1

Kinabukasan, nagulat ako nang may makita akong itim na kotse na nakaparada sa tapat ng apartment na tinitirhan ko. Nakasandal ka doon habang pinaglalaruan ng isa mong kamay ang susi at nakapasok naman sa bulsa ang isa pa. Nang makita mo ako, naging malawak ang ngiti mo.

Tinanong kita kung anong ginagawa mo dito, kahit na obvious naman na ako yung hinihintay mo at siguro, sasabayan mo akong pumasok sa eskwelahan. Gusto ko lang manigurado, ayoko kasing naga-assume at nage-expect. Masakit kasi kapag nalaman mong hindi mo nakuha ang inaasahan mo.

Pero tama nga ang iniisip ko, nandito ka para sabay tayong papasok. Excited mo pa ngang binalita sakin na simula ngayon, magiging magkaklase na tayo dahil ayaw mong malayo sakin. Para kang inosenteng bata na nakahanap ng bagong kaibigan.

Dumating tayo sa eskwelahan at katulad ng dati, yumuyuko ang mga estudyanteng madadaanan mo bilang pagbibigay respeto. Nag-ibang tao ka ulit, nawala yung pagiging cute na inosenteng bata mo at napalitan ng isang siga na mafia boss.

Nagkaroon din ng bulong-bulungan kung bakit tayo magkasama. Lalayo na sana ako ng distansya sayo kasi baka makasama sa bad boy image mo pero hinawakan mo yung kamay ko at sabay tayong naglakad sa hallway.

Nung mga oras na yun, feeling ko pinapatay na ako ng tingin ng mga fangirls mo.

Nakarating tayo sa classroom at dumiretso na ako sa upuan ko sa harap. Nagulat ako nang tumayo yung lalaking katabi ko at nagmamadaling kinuha ang bag niya. Nandun ka sa gilid, binibigyan siya ng masamang tingin. Nang makaalis na yung lalaki, umupo ka sa tabi ko at nginitian mo ulit ako na parang bata.

Nagsimula na ang klase at wala kang ginawa kundi matulog habang may earphones na nakapasak sa tenga mo. Grabe, wala ka talagang respeto sa mga teachers mo na nagsasalita sa harap no? Natutulog ka at kumakain habang nasa klase nila.

Dumating ang Math subject, kasama nito ang terror na teacher. Awtomatikong nagsi-ayusan ng upo ang mga kaklase natin. Pero ikaw, parang balewala lang sayo ang 'unholy hour' na ito. Nakapasak pa rin sa tenga mo ang earphones habang sinasabayan mo pa ng kanta yung music na tumutugtog dito.

Ilang minuto na ang lumipas simula nang dumating ang terror na teacher. Ilang minuto ka na rin niyang binibigyan ng matalim na tingin pero nagpatuloy ka lang sa pagkanta ng kung anong scream-o na tumutugtog sa earphones mo habang busing-busy kang nagdoo-doodle sa papel.

Hindi ko na natiis at kinalabit na kita. Bahagya mong tinanggal ang earphones mo at tinignan mo ako nang may nagtatanong na mga mata. Clueless ka talaga sa mga nangyayari no?

Tinuro ko ang terror na teacher na nasa harap mo na namumula na sa sobrang inis sayo. Kung ang ibang mga estudyante ay naiihi na sa kinauupuan nila kapag nakita na nilang galit na galit na ang terror teacher, ikaw naman ay binigyan siya ng boring look.

Imbes na sigawan at palabasin ka ng klase niya, pinalipat ka niya sa likod habang sinusubukan niyang pigilin ang sarili na magalit sayo. Iba na talaga pag anak ng may-ari no? May benefits and advantages.

Pero umayaw ka at nagmatigas na mananatili sa kinauupuan mo. Alam mo bang ikaw ang unang estudyanteng hindi sumunod sakanya? Grabe ka, parang wala kang kinatatakutan.

Tinanong ka niya kung bakit ayaw mong lumipat sa likod samantalang hindi ka naman nakikinig sa klase. Sinabi mong ako lang ang gusto mong makatabi at nandito ako sa harap nakaupo. Naghiyawan yung mga kaklase natin pero tumigil agad kasi pinukulan sila ng tingin ng terror teacher natin. Ngumiti siya ng nakakatakot at humarap sakin. Dun pa lang, alam ko na ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon.

Wala akong nagawa kundi kuhain ang mga gamit ko at lumipat sa pinakadulong upuan. Nasabit pa ako sa gulong ginawa mo. Tinakot mo pa nga yung dalawang lalaking nakaupo sa likod para lumipat sa unahan at masolo natin yung last row.

Kinuha mo yung kamay ko at hinawakan. Ang init ng kamay mo at ang lambot, halatang hindi ka gumagawa ng gawaing-bahay. Sinusubukan kong bawiin ito mula sayo dahil baka makita tayo ng teacher natin kaso lalo lang humihigpit yung hawak mo. Sa huli, hinayaan na lang kita, naaabala lang ako sa pag-aaral ko eh. Buong araw mong hinawakan yun, pinaglaruan at dinrowingan ng doodle.

Uwian na at parang bata kang nagtatalon dahil naeexcite ka sa pupuntahan natin. Hindi ko nga alam na may pupuntahan tayo pagtapos ng klase eh. Basta mo na lang akong hinila papunta sa itim na sasakyang dala mo. Nasa parking lot tayo ng eskwelahan nang masalubong natin yung dati mong barakada. Yung isa sa mga dahilan kung bakit umiyak ka sa akin noon.

Napansin kong lumungkot ang mukha mo. Pero mas nangibabaw ang galit at inis na nararamdaman mo nang makita mo ang dati mong bestfriend, na ngayo'y pinalitan ka na bilang lider ng grupo. Nagkuyom ang mga kamao mo, at napalitan ng masamang tingin ang kaninang nakangiti mong mga mata.

Hinawakan ko ang balikat mo at nagulat ka ng umabante ako ng lakad papunta sa dati mong barkada. Mas lalong nanlaki ang mga mata mo nang sinapak ko ang dati mong bestfriend. Pero don ko lang narealize na dapat pala, hindi ko ginawa yun. Ngayon, ang tatalim na ng mga tingin nila sakin.

Pinunasan ng kabarkada mo ang dugo na tumulo sa gilid ng labi niya at mahigpit na hinawakan ang kwelyo ng uniform ko. Akala ko babawian niya ako ng suntok, pero mabilis mong nahawakan ang kamay niya at hinigpitan pa ito. Halos mamilipit siya sa sakit kaya nabitawan niya ako.

Hindi pa natapos iyon don, pinagbantaan mo pa siya na kapag pinakealaman nila tayong dalawa, hindi lang iyon ang makukuha nila mula sayo. Sobrang nanlilisik ang mga mata mo kaya mas pinili na lang nilang tumakbo palayo sayo. Nakakatakot ka talaga.

Nalipat sakin ang tingin mo kaya napaatras ako sa takot. Bigla ko na lang naramdaman ang isa mong kamay sa likod ng ulo ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil baka kung ano ang gawin mo sakin matapos kong sapakin ang barkada mo. Malamang galit ka sakin ngayon. Sinabi mo sakin na ayaw na ayaw mong pinapakealaman ng iba ang 'unfinished business' mo.

Pero iba pala ang inaasahan ko.

Hinigit mo ako papalapit sayo at pinalibutan ng dalawang mong kamay. Niyakap mo ako ng sobrang higpit, parang ayaw mo na nga akong pakawalan.

"Wag mo nang gagawin yun ha. Wag mo akong pag-aalalahanin ng ganon kundi, malilintikan ka sakin."

Hindi ko alam kung concern ka ba talaga o nagbabanta ka eh. Pero nung mga oras na yun, may kung anong electric shockwave ang tumama sa buong katawan ko. Aish, hindi ko na talaga maintindihan sarili ko.

Nung araw ring yon, dinala mo ako sa lugar kung saang excited na excited kang puntahan. Bumalik nanaman yung pagiging inosenteng bata mo at masayang lumibot sa lugar na iyon habang hawak-hawak ang kamay ko.

Naisip ko nga, siguro ito na yung simula ng bagong yugto sa buhay ko. Ito na yung simula ng pagiging magulo at masaya ng tahimik kong mundo.

Nung araw rin na yon, masaya tayong umuwi mula sa lugar na pinuntahan natin kasama ang bagay na matagal mo nang gustong bilhin.

Isang cute na puting kuneho.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: