Chapter2
~●~
"STAG party?"
"Yes"
Napa iling si Livia.
"Ms. L.. Akala ko po ba doon kami mag-p-perform sa stage?" Tanong nito.
"Wala akong binanggit na sa stage kayo mag-p-perform"
"Pero--"
"No buts!" hinampas nito ang kaharap na table gamit ang magkabilang kamay.
"Huwag na huwag nyo ako ipapahiya sa kliyente ko. Lalo ka na Livia.." ani Ms. L
Tinitigan pa sila nito ng masama bago naglakad palabas ng office.
"Ugh!tanginang matandang bakla yun! Kung hindi ko lang sya amo. Nasakal ko na sya ng choker!" Inis na sabi ni Livia.
"Pa'no yan?"
"Akong bahala" lumapit sa kanya ang kaibigan at hinawakan sa magkabilang kamay.
"Sasayaw lang tayo, Ei.. Remember this. No skin contacts. Kapag nararamdaman mong binabastos ka na ng ibang customer, magsabi ka sa akin"
"O-ok" tinanguhan nya ito.
Ramdam ni Eina ang pagdagundong ng kanyang dibdib. Para syang tatakasan ng malay sa sobrang kaba. Wala pa nga sila sa kwarto ng pagdadausan ng stag party ay parang gusto na nyang mahimatay sa kaba.
Ganun nga siguro talaga ang pakiramdam ng first timer sa ganoong uri ng trabaho.
"Good. Halika na. Nasa third floor ang ating mga customers, sa room 030"
Napa kagat ng labi si Eina. Parang gusto nya biglang umatras.
Pagdating nila sa third floor ay hinanap nila ang room 030 at pagpasok nila ay nadatnan nila ang tatlo pang babae na mga naka maskara, kaparehas ng mga ito ang mga suot nilang makikintab na two piece. Mukha sila ang magiging kasama nila sa pag entertain ng mga bisita.
"Kayo na ba sina Livia at Eina?" Tanong ng naka pulang maskara. Parang sya ang leader ng dalawa pang dancer na nandoon.
"Oo" sagot ng kanyang kaibigan.
"Ako nga pala si Merced. At ang dalawang kasama ko ay sila Cath at Macy. Kami ang makakasama nyo sa trabahong ito"
"H-hi! Ako si Livia. Tapos ito naman ang kaibigan ko na si Eina" pagpapakilala ng kanyang kaibigan sa kanilang dalawa.
"Kilala kita" seryosong sabi ng babae. Ang tinutukoy nito ay ang kanyang kaibigan.
"... Good" si Livia. Bahagya pang taas ang dalawang kilay nito.
"Isuot nyo ang mga maskarang ito" inabot nito sa kanila ang dalawang maskara na may mga magagarbong dekorasyon.
"Nasa rules na bawal nating ipakita ang ating mga mukha sa mga customers sa tuwing tayo ay magsasagawa ng isang stag party. Kaya isuot nyo na ang mga yan bago pa dumating ang mga customers" anito ng seryoso bago bumalik sa kaninang pwesto.
Kaagad nilang isinuot ang ibinigay na maskara sa kanila.
Muling huminga ng malalim si Eina. Eto na talaga. Wala nang atrasan.
Napa tingin sya sa malaking salamin na nasa gilid. Halos hindi na nya makilala ang kanyang sarili. Halos kita na ang mga naka tagong parte ng kanyang katawan.
Patawarin sana sya ng kanyang ama.
Inilibot pa nya ang kanyang paningin sa kabuuan ng malawak na kwarto.
Madilim ang paligid at tanging mga kulay asul na dim light lang ang nagsisilbing ilaw ng kwarto. Naaninag nya din ang isang maliit na stage sa dulo na may naka tayong pole at mga lamesa na naka palibot sa paligid nito. Iba't-ibang uri ng alak ang nasa ibabaw ng bawat lamesa.
Sa katabi nun ay may limang malalaking parang kahon na pang regalo ang naka display. Iba't-iba ang kulay at dekorasyon.
"Dyan tayo papasok bago dumating ang mga customers" nagulat sya sa biglang pagbulong ng kanyang kaibigan na si Livia.
"Relax, Ei.. Basta tandaan mo lang sinabi ko sa'yo, hah"
"Oo.. S-salamat"
"Parating na sila!"
Sabay silang napa lingon sa isa sa mga dancer. Naka rinig sila ng malalakas na tawanan ng mga lalaki sa labas ng kwarto.
Mukhang nandyan na ang mga bisita nila.
"Pumasok na kayo sa mga loob ng kahon" utos ni Merced.
Agad silang tumalima at nagmamadaling nagsi pasok sa mga kahon.
Muntikan pa syang mapa subsob sa loob ng kahon dahil sa sobrang pagmamadali.
Nakuyom nya ang laylayan ng kanyang suot na balabal nang magsimulang tumugtog ang paunang kanta. Lalo syang kinabahan dahil sa malumanay na simula ng tunog ng instrumentals.
*Do.. Ya, do you think about me?* ang unang liriko na narinig nya mula sa kanta.
*and do..ya, do you feel the same thing..*
Narinig nyang bumukas ang pintuan ng kwarto at ang malalakas na tawanan ng mga lalaki.
"Ohhw!!" Malakas na hiyaw ng mga ito.
"Fuck! Men!.. What the hell is this?!" Narinig nyang natatawang tanong ng isa.
"Stag party, dude! Huwag kang gago! Ibabalik kita sa kinder eh!" Sagot naman ng isa.
Mukhang yung unang nagsalita ang celebrant.
"Fuck you, dude!"
Malakas na nagtawanan ang mga ito. Mukhang mga lasing na at may mga tama.
"Whoa! Nice! Ang ganda namang playground nito!"
Narinig nya ang isa sa mga ito, sa may bandang kaliwa. Mukhang nasa maliit itong stage. Muling nagtawanan ang mga ito. Mukhang gumagawa ng kung anong kalokohan ang naka pwesto sa maliit na entablado.
"Tangina, dude! Ang laswa mo!" Sigaw nung unang nagsalita.
"Hey! Ano 'tong mga ito? Ang layo pa ng pasko ah!" Narinig nyang tanong nung celebrant.
Napa pikit ng mga mata si Eina sa gulat nang maramdaman nya na may humampas sa ibabaw ng kahon na kanyang pinagtataguan.
Nakagat nya ang kuko sa hintuturo. Natatakot na sya. Hindi nya alam kung bakit, pero kakaibang kaba ang nararamdaman nya. Pakiramdam nya ay may ibang mangyayari na hindi nya magugustuhan.
"My gifts for you! You can open them.. one by one!" Sinundan yun ng malutong na tawa
"Really?"
"Yes! Siguradong magugustuhan mo yan, dude!"
"Buksan mo na Karl!" Tumatawang sabi ng naka pwesto sa may stage.
"Ayoko! Gusto ko isa-isa silang lalabas para sa akin!"
"Ohhww!" Sabay-sabay na hiyaw ng mga ito sa sinabi nung Karl. Parang mga nanghihinayang.
"OK, if that's what you want.. You heard it ladies!" Tumatawang sabi nung isa. Mukhang sila ang pinariringgan nito.
Natapos na ang paunang kanta. At nakarinig sya ng mga hiyawan at palakpakan. Mukhang lumabas na ang isa sa kanila sa kahon.
Tumugtog ang pangalawang kanta kaya lalong naging alive ang hiyawan ng mga ito.
Parang gusto nyang silipin ang nangyayari sa labas. Para na talagang sasabog ang dibdib nya. Nagsisimula nang pagpawisan ng malamig ang kanyang mga kamay.
"Ohhhwww!" Isa nanamang hiyawan, hudyat na lumabas na ang pangalwang nasa kahon.
"Para sa matatali na at hindi na makakapang-babae, cheers!"
"Cheers!"
"Rest in peace, fuckers!"
"C'mon! Get out of that fucking box, bitch!" Narinig nya na kinakalampag na ng isa sa mga ito ang kahon na pinagtataguan ng isa sa mga dancers.
"Ohhww!"
Pangatlong hiyaw. Parang gusto na nyang maiyak. Daig pa nya ang bibitayin sa kanyang nararamdaman.
*I'm seeing the pain, seeing the pleasure. Nobody but you, body but me, body but us, bodies together *
"Your turn, bitch! Show us your fucking and sexy body!"
Maya-maya pa..
"Woahww!!!"
"Fuck it, dude!"
Napa mura na si Eina sa kanyang isipan. Mukhang sya na lang ang hindi lumalabas.
Napa kapit sya sa kanyang balabal at napa pikit ng mariin. Aatakihin na yata sya sa puso sa sobrang kaba.
Muli nyang naalala ang ama. Isang luha ang umagos sa kanyang pisngi ng hindi nya namamalayan.
Nasisiguro nya na hindi matutuwa ang kanyang ama sa oras na malaman nito na pumasok sya sa ganitong klase ng trabaho.
Pero wala syang magagawa. Mahal na mahal nya ito at gusto nya itong gumaling. Wala na syang pakialam kung itakwil man sya nito o hindi. Ang mahalag ay maibalik ang paningin nito.
Kahit hindi nya totoong ama ito, ni minsan ay hindi nya inisip na iba ito sa kanya. Ito ang nag-alaga sa kanya at nag-ampon nung baby pa lang sya hanggang sa sya ay magka-isip.
Ang kwento sa kanya ay napulot sya ng kanyang ama-amahan sa pintuan ng simbahan noong baby pa lang sya. Kung hindi dahil dito, malamang ay namatay na sya noon dahil sa hypothermia. Sobrang lamig na kasi nung mga panahong yun dahil malapit na ang buwan ng disyembre.
At bilang ganti sa ginawa nitong pag-aaruga at ibinigay na pagmamahal, ay gusto nyang gantihan ito.
Wala na syang pakialam kung ano man ang mangyari sakanya ngayon. Mahalaga sa kanyang ang ama-amahan. At ito lang ang tanging paraan upang magantihan ito ng utang na loob.
Mabilis nyang pinunasan ang mga luha sa magkabila nyang mga pisngi. Hindi dapat sya umiiyak. Pinili nya ang malagay sa sitwasyon na ito kaya kailangan nyang magpaka-tatag.
Tama, hindi dapat sya matakot.
"And last, but not the least!" Narinig nya ang malakas at sunod-sunod na kalampag sa ibabaw ng kahon na kanyang kinalalagyan.
Nalunok ni Eina ang animo'y bara sa kanyang lalamunan. Para syang matutuyuan ng laway.
"C'mon! Show yourself, sweetheart!" Muling kinalampag ng isa sa mga ito ang takip ng kahon.
Naka ramdam sya ng pagka inis. Sobra namang sabik ang isang ito kaysa sa mismong celebrant.
"Lalabas na yan!"
Muling nagtawanan ang mga lalaki.
Nakuyom nya ang mga kamay. Humanda sa kanya ang makulit na ito. Sisiguraduhin nyang hindi ito matutuwa sa paglabas nya.
Natapos na ang pangalawang kanta. Mukhang hudyat na yun para lumabas na talaga sya.
Hihintayin nya na lang ang pagtugtog ng pangatlong kanta, at tsaka sya magpapakita.
"One!" Narinig nyang bilang ng mga lalaki sa labas.
"Two!.. Three!.. Four!.. Five!..."
Ngunit kasabay ng kanyang pagtayo at pagbukas ng kahon ay isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid ng kwartong yun.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
-----------------
Thanks for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top