan niya. Doon niya nalaman na matagal nang namatay si mama at tanging ako na lang ang naiwan.

Ilang araw bago ang graduation, pumunta ako ng America para pormal siyang makita. Laking tuwa niya nung makita ako. Kahit na hindi niya daw nakita ang paglaki ng mama ko, alam niyang kamukhang-kamukha ko ito. Nagkausap pa kami at doon, inihabilin niya ang kompanya niya sa akin. Bahala na daw ako sa mga gusto kong gawin dito.

Nangako naman ako kay lola na maganda ang kapupuntahan nito. Nginitian niya ako sa huling pagkakataon at saka tuluyan nang nagpaalam sa akin.

Nagpaalam na ako sa mga bata at kay Sister at bumalik na sa apartment. Pinasadahan ko ulit ng huling tingin ang naging tahanan ko ng ilang taon. Nagpaalam na rin ako sa landlady at sumaglit sa backyard ng apartment para puntahan ang puntod ni Bugs Barney. Kinausap ko ito saglit at saka nagpaalam.

Palabas na ako ng gate nang may humarang saking lalaki at may inabot na maliit na envelope. Nginitian ko siya at nagpasalamat. Sakto namang may dumaan na taxi at pinara ko ito. Sinabi ko sakanyang ihatid ako sa airport. habang nag-aantay, doon ko binuksan ang maliit na envelope at kinuha ang maliit na papel.

Nagulat ako nang mapansing ito rin yung papel na inabot mo sa akin noong nasa swing tayo. Dito nakasulat ang mga to do list mo sa buhay. Hindi ko pa nabubuksan ito at binalik ko ito sayo kasama ang ATM card mo noong mismong araw na sinabi mo sa aking gusto mo nang tapusin ang lahat. Ano pang saysay ng paghawak ko dito diba? Maaalala lang kita.

Dahan-dahan ko itong binuksan at binasa. Teka, lyrics to ng kanta ha?

Living Louder by The Cab. Isa sa mga bandang gustong-gusto nating dalawa. Nasa loob ng lyrics na to yung mga pinaggagagawa natin katulad ng 'lay me down under the lights'. Ito yung nasa taas tayo ng rooftop at nagkaroon ng fireworks.

'Let me lose my voice, singing all my favorite songs.' Ito ba yung pumunta tayo sa restaurant at nagperform ka sa gitna gamit ang grand piano?

'Let me stare up at the stars. 'Cause it's where we all belong.' Naalala ko noong una mo akong dinala sa rooftop na may sahig na gawa sa salamin. Namamangha talaga ako non, para kasi tayong lumulutang sa ere.

'Gonna drink with all my friends. Gonna laugh until we cry as we talk and reminisce.' Pumunta ulit tayo sa rooftop non, may nakalatag nang wine at ito yung panahong nag-open up ka sa akin.

'Let me kiss a stranger and rob a local bank.' Ito ba yung dahilan kung bakit hinalikan mo ako noon sa ilalim ng fireworks? Hindi naman ako stranger ah. Pero ngayon ko lang narealize, ni minsan hindi mo pa ako tinawag sa pangalan ko. At iyong rob a local bank, iyon ang dahilan kung bakit maganda ang takbo ng children's home ngayon.

Matapang ka hindi dahil nagnakaw ka sa bangko ng mag-isa. Matapang ka kasi ipinaglaban mo kung ano ang tama. Sa maling paraan nga lang.

'Let me save a life.' Dahil sa pagbabalik mo ng pera sa children's home, nagawa mong tustusan ang mga pangangailangan ng mga bata doon. Nang dahil sa children's home na itinayo niyo ng mama mo, nakapagligtas kayo ng mga inosenteng buhay.

Sa lyric sheet na binigay mo, lahat ng ginawa natin, may nakaguhit na linya bilang tanda na natapos natin to. Pero merong nag-iisang linya doon ang nakabilog.

'Let me fall in love.'

Pagkadating na pagkadating ko sa America, saglit lang akong nagpahinga at inayos ko na rin ang mga gamit ko sa mansyon ni lola. Dala ng jetlag kaya hindi ako makatulog. Napagdesisyunan ko tuloy na maglakad-lakad muna at magliwaliw.

