Prologue
🔥
I was running so fast away from those men who were after me. I glanced at the back and my eyes widened even more when I so how close their distance was from me.
Napayuko ako nang bigla silang nagpaputok ng baril. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at nang makakita ako ng malaking puno ay agad akong nagtago doon.
I could feel the adrenaline rush in my veins. I was panting so hard.
"Sige, tumakas ka! Kapag naabutan ka namin, malalagot ka!"
Naririnig ko ang bawat yabag ng mga paa nila. Alam kong papalapit na sila sa akin at anumang oras ay makikita na nila ako. Kaya agad kong kinuha ang baril na nakalagay sa hita ko at ikinasa iyon.
Nagtago ako nang mabuti habang inaasinta sila. At nang magkaroon ako ng pagkakataon ay isa-isa ko silang binaril.
"Hinding-hindi n'yo ako mahuhuling buhay," mariin kong sambit habang pinagmamasdan ang bangkay ng tatlong lalaking humahabol sa akin.
"Cut!"
I released a heavy sigh and smiled proudly to them. Sebastian approached me and gave me a hug.
"Good job, Cae! Grabe ang galing mo pa rin. Ang intense ng eksena mo kanina. Hindi ako nagkamali na ibigay sa 'yo ang lead role ng series na 'to," masayang sabi niya sa akin.
Sebastian is the director of this series. Hindi lang siya direktor kundi siya rin ang isa sa mga matalik kong kaibigan. Kaya naman nang alukin niya akong gumanap dito sa series niya, agad ko itong tinanggap.
"Of course! Takot akong masermonan ng strict kong director, e!" biro ko bago tumawa.
"Ikaw talaga, samahan na kita sa tent mo at alam ko namang may event ka pa pagkagaling dito."
Sabay kaming naglakad patungo sa dressing room ko. Sinalubong kami ng P.A. at mentor ko na si Camill. Dala-dala na niya ang mga gamit ko kaya sa tingin ko ay aalis na kami.
"Cae, babalik muna tayo sa condo para makapag-ayos ka at saka tayo didiretso sa fashion show. May two hours ka pa namang free time. Wait for me here, I'll go get the car," she said.
I nodded and smiled. "Sure, thank you, Camill."
I watched her walk away before I glanced back to Sebastian. He is now typing something on his phone and he seems agitated. Magtatanong pa lang sana ako nang makita ko ang isang babae na naglalakad papalapit sa amin.
"Seb," she said the moment she approached Sebastian.
Gulat na napatingin sa kaniya si Sebastian pero agad ding ngumiti. He kissed her forehead and I can't stop myself from smiling. Itong si Sebastian, may pagkamasungit sa trabaho pero pagdating sa girlfriend niya, nagiging maamo.
"Ches, you should have informed me that you will go here," Seb said.
"I want to surprise you. Besides, gusto kong sabay na tayong pumunta sa engagement party mamaya dahil baka makalimot ka na naman," mariing sagot ni Francheska bago tumingin sa akin.
I just smiled at her. Tumunog ang phone ni Sebastian at sa tingin ko ay sa trabaho 'yon.
"Magsisimula na ulit ang taping. Ches, halika samahan mo ako," pagyaya ni Seb sa kaniya.
"Go ahead, susunod ako. May tatawagan lang ako saglit," sagot ni Ches.
Mukhang nagdadalawang-isip pa si Seb kung iiwan niya kami ng girlfriend niya pero sa huli ay wala na siyang nagawa kundi ang umalis. I heard her sigh and I already knew that she has something to say.
"So, you're the popular actress, Caelan Aerith Suarez. Let me formally introduce myself, I'm Aireen Francheska Baltazar, Seb's girlfriend," she said while smiling but I could feel that she was not really happy.
"I know you. Palagi kang ikinukwento ni Sebastian sa amin," saad ko. I glanced at my wristwatch before I sighed. "I have to go. Nice to meet you, Aireen."
"Sa tingin ko, sikat ka nga talaga."
Naudlot ang paglakad ko palayo nang magsalita pa siya ulit. Dahandahan ko siyang hinarap at nakakrus na ang mga braso niya.
"That's what people say." I shrugged.
She laughed sarcastically. "Siguro magaling ka talagang umarte kaya ka sumikat. Malaking points 'yon sa showbiz industry. Bonus na lang na marami ka ring eskandalo."
My smile faded with what she said. "Excuse me?"
"Oh, I'm sorry if I offend you. Iyon kasi ang madalas pag-usapan ng mga tao. Gusto ko lang malaman kung totoo ba 'yon."
I didn't answer. As much as I can, I don't want to hurt her because she is still Seb's girlfriend. Besides, hindi naman nakakasakit ang mga sinabi niya. Walang-wala ang mga 'yan sa mga masasakit na salitang palagi kong natatanggap.
"You wanna know? Bakit hindi mo itanong sa mga taong nagpapakalat ng gan'yang bagay?"
"Cae, let's go."
Nginitian ko si Aireen bago ako sumama kay Camill. Sanay na sanay na ako sa mga paninira sa akin. Hindi ko na kailangang ipagtanggol ang sarili ko dahil kahit mismong pamilya ko, sinisira ang pagkatao ko.
"Cae, are you okay? Inaway ka ba ng girlfriend ni Direk Seb?" nag-aalalang tanong ni Camill pagkahinto ng sasakyan sa parking lot ng condo.
"Hindi naman. Medyo pagod lang ako. Umakyat na tayo," sabi ko at nauna na sa elevator.
Pagkapasok sa condo ko ay agad akong nag-shower para makapag-ayos ulit. Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko na rin ang buhok ko.
"Nauna na si Mario sa venue ng fashion show para makausap ang producer doon. Ang sabi niya, kailangan mo pa raw mag-rehearse bago ang event kaya dapat maaga tayong dumating."
Tumango ako. Sinimulan na akong ayusan ni Camill at dahil propesyon niya talaga ito ay madali lang sa kaniya ang ganitong trabaho. Wala pa yatang kalahating oras ay tapos niya na akong ayusan.
Kasalukuyan akong nagsusuot ng heels nang mapansin ko na parang balisa si Camill. Panay ang hawak niya sa noo niya at namumutla na rin siya.
"Ayos ka lang ba, Camill? Umaatake na naman ba ang migraine mo?"
"Ayos lang ako, Cae. Iinom lang ako ng gamot. Halika na," sagot niya at lalabas na sana ng kuwarto ko pero hinawakan ko ang braso niya.
"No need, Camill. Ang mabuti pa magpahatid ka kay Macoy sa hospital. Kaya ko namang magmaneho papunta sa venue."
Mabilis siyang umiling kaya mas lalo siyang nahilo. "Hindi puwede, Cae. Delikadong umalis ka nang mag-isa—
"Pero mas delikado kung ihahatid mo pa ako. Sige na, kapag hindi ka sumunod sa sinabi ko, hindi na ako a-attend sa fashion show," pananakot ko sa kaniya.
Wala na siyang nagawa dahil alam niyang kaya kong gawin ang sinabi ko. Hindi ko man madalas ipakita pero mahalaga sa akin ang mga katrabaho ko. Lalo na sila Mario at Camill. Sila ang palaging nandiyan sa tuwing nagkakaproblema ako sa career na pinasok ko. Kaya ayaw kong magkasakit sila.
Habang wala pa si Macoy ay pinagpahinga ko muna si Camill. At dahil wala na akong masiyadong oras, umalis na rin ako. Bumaba ako sa parking lot at saktong paglabas ko ng elevator ay may nakabungguan ako. Natapon sa akin ang kung ano mang dala niya.
"Shit!" I cussed and immediately looked away.
"I'm sorry, miss. Hindi ko sinasadya."
"It's fine," I told that person without looking at him. Ayaw kong makilala niya pa ako at malaman na isa akong artista.
Naglakad na ako kaagad papunta sa kotse ko at doon ko lang naamoy kung anong natapon sa damit ko.
"Argh! Amoy alak na ako! Nakakainis!"
I started the engine and drove away. I only have forty-five minutes left. Malalagot na naman ako kay Mario kapag na-late ako.
My phone rang and I immediately answered it through my earpiece. Bumungad sa akin ang boses ni Mario. Alam ko na agad na sesermonan niya ako.
"Caelan! Ano itong sinabi ni Camill? Nagmaneho ka mag-isa? Bakit ba napakatigas ng ulo mo? Paano kung mangyari ulit 'yon? Alam mo namang sumisikat ka na at maraming gustong humabol sa 'yo! Ano ka ba naman—"
"Can you please calm down first? I can handle myself, okay? Malapit lang naman ang venue kaya huwag ka nang mag-alala."
The traffic light turned green and I stepped on the gas immediately. Mabilis ang pagpapatakbo ko pero sinisiguro kong hindi ako lalagpas sa speed limit. Mahirap na at baka mabalita na naman ako.
"Kahit na! Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa 'yo! Ewan ko ba kung bakit nagtitiis akong maging manager mo."
I pouted. "That's because you love me. Huwag ka nang magalit. Malapit na ako. See you!"
I ended the call and chuckled. Hindi ko napansin na may papalabas palang sasakyan mula sa isang kanto at huli na bago ko pa maapakan ang brakes dahil nasagi ko na ang kotse niya.
"Shit! Shit! Shit! What I'm gonna do? I'm so fucking doomed!"
Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Mario. Hindi ko mapigilang mataranta lalo na nang makita kong bumaba ang driver ng kotseng nabangga ko.
"Hello, Cae! Please tell me na nandito ka na sa building."
"Mario! Mario...may nabunggo ako. Nagasgasan ko ang kotse niya at papalapit na siya sa akin ngayon. Anong gagawin ko?"
"Ano? Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Nasaan ka na ba? Papupuntahin ko diyan si Macoy at sabihin mo diyan sa driver ng nabangga mo, babayaran mo ang damages. Basta kailangan makarating ka na dito! Si Macoy na ang makikipag-areglo diyan."
Napaigtad ako nang katukin ng lalaki ang bintana ng kotse ko. Pinatay ko ang tawag at isinuot ang aking shades bago ako bumaba ng sasakyan.
"Miss, first time mo bang magmaneho at hindi mo alam na kapag nasa intersection ka, dapat mas mabagal kang magmaneho?"
I took a deep breath and removed my glasses just to give him a blank look. He's way taller than me but I shouldn't get intimidated by him.
"Alam ko 'yon, hindi ko lang napansin. Anyway, babayaran ko na lang ang damages sa kotse mo. Wait." Kinuha ko ang bag ko sa sasakyan at inilabas ang nakasobre kong pera.
I always have an envelope of money with me just in case an emergency like this happen.
"Here." Inabot ko sa kaniya ang sobre. "Darating ang driver ko dito, kapag kulang pa 'yan sa pagpapaayos, sabihin mo lang sa kaniya para maibigay ko ang pera."
He stared at the envelope in my hand and his jaw clenched. He leaned closer that was why I stepped back.
"Alak. Lasing ka pero nagmaneho ka kaya wala ka sa sarili. At balak mo pa akong bayaran? Okay fine, tatanggapin ko ang perang 'yan pero sasama ka sa akin sa presinto."
My eyes widen with what he said. "No way! I'm not drunk, okay?"
"Madalas 'yang sabihin ng mga nahuhuling nagmamaneho nang lasing. Wala namang umaamin agad sa kasalanan nila. Ang mga katulad mong iresponsableng driver ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga aksidente sa kalsada."
"Hindi nga ako lasing!—
"Kung hindi ka lasing, bakit amoy na amoy ang alak mula sa 'yo? Don't tell me, pinaligo mo ang alak?"
Bumuga ako nang mabigat na hininga bago ipinagkrus ang braso ko. Nauubusan na ako ng pasensya sa lalaking 'to.
"So, kapag amoy gasolina ako, ibig sabihin uminom ako ng gasolina?"
Saglit siyang natigilan pero umiling din kalaunan. "Don't fool me. Sasama ka sa akin sa presinto para mapa-test ka."
"Ano ba! Bakit ba pinipilit mo 'yan? Hindi mo ba ako kilala? Besides, bakit mo ba ako dadalhin sa presinto, handa naman akong magbayad sa damages. Hindi ka rin naman nasaktan kaya bakit ba ang kulit mo?"
He stared at me for awhile then he smirked. "Why? Should I know you? Anak ka ba ng presidente?" I glared at him. "And for your information, nakasaad sa Republic Act no. 10586, na kahit sinong mapatunayan na nagmananeho nang lasing ay maaaring makasuhan at makulong sa loob ng tatlong buwan. At hindi lang 'yon, may babayaran ka ring charges."
Mas lalong nadagdagan ang inis ko sa lalaking 'to. Ano ba siya? Abogado? Pero wala naman sa itsura niya. For all I know, gusto niya lang akong perahan. Ang kapal ng mukha!
"Whatever! Nandiyan na ang driver ko, siya na lang ang kausapin mo. Oh wait, kung hindi mo ako kilala, tumingin ka lang sa billboard na 'yon," itinuro ko ang malaking billboard sa kabilang kalsada. "Ako 'yon."
Mabilis akong naglakad palayo sa kaniya at pinara ang taxi na dumating. Nilingon ko ulit ang lalaking 'yon at nakita ko siyang nakatingin sa billboard ko.
I smirked. Let's see, kung anong gagawin mo ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top