Chapter 3
NAPA atras si Eina sa kanyang kinatatayuan at napa sandal sa likurang haligi ng malaking kahon.
Nanlalaki ang mata nyang napa titig sa naka bulagtang lalaki sa kanyang harapan. Naka tirik ang mga mata nito at butas ang magkabilang sintido, parang binaril. Mukhang ito yung lalaki kanina na panay ang hampas sa kahon na pinagtataguan nya.
*all my friend are heathens take it slow, wait for them to ask you who you know *
Nagiritan ang ibang mga dancers na kasama nya. Habang ang mga lalaking kanina ay may mga tama na ay parang mga nahulasan at nagsipag atrasan.
"What the fuck! Gio!" Kilala nya ang boses na yun. Yun yung boses ng celebrant nitong stag party.
Nilingon nya ito at nakita nyang papalapit ito sa kaibigang wala nang buhay.
"Dude! What are you doing?! C'mon! Umalis na tayo dito!"
"No! He's my best friend!" Naiiyak nitong sabi bago dinaluhan ang kaibigan.
Nagsi sugudan naman ang iba pa dito at pilit itong pinatatayo.
*please don't make any sudden moves, you don't know the half of the abuse *
"Ahhhh!"
Napa hawak si Eina sa magkabilang tenga at napa upo muli sa kahon.
Isa nanamang putok ng baril.
"Ahh!" Sigaw ng isa pa sa mga ito nang tangkaing hawakan sa balikat yung celebrant. At pag angat nito ng kamay, ay halos magwala ito nang makitang butas na ang palad nito at tumutulo na ang masaganang dugo.
"What the fuck is happening?!" Sigaw ng celebrant.
Lalong lumakas ang sigawan ng mga dancers. Nagtakbuhan ang mga ito sa pintuan at sinubukan yung buksan pero nabigo lang ang mga ito. Naka kandado na pala ang pintuan mula sa labas.
Muling narinig ni Eina ang isa pang putok ng baril. Nanggagaling ito sa malaking bukas na bintana, sa kanang parte ng kwarto. Nilingon nya ito at nakita nyang may tatlong butas na ang kurtina nito. Nakumpirma nya, doon nanggagaling ang umaasinta.
"Eina!" Narinig ni Eina ang boses ni Livia.
Dali-dali syang lumingon sa paligid at nakita nya itong naka dapa, sa may mga tables, malapit sa maliit na stage.
"Livia!"
* You'll never know the psychopath sitting next to you, you'll never know the murderer sitting next to you, you'll think how'd I get here, sitting next to you?..But after all I've said, please don't forget*
Kasabay ng unang tipa ng drum sa chorus ng kanta ay ang Sabay-sabay na pag-shut down ng mga dim lights sa buong kwarto.
Nabahala lalo si Eina. Wala na syang maaninag. Sobrang dilim na ng paligid at tanging liwanag na lang ng bilog na buwan sa bintana ang nagsisilbing ilaw.
Napa kapit sya ng mahigpit sa pinagtataguang kahon.
Sunod-sunod na sigaw ang kanyang naririnig mula sa mga dancers at mga lalaki.
"Livia!" Pagtawag nya sa pangalan ng kaibigan.
"Livia!!"
Hindi ito sumasagot. Hinihingal syang napa tayo.
Bakit hindi na ito sumasagot?
"Huwag!! Parang awa mo na!!.." Boses ng isang babae.
*watch it*
"Huwag!! Aaacck!!"
Napa dapa si Eina sa sahig. Natisod sya ng kung anong malaking bagay na hindi nya naaninag sa dilim. Ayaw nyang mag-isip ng negatibo, ngunit hinala nya na bulto yun ng isang walang buhay na katawan.
Nagpapang-abot na ang kanyang bawat paghinga. Mukhang nasa loob na ng kwartong yun ang pumapatay.
Maski nanginginig ang katawan ay pinilit nyang kumilos. Mabilis syang gumapang papunta sa maliwanag na parte ng kwarto, sa bintana.
Nanginginig na sya sa takot. Pinipilit nyang maaninag ang buong paligid ngunit wala talaga syang makita. Tanging kadiliman lang ang sumasakop sa kanyang paningin, kasabay ng walang humpay na sigaw ng mga taong pinapatay sa loob ng kwartong yun.
Muli nyang naalala ang kaibigan.
"L-livia" nangangatal ang kanyang boses.
Huwag naman sana totoo ang nasa isip nya na maaaring nangyari sa kanyang kaibigan.
Maya-maya ay nawala na ang mga sigawan. Inalerto nya ang kanyang sarili at mabilis na nagpa-linga-linga sa paligid. Mabilis syang sumandal sa dingding, sa may ilalim ng bintana.
Napa yakap sya sa kanyang mga tuhod. At doon na sya lalong napa iyak ng tuluyan nyang makita ang mga sariwang dugo sa kanyang mga kamay at tuhod. Bawat dinaanan nyang sahig ay may nagkalat na dugo.
Humahagulhol nyang isinandal ang ulo sa dingding. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at nagdasal.
Sana bangungot lang itong nangyayari, at maya-maya ay magigising na sya sa reayalidad... Magiging ayos na ulit ang lahat.
* Why'd you come, you knew you should have stayed
I tried to warn you just to stay away, and now they're outside ready to bust.. It looks like you might be one of us*
Tapos na ang kanta. Tahimik na ang buong paligid. Lalong humigpit ang yakap ni Eina sa kanyang mga tuhod. Hindi nya iminumulat ang kanyang mga mata.
Ayaw nyang makita..
Ayaw nyang makita ang buong paligid na puno ng mga walang buhay na katawan.
Naka rinig sya ng nagkakalansingang bakal, amino ay hinihila ito.. Palapit sa kanya.
"H-huwag.. P-pakiusap.." Nanginginig nyang bulong, umaasang maririnig sya at pakikinggan ng kung sino mang walang awa na yun na papalapit sa kanya.
Tumigil ang kalansing ng bakal malapit sa kanya, mismo sa kanyang harapan.
Lalo nyang diniinan ang pagsara sa kanyang mga mata.
Sya na ba ang isusunod nito?
Ilang segundo ang lumipas. Wala syang naramdaman na masakit o ano mang bagay na tumarak sa kanyang katawan.
"Open your eyes" napa iktad sya sa nagsalita. Malamig ang boses nito, animo'y yelo na nagbibigay sa kanya ng isang kilabot.
Napa singahap sya ng malakas nang maramdaman ang isang kamay na marahang hinimas ang kanyang kanang pisngi.
"It's OK.. Open your eyes" malambing na sabi nito.
Bakit ganun?
Natatakot sya sa maaaring gawin nito, ngunit bakit pakiramdam nya ay ligtas na sya?
Naguguluhan sya.
"H-huwag mo a-akong p-papatayin" mahina nyang sabi.
"....I won't... Never.."
Maya-maya, ay naramdaman nyang parang may tumusok sa kanyang kanang balikat, parang isang matulis na karayom.
Muli syang napa singhap.
Unti-unti nyang iminulat ang kanyang mga mata. Nanlalabo ito dahil sa luha.
Napa kunot sya ng noo. At mula sa kakaunting liwanag mula sa bintana ay naaninag nya ang isang mukha ng lalaki. Naka maskara ito na umaabot lamang hanggang sa matangos nitong ilong. Naka ngiti ito sa kanya at ang kaliwang pisngi nito ay may bahid ng sariwang dugo.
Naka ramdam sya bigla ng pagka hilo. At ang imahe nito na nasisinigan ng liwanag ng buwan ay unti-unting nanlalabo sa kanyang paningin.
"Sleep well, Eina"
Ikinunot nya ang noo. Paano nito nalaman ang kanyang pangalan?
"...Huwag" iyon ang huli nyang nasabi bago sya nawalan ng malay at mula sa pagkakasandal sa pader, ay padausos syang napa higa sa sahig.
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top