Chapter 4
NAPABALING SI GIAN sa relo sa palapulsuhan at nakitang lumipas na ang isang oras simula nang maupo siya sa kanyang pwesto.
Napapikit siya at napatitig sa kawalan... Isang oras ang nasayang niya.
He should have been in his condo already. Dapat ay nakapunta na siya saglit sa kanilang mansyon at nakauwi na sa mga oras na ito. Dahil iyon naman ang madalas na nangyayari. A routine perhaps, at ngayon lang yata iyon nabuwag.
It's because of this woman who caught his attention.
Hindi niya lubusang maisip na talagang nakikita niya ang isang katulad nitong nagpapakain ng mga batang kalye sa isang mamahaling restaurant─sa restaurant niya mismo. At alam niya kung magkano ang per-serving ng kanilang Italian cuisines.
"Aaron," tawag ni Gian sa isa niyang empleyado na dumaan sa kanyang gilid matapos nitong ibigay ang bill at kunin ang bayad sa babaeng nagpakain ng mga batang kalye.
Mabilis naman itong bumaling sa kanya. "Sir."
"Magkano ang bill ng babaeng naka-velvet dress na nilapitan mo kanina?"
"Iyong nasa Table F-20 po ba, Sir?" Nakita niya ang bahagyang pagbaling nito sa banda kung saan nakaupo ang babaeng kanyang tinutukoy bago ito sumagot sa kanya. "3,500 po."
Bahagya namang tumaas ang isang sulok ng labi ni Gian dahil sa narinig. Tumango siya at agad din naman itong pinaalis.
Sumandal siya sa kanyang upuan at napabulong sa kanyang sarili. Nagsayang lang ng pera ang babaeng 'yon.
Hindi niya alam kung bakit naninibago siya o kung ano man. Siguro dahil iyon pa lang ang unang beses na nakakita siya na may nagkawanggawa na walang hinihinging kapalit. Bago iyon para sa kanya. At parang hindi kapani-paniwala.
Because all his life, never did he help someone because he really wanna help, rather he would just do it for some hidden reasons and agendas like keeping up and boosting their family's well-established public image.
Sa isip-isip niya, bakit siya tutulong sa ibang tao nang walang dahilan? O bakit siya magsasayang ng pera para sa ibang tao kung siya lang naman ang nagsumikap na makuha ang perang iyon?
Kung hindi rin naman siya makikinabang sa bandang huli, ano pang saysay para gawin ang isang bagay na para lang naman sa kapakanan ng ibang tao?
Bakit? Tutulong din ba ang mga ito sa panahong maghihirap na siya? Ang sabi ng kanyang Mama Matilda, hindi.
Sa panahong naghihirap ka na, mamumuti na ang mga mata mo pero hindi ka makakatanggap ng tulong mula sa mga taong tinulungan mo. Dahil nakalimutan ka na nila. Iisipin lang nila ang mga sarili nila, Gian.
Tandang-tanda pa ni Gian ang sinabing iyon ng kanyang mama. Bata pa siya nang paulit-ulit iyong itinatak ng mama niya sa kanyang isipan. Kaya naman nang lumaki siya, iyon ang kanyang pinaniniwalaan. Nawala na sa kanyang isipan na alamin kung mali ba ito o tama.
Kaya kung siya iyon, malamang hindi niya gagawin ang ginawa ng babae.
Tumikhim siya at inayos ang kanyang suit na suot. Tumayo na mula sa pagkakaupo at tinanguan ang isa sa mga waiter bago siya tuluyang lumabas sa kanyang restaurant.
NANG nakarating siya sa kanilang mansyon ay nakaabang na ang kanyang mama sa mismong front door ng kanilang bahay.
Hindi pa man siya nakakapasok sa loob pero agad na siyang pinaulanan nito ng mga tanong. "How was everything in the office, Gian? Ang iniutos mo kay Cameron? Is everything settled already?"
"Yes, Mama," sagot niya rito. "Maayos na po ang lahat. Wala na po kayong dapat problemahin."
"Really?" may pagdududa nitong tanong sa kanya. "Totoo ba iyan o pinapalabas mo lang na maayos ang lahat para hindi ka magmukhang walang kwenta sa pamilyang ito?"
Nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Gian. Pinilit niya na huwag na lang bigyan ng pansin ang simpleng patutsada at ang harapan-harapang pagpapahiwatig ng kanyang mama na wala siyang nagawang maganda para sa pamilya nila. Yeah. Siguro nga wala talaga siyang kwenta.
Pero ano pa ba ang kailangan niyang gawin para magkaroon n'on? Kung sana lang ay sabihin din nito iyon sa kanyang harapan mismo nang malaman niya kung ano'ng dapat niyang gawin para maging sapat at karapatdapat naman siya sa paningin nito.
"Nagsasabi po ako ng totoo, Mama."
"Sa oras na malaman ko na nagsisinungaling ka la─" Hindi natuloy ng kanyang mama ang dapat na sasabihin nito nang may tumigil na sasakyan sa kanilang harapan. Nakilala agad ni Gian ang sasakyan na iyon.
"They're here," ani Gian sa kanyang mama.
"You said you will apologize to them."
Tumikhim si Gian. "I could have if they arrived yesterday."
Sumilay agad ang ngiti sa kanyang labi nang umibis mula sa loob ng sasakyan ang kanyang nakatatandang kapatid at ang kanyang lolo na kahit nasa halos 85 na ang edad, malakas pa rin kung titingnan sa tindig, ngunit may dinadamdam na rin itong sakit.
"Well, their flight got delayed," simpleng saad nito. "You can this time."
"Lolo," bati ni Gian. Mabilis siyang lumapit dito at nagmano. Nilapitan din niya ang kanyang nakatatandang kapatid at hinalikan ito sa pisngi. "Ate Rita."
Nang makita ang kanyang lolo at Ate Rita ay tila gumaan kahit kaunti ang kanyang loob sa kabila ng mga sinabi ng kanyang mama sa kanya.
At alam niya na makakaya niyang indahin ang lahat ng masasakit na sasabihin nito basta ba ay matawag siya na karapat-dapat sa pamilya nila.
Pero hindi niya mapigilang maisip kung magiging ganito pa rin ba ang sitwasyon ng pamilya nila kung nabubuhay pa ang kanyang papa.
Things wouldn't be the same but would that mean their misery would be alleviated a bit? He didn't think so.
Bandang gabi ay sabay silang lahat naghapunan. At katulad ng kagustuhan ng kanyang Mama Matilda ay nagpaliwanag siya sa mga mga ito tungkol sa naging kilos sa nakaraang mga araw, at humingi ng tawad kung na-disppoint man ang mga ito. His lolo nodded at the matter and Gian's sister smiled. "For sure you'll do better next time, Gian. It's okay."
SA SUMUNOD na mga araw ay nanatili si Gian sa opisina sa kanyang restaurant at doon na lang ginawa ang ilan pang paperworks sa negosyo nila. Dahil ayos lang naman na hindi sa bawat oras ay naroon siya sa building na pagmamay-ari ng pamilya nila.
Ang totoo ay gusto niya sanang huwag nang manghimasok doon.
Ang kanyang Mama Matilda naman ang talagang nangangalaga nito dahil ayaw itong ipagkatiwala sa kanya nang tuluyan.
Pero sa mga nakalipas an araw, unti-unti niyang nararamdaman na paunti-unti ay inaatasan siya nito ng parami nang paraming mga dapat gawin. Mali na inakala niyang mabuting senyales iyon.
May posisyon nga siya sa kompanya pero ramdam niya na kailangan lang ang presensya niya sa mga panahong may gusot na kailangang ayusin. O kung may mga problemang kailangang lusutan sa loob maging sa labas man ng kompanya.
Siguro matatawag niya ang kanyang sarili na tagalinis lang ng kalat. Tama. Tagalinis lang siya ng kalat para masigurado na hindi madurungisan ang katayuan ng pamilya nila.
Hawak-hawak ni Gian ang isang menu book habang nayayamot na nakatitig sa dalawang waitress na nakayuko sa kanyang harapan.
Kapwa ito nakagawa ng mali sa loob ng restaurant. Ang isa ay nagkamali sa pag-serve ng order ng isang customer at ang isa naman ay nakatapon ng Gazpacho Soup sa costumer na iyon.
Unti-unti nang nag-iinit ang kanyang ulo at mahahalata iyon sa bawat pagbuga niya ng hangin.
"Kaka-hire n'yo lang ba rito?"
Nakayuko na sumagot ang isa sa mga waitress. "H-hindi po, Sir."
"If not, then why are you acting like you two have just been hired minutes ago?"
"Sorry po, Sir," ani ng isa. Maagap din naman na nagsalita ang isa pang waitress na katabi nito. "Hindi na po iyon mauulit, Sir Gian."
"Hindi na talaga mauulit dahil hanggang ngayong araw na lang ang duty n'yo rito." May paynalidad sa boses ni Gian nang nagsalita siya. Kitang-kita niya kung paano natigilan ang dalawang empleyado na kausap.
"S-sir, Gian, may tuition pa po akong k-kailangang pag-ipunan. 'Wag n'yo naman po akong sesantehin agad. Sorry po talaga, Sir."
Nagmamakaawa ang dalawa sa kanyang harapan pero mababakas lang ang digusto sa mukha ni Gian.
Handa na sana niyang ulitin ang kanyang sinabi na ngayon na ang huling araw ng dalawang waitresses sa kanyang restaurant pero naagaw ang kanyang atensyon nang marinig ang usapan ni Cozette at ng customer na siyang naabala ng dalawang waitresses na kung tawagin ni Gian ay mga pabaya.
"We're so sorry for the inconvenience as well as the recklessness our waitresses, Ma'am. We promise that this wouldn't happen again. We are taking action pertaining to this matter at the moment. Sa susunod po na pagpunta n'yo rito ay sinisigurado po namin na wala na pong mangyayaring ganito, sa inyo man o sa ibang customers," paghingi ng paumanhin ni Cozette.
He was giving her credit for responding according to their protocol. Mabuti at agad nitong nilapitan ang customer at agad na inaayos ang sitwasyon.
In his peripheral vision, Gian could see them talking. Pinagmasdan ni Gian kung paano pinunasan ng customer ang mansta ng soup na natapon sa damit nito.
Ilang beses nitong pinahiran ng tissue ang damit na may malaking mansta pero kahit ano'ng gawin nito ay hindi matanggal-tanggal ang dumi.
Pamilyar ang babae. At napagtanto ni Gian na ang babaeng kausap ngayon ni Cozette ay ang kaparehong babae na nakita niya sa restaurant niya ilang araw na ang nakalilipas.
It's that woman in a velvet dress. Ngayon ay faded jeans naman ang suot nito at isang simple V-neck shirt.
Gian caught a glimpse of the woman's impressive figure—wide hips, impressive legs, and frail hands. She has a great upper body too. Agad na napayuko si Gian at napahawak sa batok. He must not stare at her for too long.
Siya iyong babaeng inisip niya na nagsayang lang ng pera dahil nagpakain ito ng mahigit sampung mga batang kalye kahit na wala naman itong makukuhang kahit ano pabalik.
But in his mind, hindi na rin iyon masama dahil nakinabang din naman ang restaurant niya.
So, she's a loyal customer. Napagtanto niya at naibulong na lang sa sarili.
Inaasahan na ni Gian ang pagsigaw, pagrereklamo, at pagkairita nito dahil sa nangyari, pero nanatili lang itong kalmado. Ni hindi man lang nalukot ang mukha.
"I'm fine. Damit lang naman 'to. I could just wash this when I get home. You have nothing to worry. I won't blame the management." Narinig ni Gian ang sinabi ng babae. Even her voice... it was as gentle as her stance and stare. Walang bahid ng inis ang boses nito. Malumanay. At may ngiti pa sa labi.
Hindi mapigilan ni Gian ang bahagyang pagsalubong ng mga kilay. He can't seem to process the words she just said. Natapunan ng isang bowl ng Gazpacho soup ang damit nito at ayos lang daw iyon?
Not that he wanted her to curse his restaurant and the management. Pero ang babaeng iyon... hindi ba ito marunong magalit? Paano nito nagagawang maging gano'n kabait?
Hindi alam ni Gian kung may topak na ba siya at nagsisimula na naman siyang mag-isip ng kung ano-ano.
Masyado niyang pinagbibigyan ng pansin ang bawat napapansin niyang katangian at ugali ng babae na alam niyang masyadong taliwas at malayo sa katangian at ugali niya.
Masyadong magkaiba.
At bakit niya iniisip na magkaiba ang ugali nilang dalawa at imposible silang magkasundo?
Gulong-gulo rin si Gian at hindi alam ang isasagot sa sariling tanong. Kaya imbes na ituloy ang kanyang sasabihin sa dalawang waitresses na ngayon ay nasa kanyang harapan ay hinayaan na lang niya ang sariling makinig pa sa usapan nito at ni Cozette.
"We would like to make it up to you, Ms. Mira. You can order any of our cuisines and it would be for free."
Right. Her name's Mira.
"I don't wanna take advantage of this incident pero sayang din naman ang offer n'yo kung 'di ko tatanggapin," anito. For the second time, a smile appeared in her lips─a genuine one. "I'd like it to be packed. May pagbibigyan lang." Malamyos ang boses ng babae at halos mahihimigan doon ang sayang nararamdaman.
Kumilos naman agad si Cozette at kinuha ang order nito.
Mabilis na naiproseso ng isip ni Gian ang kanyang mga narinig. Muli siyang bumaling sa mga waitress na nasa kanyang harapan. Nakita niya sa mga mata ng mga ito ang pagsisisi sa nagawa.
At base sa panginginig ng mga labi ng mga ito, malaking bagay para sa kanila ang trabahong meron sila ngayon. At kung basta nila iyong mawala, hindi iyon magiging madali para sa kanila.
Napamaang si Gian at hindi inakalang magagawa niyang isipin ang mga bagay na katulad n'on na halatang wala namang kinalaman sa kanya.
Those weren't his concerns anymore. Wala na dapat siyang pakialam kung ano'ng mangyayari sa mga ito kapag tuluyan niya na itong tatanggalin sa trabaho.
Pero pakiramdam niya ay hindi iyon ang tamang gawin.
He remained silent for minutes.
Palagi na lang namang ganon—mararamdaman niya na kadalasan ay puro mali ang mga maaari niyang gawin pero ipinagpapatuloy niya pa rin. He thought that he would just be wasting time in figuring whether the things that he was about to do were right or wrong.
Pero magkakaiba naman daw ng pananaw ang lahat. Maaaring ang mali para sa kanya ay tama para sa ibang tao. Lalo na sa kanyang mama. At ang mga bagay na sa tingin niya ay tama ay mali para rito.
"Attend to her needs right away." Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa kanyang bibig. "Iyong customer na naabala n'yo."
Agad na kumilos ang dalawang waitress, yumuko pa sa kanya, at paulit-ulit na nagpasalamat. Mababakas ang saya sa mga mata ng mga ito.
"Salamat, Sir Gian. Malaking bagay at malaking tulong po ito sa amin. Sorry po talaga."
Hindi niya alam kung ano'ng sasabihin. Nakatulong na ba siya sa paraang iyon?
Tumango lang siya at hinayaan niyang umalis ang dalawang waitress sa kanyang harapan.
Hindi maintindihan ni Gian kung bakit nakaramdam siya ng gaan sa kanyang dibdib matapos marinig ang sinabi ng mga ito. Matapos marinig ang mga itong magpasalamat sa kanya.
Gano'n ba ang pakiramdam na makatulong sa ibang tao na bukal sa loob at walang hinihinging kapalit?
Hindi pamilyar ang pakiramdam na iyon para sa kanya.
Nilingon niyang muli ang customer na nakaupo na sa napili nitong pwesto habang nakatanaw sa labas mula sa malapad na glass wall ng restaurant.
Mira. Ulit niya sa pangalan nito sa kanyang isipan.
Siguro kung ano man ang nararamdaman niya ngayon ay gano'n din ang naramdaman nito nang tumulong ito sa mga bata na walang inaasahang kung ano man pabalik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top