5
Monday. Labasan ng results ng periodical test.
Nakisiksik ako papalapit sa bulletin board para hanapin ang pangalan ko. Gaya ng inaasahan, kasunod nito ang rank 1 dahil sa perfect score na nakuha ko mula sa iba't ibang subjects.
Sanay na ako sa ganoong scenaryo. Pero ang kakaiba lang eh ang pangalan sa baba ko.
Pangalan mo. Katabi nito ang Rank 2. Ikaw ang pangalawa sa pinakamataas na nakakuha ng overall score sa periodical exam. Kung hindi lang dahil sa isang mali mo sa Math test, edi sana tie na tayo.
Dumiretso ako sa classroom at sinalubong ako ng mukha mong may malawak na ngiti. Nagulat na lang ako ng bigla mo akong niyakap dahil sa sobrang saya mo.
"Ang saya pala sa feeling kapag kino-congratulate ka dahil mataas nakuha mo no?" Nagtu-twinkle pa yung mga mata mo nang sinabi mo iyon.
Ang saya-saya ko para sayo. Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang dating estudyanteng nasa lower rank eh biglang tumalon sa rank 2?
Halos lahat ng teachers, hindi makapaniwala sa nagawa mo. Ang saya-saya nila para sa'yo. 'Sawakas, bumalik ka na ulit sa tamang landas,' sabi nila.
Sa bawat nadaraanan natin, kino-congratulate ka ng mga estudyante. Pati yung papa mo, sobrang proud sa'yo.
"Ang laki na ng ipinagbago mo. Ang gandang impluwensya nito sa'yo ng girlfriend mo," sabi ng terror teacher natin sa Math. Yung dahilan kung bakit napalipat tayo sa likod.
Sasabihin ko sanang magkaibigan lang tayo pero naunahan mo akong magsalita.
"Oo nga po eh. Ang galing po kasing magturo nitong girlfriend ko."
Hindi ko alam kung bakit pero.. ang sarap palang pakinggan nung sinabi mo. Yun nga lang, hindi totoo.
Lumipas ang araw at inutusan mo akong ilibre kita dahil mataas ang nakuha mong grade.
"Wala akong pera. Ikaw dapat tong nanlilibre."
"Nasa'yo kaya ATM ko. Tara na, kain tayo."
Oo nga pala, bakit ba kasi pinahawak mo sakin yun? Ahh. kasi pinagbantaan mo ako na kumain ako habang nag-aaral para sa periodical exam dahil kundi, yari ako sa'yo.
Ayun, dumiretso tayo sa sinehan para manood ng Monsters University. Tawa ka ng tawa kay Mike Wazowski. Para ka talagang bata.
Mabuti na lang at ngayong gabi, maaga mo akong hinatid sa amin. Nilaro mo saglit si Bugs Barney pagkatapos ay nagpaalam ka na sakin.
"Oo nga pala, umabsent ka bukas. May pupuntahan tayo," sabi mo bago ka pumasok ng sasakyan.
"Wag ka nang magtanong kung bakit. Basta umabsent ka. Nagpaalam na ako sa mga teachers natin. Kapag di ka sumama, yari ka sakin."
Iyon lang ang sinabi mo bago mo pinaharurot ang sasakyan. Kahit kelan ka talaga.
Kinabukasan, dumiretso tayo sa puntod ng mama mo. Death anniversary niya pala ngayon.
Binigyan kita ng panahon para makipag-usap sakanya. Lumabas muna ako sa mausoleum para magkaroon kayo ng privacy.
Maya-maya, sinundo mo naman ako at ipinakilala sa mama mo. Sabi mo sakin, kausapin ko siya kaya ikaw naman ang lumabas. Medyo awkward noong una pero nasabi ko rin ang mga gusto kong sabihin.
At dahil nagkaroon rin ako ng pagkakataon na makipag-usap, inamin ko na rin sakanya na nagkakagusto na ako sa'yo.
Maggagabi na nang makaalis tayo roon. Kumain muna tayo sa restaurant saglit at dinala mo na naman ako sa abandonadong building. Katulad ng dati, dumiretso tayo sa rooftop at nagstar gazing.
Tahimik ka lang nang mga oras na yon at nakatingin sa kalangitan. Ilang minuto ang lumipas nang magsalita ka kaso hindi ko ito naintindihan. Bigla na lang kasing may pumutok sa itaas.
Fireworks.
Ang kukulay nila. Nakakamangha. Parang napatigil ako sa paghinga. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Kung sa taas ba o sa sahig na gawa sa salamin. Katulad noong una, nararamdaman ko na naman na para kaming lumulutang sa kalangitan.
Nagulat ako nang kwelyuhan mo ako at nilapit sa'yo. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa mo. Nanlambot ang tuhod ko at humawak ako sa batok mo bilang suporta.
Grabe, hindi ko alam nararamdaman ko. Ni hindi nga ako makapag-isip ng maayos. Nalulunod ako. Nagwawala yung puso ko.
Ang alam ko lang, hinahalikan mo ako sa gitna ng fireworks na sumasabog ngayon at kinukulayan ang langit.
Humiwalay ka sakin pero nakahawak ka pa rin sa bewang ko, takot na baka tuluyan akong bumigay. Nagulat na lang ako sa mga sumunod mong sinabi.
"Kahit kailan bingi ka talaga no? Inuna mo pa yang fireworks kesa sa nararamdaman ko. Narinig mo ba sinabi ko kanina?"
Bahagya ako umiling at pinitik mo ako sa noo.
"Pakinggan mo 'tong mabuti kundi yari ka sakin."
Tumango ako. Humugot ka ng malalim na hininga at pagkatapos ay tinignan mo ako sa mga mata.
"Ang sabi ko, gusto kita. Kuha mo?"
Hindi na ako nakasagot. Nilunod mo na naman ulit kasi ako sa halik mo.
Lumipas ang isang buwan simula nang magtapat ka sakin. Hindi na natin hinalungkat ang nangyari ng mga gabing iyon. Sinubukan nating ibalik sa normal ang lahat pagkatapos ng araw na iyon. Pero kahit anong gawin natin, hindi na talaga mababalik sa dati ang lahat. Medyo naging awkward tayo sa isa't isa.
Pero kahit ganoon, sinikap pa rin nating panatilihing normal ang lahat sa pagitan nating dalawa. Inaasar at pinagbabantaan mo pa rin ako. Tinuturuan pa rin kita. Hindi naman nagtagal at naging busy tayo sa kanya-kanyang ginagawa natin. Ngayong ilang araw na lang at malapit na ang Pasko. Malapit na ang Christmas Party for Street Children.
Todo practice tayo kasama ang iba pang mga estudyante. Aaminin kong dahil sa'yo kaya medyo nag-improve ang acting skills ko bilang Snow White. Isang araw bago ang mismong event, nagkaroon tayo ng general practice. Ang kaso, hindi ka pumunta.
Nag-aalala sila sa'yo kaya't pinatawagan ka nila sakin. Kaso nakapatay ata phone mo. Nagsend na rin ako ng voicemail. Hinanap kita sa facebook at twitter kaso offline ka.
Sa huli, tinanong na ng president ang papa mo at sinabing masakit daw ang ulo mo kaya hindi ka nakapunta. Kabadong-kabado si president dahil baka hindi ka makapunta bukas. Sayang naman yung ilang araw nating pagpa-practice.
Pero sinigurado ng papa mo na makaka-attend ka kaya nakahinga ng maluwag si President. Pinauwi niya kami ng maaga para makapagpahinga.
Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat. Pagpasok ko ng eskwela, tumambad sakin ang mga batang naghahabulan. Mayroong kumakain ng cotton candy at ice cream, meron namang nanonood sa live show ng mga clowns.
Sa kabilang dako naman, nasa isang classroom yung ibang mga batang babae na nagpapa-face paint. Yung iba, naglalaro sa mga booths na tinayo ng ibang estudyante. Ang saya-saya ng panahon kahit na malamig.
Nagmistula tuloy fiesta sa loob ng school namin.
Dumiretso ako sa classroom at naabutan ang iba na nagkakagulo. Palibhasa, kami kasi ang main event kaya sinisigurado nilang handa ang lahat at walang pagkakamali. Ilang oras na lang at lahat ng bata dito sa eskwela ay nakaupo sa hinandang Audio Visual Room (AVR) at pinapanood ang stagplay namin.
Pagdating ko doon ay inayusan na ako ng baklang kaklase ko. Nagrecite naman ako ng iba pang lines para hindi ko makalimutan mamaya.
Mabilis nga talagang lumipas ang oras kapag sobrang busy ka. Pasimple kong hinawi ang pulang kurtina at sinilip ang mga batang nakaupo at naghihintay sa labas. Ilang minuto na lang at magsisimula na kaming magperform.
Si president natataranta na dito sa backstage. Paano, ilang minuto na lang, wala ka pa.
Narinig ko na ang emcee bilang pagbubukas ng stageplay. Naghanda na kami sa likod ng pulang kurtina nang magsimula nang magkwento ang narrator.
Maya-maya, dahan-dahan itong nagbukas at sinimulan na namin ang 'Snow White and the Seven Snowmen'.
'So far so good'. Iyon ang nasa isip ko. Tamang opening, intro ng music at wala pang character ang nakakalimot sa line niya. Napansin ko rin yung mga paghanga ng mga bata sa ipinapalabas namin ngayon.
Magtatapos na ang play pero wala ka pa rin. Bumalik na naman yung kaba ko na pilit kong itinatago.
Last act na at ito yung scene na magpapakita ka para iligtas ako. Nakahiga ngayon ako sa improvised coffin na ginawa nila at nagtutulog-tulugan.
Hindi ko tuloy mapigilan na isipin ka.
Pupunta ka ba?
Sinabi na ni Mr. Frosty (isa sa mga snowmen) ang line niya na signal para sa paglabas mo. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan.
Wala ka pa rin.
Inulit ni Mr. Frosty ang linya niya. Nagkaroon na ng bulong-bulungan sa audience. Nasaan ka na?
Dadating ka pa ba?
Pinigilan ko ang sarili kong tumayo nang marinig ko ang boses mo. Ang hirap pa lang magtulog-tulugan lalo na kung masaya ka. Ang hirap pigiling ngumiti.
Lumapit ka sa akin kasabay ng pagsabi mo ng linya mo. Hinaplos mo ang mukha ko katulad ng nakasulat sa script na ginawa ng writer.
"Snow White please wake up."
Naramdaman ko ang unti-unting paglapit ng mukha mo. Nagwawala na naman yung puso ko. Ewan ko ba ng mga panahon na yun, bigla kong naalala noong hinalikan mo ako sa ilalim ng fireworks.
Mas lalo akong nagulat nang ilapat mo ang labi mo sa akin. Wala naman to sa script eh. Ang sabi lang doon, ilapit mo lang yung mukha at umaktong hinalikan mo ako.
Hindi ko alam kung gaano katagal iyon. Bago ka tuluyang humiwalay sa akin, bumulong ka.
"I'm sorry."
Hindi ko maintindihan kung para saan. Dahil ba sa hinalikan mo ako?
Nagmulat ako nang humiwalay ka nang tuluyan. Bilang pagtatapos, kinarga mo ako ng pa-bridal style at isinakay sa improvised na kabayo. Doon nagsara ang kurtina.
Bumukas ulit ito at nakahilera na tayo para mag-bow. Nagpalakpakan yung mga manonood. Magkahawak-kamay tayo noon. Ang lamig-lamig ng kamay mo pero ang lambot. Para kang kinakabahan. Parang may mali sa'yo.
Pagkatapos nating mag-bow, mabilis kang umalis sa backstage. Hinabol kita hanggang sa hallway kung saan walang tao. Tinitigan mo ako gamit ang blanko mong mga mata. Gusto ko na ngang umiyak nang mga oras na iyon. Ang lamig-lamig kasi ng pakikitungo mo sa akin.
"M-May problema ba?" sinubukan kong itago ang mga nanginginig kong kamay.
Hindi mo na pinatagal ang pag-uusap natin. Sinabi mo lang ang gusto mong sabihin. Walang eksplanasyon o rason kung bakit mo sinabi ang mga salitang iyon.
"Tapusin na natin to. Ayoko nang makita ka pa."
Akalain mo yun? Tadhana nga naman.
Iiwan mo ako kung kelan tuluyan na akong nahulog sa'yo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top