Katatapos ko lang kumain ng ice cream nang mapadaan ako sa isang book store. Sakto, kailangan ko ng bagong librong babasahin ngayon. Tinapos ko na kasi yung novel na dala ko noong nasa eroplano pa ako.

Naglakad-lakad ako sa loob nito at naghanap ng magandang babasahin. Hindi nagtagal at napako sa isang book cover ang mga mata ko.

Latest novel ni Kyamii! Isang sikat na author sa Pilipinas. Umabot na pala dito sa America ang sinulat niya. At akalain mo yun? Kabilang ito sa top-selling novels.

At nag-iisa na lang ito dito sa book store!

Patakbo akong pumunta dito at kukuhain ko na sana, nang may isang kamay ang humawak sa kabilang dulo nito.

Nagtagpo ang mga mata natin.

Sinong mag-aakala na pagkatapos ng ilang taon, dito pa tayo magkikita? Halos parehas na parehas pa ang scenaryo katulad ng una nating pagkikita.

Ngumiti ka dahilan upang magwala ang puso ko. Ilang taon ko na rin ba itong hindi naranasan? Hindi pa rin talaga nawawala ang nararamdaman ko para sa'yo. Katulad pa rin ito ng dati, noong huli mo akong iniwan.

Napangiti ako ng mapait, pero napalitan ito ng pagtataka nang magsalita ka.

"Dala mo ba?"

"Ha?"

"Yung papel na ipinadala ko. Dala mo ba?"

Hindi pa rin nagbabago ang tono ng pananalita mo. Para ka pa ring mafia boss.

Kinuha ko ang wallet ko at doon inilabas ang papel na nakasilid. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong dala-dala ito kahit saan.

Inilahad mo ang kamay mo at doon ko ito inilapag. Dahan-dahan mo itong binuklat at naglabas ka ng ballpen. May ginuhit kang linya dito.

Tapos iniharap mo sa akin ang papel, doon ko nakita na may guhit na ang linyang may bilog.

Ibig sabihin ba nito, natapos mo na ang to do list mo? Ngayong may guhit na ang linyang 'let me fall in love'.

Baka nakahanap ka na ng babaeng gusto mo dito sa America. Ang sakit lang isipin na hindi ako iyon.

Pero laking gulat ko nang hilahin mo ako papalapit sayo at niyakap. Parang katulad noong unang pagyakap mo sa akin sa hardin niyo. Noong panahong umiiyak ka kasi nalaman mong ginagamit ka lang ng mga kaibigan mo.

Nang dahil sa yakap na iyon, naging magkaibigan tayo. Doon nagsimula lahat ng kalokohan mo na kasama ako.

Ngayon, hindi ko tuloy mapigilang umiyak. Hindi ko na kaya tong nararamdaman ko eh. Kahit na umiiyak ako, sinubukan kong magsalita.

"Iniwanan mo na nga ako dati tas ngayon nagpakita ka pa. Hindi pa nga ako nakakamove-on sa'yo tas sasabihin mong may mahal ka nang iba--"

Pinutol mo ang sinasabi ko.

"Sino bang nagsabing may mahal akong iba? Apat na taong na ang lumipas pero manhid ka pa rin? Ayusin mo yan at mahalin mo ako pabalik kundi yari ka sakin."

Inilayo mo ako sayo at pinunasan mo ang luha ko. "Hindi ko matatapos tong to do list ko kung hindi dahil sa'yo. Sorry kung iniwan kita, inayos ko pa kasi 'tong sarili ko. I don't want to marry you without having a stable life first."

"Irish, I already fall for you the first time our eyes met, back when we both held that book together. And I'm sure that everytime I'll look into your eyes, I can never stop myself to fall in love with you all over again."

-END-

Kyamii's Note:

Yes naman. Natapos ko. HAHAHAHAHA~ Anyway, thank you for reading this. This is my first attempt in writing a short story. So yeah, salamat sa pagbabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: