Epilogue

Andriuz Frowlan Baltazar’s POV:

My phone rang and I answered it through my earpiece. I was greeted by the loud voice of my sister.

"Andriuz! Where are you na ba?" Aireen asked.

"Aireen, muntik mo nang mabasag ang eardrums ko. Will you stop shouting?" I told her.

She giggled on the other line. "Sorry. Ang tagal mo kasi. Baka ma-late ka sa sarili mong engagement party."

I suddenly smiled when I heard the word engagement again. I'm so excited to propose to Melanie. She's the woman I want to spend my life with. We've been together for almost six years now and I guess, that's long enough to finally marry her.

"I won't. Malapit na ako," sabi ko.

The traffic lights turned green and I stepped on the gas. Pero bigla rin akong napapreno nang may bumunggo sa sasakyan ko.

Seriously? Ngayon pa talaga? Kung kailan may importante akong pupuntahan 'tsaka pa ako nagka-aberya.

I took a deep breath before I stepped out of my car. Hindi man lang bumaba ng sasakyan ang driver ng kotseng nakabunggo sa akin kaya ako na mismo ang lumapit sa kotse niya. I knocked on the car's window.

After a while, the driver went out. She's a woman. May suot pa siyang shades at mataas ang noong tumingin sa akin.

"Miss, first time mo bang magmaneho at hindi mo alam na kapag nasa intersection ka, dapat mas mabagal kang magmaneho?"

She took a deep breath and removed her shades. She's now looking at me blankly. This woman's attitude screams arrogance. Ni hindi nga siya mukhang nagsisisi sa nagawa niya.

"Alam ko 'yon, hindi ko lang napansin. Anyway, babayaran ko na lang ang damages sa kotse mo. Wait."

She get something inside her car and it's an envelope. 

"Here. Darating ang driver ko dito, kapag kulang pa 'yan sa pagpapaayos, sabihin mo lang sa kaniya para maibigay ko ang pera."

Inabot niya sa akin ang envelope na mukhang may lamang pera pero hindi ko 'yon tinanggap. Hindi lang pala siya arogante, katulad din pala siya ng ibang taong ginagamit ang pera para malusutan ang problemang nagawa.

She thinks she's entitled to do this. I feel insulted.

I leaned closer only to smell alcohol on her. Now, I know. Binabayaran niya ako para hindi na siya madawit sa mas malaking kaso.

"Alak. Lasing ka pero nagmaneho ka kaya wala ka sa sarili. At balak mo pa akong bayaran? Okay fine, tatanggapin ko ang perang 'yan pero sasama ka sa akin sa presinto."

Her eyes widened. "No way! I'm not drunk, okay?"

"Madalas 'yang sabihin ng mga nahuhuling nagmamaneho nang lasing. Wala namang umaamin agad sa kasalanan nila. Ang mga katulad mong iresponsableng driver ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga aksidente sa kalsada."

"Hindi nga ako lasing!—"

"Kung hindi ka lasing, bakit amoy na amoy ang alak mula sa 'yo? Don't tell me, pinaligo mo ang alak?"

She crossed her arms like I'm getting on her nerves already. Ako rin, napipikon na ako sa kaniya. Kung humingi na lang sana siya ng pasensiya sa nangyari at hindi na ako sinubukang bayaran, baka nakipag-areglo ako kaagad.

"So, kapag amoy gasolina ako, ibig sabihin uminom ako ng gasolina?" pamimilosopo niya.

Hindi talaga siya titigil sa pag-de-deny. Napailing ako. "Don't fool me. Sasama ka sa akin sa presinto para mapa-test ka."

"Ano ba! Bakit ba pinipilit mo 'yan? Hindi mo ba ako kilala? Besides, bakit mo ba ako dadalhin sa presinto, handa naman akong magbayad sa damages. Hindi ka rin naman nasaktan kaya bakit ba ang kulit mo?"

Kaya pala feeling entitled ang babaeng 'to, mukhang may malakas na kinakapitan.

I smirked. "Why? Should I know you? Anak ka ba ng presidente?" She glared at me but I continue talking.  "And for your information, nakasaad sa Republic Act no. 10586, na kahit sinong mapatunayan na nagmananeho nang lasing ay maaaring makasuhan at makulong sa loob ng tatlong buwan. At hindi lang 'yon, may babayaran ka ring charges."

"Whatever! Nandiyan na ang driver ko, siya na lang ang kausapin mo. Oh wait, kung hindi mo ako kilala, tumingin ka lang sa billboard na 'yon," itinuro niya ang malaking billboard sa kabilang kalsada. "Ako 'yon."

Tiningnan ko ang billboard na itinuro niya at siya nga ang babaeng nandoon. She's an actress? That's why she's great at playing innocent.

"Sir, excuse me po."

Napatingin ako sa lalaking dumating at napansin kong wala na 'yong babaeng arogante na nakabunggo sa akin. Nakaalis na pala siya agad.

"Ako po ang driver ni Miss Caelan. Ako na po bahalang mag-ayos ng nangyari, sir. Ano po bang kailangang gawin?" tanong niya.

Sumulyap ako sa relo ko at nakitang malapit na talaga akong ma-late sa party. Bumuntonghininga ako.

"Give me your number. I still have important things to do that's why I'll talk to you some other time," I told him.

Ibinigay na niya sa akin ang phone number niya at umalis na ako kaagad. Dumiretso ako sa venue ng engagement party namin ni Melanie. Sinalubong ako kaagad ng dalawa kong kapatid.

"What took you so long?" Aireen asked.

I sighed. "Someone bumped into my car. Maliit na gasgas lang naman ang nangyari. Magsisimula na ba?"

"Yes. Pumasok na tayo sa loob," sagot ni kuya Art.

We went inside and I immediately saw her. Melanie. The woman I love the most. Our eyes met and we both smiled at each other. Nilapitan ko siya kaagad.

"Love, buti dumating ka na," nakangiting sabi niya.

I kissed her forehead. "Of course. Hindi p'wedeng hindi ako makapunta sa sarili kong party."

Her forehead creased. She doesn't know the real agenda of this party. Ang alam niya lang ay family gathering namin ito. Hindi niya alam na balak ko nang mag-propose sa kaniya ngayong gabi.

Kinuha ko ang mic at iginiya si Melanie sa gitna. Mas lalo siyang naguluhan sa mga nangyayari.

"Love, what's this?" she whispered.

I smiled and get the small box inside my pocket. Her eyes widened and glistened with tears immediately. Lumuhod ako sa harap niya at napasinghap siya.

"Love, we've been together for almost six years already. I'm so sure that I want to spend the rest of my life with you. I want to take care of you as we grow older together. Would you like to spend the rest of your life with me? Will you marry me?"

She sobbed before she nodded. "Yes, love. I will marry you."

The whole place was surrounded by applause of the visitors. I inserted the ring on her finger before I stood up and hugged her.

"I love you so much, Melanie. Thank you," I told her.

"I love you, Andriuz. I'm so happy to have you in my life," she said.

Nagpatuloy ang party habang binabati kami ng mga pamilya at closed friends namin. It's already eight-thirty when the party ended. We stayed at the venue while talking about some things.

"Congratulations ulit sa inyong dalawa. Melanie, alam mo bang muntik nang ma-late itong si Andriuz dahil may nakabungguan daw sa kalye?" sabi ni Aireen pagkalapit sa amin ni Melanie.

"Aireen," I said to make her stop.

"Totoo ba?" tanong ni Melanie. "Nasaktan ka ba?"

I sighed and smiled at her. "I'm fine. Mas'yado lang OA si Aireen. It's just a small scratch on my car."

"That's good to hear. Sa susunod mag-iingat ka sa pag-d-drive. You don't know when an accident will happen," she told me with her usual soft voice.

I really love hearing her voice. It makes me calm always. Kahit pa galit siya, malumanay pa rin ang boses niya. And her eyes, those are the most gentle eyes I've ever seen.

After a while, we decided to finally go to our unit. We booked a room here for us so that we could rest already. Alam kong pagod na si Melanie kaya dito na lang kami magpapalipas ng gabi.

We were both laying on our bed while she's scrolling on her phone. I rested my chin on her shoulder and watched what she's doing. Her feed stopped on a familiar face of someone that made my forehead creased.

"Wait, who's that?" I asked her.

She smiled widely. "You don't know her? She's Caelan."

I was right. That's the woman who bumped to my car earlier. The arrogant actress.

"Caelan Aerith Suarez," I muttered her name.

"Ano ka ba? Mali naman ang pagkakabanggit mo sa name niya. It's Seylan Erich," Melanie corrected me.

I stared to my fiancee. "How would I know? I don't even know her. Don't tell me, you're one of her fans?"

She nodded. "Yes. I really idolize her. Sobrang ganda niya kasi at magaling pang artista. Bukod doon, napakabait niya rin. For me, she's a living angel."

I almost scoffed with what she said. A living angel? I can't agree with her. That woman is far from being angel.

"She's not that kind. Siya 'yong nakabunggo sa akin kanina kaya muntik na akong ma-late. And instead of saying sorry, she just gave me money. Gano'n ba ang angel?"

Her eyes widened. "Really? Nakita mo siya sa personal? Hala! Ang s'werte mo, love."

My forehead creased. "Didn't you hear what I said? Ang sabi ko—"

"I heard it. Nabunggo ka niya at binigyan ka ng pera. Baka naman kasi nagmamadali lang siya kaya gano'n ang ginawa niya. Besides, she's an actress. May pinoprotektahan siyang image at baka natakot lang siya na baka awayin mo siya. For sure, she didn't mean to offend you."

Melanie is always like this. Palagi siyang nakakahanap ng kabutihan sa ibang tao kahit pa hindi reasonable ang ginagawa nila. She never judged others. She's the true definition of a living angel.

"Ang s'werte mo nga, e. Gusto ko talaga siyang makita sa personal para makapagpa-autograph ako. Kung ako ang mababangga niya, matutuwa pa ako—"

"Melanie." I glared at her. "Will you stop saying that? You idolize her that much na kahit mabangga ka niya, matutuwa ka pa? She's just an actress, don't patronize her."

Her smile faded that made me guilty. Pero hindi ko talaga nagustuhan ang sinabi niya.

"Okay, I'm sorry. Huwag ka nang magalit," aniya habang niyayakap ang braso ko.

I sighed and didn't answer. Later on, my phone rings and I stared at it for awhile. Alam ko na kaagad kung kanino galing ang tawag.

"Go on, sagutin mo na ang tawag," sabi ni Melanie.

Kinuha ko ang phone mula sa bedside table at sinagot 'yon. Umalis si Melanie sa tabi ko at nagtungo sa banyo. Alam ko namang alam na niya kung sino ang tumatawag. At alam niyang confidential ang pag-uusapan kaya siya na ang lumayo.

"Hello, Logan."

"Andriuz, mayroon ng bagong asset ang team para sa misyon natin."

My jaw clenched. "Is that so? Sigurado ba kayong mapagkakatiwalaan siya? Hindi ba spy?"

"Mukha namang mapagkakatiwalaan siya. Magpunta ka na dito para ikaw na mismo ang mang-interrogate sa kan'ya."

"Okay, wait for me there."

I ended the call and sighed. Sa tuwing magkasama kami ni Melanie, palagi na lang kaming naiistorbo ng trabaho ko. Hindi ko magawang ipagpaliban ang tungkol sa asset na 'yon dahil baka malaki ang nalalaman niya tungkol sa misyon na tinatrabaho namin ngayon.

"Aalis ka na?"

Lumingon ako kay Melanie at agad ko siyang nilapitan. I feel guilty that I have to leave her here.

"I have an urgent work. Babalik din ako kaagad. Is it okay?" I asked.

She nodded. "It's okay. Basta mag-iingat ka."

"I love you," I told her and she smiled.

"I love you. Sige na. Bumalik ka kaagad pagkatapos mo sa trabaho. Maghihintay ako."

Hinatid niya ako hanggang sa pinto. I stared at her for awhile then I kissed her. Hinintay ko na munang isarado niya ang pinto bago ako tuluyang umalis.

I drove my way to the headquarters and the security personnel checked on me before they let me in. Siniguro nilang wala akong dalang kahit anong bagay na makakapagpahamak sa buong organization. Gano'n kahigpit ang security dito. Kahit sino, p'wedeng pagdudahan. Dahil kahit sino, p'wedeng maging taksil.

I am a member of Alpha Military Special Forces Organization. This organization is assigned to do deadly missions that might result to terrorists attack and such. Trabaho naming puksain ang mga ilegal na gawain ng malalaking personalidad sa bansa.

At ang misyon na naka-assign sa amin ngayon ay ang pagpapabagsak kay Oliver Vicero.

He's a well-known business tycoon. Napakarami niyang negosyo sa loob at labas ng bansa. Pero cover up lang ang lahat ng 'yon. Dahil halos majority ng kinikita niyang pera ay nanggagaling sa maruming paraan.

At dahil nga marami siyang pera, nahihirapan kaming makahanap ng ebidensya laban sa kan'ya. Mayroon kaming nakuhang asset noon na makapagbibigay na sana sa amin ng impormasyon, pero bago pa namin makausap ang taong 'yon pinagbabaril na siya ng kung sino. Hindi na namin kailangang manghula, si Oliver lang naman ang gagawa ng gano'ng bagay.

"Where is he?" I asked Agent Logan, my friend and also a member of special forces.

"Nandoon sa loob."

We went inside the interrogation room then I saw the person he's talking about. Nakaupo siya sa upuang kahoy at nakayuko. Nang lumapit ako ay nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Let's make this quick. Anong mga alam mo tungkol kay Oliver Vicero?" tanong ko kaagad.

Gusto ko nang makuha ang lahat ng impormasyong nalalaman niya para makabalik na ako kaagad kay Melanie.

Ngumisi siya. "Relax lang. Gusto ko na rin talagang bumagsak ang Oliver na 'yon pero alam kong manganganib ang buhay ko."

"What do you want?"

"Gusto kong siguraduhin n'yo ang kaligtasan ko. Bigyan n'yo ako ng pera para makaalis ng bansa."

Inasahan ko na 'to. Hindi naman siya ang unang taong humingi ng proteksyon kapalit ng hinihingi naming impormasyon. Sinisiguro naman namin ang kaligtasan ng mga asset namin pero madalas sila rin ang gumagawa ng ikapapahamak nila.

"Papayag ba tayo sa gusto niya?" tanong ni Logan pagkalabas namin ng interrogation room.

"Ask Commander Greg about that. Hindi tayo ang magdedesisyon sa bagay na 'yon."

Tumango siya. "Oo. Uuwi ka na ba kaagad?"

"Kasama ko si Melanie no'ng tumawag ka kaya iniwan ko siya sa hotel. Sasamahan ko muna siya at babalik ako dito bukas."

I left the headquarters while dialing Melanie's number on my phone. She answered it after three rings.

"Love, na-miss mo ba ako kaagad kaya napatawag ka?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Pero kaagad ding kumunot ang noo ko nang may marinig akong ingay.

"Where are you? Lumabas ka ng hotel?" tanong ko.

"Ah, yes. May binili lang ako sa convenience store pero pabalik na ako sa hotel ngayon."

"Pabalik na ako diyan. Nasaan ka ba? Hintayin mo na lang ako."

"Naghihintay ako ng taxi ngayon. Sa hotel na lang kita hihintayin, love. Ayan na, may taxi ng paparating."

I sighed. "Just wait for me there. Ten minutes lang nandiyan na ako."

"Okay, fine. Nilampasan din naman ako no'ng taxi. Hihintayin na lang kita—"

There was a loud noise on the background that stopped her from talking. Kinabahan ako kaagad.

"Melanie? What happened? Nand'yan ka pa ba?" sunod-sunod kong tanong pero hindi na siya sumasagot.

Hindi pa napuputol ang tawag at mayro'n naman akong signal kaya bakit hindi ko siya naririnig? Fuck!

"Melanie! I swear, if you're just pranking me, it's not funny. Melanie!"

Seconds later, I heard a female voice from the other line. Pinakinggan ko ang boses ng nagsasalita at napagtantong hindi 'yon si Melanie.

"M-Miss? Miss! I'm sorry...I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako."

This is not good. Why is she saying sorry? What did she do to Melanie? Damn it!

Binilisan ko pa lalo ang pagmamaneho at nagtungo ako sa lugar na sinabi ni Melanie kanina. Pero pagdating ko doon, tanging mga pulis lang ang naabutan ko at ang bakas ng dugo sa kalsada.

"Anong nangyari dito?" tanong ko sa isang police officer.

"May aksidenteng nangyari kani-kanila lang. Isang babae ang nabangga—"

"Saan siya dinala? Saang hospital dinala 'yong nabangga? At sinong nakabangga sa kan'ya?" tanong ko na hindi niya kaagad nasagot kaya hinawakan ko ang kuwelyo ng damit niya. "Sumagot ka!"

"Huminahon ka muna, sir. Nasa San Roque General Hospital ang babaeng nabangga. At iyong nakabangga naman, nasa police station na."

I didn't waste any time and I quickly went to the hospital. Hindi pa ako sigurado kung si Melanie nga ang nabangga pero umaasa ako na sana hindi siya. But when I saw her, lying on the hospital bed unconcious, that's when I broke down.

"Melanie...I'm sorry...."

I shouldn't have left. Hindi ko dapat inuna ang trabaho ko kaysa sa kan'ya. Hindi sana siya naaksidente. Hindi sana siya nasaktan.

"Andriuz."

I turned around and saw Jefferson. He's a policeman and also my friend.

"How's she?" he asked.

I took a deep breath. "She's severely injured. Hindi pa alam kung kailan siya magigising." O kung magigising pa ba siya.

The doctor made it clear to me her condition. Malakas ang impact ng pagkakabangga sa kan'ya. At anumang oras, p'wedeng bumigay ang katawan niya at tuluyang mawala sa akin.

I can't lose her. I don't want lose her.

"Lakasan mo ang loob mo. Anyway, nasa police station na ang driver na ang nakabangga kay Melanie. He's cooperating with the authorities."

My forehead creased. "What did you say? He? Lalaki ang driver na nakabangga sa kan'ya?"

He paused for awhile before he nodded. "Yes. Kusa siyang nagpunta sa presinto at inamin ang kasalanan niya."

"Hindi. Hindi lalaki ang nakabangga kay Melanie. Babae siya. Narinig ko mismo ang boses niya noong oras na mabangga si Melanie. Kaya paanong naging lalaki ang driver?" naguguluhang tanong ko.

Sigurado akong boses ng babae ang narinig ko kanina. Humihingi siya ng tawad habang umiiyak.

"Are you sure about that, Andriuz? Ang mabuti pa, sumama ka muna sa presinto para kunin din namin ang statement mo."

I glanced back to Melanie. I don't want to leave her alone again. Hihintayin ko na munang dumating ang pamilya namin bago ako pupunta sa presinto.

"Andriuz, what happened? Paano naaksidente si Melanie? Magkasama kayo, 'di ba?" tanong ni mommy.

Kasama niya sila dad at Tita Merlinda. Maging ang mga kapatid ko ay nandito sa hospital.

"Nabangga siya. Hindi ko pa alam ang ibang detalye kaya pupunta muna ako sa presinto. Kayo na po muna ang bahalay kay Melanie."

Halos hindi ko magawang tingnan si Tita Merlinda sa mga mata. Nahihiya ako sa nagawa ko. Pinabayaan ko si Melanie. Hindi ko siya naprotektahan.

"Sige. Bumalik ka kaagad. Mag-iingat ka," sabi ni dad.

Hinawakan ni Tita Merlinda ang kamay ko at tipid siyang ngumiti.

"Mag-iingat ka, iho. Hihintayin ka rin ni Melanie."

I nodded. Tumingin ako kay Jeff at sabay na kaming umalis para magtungo sa police station. As soon as we entered the police station, I immediately heard a familiar voice.

"Sinabi ko nga sa inyo, aksidente ang nangyari. Bigla siyang tumawid tapos hindi na ako nakapagpreno."

Asshole!

I approached the suspect and I immediately grabbed his collar. Then I saw him. I was right. Kaya pala pamilyar siya dahil siya ang driver ng aroganteng artista na nakilala ko.

"Andriuz, calm down!"

"Magsabi ka ng totoo, ikaw ba ang nakabangga kay Melanie?"

"T-Teka...sino ka ba?" nauutal niyang tanong.

I smirked. "Hindi mo ako naaalala? Nagkita na tayo kahapon dahil nabangga ng amo mo ang kotse ko."

His face paled. He gulped and I could feel his nervousness when he recognized me. Sa reaksyon niya palang, ramdam ko nang may itinatago siya.

"Andriuz, bitiwan mo siya," sabi ni Jeff bago ako pilit na inilayo sa lalaking kaharap ko.

Maging ang ibang pulis ay tumulong na para mabitiwan ko siya. Hindi na nila hinayaan makalapit ako sa kan'ya dahil masasaktan talaga siya sa akin.

"Sir, kaano-ano n'yo po ba ang biktima?" tanong ng isang pulis.

"Fiancee ko siya. At kausap ko siya sa phone bago siya naaksidente," sagot ko bago muling tumingin sa lalaking nagsasabing siya ang nakabangga kay Melanie.

"Sige po, sir. Kukunin namin ang statement ninyo. Ano po bang alam ninyo sa nangyaring aksidente?"

I clenched my fist while remembering what happened.

"Iniwan ko ang fiancee ko sa hotel dahil may inasikaso akong trabaho. Pagkatapos, tinawagan ko siya at sinabi niyang lumabas siya para magpunta sa convenience store. Nangyari ang aksidente habang nag-uusap kami. Tapos may narinig akong boses ng babae. "

"Boses ng babae? Pero sabi ng driver, wala siyang ibang kasama nang mangyari ang aksidente."

"Dahil nagsisinungaling siya. Narinig ko mismo ang boses ng babae. At patutunayan ko 'yon."

Lumabas ako ng police station at nakasunod sa akin si Jeff. Bago ko pa mabuksan ang pinto ng sasakyan ko ay humarang na siya.

"Andriuz, ano bang binabalak mong gawin? Hindi mo dapat ginawa 'yon kanina. Umamin na siya sa aksidente."

"Anong gusto mong gawin ko? Paniwalaan siya sa kasinungalingan niya? Kung hindi ako nakarinig ng pambabaeng boses, baka hindi naniwala pa ako sa kan'ya."

"Baka naman nagkakamali ka lang. Baka si boses ni Melanie ang narinig mo—"

"Shut up! Sinasabi mo bang hindi ko alam ang boses ng fiancee ko?" putol ko sa sinasabi niya.

Natigilan siya saglit bago bumuntonghininga. "Okay, fine. Hayaan mo na sa mga pulis ang kaso. Nag-iimbestiga na rin sila sa nangyari. Ang mabuti pa, bumalik ka na sa hospital at samahan mo si Melanie. Gusto mo bang magising siya nang wala ka sa tabi niya?"

My jaw clenched and I looked away. He's right. I should go back to the hospital now. Pagdating ko sa hospital ay si Tita Merlinda na lang ang nagbabantay kay Melanie. Agad siyang nag-angat ng tingin sa akin pagkalapit ko.

"Andriuz, nakabalik ka na pala." Tumango ako bago sumulyap sa k'warto ni Melanie. "Hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Ano nga palang nangyari sa presinto? Nakausap mo ba ang nakabangga kay Melanie?"

Bumuntonghininga ako. "Nakausap ko po. Pero hindi po siya ang nakabangga kay Melanie."

"Hindi siya? Paano mo nalaman, Andriuz? At kung hindi nga siya, bakit niya naman aakuhin ang nangyaring aksidente?" naguguluhang tanong ni Tita Merlinda.

Napailing ako. "Hindi ko rin po alam. Pero sa ngayon, babantayan ko na po muna si Melanie. Magpahinga na rin po muna kayo."

I spent overnight at the hospital. Hindi ako dinalaw ng antok. Ni hindi ako nakaidlip man lang.

"Andriuz."

Lumingon ako sa dumating at nakita ko Aireen kasama si Sebastian. May dala silang paper bag.

"Sa itsura mo, mukhang hindi ka pa natutulog at kumakain. Kaya nagdala na kami ng pagkain mo," sabi ni Aireen.

"Hindi ako nagugutom," sagot ko bago muling yumuko.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Aireen. "Malamang nalipasan ka na kasi kaya hindi ka na gutom. At saka, may dala rin akong damit mo. Halata namang hindi ka pa naliligo."

Ako naman ang bumuntonghininga. "Aireen, hayaan n'yo na muna ako. Gusto kong mag-isip."

Habang tumatagal ang bawat oras na hindi nagigising si Melanie, mas lalo akong natatakot para sa kalagayan niya.

Love, wake up, please. Don't leave me, okay? Come back to me. Pangako, pagkagising mo, magpapakasal na kaagad tayo. Hindi na kita hahayaang mapahamak.

Handa akong pakasalan siya sa kahit saan at kahit ilang simbahan. Hinding-hindi ko na siya paiiyakin at paghihintayin. Basta gumising lang siya, gagawin ko ang lahat para sa kan'ya. Pangako.

She woke up. That night, she opened her eyes. She held my hand tightly while staring at me. Hindi ko binitawan ang mga kamay niya. Wala na akong balak gawin 'yon kahit kailan.

"Thank you. For not leaving me. I love you," I whispered.

She smiled weakly. "I...l-love...you."

At that moment, I thought, I could finally fulfill my promise to her. Akala ko, magagawa ko nang pakasalan siya. Pero biglang bumagsak ang kamay niyang nakahawak sa akin. At muling pumikit ang mga mata niya.

"Diyos ko, iligtas n'yo ang anak ko," humihikbing sambit ni Tita Merlinda habang ni-re-revive ng doktor si Melanie.

I prayed for that also. I prayed for Melanie's recovery. But I guess, hindi lahat ng dasal ay naririnig. Hindi lahat ng hiling ay natutupad. At hindi lahat ng plano mo ay masusunod.

"Time of death, 8:57pm."

The moment I heard those words, I feel like, everything has stopped. I feel numb and empty. My eyes became blurry and I couldn't hear anything. It was  like the world shut down for a while.

And when it finally sinks it, all of my senses went back. I could feel my knees trembling that I couldn't stand straight. Tears started to fall from my eyes and my heart feels heavy.

"Melanie...bakit mo kami iniwan? Melanie!"

I also want to ask that question. I'm so confused.

Why, Melanie? Bakit, bakit mo kami iniwan? Bakit hindi ka nakinig sa pakiusap ko? Dahil ba...palagi kitang iniiwan para sa trabaho ko? Kaya iniwan mo rin ako?

"Love...bumangon ka na diyan. Bakit ginagawa mo sa akin 'to? B-Bakit...ayaw mo nang bumalik sa akin? Love, h-hindi...hindi ko kaya. Come back to me...please. Don't leave me...."

I held her hand as I begged for her to come back. I cried so hard that I couldn't breathe. Sobrang sakit.

Ang isipin pa lang na hindi ko na siya makikita ulit, para akong pinapatay nang paulit-ulit. Hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya.

"Andriuz," I heard mommy's voice and I felt her tapping my shoulders.

"Mommy...this is just a dream, right? She's still alive. Hindi niya ako iiwan. Magpapakasal pa kami, 'di ba? S-She...she...she will never leave me...Hindi ako iiwan ni Melanie...."

She turned me to face her then she wiped the tears on my cheeks. I couldn't even see her clearly.

"Andriuz, I know that it hurts so much. Pero nandito lang kami para sa 'yo."

I hugged my mother and cried in her arms. Hindi ko alam kung kailan ako huling umiyak nang ganito kay mommy. O baka hindi ko pa 'to nagawa kahit noong bata pa ako. Ngayon lang naman ako nasaktan nang ganito.

"Nakaburol na si Melanie. Dito ka lang ba? Ayaw mo ba siyang dalawin?" tanong ni Aireen.

I don't have the strength to visit her wake now. I still couldn't accept the fact that she's gone. And I don't know if I will ever accept that. Hinding-hindi ko matatanggap na wala na si Melanie.

"Andriuz naman, naiintindihan kong nagluluksa ka. Pati kami, nagluluksa sa pagkamatay ni Melanie. P-Pero, huwag mo namang pabayaan ang sarili mo. Kung nakikita ka ni Melanie ngayon, for sure, nalulungkot siya."

Dapat lang. She left me. I want her to see how miserable I am when she left.

"Si Tita Merlinda, mag-isa niyang inasikaso ang burol ni Melanie. Hindi siya makapagluksa dahil may mga kailangan pa siyang asikasuhin. Hindi ba dapat sinasamahan mo siya?"

Doon na ako natauhan. Si Tita Merlinda, paniguradong sobra rin siyang nasasaktan ngayon. At mas nahihirapan siya dahil mag-isa niyang kinakaya ang lahat. Nasa ibang bansa ang papa ni Melanie at balak sanang umuwi sa araw ng kasal namin. Pero hindi na mangyayari 'yon. Sa halip, burol na ni Melanie ang aabutan niya.

Aireen and I went to Melanie's wake. We went inside the church then I saw a familiar woman crying beside Tita Merlinda. My blood suddenly boiled as soon as I saw her.

"What are you doing here?"

They all turned to look at me. She looked shock to see me here. Malamang nagtataka na siya kung bakit nandito ako.

"Seb, bakit mo naman isinama si Caelan dito? 'Di ba ang usapan, pamilya lang ang puwedeng pumunta?" tanong ni Aireen.

"Aireen, Andriuz, nakikiramay lang naman si Caelan kaya siya nandito. Hindi n'yo kailangang magalit," malumanay na saad ni Tita Merlinda.

"Sumama ka sa akin sa labas. Hindi ka puwede dito," mariing sambit ko.

"Andriuz!"

"Cae!"

I didn't listen to what they say. I grabbed her hand and pulled her outside the church. Hindi ko hahayaang makalapit pa siya ulit sa fiancee ko. Sa sobrang sama niya, nakapagtatakang nakapasok pa siya sa loob ng simbahan. Dapat sa kaniya, sinusunog na ang kaluluwa sa impyerno!

"Hey! Bitiwan mo nga ako!" She shouted but I continue pulling her. "I said, let me go!"

As soon as we reached the parking lot, I let go of her hand angrily. I don't really want to touch her. I don't even want to stay in one place with her but I had to drag her outside. Dahil siguradong hindi naman siya lalabas kung hindi ko siya kakaladkarin.

I shot her a death glare. "Anong ginagawa mo dito? Hindi pa ba sapat na napatay mo ang fiancee ko, ha! Ano na namang balak mong gawin? Babayaran mo ang pamilya ni Melanie para hindi magsampa ng kaso?"

"What?" she asked while her forehead furrowed.

She's doing it again. Acting innocent. Magaling talaga siyang artista, kahit ako muntik nang mapaniwalang inosente siya.

"Stop playing innocent! Magkano naman ba ang ibabayad mo ngayon? Tutal diyan ka naman magaling."

She blinked and realization hit her. Mukhang naalala niya na kung ano ang tinutukoy ko. Iyong una naming pagkikita.

"Wala akong balak na magbayad para manuhol. Gusto ko lang makiramay dahil hindi magawang dumalaw dito ng driver ko—"

"Shut up! Hindi ang driver mo ang nakabangga kay Melanie. Siya lang ang umako sa parusa dahil may pinoprotektahan siya, tama ba?"

I saw how her face went pale. That's right, Caelan. You should be scared. Kulang pa ang pamumutla mo ngayon, ang gusto ko, mapaluhod ka sa sobrang takot.

Come to think of it, kaboses niya ang babaeng narinig ko sa phone nang gabi ng aksidente. Hindi ako p'wedeng magkamali.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Kung hindi ang driver ko ang nakabangga, sino?" maang-maangang tanong niya.

Ngumisi ako. "Babae. Babae ang nakabangga sa kaniya. Ako mismo ang nakarinig sa boses ng babaeng 'yon. Isang tao na may importanteng reputasyon na hindi puwedeng masira. Kilala mo kung sino 'yon. Caelan Aerith Suarez."

I took a step forward and she stepped back.

Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga taong sinungaling. Kahit na huling-huli na sila, pilit pa rin nilang itinatago ang katotohanan. Pero hindi nila ako mapapahinto. Alam ko ang totoo at sisiguraduhin kong makukulong ang totoong may kasalanan.

"Cae!"

I grabbed her arm again to stop her from looking at Sebastian. I glared at her but she glared back at me.

"Tandaan mo 'to, bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Melanie. Ipakukulong ko ang totoong may sala. At kahit sinong makapangyarihang tao pa ang tumulong sa suspect, hinding-hindi ako susuko. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa bilangguan."

For a moment, I saw pain in her eyes but I didn't let that affect me.

She nodded and smiled bitterly. "Go on. Do it. Patunayan mong magaling kang abogado. Ipakulong mo ang pumatay sa fiancee mo. Humanap ka ng ebidensya kung kaya mo."

"Andriuz, bitiwan mo si Caelan."

We glared to each other for awhile before I let her go. Agad siyang inilayo ni Sebastian sa akin at isinakay sa kotse.

I released a heavy sigh. She's confident to challenge me to look for evidence. One thing is for sure, kampante siyang wala akong mahahanap na ebidensya laban sa kan'ya. Sigurado siyang mapagtatakpan nila ang katotohanan.

"Kumusta? May nahanap na bang ebidensya sa aksidente?" tanong ko kay Jeff.

Hindi na ako makapaghintay pa kaya ako na mismo ang hahawak sa kaso ni Melanie. Sisiguraduhin kong hindi makakalusot sa batas ang taong 'yon. Pinatay niya ang fiancee ko kaya magbabayad siya.

Hinilot ni Jeff ang sentido niya at mukha siyang dismayado.

"Nitong mga nakaraang araw, bumalik ako sa crime scene para maghanap ng p'wedeng magamit na ebidensya. May mga CCTV sa lugar na 'yon pero lahat daw 'yon hindi gumagana."

"Ano? Imposible naman 'yan. Lahat ng CCTV?"

Tumango siya. "Oo. Nakapagtataka nga. Alam mo bang may benteng CCTV na nakakabit sa kalye na 'yon pero kahit isa walang gumagana. Para bang kinabit lang 'yon para i-display."

"Paniguradong may sumira na sa mga 'yon para hindi magamit bilang ebidensya," sambit ko.

"Ano? Sino naman?"

"May pinaghinalaan akong tao. Pero kailangan ko pa ng matibay na ebidensya."

Bumalik ako sa law firm para asikasuhin ang kaso sa pagkamatay ni Melanie. Pero bago pa ako makapasok sa opisina ay sinalubong na ako ng secretary ko na si Hazel.

"Attorney, pinapapunta ka po ni Chief Roa sa office niya."

My forehead creased but I nodded. "Okay, I'll go there."

Dumiretso ako sa office ni Chief at naabutan ko siyang may binabasang papel. Nang makita ako ay sinenyasan niya akong maupo.

"Tungkol saan po ang pag-uusapan natin?" tanong ko.

Bumuntonghininga siya at nagtanggal ng salamin. Diretso siyang tumitig sa mga mata ko.

"Ikaw ang magiging abogado ng nabiktima ng fatal car accident, right?"

Tumango ako. "Yes, chief."

"Well, pinatawag kita para sabihing hindi mo na p'wedeng hawakan ang kasong 'yon. Ibinigay ko 'yon kay Attorney James."

Nagtiim bagang ako sa narinig. "Anong sabi n'yo? Ibinigay ninyo kay Attorney James ang kaso? Pero bakit? Ako ang dapat na humawak sa kasong 'yon dahil fiancee ko ang namatay—"

"That's the reason! Fiancee mo ang nabangga at namatay kaya emosyonal ka sa kasong 'yon. Hindi mo magagawa nang maayos ang trabaho mo."

I gulped hardly. "You don't understand. Mahalaga sa akin na maipakulong ang nakapatay sa fiancee ko!"

"Watch your tone, Attorney Baltazar. Nasa opisina kita. Hindi mo na hahawakan ang kasong 'yon, tapos ang usapan."

I can't believe this! Sigurado akong may nag-utos kay Chief para tanggalin sa akin ang kaso. Kung sino man 'yon, paniguradong malakas ang impluwensya. Posible ring siya ang tumutulong sa babaeng 'yon para maitago ang lahat ng ebidensya.

"Attorney Andriuz," nakangising bati sa akin ni Attorney James. "Sa itsura mo, mukhang alam mo nang ako na ang hahawak sa case ng fiancee mo. Nalaman ko rin pala na pinipilit mong babae ang nakabangga sa kan'ya. Alam mo, bakit pa natin ginagawang komplikado ang lahat? May umamin na nga sa aksidente kaya bakit maghahanap pa tayo—"

Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil sinuntok ko siya. Hindi na ako natutuwa sa kan'ya. Noon pa lang, kalaban na ang tingin niya sa akin. At paniguradong hindi niya seseryosohin ang tungkol sa pagkamatay ni Melanie.

"Bakit mo ako sinuntok? Gan'yan ba dapat kumilos ang isang abogado? Mas'yado kang mayabang. Baka 'yan ang magpahamak sa 'yo."

Alam ko pero wala akong pakialam. Sa oras na malaman ko kung sino ang tao sa likod ng lahat ng 'to, magbabayad siya sa akin.

"Sabi ko na nga ba mangyayari 'to," sabi ni Jeff bago bumuntonghininga.

Sa kan'ya ako dumiretso para malaman kung may bago ba siyang nahanap na ebidensya. Siya lang ang maaasahan ko sa bagay na 'to. P'wede akong humingi ng tulong sa co-agents ko pero may misyon pa kaming tinatapos.

"Andriuz, sabihin mo nga sa akin kung sino ang pinaghihinalaan mong nakabangga kay Melanie?" tanong niya.

"Si Caelan Suarez."

His eyes widened in shock. "Seryoso? Sabagay, kung sinasabi mong babae ang boses na narinig mo, p'wede ngang siya. Pero ang alam ko, may babae siyang assistant. Hindi kaya 'yon ang narinig mo?"

"Sigurado akong sa kan'ya boses 'yon. Narinig ko na ang boses niya sa personal at pati na rin sa video. Kapareho sa boses na narinig ko nang gabing 'yon."

Sumandal siya sa upuan niya habang nakakunot ang noo. Mukhang nahihirapan siyang paniwalaan ang sinasabi ko.

"Pero bakit naman siya magmamaneho nang mag-isa? May driver siya at artista pa siya. Imposible...."

"Nagawa niya na 'yon. At sa tingin ko, madalas siyang mag-drive nang mag-isa. Nabunggo niya na nga ang sasakyan ko noong araw na 'yon. At sinubukan niya akong suhulan."

Napailing-iling siya. "Kung siya talaga ang nakabangga at pinoprotektahan niya ang image niya, mukhang mahihirapan nga tayo. Sa dami ng maimpluwensyang tao sa likod niya, hindi mahirap para sa kanila na lusutan ang aksidente."

Kumunot ang noo ko. May tinitingnan siya sa monitor ng laptop niya kaya tumingin din ako doon. Mga pictures 'yon ng iba't ibang personalidad. At isa sa kanila ay ang picture ni Oliver Vicero.

"Oliver Vicero? Anong kinalaman niya kay Caelan?" tanong ko.

"Hindi mo alam? Si Oliver Vicero lang naman ang step-father niya. Noong hiniwalayan ng mommy niya ang business tycoon niyang ama, nagpakasal naman siya sa isa ring business tycoon na si Oliver Vicero."

So, konektado pala silang dalawa. Si Oliver na pababagsakin ko sa misyon namin ay step-father ng babaeng nakabangga naman sa fiancee ko. Mukhang maliit nga ang mundo at magiging madala para sa akin ang lahat.

At dahil step-father niya si Oliver, hindi malabong, tinutulungan siya nito para matakasan ang batas.

"Andriuz, nasa'n ka? Don't tell me, balak mo talagang kausapin si Oliver Vicero?" tanong ni Jefferson sa kabilang linya.

"I have to. Paaaminin ko siya tungkol sa ginawang krimen ng step-daughter niya," mariin kong sagot habang inililibot ang paningin paligid.

According to what I've found out, this company now belongs to Oliver Vicero. Nandito siya ngayon kaya naman dito ako nagpunta.

"P'wede bang pag-isipan mo muna, Andriuz? Baka diyan mismo ay ipapatay ka na niya—"

"He's here," I said the moment I saw Oliver Vicero.

Pinatay ko ang tawag kahit nagsasalita pa si Jefferson. May gusto lang akong tanungin sa kan'ya. At alam kong hindi niya ako ipapapatay dito. Kung balak niya nga akong ipapapatay, sa ibang lugar niya isasagawa 'yon.

"Oliver—"

I was cut off when someone suddenly grabbed my arm and pulled me.

"Are you crazy?"

Napatingin ako sa taong humila sa akin at nakita ko na naman siya. Ang babaeng kinasusuklaman ko sa lahat. Ang lakas ng loob niyang magpakita sa akin at hawakan ako. Talagang wala na siyang kahihiyan.

"What the hell is your problem? Bakit mo ako hinila dito?" mariin kong tanong.

"Abogado ka 'di ba? Dapat nag-iisip ka muna bago ka nagpapadalos-dalos sa kilos mo. Lalapit ka kay Oliver, ni hindi mo nga alam na balak ka na niyang ipapatay!"

I paused to study her reaction. So, she's now concerned about me?

I smirked. "And so? Wala ka na dapat pakialam do'n. Siya ang tumutulong sa 'yo na itago ang mga ebidensya, tama ba? Kaya natatakot ka na baka komprontahin ko siya."

She shook her head then her eyes suddenly widened.

"Shit!" she cussed then she grabbed my arm again. "Takbo na!"

I don't have a choice but to run with her. Hinila niya ako patungo sa kung saan at napipikon na talaga ako sa ginagawa niya. For sure, she's doing this to stop me from talking to Oliver! Talagang gagawin niya ang lahat para lang hindi ko malaman ang katotohanan.

"Will you stop dragging me!" I shouted.

"Will you shut up! Bilisan mo na lang ang pagtakbo kundi dalawa tayong mamamatay dito!"

"Wait," she said then she took off her heels. We heard the footsteps of those men who were after us.  "Fuck! Hindi talaga nila tayo titigilan."

"Kababae mong tao, ang hilig mong magmura," puna ko sa kaniya.

See? This is what I'm talking about. She looked like an angel outside but she's really an evil inside. Kaya hindi dapat nagpapadala sa mga mala-anghel ang mukha.

"Halika na! Doon tayo dumaan—"

"Sandali lang." I held her arm tightly to stop her from running.  "Bakit hindi ka na lang magpakita sa kanila? Those are your step-father's men, they won't hurt you."

"Nag-iisip ka ba? Sa tingin mo hindi nila ako sasaktan pagkatapos nila akong makitang kasama ka? Siguradong iisipin ni Oliver na tinatraydor ko siya!"

"Ayun! Nando'n sila!"

Sabay kaming napalingon sa sumigaw. I took a deep breath before I dragged her. Kabisado ko na ang buong building dahil napag-aralan ko na 'to bago pa ako nagpunta dito. Kaya naman mabilis lang kaming nakalabas.

"Aray ko! Ang init!" pagrereklamo niya pero hindi ko siya pinansin.

We ran towards my car and I slid inside. She was about to open the door on the front seat but I locked it already.

Hindi porke't tinulungan niya akong makatakas sa mga tauhan ni Oliver ay tutulungan ko na rin siya. I will never help an enemy. Alam ko namang palabas niya lang 'yong kanina.

She's acting like she cares about my safety but the truth is, she just want to save herself.

"Seriously? Iiwan mo ako dito?" hindi makapaniwalang tanong niya nang buksan ko ang bintana.

I gave her a blank look. "I won't let a criminal inside my car. Bahala ka nang tumakas sa kanila."

Kung hindi siya nangialam, hindi sana nasira ang plano ko. Mas lalo ko lang napapatunayan na talagang magkasabwat sila.

Mukhang kailangan ko nang matapos ang misyon namin para masiguro kong mapapabagsak ko na talaga siya. Iyon na lang ang tanging paraan.

Tita Merlinda called me earlier. Gusto niya raw akong makausap kaya pinuntahan ko siya sa bahay nila.

"Babalik na po kayo sa Zambales?" tanong ko.

Tumango siya. "Oo, Andriuz. Tutal, doon naman nakalibing si Melanie, mas mabuting bumalik na rin kami doon."

"Pero 'di ba po, kailangan ninyong tubusin ang bahay? Tutulungan ko po kayong i-settle ang pagbabalik ninyo sa bahay na 'yon."

"Salamat, iho. P'wede kang bumisita doon anumang oras. Palaging bukas ang bahay namin para sa 'yo. Kung ma-mi-miss mo si Melanie, p'wedeng-p'wede kang dumalaw."

I looked away. Until now, it still hurts me to think that she's gone. Iniisip ko na nga lang na nasa malayong lugar lang siya para makayanan ko ang bawat araw na wala siya.

As what I have said, I helped them settle the bills for their house. Ilang araw pagkatapos nilang makabalik sa Zambales ay sumunod din ako kaagad.

Ipinarada ko ang sasakyan ko hindi kalayuan sa bahay nila Tita Merlinda. Hindi pa ako nakakalapit ay naririnig ko na ang boses ng mga nagtatalo. Binilisan ko ang paglalakad dahil baka nasa panganib ang pamilya ni Melanie.

Naabutan ko ang mga lalaking may bitbit na mga kahoy. Based on their looks, they're here to threaten them.

"Kailangan na nilang umalis agad dahil hindi naman sila nagbayad ng pantubos sa bahay na 'to," sabi ng isang lalaki.

"Hindi totoo 'yan. Nagbigay kami ng kalahati sa inyo at sinabi naming sa susunod na linggo na ang kalahati," sagot ni Tita Merlinda.

Lalapit na sana ako nang marinig ko na naman ang boses na ayaw kong marinig. Hanggang dito ba naman sa Zambales makikita ko siya? Talagang nananadya ang babaeng 'to.

She crossed her arms while staring at the men in front of her. So, she's acting as a heroine now? Hindi man lang siya natakot na baka hampasin siya ng mga lalaking kaharap niya.

"'Yun naman pala. Bakit ba kayo nagmamadali? Hindi n'yo ba alam na puwede namin kayong idemanda?" matapang niyang tanong.

I scoffed. At kailan pa siya nagkaroon ng alam tungkol sa mga batas? Samantalang no'ng una kaming nagkita, wala man siyang kaalam-alam tungkol sa violation na nagawa niya.

"Sinong tinakot mo, Miss? Baka masaktan ka sa akin!" sigaw ng lalaki.

That's my cue to interfere. "Sa akin kayo masasaktan kapag hindi kayo tumigil sa pambabanta n'yo."

Naglakad ako papalapit at pumagitna sa kanila. Pinagmasdan ko ang mga mukha nila at hindi naman sila pamilyar sa akin.

"Sandali nga, hindi naman kayo ang kausap namin tungkol dito sa bahay. Sinong nag-utos sa inyo? Sinong nag-utos na paalisin sila dito?" tanong ko.

Sigurado akong may nag-utos sa kanila para pagbantaan sila Tita Merlinda. Nagkatinginan silang tatlo pagkatapos ay bigla silang tumakbo.

"Hoy!" Hahabulin ko pa sana sila pero pinigilan ako ni Tita Merlinda.

"Huwag na, Andriuz. Baka mapahamak ka."

Bumuntonghininga ako. "Sigurado akong may nag-utos sa kanila na gipitin kayo. Sa susunod na mangyari 'yon, tumawag po kaagad kayo ng pulis."

"Oo na. Mabuti na lang din at dumating si Caelan. Teka, nasaan na ba siya? Bigla siyang umalis. Andriuz, hanapin mo siya at magpasalamat ka sa ginawa niya."

"Bakit ko gagawin 'yon? Alam n'yo bang posibleng siya ang nakabangga kay Melanie?" hindi ko mapigilang sabihin.

Huminga siya nang malalim. "Andriuz, masamang mag-isip nang masama sa kapwa. Kaya sige na, hanapin mo na siya."

As much as I don't want to talk to Caelan, I don't have a choice. Mas'yadong mapilit si Tita Merlinda at hindi ko siya magawang tanggihan.

Hinanap ko kung saan nagpunta ang babaeng 'yon at nakita ko siya sa may lumang cottage. She's talking to someone on her phone. At mukhang hindi maganda ang pinag-uusapan nila dahil nakakunot nang husto ang noo niya.

"'Yang asawa mo, hindi ba talaga niya titigilan ang pamilya ni Melanie! Pati ba naman dito sa Zambales, manggugulo sila?"

Napahinto ako sa paglapit nang marinig ang sinabi niya. Sinasabi ko na nga ba. May kinalaman na naman sila sa mga lalaking nagpunta sa bahay nila Tita Merlinda.

Gusto pa naman sanang magpasalamat ni Tita Merlinda dahil sa pagtulong niya pero kasabwat din pala siya. Ano pa bang aasahan ko sa masamang taong katulad niya?

"Oo! Dahil kitang-kita ko ang tattoo ng tauhan niya! Sabihin mo sa kaniya, kapag hindi pa rin siya tumigil, aaminin ko ang totoo at wala na akong pakialam sa mga pambabanta niya!"

Pinatay niya ang tawag at bumuntonghininga. 'Tsaka lang ako tuluyang lumapit. Mukha siyang gulat na gulat nang makita ako. Tingnan natin kung anong kasinungalingan na naman ba ang sasabihin niya.

"So, pakana na naman pala ito ng step-dad mo," seryosong sambit ko.

Her face went pale and she gulped. She glanced behind her before she looked back at me.

"Ano ba talagang gusto n'yong mangyari, ha? Sumunod ka pa talaga dito sa Zambales para guluhin ang buhay ng pamilya ni Melanie! At pati buhay ko ginugulo mo na rin!"

Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong nagalit. I want her to tell me the truth! I want her to finally confess her crime! Gusto kong paniwalaan si Tita Merlinda na mabuting tao siya pero siya mismo ang nagpapatunay na masama talaga siya.

"Hindi ba puwedeng mawala ka na lang! Nabuhay ka lang ba para guluhin ang buhay ng iba!"

She sobbed. "Tama na...please."

"Tama na? Matapos mong sirain ang buhay ko, ang kapal ng mukha mong patigilin ako!"

Umiling siya at muling napalingon sa likuran kung nasaan ang dagat. She's trembling in fear.

"Nanginginig ka sa takot. Natatakot din pala ang mamamatay-taong katulad mo. Bakit? Hindi ka marunong lumangoy?"

Napagtanto kong tama ang hinala ko nang kumapit siya sa braso ko. She held to my arm like her life is dependent on me. She looked so scared. Pero alam ko ang totoo. Umaarte na naman siya para hindi ko siya maipit sa mga tanong ko.

Let's see kung hindi ka talaga marunong lumangoy, Caelan. Tingnan natin kung mapaninindigan mo ang pagpapanggap mo.

Tinanggal ko ang pagkapit niya sa braso ko at biglang gumuho ang sahig ng cottage kaya nahulog siya. Hindi naman gaanong malalim sa parteng hinulugan niya at madali ko lang malalaman kung nagpapanggap lang siya.

"Tu...long!"

I left her there. I know that she's going to stop pretending as soon as I leave. But she didn't. She's really struggling to get out of the water.

"Love, I don't know how to swim. Takot ako sa malalim na tubig. Huwag mo 'kong bibitiwan, ha?"

My forehead creased when I suddenly remembered what Melanie told me before. Hindi ko alam kung bakit bigla ko siyang naalala habang pinapanood kong nalulunod si Caelan.

Is it her way of telling me that I should help that woman?

Muli akong napatingin sa dagat at hindi ko na siya makita. Bigla akong natakot pero agad din akong nakahinga nang maluwag dahil may tumulong na pala sa kan'ya.

She glanced at me as soon as she got out of the water. She's lucky that someone helped her. She's lucky that she's still alive. Hindi katulad ni Melanie na hindi na ulit mabubuhay dahil sa kaniya.

Bumalik ako sa bahay ni Tita Merlinda at naabutan ko siyang naghahanda ng pagkain. She immediately smiled when she saw me.

"Ano, Andriuz? Nakausap mo ba si Caelan?" tanong niya.

"Hindi ko po nasabi ang pinapasabi n'yo. She doesn't deserve your kindness, tita."

Huminga nang malalim si tita bago ako pinaupo sa harap ng hapagkainan. Naupo naman siya sa katapat kong upuan.

"Andriuz, lahat ng tao karapat-dapat na makatanggap ng kabaitan mula sa iba. Kahit pa ang pinakamasamang tao sa mundo."

I stared at her. Sa kaniya talaga nagmana si Melanie sa sobrang kabaitan.

"I heard her talking to someone on the phone. May kinalaman ang pamilya niya sa mga lalaking nagpunta dito kanina," pag-amin ko. "Masamang tao siya, Tita Merlinda. Kinukuha niya lang ang loob mo para hindi na tayo magsampa ng kaso laban sa kan'ya."

"Tama na, Andriuz. Hindi mo siya kailangang kamuhian. Nararamdaman kong mabuti siyang tao. At kung...siya nga ang nakabangga kay Melanie, alam kong pinagsisisihan niya na ang nagawa niya."

Nagtangis ang bagang ko habang pinakikinggan ang sinasabi ni Tita Merlinda. Mabuting tao pa rin ang tingin niya kay Caelan  kahit na nawala si Melanie nang dahil sa kan'ya.

"Hindi siya nagsisisi. Kung talagang nagsisisi siya sa nagawa niya, bakit hindi pa rin siya sumuko sa mga pulis? Bakit pinagtatakpan niya pa rin ang kasalanan niya?" mariing tanong ko.

"Dahil natatakot siya. Nakita ko kung gaano siya katakot at kalungkot noong nagpunta siya sa burol ni Melanie. Sino bang tao ang gustong makapatay? Kahit pa kaaway mo ang isang tao, hindi mo pa rin siya kayang makitang mamatay sa harap mo, hindi ba?"

Hindi ako sumagot. Hindi pa rin magbabago ang isip ko. Kahit  marami pa silang magsabi sa akin na mabuting tao si Caelan, hindi ako maniniwala.

For me, she's fake. Ang lahat ng ipinapakita niya ay walang katotohanan.

"Hindi lang ikaw ang nawalan. Pati ako, Andriuz. Nawalan ako ng kaisa-isang anak kaya kumpara sa 'yo, mas nasasaktan ako. At ayaw ko nang pabigatin pa lalo ang puso ko sa pagtatanim ng galit sa iba. Tanggapin na lang natin na wala na si Melanie. Mag-move on ka na, Andriuz."

Kung gano'n lang 'yon kadali, matagal ko na sanang ginawa. Kung gano'n lang kasimpleng kalimutan si Melanie at tanggapin na wala na siya, hindi ko na sana nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

It's hard to forget about her. Damn, it's even hard to accept that I would never see her again. Hanggang ngayon hinahanap-hanap ko pa rin siya. Umaasa pa rin akong panaginip lang ang lahat. Umaasa akong buhay pa si Melanie at ikakasal kaming dalawa.

"I'm sorry, tita. But I can't. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Melanie," sabi ko bago tumayo.

"Sa tingin mo ba, matutuwa si Melanie na nagkakagan'yan ka?" Napahinto ako sa paglalakad nang itanong niya 'yon. "Ayaw ni Melanie nang nagagalit tayo sa iba. Ayaw niyang nagtatanim tayo ng sama ng loob. Mas gugustuhin niyang bumalik ka sa dati at ipagpatuloy mo ang buhay mo."

I know. I know that Melanie doesn't want me to be like this. But this is the only way I know to ease the pain. Mababawasan lang ang sakit na nararamdaman ko kapag nabigyan ko siya ng hustisya.

"Alam kong na-g-guilty ka sa pagkamatay ng anak ko, Andriuz."

This time, I turned to look at her. She smiled at me faintly.

"Nakokonsensya ka dahil iniwan mo siya no'ng gabing 'yon at inuna mo ang trabaho mo. Kaya mo ginagawa 'to dahil gusto mong mabawasan ang guilt na nararamdaman mo."

I hate to admit it but she's right. I really feel guilty. Sinisisi ko rin ang sarili ko. Kung hindi ako umalis nang gabing 'yon, baka buhay pa sana si Melanie ngayon. Baka hindi siya naaksidente.

Lumapit sa akin si Tita Merlinda at hinaplos ang pisngi ko. I could feel my tears falling from my eyes.

"Hindi galit sa 'yo si Melanie, kung 'yon ang iniisip mo. Dahil hindi niya kayang magalit. Kaya tama na, Andriuz. Huwag mong pahirapan ang sarili mo."

I clenched my jaw to stop myself from sobbing. But I can't do anything to stop my tears from falling. Niyakap ako ni Tita Merlinda.

"P'wede kang umiyak hangga't gusto mo at dadamayan kita. Alam kong napakahirap pero kakayanin nating tanggapin ang nangyari. Hindi man ngayon, pero darating din ang araw na magagawa natin 'yon," bulong niya.

Honestly, I don't know if I could ever accept the fact that Melanie's gone. Habambuhay yata akong masasaktan sa tuwing iisipin kong wala na siya.

The cold breeze brushed on to my skin as I watched waves moving together with the wind. The peacefulness of the ocean calms my mind. But it doesn't change the fact that my heart was torn in pieces now.

Wala kaming alaala ni Melanie sa dagat. Dahil takot siya sa tubig kahit na dito siya lumaki sa tabi ng dalampasigan. At dahil takot siya, hindi ko siya pinilit na magpunta kami sa beach.

I sighed.

I missed you, Melanie. I missed you so much. Kailan mo ba ako gigisingin mula sa bangungot na 'to? Kailan ka ba babalik sa akin?

"Tulong! Tulungan n'yo kami!"

Napaligon ko ang lalaking sumisigaw at namukhaan ko siya kaagad. Siya 'yong tumulong kay Caelan kanina. Bakas ang takot sa mukha niya at natataranta rin siya. Nang makita ako ay kaagad siyang lumapit sa akin.

"Kuya, tulungan mo ang kaibigan ko, please! Inaapoy siya ng lagnat at kailangan namin siyang dalhin sa hospital," pagkamakaawa niya. "Pakiusap. Kailangang madala si Caelan sa hospital. Baka may mangyaring masama sa kan'ya."

I didn't move. I promised to myself that I will give justice to Melanie so why would I help her?

"Sa iba ka na lang magpatulong—"

"Bakit? Nandiyan ka na kaya bakit hindi mo na kami tulungan? Kapag may nangyaring masama sa kan'ya, kakayanin ba ng konsensya mo?" pasigaw na tanong niya sa akin.

I clenched my fist then I glanced to their house. Hindi ko siya gustong tulungan pero ayaw ko namang sisihin ako ng lalaking 'to kapag may nangyaring masama kay Caelan.

"Fine, I'll help you."

"Salamat. Sabi ko na, may konsensya ka pa rin. Halika na!"

Bumuntonghininga ako bago sumunod sa kan'ya. Pumasok kami sa loob ng bahay nila at naririnig ko na kaagad ang sigaw ng isang matanda. Nasa loob sila ng k'warto kaya doon din ako nagpunta.

"Lola, tumawag na po ako ng tulong. Nandito po siya. Dalhin natin siya sa ospital," sabi ng lalaking kasama ko.

Nakita ko ang matanda na nakaupo sa gilid ng kama. I glanced at the woman laying on the bed. She's shivering while mumbling something that I couldn't understand.

"Pakiusap, dalhin natin sa ospital ang apo ko. Sobrang taas ng lagnat niya," sambit ng matanda.

I guess, she's here grandmother. Ibig sabihin, hindi talaga sila Tita Merlinda ang ipinunta niya dito dahil dito rin pala nakatira ang lola niya.

Lumapit ako sa kan'ya at kinapa ang noo niya. Halos mapaso ako sa sobrang init ng balat niya. Patuloy pa rin siya sa panginginig kahit hindi naman mas'yadong malamig dito.

Without a second thought, I carefully carried her in my arms. She immediately snuggled to my body then she stopped moving. Mukhang nakatulog na siya kaagad.

I stared at her sleeping face. Sobrang maputla na siya pero kahit na gano'n, mukha pa rin talaga siyang anghel. Kaya maraming naloloko sa inosente niyang mukha. Marami na siyang nabiktima at sisiguraduhin kong hindi ako magpapaloko sa kan'ya.

Dinala ko siya sa kotse at pinasakay ko na rin ang lola at kaibigan niya. I drove them to the nearest hospital. Agad naman siyang idiniretso sa emergency room.

"Kayo po ba ang pamilya ng pasiyente?" tanong ng nurse.

Tumango naman ang matanda. "Ako ang lola niya. Pakiusap, pagalingin ninyo ang apo ko."

"Kami na po ang bahala sa apo ninyo. Dito lang po muna kayo  maghintay," sagot ng nurse bago pumasok sa emergency room.

"Lola, maupo ka muna. Sandali lang, ikukuha kita ng tubig," sabi ng lalaki sa matanda bago siya lumapit sa akin. "Kuya, salamat sa pagtulong sa amin. P'wede bang pakibantayan muna si lola? Bibili lang ako ng tubig."

Hindi pa ako nakakapayag pero tumakbo na siya paalis. Bumuntonghininga ako bago nilingon ang matanda.

Kung lola talaga siya ni Caelan, bakit doon siya nakatira sa Zambales? Mayaman naman ang pamilya ng babaeng 'yon kaya bakit pinapabayaan niya ang lola niya sa probinsya?

Napatingin sa akin ang matanda at napangiti. "Iho, salamat sa pagdala dito sa apo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Matagal na kasi mula nang huli siyang magkasakit. Siguro dahil muntik na siyang malunod kaya bigla siyang inapoy ng lagnat."

Napakunot ang noo ko dahil doon. "Ano pong ibig n'yong sabihin?"

Huminga siya nang malalim. "Si Caelan, nagkakasakit siya sa tuwing nalulunod siya. Naaawa ako sa apo ko. Palagi na lang siyang nahihirapan at nasasaktan."

Naikuyom ko ang kamao ko. Masuwerte ang babaeng 'yon dahil mayroon siyang mabuting lola. Ang malas nga lang ng lola niya dahil nagkaroon siya ng apo na katulad ni Caelan.

Pagkabalik ng lalaking kasama nila ay umalis na ako kaagad. Hindi na ako nagpaalam pa dahil kailangan ko nang bumalik. Nadala ko na sa hospital si Caelan kaya malinis na ang konsensya ko.

I helped an enemy even though I said that I will never do that. I'm such a fool.

"Agent Frowlan, nalaman namin na isa si Oliver Vicero sa mga sponsors ng party para sa mga sikat na personality dito sa bansa."

Napaisip ako sa sinabi ni Agent Alice. At bakit naman siya mag-s-sponsor ng party? Siguradong may ibang agenda ang party na 'yon.

"Prepare yourself, Agent Alice. Pupunta tayo sa party na 'yon," sabi ko.

She nodded. "Yes, Agent Frowlan."

We went to that party and because of connections, we successfully entered the venue. Nabilis kong nakita ang taong sinadya namin sa party na 'to.

"Agent Frowlan, nakapasok ka na ba?" rinig kong tanong ni Agent Alice mula sa earpiece.

"Yes. Nakita ko na rin ang target. Kasama niya ang pamilya niya."

Sa itsura nila, mukha naman silang masayang pamilya. At mukha ring parepareho lang sila ng ugali. Handang mangtapak ng ibang tao para umangat sila.

"Nandito ako malapit sa comfort room. Dito tayo magkita, Agent Frowlan."

"Copy. I'll just scan the place for a while," I said.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga bisita at wala naman akong nakitang kahinahala sa kanila. Mukhang social gathering nga lang talaga ang purpose ng party na 'to. Nang lumipas ang kalahating oras ay 'tsaka ako nagtungo kung nasaan si Agent Alice.

"Ano na namang kailangan mo?"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na 'yon. I stayed hidden in the dark while watching the scene in front of me.

"Relax, Caelan, hindi kita sasaktan. Kahit pa nalaman ko na nakikipagsabwatan ka sa abogadong 'yon."

"Stop bothering me. Hindi na ako matatakot sa mga pambabanta mo."

After saying those words, Caelan turned her back to walk away but her step-father grabbed her arm. He pushed her to the wall and I could almost feel how painful that is.

"Ayaw ko ng tinatalikuran na lang ako basta-basta. Gusto mo talagang nasasaktan, ano?"

"Let  me go."

He leaned closer to her. My forehead furrowed in confusion. Sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi lang away mag-ama ang nangyayari.

"Lumayo ka sa 'kin. May pocket knife ako dito at sasaksakin talaga kita kapag hindi ka lumayo."

Oliver whispered something to Caelan before he left. I could see the tension in Caelan's face but I remained to where I am. Iyon nga lang, mukhang nakita niya ako.

She looked so shock for a while that's why I approached her. Para siyang nahuling may ginagawang kasalanan.

Ngumisi ako. "Hindi ko inaasahan ang nakita ko. Malaking issue 'to sa katulad mong sikat na artista."

"Ano bang sinasabi mo?"

She's playing innocent again as always.

"Ano kayang mangyayari kapag nalaman nila na ang step-father mo ay gusto ka ring asawahin?"

She laughed sarcastically. "As far as I know, you're a lawyer and not a celebrity. You're not even an entrepreneur, so what are you doing here? Are you stalking me?"

"And why would I do that? The last thing I want to see is your face. Pero may mapakinabang din pala ang pagpunta ko, napatunayan ko lang naman na totoo ang mga balita tungkol sa 'yo. Kaya siguro nagkukumahog si Mr. Vicero na tulungan ka dahil patay na patay siya sa 'yo. You look innocent but deep inside, you're using your body to get what you—"

She slapped me. At doon ko na-realize na sumobra nga ako sa sinabi ko. Pero wala akong balak na bawiin 'yon.

"You have no right to insult me," she said, her voice is shaking. "Oo, galit ka sa akin pero wala kang karapatan na tapakan pati ang dignidad ko! Hindi mo ako kilala at hindi mo alam kung ano'ng mga pinagdaanan ko! Sinira ko ang buhay mo kaya gusto mong gumanti, 'di ba? Sige! Sirain mo din ang buhay ko. Kung may masisira ka pa."

Ramdam ko ang galit niya sa bawat salitang binigkas niya. Pero mas nagagalit ako. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin at kung ano bang dapat kong paniwalaan.

"Why don't you just tell the truth!" I shouted angrily. "Gano'n ba kahirap magsabi ng totoo?"

"The truth? Kahit sabihin ko ang totoo, Hindi ka maniniwala kasi hindi naman 'yon ang gusto mong marinig!"

"You're just making me angrier. Mas lalo ko lang gustong malaman ang katotohanan dahil pilit mong itinatago 'yon."

She nodded and smiled bitterly. "That's right. Dapat lang talaga manatili ang galit mo sa 'kin. Huwag mo hayaang mawala 'yan dahil ikaw din ang mapapahamak."

We didn't get any useful information from that party. Kung may transaksyon ngang naganap, malamang malinis na ginawa ni Oliver 'yon. Pero sa susunod, hindi ko na talaga hahayaang makalusot siya sa amin.

"AGENT Frowlan, nakapasok na sila sa mansyon kasama si Agent Logan. In ten seconds, all of the electrical power will shut down inside the mansion," Agent Alice reported on the other line.

I gazed around me. Hinintay kong mamatay ang ilaw sa buong mansyon bago ko sinenyasan ang iba na kumilos. This is a crucial mission to our organization. Nandito ang mga taong sumusuporta kay Oliver sa mga ilegal na transaksyon niya.

"We will move now," I said to Agent Alice.

Hinigpitan ko ang paghawak sa baril ko habang pinapakiramdaman ang paligid. Dahil importante ang party na 'to, maraming guards na nagbabantay sa paligid.

Habang naglalakad ay nakarinig na ako ng mga putok ng baril. Mas lalo akong naging alerto. Naalerto na ang mga tauhan ni Oliver kaya kumikilos na sila ngayon. Binilisan ko ang paglalakad nang may makabungguan ako.

"Aray ko!"

She looked at me and I recognized her immediately. What the hell is she doing here? Pati ba naman dito sa isla makikita ko ang pagmumukha niya?

"Andriuz?" she gasped. "Bakit ka nandito? Balak mo bang sugurin si Oliver?"

My forehead furrowed with what she said. So, she's here because she's with Oliver? Sa itsura niya, halatang nanggaling nga siya doon sa party.

Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil sa sunod-sunod na putok ng baril na narinig namin. Ikinasa ko ang baril ko nang matanaw ang mga tauhan ni Oliver.

"Ayun! Nando'n sila!"

Limang tao sila at lahat ay armado. Kung ako lang ang nandito, kayang-kaya ko silang labanan pero dahil may kasama ako, mas mabuting tumakbo na lang muna kami.

"Let's go!" I grabbed her arm and we both ran away from them.

Pumasok kami sa loob ng gubat at nagtago sa isang malaking puno. Hindi namin sila matatakasan dahil mabagal tumakbo ang babaeng 'to.

"Agent Frowlan, this is Agent Alice," I heard from my earpiece.

"I can hear you," I said.

"Are you okay, Agent Frowlan? Where are you? Hinahabol ka ba ng mga tauhan ni Oliver?"

"Kailangan ko ng back up. May kasama ako," sabi ko at sumulyap kay Caelan.

I caught her staring at me. Her eyes are full of curiosity but she remained silent. Alam kong naguguluhan siya sa nakikita niya at kahit magtanong siya, wala akong sasabihin sa kaniya.

Inilibot ko ang paningin sa buong gubat. Tahimik na ang paligid at tanging mabibigat na paghinga ng babaeng kasama ko ang naririnig ko. Pati paghinga nang tahimik, hindi niya magawa.

"Andriuz!" she shouted again then she pushed me down.

Agad kong nakita ang lalaking balak bumaril sa amin kaya inunahan ko na siya. I shot him to his chest.

Sa ganitong trabaho, buhay ang itinataya namin pero hindi ibig sabihin ay p'wede kaming basta na lang pumatay ng kalaban. But if the situation requires us to kill, we have to do it.

We ran again into the depth of the forest. Alam kong pagkalabas dito ay may daang bubungad sa amin at tama nga ako. At hindi lang 'yon, may sasakyan din akong nakita kaya doon kami dumiretso. Isa ito sa mga sasakyang inihanda ng team ko kung sakaling ganito nga ang mangyari.

"Get in!" I ordered.

Pagkasakay namin sa kotse ay pinaulanan na nila kami kaagad ng bala. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at pinaandar ko na 'to.

I tried to connect with my comrades through my earpiece while driving faster.

"We're being followed! Can you hear me? I need back up! Alice? Nandiyan ka pa ba? Fuck!"

No one answered. Looks like I got disconnected from them. Ngayon, kailangan kong makaisip ng paraan para matakasan ang mga humahabol sa amin.

I stepped on the gas while gripping on the steering wheel tightly. Then, I noticed something. Parang may problema itong sasakyan. At para makumpirma 'yon ay sinubukan kong tapakan ang preno pero hindi ito huminto.

Shit! Mukhang ginalaw na ng mga kalaban ang sasakyan na 'to. Damn it!

"Hindi ka na puwedeng magmaneho nang mabilis pero hindi gumegewang, ha?" reklamo ni Caelan nang gumewang ang sasakyan. "A-Anong problema?"

I don't know if I should tell her about it. Pero nagtanong siya kaya dapat lang na malaman niya.

Tumingin ako sa kan'ya.  "Walang preno."

"Ano?!" tanong niya at nagsimula na siyang mag-panic. "Gawan mo ng paraan! Mamamatay tayo kapag nahulog tayo sa bangin!"

"What am I supposed to do! Wala nang ibang paraan para matakasan sila kundi ang ihulog sa bangin ang kotse!" napipikong sagot ko.

Mukhang maling desisyon pala na sinabi ko sa kaniya 'yon. Dapat pala binagsak ko na lang kaagad sa bangin ang sasakyan bago pa siya makatutol.

Muli kaming pinaputukan ng mga humahabol sa amin kaya napayuko siya.

"Tubig ang babagsakan ng kotse kaya mabubuhay pa tayo," I assured her.

She didn't talk for awhile. Akala ko nga ay nakatulog na siya habang nakayuko. Nag-isip pa ako ng ibang paraan para pahintuin ang sasakyan pero wala na talaga.

"Sige na. Ihulog mo na sa bangin," biglang sabi niya.

Mukhang natauhan na rin siya. Mabuti naman at pumayag na rin siya sa plano ko. Pero kahit hindi siya pumayag, ihuhulog ko pa rin ang sasakyang 'to sa bangin.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at idiniretso ko na sa bangin ang sasakyan. Habang nasa loob ng kotse ay inihanda ko na ang sarili ko sa impact ng pagbagsak nito sa tubig. I held my breath the moment the car sinks in to the water.

Sinubukan kong buksan ang pinto pero nahirapan ako. Tuluyang napuno ng tubig ang loob ng sasakyan bago ko pa nagawang makalabas. Agad akong lumangoy paitaas para makakuha ng hangin.

Lalangoy na sana ako palayo nang mapansin kong wala si Caelan. Magkasama lang kami sa kotse kanina bago 'yon lumubog.

Hindi ba siya nakalabas? I suddenly remembered what happened in Zambales. Hindi siya marunong lumangoy. Ibig sabihin, nasa loob pa rin siya ng kotse hanggang ngayon.

Muli akong huminga nang malalim bago ako sumisid. Hindi siya p'wedeng malunod dito. Ako ang huli niyang kasama kaya kargo de konsensya ko siya.

Madilim sa ilalim ng tubig pero hindi ako tumigil sa pagsisid hanggang sa makita ko siya sa loob ng kotse. Binilisan ko ang paglangoy papalapit sa kan'ya.

I opened the car door and pulled her. Her eyes were closed already that made me panic.

"Caelan!" I shook her shoulder to wake her up but she didn't respond.

I checked her pulse and breathing but I didn't feel anything. Kahit anong paggising ang gawin ko sa kaniya ay hindi siya gumagalaw.

Fuck! She can't die here.

I pumped her chest for several times before I blew some air to her mouth. Ilang beses kong ginawa 'yon at habang tumatagal na hindi siya gumigising ay unti-unti na akong natatakot.

Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang bilis din ng tibok ng puso ko ngayon. Pero iisa lang ang sigurado ako, hindi ko papayagang mamatay siya dito.

"Huwag kang mamamatay, Caelan! Gumising ka!" sigaw ko.

Mayamaya lang ay bigla siyang gumalaw habang umuubo. Pabagsak akong nahiga sa buhangin sa sobrang pagod. Nakahinga ako nang maluwag dahil buhay siya. Parang natanggalan ako ng tinik sa dibdib.

I'm a fool. I'm really such a fool. I keep on saving the woman who killed my fiancee.

As soon as my breathing went back to normal, I stood up. Kailangan ko nang makaalis dito dahil paniguradong mayamaya lang ay nandito na ang mga tauhan ni Oliver.

Hindi pa ako nakakailang hakbang ay napansin ko na ang pagsunod sa akin ni Caelan. Napahinto lang siya nang nilingon ko siya.

"Bakit ka sumusunod?" tanong ko.

She glanced around and I could sense that she's nervous. Madilim na nga ang paligid pero may liwanag pa rin na nanggagaling sa buwan.

"P-Puwedeng sumama?" mahinang tanong niya.

I knew it. She will take advantage of my kindness to her. Dahil niligtas ko siya, iniisip niya na ngayong tutulungan ko pa siya.

"Bumalik ka na lang sa mansyon ni Oliver. For sure, they are looking for you already," I told her.

"P-Pero... hindi mo ba nakitang hinahabol din nila ako? Papatayin nila ako kapag nakita nila ako dito."

"At bakit ka na naman sasaktan ng tauhan ni Oliver? 'Di ba babae ka niya? Hindi ka niya papatayin."

Natahimik siya sa sinabi ko. Hindi man lang niya itinanggi ang mga 'yon. Ibig sabihin, totoong babae talaga siya ni Oliver. Mas lalo lang akong na-disappoint sa kan'ya. Alam kong masama talaga siya pero hindi ko aakalaing magagawa niyang makipagrelasyon sa asawa ng nanay niya.

She nodded. "Sige, mag-iingat ka."

Tumalikod siya at naglakad paalis. I watched her as she entered the forest without even thinking. Malakas ang loob niya pero mahina siyang mag-isip. P'wede siyang mapahamak sa loob ng gubat pero tumuloy pa rin siya.

I saved her from drowning but she's putting her life at risk again by going inside that forest. Ano ba talagang gusto niyang gawin sa buhay niya?

May dalawa akong pagpipilian. Ang una ay ang sundan siya sa loob at isama siya kung saan ako pupunta at ang pangalawa naman ay, iwanan ko na lang siya dito at kalimutan na lang na kasama ko siya.

Kapag iniwan ko siya at may nangyaring masama sa kaniya, konsensya ko pa rin 'yon.

I massaged the bridge of my nose then I followed her inside the forest. Sobrang dilim dito at mahihirapan akong hanapin siya.

While walking, I suddenly hear some strange noise coming from somewhere. It was followed by a scream. Nabosesan ko ang taong 'yon at nakita ko siya. Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko kaya hinila ko ang braso niya.

She screamed again and I had to cover her mouth to silence her. Nag-panic siya lalo dahil sa takot.

"Will you stop screaming?" I said that made her stop from moving.

I guess, she finally recognized me. She's breathing so hard and I wait for her to calm down.

"Sa ingay mo, hindi lang kalaban ang naalerto mo. Pati na rin ang mga hayop dito sa gubat." Binitawan ko na siya pagkatapos kong sabihin 'yon.

Naglakad na ako palabas ng gubat nang mapansin kong hindi siya nakasunod.

"Ano, tatayo ka na lang diyan?" tanong ko at hindi siya sumagot. "Ayaw mong sumama? Sige, iiwan na kita."

"W-Wait...sasama ako," natatarantang sabi niya.

May mga naninirahan sa kabilang parte ng isla kaya doon kami didiretso. Sila ang mga nanganganib na paalisin ni Oliver dahil gusto niyang patayuan ng resort itong isla.

We will never let that happen. That's why we have to finish this mission successfully and put Oliver into jail.

"Malayo pa ba?"

She bumped to my back when I suddenly stopped. I turned to look at her. Ngayon ko lang napagmasdan ang kabuuhan niya.

I can't believe she agreed to wear that for Oliver. Is she that desperate? Ano kayang kapalit ng pagsama niya sa step-father niya sa party na 'yon?

"Iangat mo nga 'yang damit mo," utos ko. Her brows knitted in confusion. When she realized what I said, she quickly turned around to fix her gown.

Hinintay ko siyang matapos sa ginagawa pero mas lalo niya lang nasira ang damit niya. Ano bang klaseng damit ang suot niya at napakadali namang masira?

"Ahm...ano kasi..."

I took a deep breath to calm myself. "Tsk tsk! Problema talaga ang dala mo palagi."

I removed my leather jacket and put it on her shoulders. I don't want her to walk in this forest half-naked.

"Isarado mo ang zipper at sumunod ka na sa akin," utos ko at iniwan na siya dahil nauubusan na talaga ako ng pasensiya.

Good thing that the silence of the night makes me calm a little bit. The cold night breeze is brushing to my skin as we continued walking to our destination. Mayamaya lang ay bigla siyang bumahing kaya nasira ang katahimikan ng paligid.

She really knows how to ruin my mood. Bawat kilos niya, naiinis ako. I hate everything about her.

Another minutes of walking have passed and we finally reached the other part of the island. I immediately went straight to my friend's house and knocked to her door.

"Frowlan? Anong nangyari?" tanong ni Minda pagkabukas niya ng pinto.

"Pasensiya ka na sa istorbo, Minda. Nagkaroon kasi ng aberya sa misyon kaya kailangan naming tumakas. Puwede bang dito muna kami magpalipas ng gabi?"

This is not the first time that I'm going to sleep here. Logan and I used to visit this island before. At dito kami madalas makitulog.

"Oo naman. Halika pumasok kayo," pagpayag niya.

Sumunod ako sa kan'ya papasok ng bahay nang makarinig kami ng bumagsak sa labas. I went outside only to see Caelan laying to the ground.

"Anong nangyari sa kan'ya, Frowlan?" nag-aalalang tanong ni Minda.

"Caelan?" I tried to wake her by tapping her cheeks. That's when I realized that she has a fever. Sobrang init ng balat niya, katulad noong nasa Zambales kami.

I quickly carried her and brought her inside the house. Agad namang inilatag ni Minda ang hihigaan ni Caelan.

"Dito mo siya ihiga," sabi ni Minda.

Nang mailapag ko si Caelan sa higaan ay agad siyang inasikaso ni Minda. Kinapa niya ang noo at leeg ni Caelan bago napailing.

"Sobrang taas naman ng lagnat niya. Ano bang nangyari sa inyo?" nagtatakang tanong niya.

Hindi ako sumagot. Bigla kong naalala ang sinabi ng lola niya noong nasa hospital kami. Nagkakasakit siya sa tuwing malulunod siya.

Siguro 'yon nga ang dahilan. Idagdag pa na sobrang layo ng nilakad namin papunta dito. Hindi kinaya ng katawan niya kaya siya nag-collapse.

I was about to say something but Minda suddenly opened Caelan's jacket. I quickly looked away.

"Minda, ano bang ginagawa mo?" mariing tanong ko.

"Tatanggalin ko ang damit niya dahil basa...Ay, sorry. Lumabas ka na muna para mabihisan ko siya. Ako na ang bahala sa kan'ya."

I released a heavy sigh before I went out of the room. Sinubukan kong maghanap ng gamot sa mga kabinet ni Minda pero wala naman akong nakita. Mukhang wala siyang stocks dito.

Napalingon ako nang marinig ang paglabas ni Minda mula sa k'warto. Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng bimpo at planggana.

"Sumunod ka, Frowlan," sabi niya kaya pumasok na rin ako sa k'warto. "Mataas talaga ang lagnat niya at wala nang mabibilhan ng gamot dahil gabi na. Kaya naman, punasan mo na lang muna ng bimpo ang mukha at braso niya."

Napakunot ang noo ko. "Ako ang gagawa?"

She glared at me. "Ayaw mo? Lagpas hatinggabi na at inaantok na ako. Alam mo namang bawal akong mapuyat."

I stared at Caelan's sleeping figure for a while before I nodded. We were already lucky that Minda let us stayed here tonight. Kaya hindi ko na siya pahihirapan sa pagbabantay sa babaeng 'to.

"Fine. Salamat, Minda. Magpahinga ka na."

Tinapik niya ang balikat ko. "Magiging maayos din ang lagay niya. Huwag kang mag-alala."

This time, it's my turn to glare at her. "I'm not worried about her."

Pero tumawa lang siya. "Frowlan, kung nakikita mo lang ang itsura mo ngayon, kahit ikaw hindi maniniwala sa sinasabi mo. Ayan o," itinuro niya ang noo ko. "May nakalagay sa noo mo 'nag-aalala ako'."

"Shut up, Minda."

She laughed again before she left. That woman really loves to make fun of me. Palibhasa, wala dito si Logan kaya ako lang ang inaasar niya.

I glanced at Caelan. I'm not really worried about her. I shouldn't even pity her.

But everytime, she's like this. Weak and helpless, I couldn't help but to think again. Inosente ba talaga siya? Kung inosente siya, bakit hindi niya sabihin ang totoong nangyari nang gabing 'yon?

Itinatago niya ba ang katotohanan dahil may pinoprotektahan siya? At sino? Si Oliver na naman ba?

Sa tuwing iniisip ko 'yon, bumabalik lang ang galit ko sa kaniya. Hindi niya dapat pinoprotektahan ang gano'ng klaseng tao.

I shut my eyes tightly as I stopped myself from thinking. It only make my head hurts.

Ginawa ko ang sinabi ni Minda. Pinunasan ko siya gamit ang basang bimpo para bumaba ang lagnat niya at para na rin makatulog na ako. Pagkatapos ko siyang punasan ay aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Huwag kang umalis..." bulong niya.

Is she talking to me? Nasagot ang katanungan ko nang magsalita siya ulit.

"Mommy, bumalik ka...M-mommy," she mumbled again.

Ilang taon na ba ang babaeng 'to? Hanggang sa panaginip, tinatawag niya ang mommy niya.

Hindi ko na sana siya papansin pero bigla siyang umiyak. Nag-umpisa na rin siyang manginig kaya naalerto ako. Mukhang binabangungot na siya. Paulit-ulit niyang tinatawag ang mommy niya na para bang iniwan siya nito.

"Caelan, you're having a nightmare. Caelan." I tried to wake her up but I failed.

She trembled even more while having a nightmare. Mukhang hindi sapat ang kumot para mawala ang panginginig niya.

I want to ignore her. I really want to. Pero sa itsura niya ngayon, pakiramdam ko, ako ang nahihirapan para sa kaniya. Bakit ba kasi napakahina ng babaeng 'to?

I took a deep breath and just do what I have to do. The blanket is not enough to warm her that's why I'm going to use our body heat. Sobrang taas pa rin ng lagnat niya kaya nilalamig pa rin siya hanggang ngayon. Ito lang ang tanging paraan para kumalma siya kahit papaano.

Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o nakapikit lang. Basta malapit ng magliwanag nang magmulat ako. Hindi ako kaagad gumalaw at pinakiramdaman ko ang paligid.

Nasa tabi ko pa rin si Caelan pero nakatalikod na siya sa akin. I was about to get up when she turned and faced me. She's still sleeping peacefully. Kakapain ko sana ang noo niya pero hindi ko na itinuloy.

Si Minda na ang bahala mag-check kung may sakit pa siya. Sobra ko na siyang tinulungan kahapon kaya hindi ko na gagawin ulit 'yon ngayon.

I went to the shore and watched the sunrise. The scenery is calming and breath-taking. I suddenly remembered Melanie. She loved the sunrise and the sunset. Hindi siya nagsasawang abangan ang pagsikat at paglubog ng araw. At hindi rin ako nagsasawang samahan siya.

Maliwanag na ang paligid at nag-uumpisa na ring magising ang mga tao. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang presensya ni Caelan.

"Bakit ka nandito?" seryosong tanong ko.

Mukhang magaling na siya dahil nagawa na niyang makatayo agad. Gano'n pa man, sobrang putla pa rin niya.

"Gusto ko lang...mag-thank you, sa pagliligtas mo sa 'kin."

"Hindi kita niligtas. Ayaw ko lang maging mamamatay tao."

I don't want to be a criminal. Kapag hindi ko siya tinulungan at hinayaan na lang siyang malunod, para ko na rin siyang pinatay. Para ko na ring ginaya ang ginawa niya kay Melanie. I hate her for that. And I will not do what she did.

"Pero kung sakaling namatay nga ako, matatanggap nilang aksidente ang nangyari dahil hinahabol tayo ng mga tauhan ni Oliver. Hindi nila ipipilit na ikaw ang may kasalanan kahit pa...Kahit pa, ikaw ang huling kasama ko."

"Gan'yan ba ang gusto mong isipin ko noong gabing nabangga mo si Melanie?" I asked her.

Umiling siya. "Gusto ko lang na maintindihan mo na may mga bagay na aksidenteng nangyayari. Nakakasakit tayo ng iba hindi dahil ginusto nating gawin 'yon, kundi dahil wala tayong kontrol sa lahat ng bagay. Noong nahulog ang sasakyan sa bangin, wala kang choice kundi gawin 'yon dahil walang preno ang sasakyan. Pero kung may preno 'yon, alam kong hindi mo pipiliing mahulog sa bangin."

I know what she's doing. She's trying to poison my mind.  Gusto niyang baguhin ang isip ko at paniwalain sa mga sinasabi niya.

I glared at her. "Huwag mo akong paikutin sa mga sinasabi mo."

"Noong gabing 'yon... kung alam ko lang na makakabangga ako ng inosenteng tao, hindi na sana ako nagmaneho. Hindi ko na sana niligtas ang sarili ko. Dahil sino bang may gustong makapanakit ng iba, Andriuz? At sino bang may gustong makapatay?"

Hindi ko alam. Pero kung hindi niya sinasadya ang bagay na 'yon, bakit kailangan niyang ipaako sa iba ang parusa? Bakit kailangang itago niya ang katotohanan? Dahil natatakot siyang masira ang image niya?

"Huwag mong ihalintulad ang ginawa mo sa ginawa ko, Caelan. Dahil ikaw, nagawa mong tumakas sa krimen mo. Dahil wala kang konsensya!"

"Kung tumakas ako, Andriuz, wala sana ako sa harapan mo ngayon. Hindi mo alam kung anong pakiramdam nang walang magawa dahil kahit anong desisyon ang piliin ko, makakasakit pa rin ako ng iba! Kung talagang tumakas ako, sana hindi ko nararanasan ang mga paghihiganti mo!"

"Kung totoong nagsisisi ka sa ginawa mo, sumuko ka na. Ipaubaya mo na sa batas ang lahat—"

"Hindi, Andriuz! Ikaw ang sumuko na dahil hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo! Hindi mo kakayaning labanan si Oliver at puwede ka niyang patayin. Kaya pakiusap, tumigil ka na!"

I laughed sarcastically. "You think I'm afraid to die? At iniisip mo bang paghihiganti ang dahilan kung bakit ako nagpunta sa mansyon niya? Mali ka, Caelan. Napakaraming dahilan para ipakulong si Oliver. Kaya huwag mo na siyang protektahan."

Napakaraming dahilan para mabulok si Oliver sa kulungan. Pero dahil sa mga katulad ni Caelan na pinagtatakpan si Oliver, nahihirapan kaming tapusin ang misyon. Lahat sila natatakot na labanan ang hayop na 'yon.

"Grabe, napakaganda niya talaga."

I crossed my arms while watching Caelan walked away from us. Halos hindi magawang alisin ni Logan ang paningin niya sa babaeng 'yon.

"Agent Logan, are you going to keep on staring at her?" I asked that made him look at me.

He suddenly chuckled. "Sorry, Agent Frowlan. Nakakagulat lang talaga na nakita ko sa personal ang Goddess of the Nation."

My brows furrowed. "Goddess of the Nation?"

"Seriously? Hindi mo alam kung sino ang babaeng isinama mo dito? She's Caelan, goddess of the nation. Bagay na bagay sa kaniya ang title niya kasi kahit walang makeup, lumiliwanag pa rin siya sa ganda."

He's overreacting. Caelan's beautiful but there are other women who are more beautiful than her.

"Halos lahat ng mga agent sa headquarters, kilala siya. Siguradong maiinggit sila kapag sinabi kong nakita si Caelan dito. Magpapa-picture nga ako mamaya—"

"No." I cut him off. "Gan'yan ba dapat umasta ang isang agent? Who knows, she might be a spy. Hindi ka dapat maging mabait  mas'yado sa kan'ya."

"I don't think so, Frowlan. I'm not saying this because I'm a fan of her but I know that she's innocent. Ito naman ang unang beses na nadawit siya sa issue ng step-father niya," paliwanag pa ni Logan.

Pati si Logan, iniisip na inosente ang babaeng 'yon. Napakadali naman nilang mapaikot. Sa sobrang paghanga nila, hindi na nila kayang tanggapin na may kasamaan din ang taong iniidolo nila.

"Let's stop talking about her. What did you find out?" I changed the topic.

"Wala pa akong balita sa mga kasamahan natin. Katulad mo, nagpalipas din ako ng gabi sa kabilang parte ng isla. Mamaya susubukan kong kontakin si Alice."

Tumango ako. "Do it faster. Kailangan nating malaman kung ilan sa mga kasamahan natin ang nasaktan."

"Yes, I'll do it. Aalis na ako. Babalik na lang ako mamaya dahil magpapa-autograph pa ako kay Caelan."

I glared at him but he already walked away. He really wants to get an autograph from that woman, huh?

Hindi na muna ako bumalik sa loob ng bahay at nilibot ko na muna ang buong nayon. Gusto kong tingnan ang lagay ng mga naninirahan dito. Alam kong nag-aalala sila na baka mapaalis sila anumang oras kaya kailangan kong siguruhin sa kanila na hindi mangyayari 'yon.

Later in the afternoon, I noticed that Caelan is not around. I thought that she's just roaming around the place but she's nowhere to be found.

"Frowlan." I turned around to see Logan. "Papunta na ang sundo natin sabi ni Alice. Nasa'n nga pala si Caelan? Isama na natin siya pagbalik."

I sighed. "I couldn't find her. Ikaw na lang ang humanap sa kan'ya."

"Bakit? Saan naman siya pupunta? Kabisado niya ba ang islang 'to?" sunod-sunod niyang tanong at napansin ko ang biglaang panlalaki ng mga mata niya. "Hindi kaya...bumalik siya sa kabilang isla?"

I didn't say anything. Why would she go back there? Siya na mismo ang nagsabi na delikado kapag nakita pa siya ni Oliver pero bakit pupunta pa siya do'n?

"It's your fault," I told him. "You asked her to find evidence for us, right? Kaya niya ginawa 'yon."

"Gano'n ba? Pero hindi ko naman alam na pupunta siya doon ngayon. Sobrang tapang pala ni Caelan. Hindi ko inaasahan 'yon," nakangising sagot niya.

"Agent Frowlan! Agent Logan!"

Sabay kaming napalingon sa tumawag sa amin. Natanaw ko kaagad si Agent Alice na papalapit sa amin. Mukhang dumating na ang sundo namin at kailangan na naming umalis.

She approached us, smiling. "I'm glad that you're both safe. Nand'yan na ang sundo ninyo. Sumama talaga ako dahil gusto kong masiguro na makakabalik kayo."

"Ang sweet mo naman, Agent Alice. You're the best!" Logan told her.

"You may go with her, Logan," I said that made them look at me.

"Huh? Hindi ka sasama, Agent Frowlan?" Agent Alice asked.

"Don't tell me, pupuntahan mo si Caelan sa kabila?" tanong naman ni Logan.

I need to fetch her. Pumunta siya doon dahil gusto niyang makatulong sa misyon namin. Pero hindi naman kailangan. Bawal siyang makialam sa trabahong kami dapat ang gumagawa.

"Hindi ka p'wedeng pumunta doon nang mag-isa. Sasama kami," sabi ni Alice.

Hinayaan ko silang sumama. Mas mabuti na rin 'yon para makauwi na kami kaagad.

Hindi ako natutuwa sa ginawa ni Caelan. Mas lalo niya lang ginugulo ang misyon namin. Akala niya gano'n kadaling makakuha ng ebidensya. Gano'n kalakas ang loob niya para pumasok ulit sa hawla ng masamang taong 'yon.

"Frowlan, 'di ba iniisip mong spy si Caelan? Kaya bakit susunduin mo pa siya?" tanong ni Logan habang nasa bangka kami patungo sa kabilang isla.

"You said she's not a spy, right?" I asked him back.

"Oo nga. Pero paano kung patibong 'to? Baka may nag-aabang sa atin sa kabila para tambangan tayo."

I didn't have time to answer him. Dumaong na sa tagong parte ng isla ang bangkang sinasakyan namin at bumaba ako kaagad. They were about to follow me when I signaled them to stop.

"Ako na lang ang pupunta. Wait for me here," I told them.

"Pero—"

"No buts, Agent Alice. Huwag kayong susunod sa akin hangga't wala akong sinasabi."

Pinasadahan ko ng tingin ang isla bago ako tuluyang naglakad patungo sa mansyon ni Oliver. I kept myself hidden from Oliver's men while looking for Caelan. It's not that hard to find her. Natanaw ko kaagad siyang nakatago sa likod ng isang puno habang sinisilip ang mga nagbabantay sa mansyon.

I immediately stopped her from doing anything stupid. If she get caught, for sure, Oliver won't let her go anymore.

As usual, she didn't agree to come with me at first, but then I made her realize how stupid her plan. Hindi madaling lokohin ang taong sanay gumawa ng krimen. At hindi rin naman magaling magsinungaling ang babaeng 'to.

"Kailangan na nating umalis. Huwag ka na ulit kikilos nang dahil lang sa misyon namin. Hindi mo kailangang gawin 'yon."

We walked back to where the boat is. Logan is already waiting for us. Pero paakyat palang ako sa bangka nang bigla niya akong itulak kaya muntik na akong matumba.

"What the hell is your problem?" I asked her.

Don't tell me, gumaganti siya dahil pinilit ko siyang sumama sa akin?

"Ang...bagal mo kasing...kumilos..."

My forehead creased in confusion when I heard her voice. Para siyang nahihirapang magsalita at napagtanto ko lang na may tama siya ng bala nang bigla siyang tumumba sa akin.

"Caelan? Caelan!" I shook her shoulders to wake her up. "May tama ka. Ano bang ginawa mo! Bakit mo ginawa 'yon! Caelan!"

"Frowlan, anong nangyayari? Shit! Dumudugo ang balikat niya," gulat na sabi ni Logan.

"Umalis na tayo! Kailangan nating dalhin sa hospital si Caelan! Bilisan n'yo!" sigaw ko at agad naman silang kumilos.

Yumuko kami habang pinapaulanan kami ng bala ng mga kalaban. Hindi na nila kami sinundan kaya nakalayo kami kaagad.

Caelan is still laying in my arms, unconcious. I tried to stop the bleeding of her wound. Lumapit sa akin si Alice at tinulungan akong gamutin si Caelan.

"I'm sorry, Agent Frowlan. Nagpabaya kami kaya hindi namin napansin agad na may sniper sa malayo," sabi ni Alice.

I sighed while staring to Caelan. I can't believe what she just did. Sinalo niya ang bala na para sa akin. Kahit alam niyang maaari niyang ikamatay 'yon.

You're so stupid, Caelan. Kung iniisip mong ipambayad ang buhay mo para mapatawad kita, nagkakamali ka. I don't need you to sacrifice your life. You don't have to protect me from your step-father.

"What happened to Caelan?" her manager asked the moment they arrived at the hospital.

Hindi ko alam kung sino ba ang dapat tawagan sa pamilya ni Caelan kaya naisip kong ang manager na lang niya. Alam ko namang mas madalas niya silang kasama kaysa sa mga magulang niya.

"Nabaril siya," tanging sagot ko.

His eyes widened and he almost fainted. Agad naman siyang inalalayan ng kasama niyang babae.

"Nabaril? Paano nangyari 'yon? Saan ba kayo nanggaling? Sabihin mo nga sa 'kin, ikaw ba ang dahilan kung bakit soya nabaril?" diretsahang tanong niya.

"Mario, kumalma ka muna," pag-awat naman ng kasama niya.

I took a deep breath before I nodded my head. "She caught the bullet for me."

"I knew it. Gagawin talaga ni Cae ang lahat. Kahit buhay niya...handa niyang isakripisyo. Why are you like that, Cae?" he muttered.

Hindi ako umalis kaagad. Hinintay kong matapos ang operasyon para masiguro kong ligtas siya. Mayamaya lang ay natapos na ang operasyon. Sinalubong kaagad ni Mario ang doktor na lumabas mula sa operating room.

"Doc, kumusta po si Caelan? Maayos naman ba ang operasyon?" tanong niya.

"Successful naming naalis ang bala sa likod niya. Maraming dugo ang nawala pero naagapan namin kaagad. Don't worry, she's safe now. Ililipat na siya sa k'warto niya at p'wede n'yo siyang bisitahin. I'll go ahead."

"Thank you, doc."

Pati ako ay nakahinga nang maluwag sa narinig. She's safe now. I don't need to worry anymore. She's alive and that's what important.

Just like what the doctor said, they brought Caelan to a private room. Agad na pumasok sa loob ng k'warto ang manager at assistant niya. I stayed outside for awhile before I decided to leave.

"I'm now convinced that she's not a spy, Andriuz."

I stared to Logan when he said that. Mula kanina, bukambibig na niya si Caelan at kung paano niya ako niligtas. Napailing na lang ako.

"What? Don't tell me, iniisip mo pa rin na kasabwat siya ng step-father niya?" gulat na tanong niya pero hindi ako sumagot. "Come on, Andriuz. Give her a chance. Can't you see that she's trying hard to prove you that she's a good person?"

I already know that. Sumasakit na ang ulo ko dahil paulit-ulit ko nang naririnig ang bagay na 'yan.

"Let's not talk about her," I said.

"Nasa hospital pa siya, 'di ba? Bakit hindi mo man lang siya bisitahin? Grabe ka talaga."

Hindi niya talaga ako titigilan sa pangongosensya niya. Kung kulitin niya ako para namang inutusan ko si Caelan na saluhin ang balang 'yon.

I don't have a choice but to visit Caelan. I was about to open the door on her room when I heard her manager's voice.

"Nakakainis talaga! Walang'yang post 'to! Sinabi ba namang kaya ka daw nasa ospital ay dahil buntis ka! Ito pang isa, ang sabi, hindi daw totoong may sakit ka at gusto mo lang daw magpasikat!"

"Hayaan mo na sila, Mario. Huwag mo nang patulan—"

"Hindi! Magpapatawag ako ng presscon ngayon din! Ipapakita ko ang lahat ng patunay na nasa ospital ka para mapahiya sila! Kainis!"

"Mario!"

Tumalikod ako at saktong lumabas ang manager ni Caelan. Mukhang problemado na siya sa mga nagpapakalat ng maling article tungkol kay Caelan.

I inhaled deeply before I opened the door.

"Oh, bakit ka bumalik? Sabi ko na hindi mo itutuloy."

I didn't answer. She's facing the window that's why she didn't know that it was me. Kahit nasaan siya, sobrang careless niya. Hindi man lang niya magawang lingunin kung sino ang dumating. Paano kung tauhan pala ako ni Oliver at binalak ko na siyang patayin? Tsk.

"Bakit hindi ka nagsasalita?" This time, she turned to face me. Her eyes widened the moment she recognized me. "A-Andriuz, anong ginagawa mo dito?"

Pinagmasdan ko siya. Nakasuot siya ng hospital dress pero hindi naman siya mukhang pasyente. Kung hindi ko lang alam na nabaril siya, iisipin ko ring nagpapanggap lang siyang may sakit.

"You really want to sacrifice your life, huh? You want my forgiveness, right?" I asked her. She looked away. So, she's going to ignore me now. "If you really want to pay for what you did, stay alive. Paano mo pagbabayaran ang kasalanan mo kung patay ka na?"

"Ikaw na rin ang nagsabi na nabuhay lang ako para manira ng buhay ng iba. At sana mawala na lang ako. Bakit nagbago yata ang isip mo?" mariing tanong niya.

I was wrong to say those words to her. Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil sa galit. Pero hindi naman talaga 'yon ang gusto kong mangyari. At mas lalong ayaw kong ako ang maging dahilan ng kamatayan niya.

"I said that because I was blinded with madness—"

"At ngayon hindi ka na galit?" She cut me off.

I laughed sarcastically. "Don't assume, Caelan. I'm still mad at you."

Hindi ko alam kung hanggang kailan ang galit ko o kung mawawala pa ba ang galit ko sa kaniya. Pero kahit papaano, marunong pa rin naman akong tumanaw ng utang na loob.

"But still, I want to thank you—"

"Hindi na kailangan. Hindi kita tinulungan kagaya ng sinabi mong hindi mo ako tinulungan. Isipin mo na lang na bayad ko 'to sa pagligtas mo sa akin noong nalunod ako. Interes pa lang 'to ng utang ko sa 'yo."

Here we go again. Ni hindi niya ako pinapatapos sa sinasabi ko. Wala akong nagawa kundi ang bumuntonghininga.

"Umalis ka na, baka maabutan ka pa nila Mario."

Hindi na ako nagsalita pa at iniwan ko na siya. Nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Nagpasalamat na rin ako kaya siguro naman hindi na ako kokonsenyahin ni Logan.

Days passed by like a blur and it's ready weekend. I decided to visit Tita Merlinda in Zambales. Everytime I miss Melanie, I will go to the place where she grew up. Pakiramdam ko kasi, nakakasama ko siya kapag nagpupunta ako sa Zambales.

"Kumain ka nang marami, Andriuz. Parang pumayat ka. Baka naman pinapabayaan mo ang sarili mo dahil sa trabaho?" nag-aalalang tanong ni Tita Merlinda.

I smiled at her. She treats me as her own son and I treat her as my second mother. Kahit wala na si Melanie, hindi pa rin nagbago ang pagturing ng pamilya nila sa akin.

"Ayos lang po ako, tita. Ang sarap po talaga ng luto n'yo," sambit ko.

"Bolero ka talaga. Hala sige, maiwan na muna kita dahil may inaayos pa akong gamit sa k'warto. Pagkatapos mo diyan, maglakad-lakad ka na muna sa labas."

Tumango ako. "Sige po."

Tinapos ko ang pagkain pagkatapos ay hinugasan ko na rin ang pinggan na ginamit ko bago ako lumabas ng bahay. Hindi mas'yadong mainit ang sikaw ng araw kaya magandang maglakad-lakad sa dalampasigan.

While walking I saw Caelan's grandmother. She's talking to another woman. At mukhang nagtatalo sila kaya bahagya akong lumapit.

"Naku naman, Aling Carla. Puro ka na lang pangako, kailan ka ba talaga magbabayad ng utang mo?"

"Sa susunod na linggo. Pasens'ya ka na talaga. Ipinambili ko kasi ng gamot ang pera ko," sagot ng matanda.

"Wala akong pakialam. Kapag hindi ka nakabayad kaagad, ipapa-baranggay kita. May kasulatan tayo sa utang mo."

Hindi ko na napigilan at nilapitan ko na sila. Agad silang napatingin sa akin.

"Mawalang galang na po. Magkano po ba ang utang ni Aling Carla sa inyo?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya bago ipinagkrus ang kan'yang braso.

"Limang libo."

Tumango ako bago kumuha ng pera sa wallet ko. Ibinigay ko sa kan'ya ang five thousand pagkatapos ay umalis na siya kaagad.

Anong klaseng apo ba ang Caelan na 'yon? Hindi man lang niya matulungan ang lola niya na may utang. Malaki ang kinikita niya sa trabaho niya pero hindi niya sinusustentuhan ang lola niya.

"Attorney Andriuz, hindi mo naman kailangang gawin 'yon pero salamat. Babayaran na lang kita."

Bahagya akong ngumiti. "Huwag n'yo na pong masiyadong isipin 'yon. Magbayad na lang kayo kapag kaya n'yo na."

"Lola! Aalis na po ba tayo?" tanong ng lalaking dumating. Ang alam ko, Robin ang pangalan niya.

"Saan po ba kayo pupunta?" tanong ko rin.

Ngumiti ang matanda. "Sa palengke."

"Samahan ko na po kayo."

Ginamit namin ang kotse ko papuntang palengke. Pero pagbalik namin ay nakita kami ni Caelan. As expected, she misunderstood everything. She thought that I was going to hurt her grandmother. Hindi naman gano'n kakitid ang utak ko para mandamay ng inosenteng tao.

"Wala pa akong ginagawa, Caelan. At hindi ako gagawa ng gano'ng kasamang bagay dahil lang sa paghihiganti. Ikaw ang may kasalanan, kaya ikaw ang magdurusa. Bigla tuloy akong na-curious, kung paano magiging miserable ang buhay mo sa oras na mawalan ka rin ng taong mahalaga sa 'yo."

"Andriuz."

I turned around and saw Tita Merlinda. She's staring at me seriously. Na para bang may nagawa akong kasalanan.

"Tita Merlinda."

"Mag-usap tayo," sabi niya bago umalis.

I followed her immediately. She stopped walking when we reached their house. Then she faced me.

"Ano bang nangyayari sa 'yo, Andriuz? Bakit mo nasabi 'yon kay Caelan? Mas'yado mo na siyang sinasaktan sa mga salita mo."

Nag-iwas ako ng tingin. "She deserves that. Iyon lang naman ang tanging paraan para makaganti ako sa kan'ya kahit papaano."

"Malala ka na talaga. Hindi ka na nakakapag-isip nang maayos. Kung patuloy kang magiging gan'yan, huwag ka na ulit pupunta dito."

Doon ako natauhan. I looked at her and saw how disappointed she was. I took a deep breath.

"Pasensiya na po, tita."

"Kung talagang nagsisisi ka sa nagawa mo, tigilan mo na si Caelan. Sobra na ang pananakit mo sa kan'ya. Tama na."

Am I being irrational? Sumobra na ba talaga ako? Pero gusto kong iparamdam sa kan'ya ang sakit na ibinigay niya sa amin.

Gusto kong patunayan sa kanila kung gaano kasama ang babaeng 'yon. Gusto kong ipakita ang masamang taong nagtatago sa likod ng maskara ng pagiging inosente.

Pero sa huli, napapaisip lang din ako kung talaga bang masamang tao ang nasa likod ng maskarang 'yon. O isa ring biktima na humihingi ng tulong.

"Andriuz, pakidaan naman ito kay Seb bago ka pumasok sa trabaho," sabi ni Aireen pagkababa ko ng hagdan.

"Aireen, pinilit mo na nga akong samahan ka dito sa bahay tapos ipapadaan mo pa 'yan sa akin? Bakit hindi ikaw ang magbigay?"

She pouted. "I have dysmenorrhea, Andriuz. Pinilit ko nga lang ang sarili ko na gawan ng lunch si Seb dahil baka hindi na naman siya kumain."

I just shook my head at her. She's stubborn but I admire how she loves Sebastian. May pagka-childish siya pero alam niya kung paano alagaan ang boyfriend niya.

And because I couldn't say no to her, I passed by to Sebastian's taping. But then, I saw him with Caelan. They were talking and laughing with each other.

"Ang sweet n'yo naman. Dito n'yo pa talaga napiling maglandian."

They looked at me. They don't look shock at all. Na para bang sanay na silang nahuhuling naghaharutan kung saan-saan.

"Andriuz, bakit ka napadaan?" tanong ni Sebastian.

I gave him the paper bag that I was holding.

"Ang sabi ni Aireen idaan ko raw 'to sa 'yo bago ako dumiretso sa opisina dahil baka hindi ka pa nagtatanghalian. My sister loves you. She's so thoughtful, right? Tapos pinagtataksilan mo pa siya sa ibang babae. Kung balak mo palang mambabae, hiwalayan mo na lang ang kapatid ko."

Sebastian looked confuse. "Hindi ko pinagtataksilan si Aireen. At mas lalong hindi ko babae si Caelan. Magkaibigan lang kami."

Magkaibigan? Sinong niloko nila? Bulag lang ang hindi makakapansin sa ginagawa nilang dalawa.

I smirked. "Yeah, maybe you only see her as a friend. Pero gano'n din ba si Caelan?"

Caelan gasped. "Excuse me? Sinasabi mo bang may gusto ako kay Sebastian?"

Mabilis naman pala siyang makaintindi.

"Who knows? Lahat naman kaya mong magustuhan basta ba mapapakinabangan mo," I told her.

Pumagitna sa amin si Sebastian. "Andriuz, tama na ang pang-iinsulto kay Caelan."

Nice. Mas'yado niyang ipinagtatanggol ang babaeng 'yan. Nakakapagduda. Hindi ko naman siya iniinsulto, nagsasabi lang ako ng totoo.

"Tama ka, kumakapit ako sa mga taong may pakinabang sa akin. At 'yung mga walang pakinabang, tinatapon ko," pagsang-ayon niya.

"Ano ba, dito n'yo ba napiling mag-away? Kung gusto n'yong magsakitan, doon kayo sa labas ng set."

"Aalis na ako. Wala na akong sasabihin," she said before she walked away.

Sebastian looked problematic when he looked back at me. I'm so disappointed with him. Noong burol ni Melanie, isinama niya ang babaeng 'yon kahit hindi naman namin siya kapamilya. At kahit alam niyang ang babaeng 'yon ang nakabangga kay Melanie.

"Andriuz, bakit ba inaaway mo pa rin si Cae? Mali naman ang lahat ng iniisip mo tungkol sa kan'ya."

I laughed sarcastically. "Seriously? Mas'yado kang concerned sa babaeng 'yon, ano bang namamagitan sa inyo? Wait...I don't care if there is something going on between you two. Pero sana naman, hiwalayan mo muna ang kapatid ko bago ka makipagrelasyon sa iba."

This time, it's his turn to laugh.

"I love Aireen. At hindi ako makikipagrelasyon sa iba lalo na kay Cae. Matagal na kaming magkaibigan kaya talagang ipagtatanggol ko siya. Dahil mas kilala ko siya kumpara sa ibang tao. If you get to know her more, the real her, malalaman mong mabuting tao siya."

Get to know her more? As if I want to do that. Sa mga ipinapakita niya palang, alam ko na kung anong klaseng babae siya. Hindi ko na siya kailangan pang kilalanin.

Pero mukhang ang tadhana mismo ang magpapakilala sa kan'ya sa akin. Kahit anong galit ko sa babaeng umiiyak ngayon, hindi ko mapigilang makaramdam ng awa.

She got shot yesterday but she didn't tell me. And because of that, I saw her vulnerable side today.

"Mukhang malakas ka sa itaas, Andriuz. Unti-unti ko nang nararanasang ang sakit ng mawalan. Masaya ka ba?"

I already asked myself that question so many times. Am I happy? Am I happy to see her suffering? And the only answer that comes to my mind is...I'm not. I'm not happy to see people suffering.

"I'm sorry...hindi ko naman sinasadyang mabangga si Melanie...pinagsisisihan ko 'yon. Kaya sana...sana huwag nang madamay sa kasalanan ko ang pamilya ko. Huwag mo nang hilingin na mapahamak sila, Andriuz! Kasi pinapakinggan ka ng langit at ako hindi... Kasi mabuti ka at ako ang masama."

She suddenly collapsed. Hindi pa maayos ang kondisyon niya dahil sa sugat niya kaya siguro bigla siyang hinimatay. At ako na naman ang sinisi ng manager niya.

"Tigilan mo na si Cae, pakiusap. Huwag mo na siyang pahirapan. Mas'yadong mabigat ang mga pinagdaraanan niya huwag mo nang dagdagan pa." That's what he said.

Pero hindi ako umalis. Hindi ako makaalis. My heart feels heavy whenever I tried to leave. I hate this feeling. The feeling of guilt.

Biglang dumating ang mommy niya at alam kong hindi maganda ang magiging pag-uusap nila. Lumabas si Mario mula sa loob habang nakayuko. Mas nagmukha siyang problemado ngayon.

Gusto kong marinig ang usapan nila kaya lumapit ako nang bahagya. Hindi man lang ako napansin ni Mario dahil nanatili siyang nakatitig sa sahig.

"Puwede kang ipapatay ni Oliver dahil sa katangahan mo, Caelan! Mapoprotektahan ka ba ng abogadong 'yon sa oras na patayin ka ni Oliver? Hindi! Kaya hangga't puwede pa, hihingi ka ng tawad kay Oliver at susundin mo kung anong gusto niya!"

They were talking about Oliver and me? Sa pamilya pa lang nila, nagkakagulo na sila. Mukha man silang perpektong pamilya, pero malayo 'yon sa katotohanan.

"Ako? Hihingi ng tawad? Hindi niya tatanggapin 'yon. He doesn't want my apology. He wants my body, mommy. Naiintindihan mo? Ilang beses niya na akong binalak na gahasain pero hindi ka naniniwala!"

Oliver, you're a fucking asshole. I will make sure to put you back in hell.

And that's what I did on the next few days. We worked hard to collect all informations about Oliver's illegal transactions. We didn't stop until the evidence is in our hands already.

"I'll put it on the safe. Dadalhin ko sa headquarters kapag na-check ko na isa-isa ang bawat files," sabi ko kay Logan.

"Okay. Let's just meet at the headquarters. Advance Merry Christmas."

I smirked. "Likewise, Logan."

I ended the call then I got back to work. I've been occupied these past weeks and I think, I deserve a break. Malapit na ang pasko kaya balak kong dalawin si Tita Merlinda sa Zambales.

Days before Christmas, Crystal gave birth. At dahil tinawagan ako ni kuya, kaya pumunta na ako kaagad sa hospital. Unang baby nila 'yon at siya rin ang una kong pamangkin. Nahirapang magdalang-tao si Crystal dahil may sakit siya sa puso. Mabuti na lang at nakaya niya nang ipagbuntis ang anak nila ngayon.

Pagdating sa hospital ay si Caelan ang sumalubong sa akin.

I'm so confused. What is she doing here?

"I'm so worried about you. Narinig ko ang usapan ni Oliver at ng tauhan niya. Akala ko...akala ko ikaw ang tinutukoy niya."

Bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Natakot talaga siya na baka sinaktan ako ni Oliver. She doesn't have to be worried though.

"That lady, I think, she likes you."

I glanced to my father. "You're wrong, dad. She doesn't like me."

That's impossible. Very unlikely to happen. Nakokonsensya lang siya dahil sa kasalanan niya sa akin kaya siya nag-aalala.

Yes, I still hate her. But I couldn't stop myself from being attracted to her. I don't know if she's doing this on purpose. She's acting like she doesn't know what she's doing but she really knows how to control others using her charms and beauty.

"Grabe, sino kayang pinuntahan ni Caelan sa BlueSky Condominium?"

"Baka may boyfriend siya doon."

"Oo nga. O baka ibang lalaki. Hindi ba marami nang na-li-link na male actors sa kan'ya? Ibang klase talaga kapag maganda, 'no?"

All of those are just rumors. I was her first last night. It means, hindi totoong marami siyang lalaki sa buhay niya.

I walked in front of them and they stopped talking. Secretary Hazel stood up and immediately followed me inside my office.

"Attorney, pinuntahan ka po ba ni Miss Caelan sa condo ninyo?"

My forehead creased with her question. "Why?"

"Nagpunta po kasi siya dito tapos tinanong niya ang address ninyo. May ibibigay daw po kasi siya. I guess, nagpunta po siya doon?"

I nodded. "Yes, she went there."

"Okay, sir. Wala po akong pagsasabihan."

I didn't have a chance to talk because she quickly went out of my office. I sighed. Alam kong may iba na siyang iniisip tungkol sa pagpunta ni Caelan sa condo ko pero may tiwala naman ako na hindi niya ipagkakalat 'yon.

I get my phone and called Logan. He answered after three rings.

"Hello, Agent Frowlan?"

"Set a meeting tomorrow with our team. Pag-uusapan na natin ang tungkol sa files na nakuha natin."

"I'll do it," he said then I ended the call already.

It was already 9pm when I decided to go home. Biglang umulan habang nasa biyahe  pa ako kaya bumigat ang traffic. Pagkauwi ko ay binuksan ko kaagad ang safe para kunin ang files. But when I opened it, the files is already missing.

Dito ko lang inilagay sa safe ang dokumento kaya bakit nawala? Wala naman akong naaalalang ibang pinaglagyan no'n.

My phone rings and it is an unregistered number. Sinagot ko pa rin ang tawag.

"Who's this?" I asked.

"Attorney Andriuz Frowlan Baltazar, pamilyar ba ang boses ko sa 'yo?"

I gripped on my phone tightly. "Oliver Vicero. Anong kailangan mo?"

"Magkita tayo. Sasabihin ko kung saan at kung anong oras. "

"At bakit naman kita susundin? Balak mo na ba akong ipapatay?"

Bigla siyang tumawa. My jaw clenched in anger.

"Nasa akin ang files na hinahanap mo. Kung gusto mo itong makuha, makipagkita ka sa akin bukas."

Pinatayan niya ako ng tawag at muntik ko nang ihagis ang cellphone ko. Nasa kan'ya ang files na hinahanap ko. Although, hindi ko naman talaga kailangan 'yon dahil may nakareserba akong kopya, nagtataka pa rin ako kung paano napunta sa kan'ya ang files.

Mahigpit ang security dito sa condo kaya nga dito ako kumuha ng unit. Hindi rin naman nasira ang lock sa pinto ko at mas lalong wala namang nagulo kahit isang gamit.

Natigilan ako nang may maalala. Si Caelan. Bigla na lang siyang umalis nang hindi nagpapaalam. Huli kong chineck ang file bago ako nagpunta sa Zambales. Ayaw kong isipin na baka siya nga ang gumawa pero hindi rin naman imposible 'yon.

"Dumating ka. Akala ko magmamatigas ka pa," sabi ni Oliver.

Nakipagkita siya sa akin sa isang maliit na building. Hindi ko alam na may pagmamay-ari rin siyang ganito. Wala namang ibang taong nandito at mukhang ginagamit niya lang 'to sa sikreto niyang trabaho. Katulad na lang ngayon.

Inilapag niya ang envelope sa mesa at sumandal sa upuan. Tiningnan ko lang 'yon.

"Hindi mo ako pinapunta para ibalik sa akin ang dokumentong magpapabagsak sa 'yo," sabi ko.

Humalakhak siya. "Tama ka. Hindi naman ako tanga para gawin 'yon. Pinapunta kita dahil may ibibigay talaga ako sa 'yo."

May kinuha siyang isa pang envelope kaya bahagya akong nagtaka. Ano na naman kaya binabalak ng taong 'to?

"Hindi ba, nabangga ni Caelan ang fiancee mo? Pero ang umako sa aksidente ay ang driver niya. Dahil umamin ang taong 'yon na siya ang nakabangga, bumaba ang naging sintensya sa kan'ya. Parang nabalewala tuloy ang kaso ng fiancee mo."

Ikinuyom ko ang kamao ko. "Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin."

Huminga siya nang malalim. "Si Caelan, tuso talaga siya. Pareho sila ng ina niya. Tinulungan ko sila at ibinigay ko ang lahat ng kailangan nila. Pero sa huli, gusto nila akong traydurin. Nagawa pang makipagsabwatan ni Caelan sa 'yo. Pero kahit na tinutulungan ka niya, nagawa ka rin niyang lokohin."

I gritted my teeth. I don't know if he's telling the truth or not. Hindi ako magtitiwala sa katulad niya. Alam kong binibilog niya lang ang ulo ko.

"Ano na naman bang kasinungalingan ang sinasabi mo, Oliver?" tanong ko.

Muli siyang natawa. "Hindi ka naniniwala? Iniisip mo ba na hindi ka magagawang traydurin ng babaeng 'yon? Ito na nga ang ebidensya." Isinenyas niya ang envelope. "Siya mismo ang inutusan kong kumuha niyan sa condo mo. Dahil may utang na loob siya sa akin sa pagtulong ko sa kan'ya noong mabangga niya ang fiancee mo."

"Nagsisinungaling ka," mariin kong sabi.

"Iniisip mong nagsisinungaling ako dahil hindi mo matanggap na nagawa ka niyang lokohin. Nagpadala ka sa pagpapaawa niya. Artista nga talaga siya."

"Manahimik ka!"

"Gusto mong makaganti sa kan'ya? Kunin mo ang envelope na 'yan. Nand'yan ang lahat ng ebidensyang magpapatunay na siya ang nakabangga sa fiancee mo. Ang ebidensyang matagal mo nang gustong mahanap. Nand'yan lahat."

"At ano namang kapalit? Tinatraydor mo rin siya ngayon kaya anong pinagkaiba ninyong dalawa?"

"At least hindi ako nagpapanggap na mabait. Gusto ko siyang magmakaawa sa akin para tulungan ko siya ulit. Tinuturuan ko lang siya ng leksyon."

Hindi na ako kumibo. Kinuha ko ang envelope pagkatapos ay umalis na ako. Padabog akong sumakay sa kotse at pinaharurot 'yon.

Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Hawak ko na ang ebidensyang makapagpapatunay na si Caelan nga ang nakapatay kay Melanie. Pero hindi ko naman 'to magawang buksan. Lahat ng taong nasa paligid ko, sinasabing mabuting tao siya at aksidente lang ang nangyari.

Pero kailangan ko pa ring malaman ang totoong nangyari nang gabing 'yon.

I opened the envelope and scanned the pictures inside. May petsa ang bawat pictures. Kuha nga ito nang gabing maaksidente si Melanie. May flashdrive din sa loob ng envelope kaya kinuha ko ang laptop ko para tingnan ang laman no'n.

There is only one file inside the flashdrive. It is a CCTV footage. I played the video and I immediately saw Melanie. I paused it just to stare at her for a while.

I missed her. I missed her a lot.

Ikinalma ko muna ang sarili ko bago ko itinuloy ang video. Mahigpit na nakakuyom ang kamao ko hanggang sa dulo ng footage. Kitang-kita na malayo pa lang ang sasakyan ay pagewang-gewang na ito bago pa mabangga si Melanie.

Bumaba mula sa sasakyan si Caelan. Tama nga talaga ako. Ang babaeng 'yon ang nagmamaneho ng sasakyan. Mukhang wala siya sa sarili dahil hindi siya makapaglakad nang diretso. At nang lapitan niya si Melanie, bigla na lang siyang bumagsak.

Wala pang sampung minuto ay may humintong sasakyan at bumaba naman doon ang manager at driver ni Caelan. Isinakay nila si Caelan sa kotse at ang driver niya ang pumalit hanggang sa dumating na ang mga pulis at ambulansya.

Gano'n pala ang nangyari. Gano'n nila pinagtakpan ang krimen ni Caelan.

Sumasakit na ang ulo ko. Siguro nga desisyon ng manager ni Caelan na pagtakpan siya. At dahil ayaw ding masira ng mommy at step-father niya, itinago na rin nila ang lahat ng ebidensya.

Iniligpit ko ang lahat ng ibinigay sa akin ni Oliver bago ako nagtungo sa k'warto para magpahinga. Sobrang bigat na talaga ng pakiramdam ko.

Nakatulog ako at nagising lang nang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko 'yon nang makitang si Logana ng tumatawag.

"Agent Frowlan, tuloy ba ang meeting natin mamaya?"

My head is throbbing in pain right now. Nahihilo rin ako at daig ko pa ang may hangover.

"Ituloy ninyo. Hindi ako makakarating. May sakit ako," sabi ko.

"Ha? Kami lang? Pero sige, nandito naman si Commander kaya ayos lang. Magpahinga ka."

Pinatay ko na kaagad ang tawag bago ako natulog ulit. Tatlong araw akong nagkasakit kaya tatlong araw din akong hindi lumabas ng bahay. Lahat ng trabaho ko ay hindi ko nagalaw dahil hindi ko talaga kaya. Mukhang trangkaso ang tumama sa akin.

Nag-file ako ng sick leave at apat na araw akong hindi pumasok sa law firm. Ngayong araw na ako babalik dahil magaling na ako.

"Welcome back, Attorney Andriuz. Magaling na po ba talaga kayo?" tanong ni Hazel.

I nodded. "Yes, thanks for your concern. Pakipasok na lang sa office ko ang mga naiwan kong trabaho."

"Sige po. By the way, attorney, nasa loob po si Mrs. Vicero para makausap kayo. Kanina pa po siya naghihintay."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumango ako ulit at pumasok na sa loob ng office ko. Tama nga siya, naghihintay sa akin ang ina ni Caelan. Agad siyang tumayo nang makita ako.

"What brings you here, Mrs. Vicero?" I asked her before I sat on my swivel chair.

"Sabihin mo, ibinigay ba talaga sa 'yo ng asawa ko ang mga ebidensya?" diretsahang tanong niya.

I raised my brows before I sighed. "Yes. Nandito ka ba para bawiin 'yon?"

"Hindi. Pero gusto ko lang sabihin na kulang ang nakalagay sa ebidensyang 'yon. Hindi naman nakadetalye doon ang buong nangyari."

"Ano ba ang buong nangyari? P'wede mo bang sabihin?"

Sa itsura niya ngayon, mukhang gagawin niya ang lahat para manatiling inosente ang anak niya. Pero dapat kay Oliver siya nakikipagnegosasyon at hindi sa akin.

"Nang gabing 'yon...tinurukan ni Oliver ng drugs si Caelan."

Natigilan ako sa narinig. Tinitigan ko siya para malaman kung nagsisinungaling ba siya o hindi pero seryoso naman ang mukha niya.

"Gusto niyang...." Napalunok siya na parang nahihirapan siyang ituloy ang sinasabi niya. "Gusto niyang makuha ang anak ko kaya naisip niyang turukan siya ng drugs. Pero nakatakas si Caelan. Kahit nahihilo at nanghihina na siya, nagmaneho pa rin siya para makatakas sa mga tauhan ni Oliver. Kaya niya, aksidenteng nabangga ang fiancee mo."

"At bakit naman ako maniniwala sa sinasabi mo?" tanong ko.

Bumuntonghininga siya. "Hindi kita pipiliting maniwala. Naisip ko lang na magiging unfair para kay Caelan na maparusahan siya sa kasalanang hindi naman niya sinasadyang gawin. At kung sasabihin mo sa akin ngayon na sana isinuko na namin siya noon, aaminin ko...natatakot akong masira ang pangalan ko."

Ngumisi ako. "Natatakot kang masira ang pangalan mo? Pero nagpakasal ka sa taong mas masama pa sa demonyo?"

"Tama ka. Nabigo din akong maging ina sa anak ko. Pero hindi ko rin naman siya hahayaang mapahamak. Dahil anak ko siya."

Days passed by like a blur. I didn't bother opening that envelope again. Naging malinaw sa akin ang lahat ng nangyari.

Si Caelan, biktima lang din siya ni Oliver. Ginawa niya ang lahat ng magagawa niya para matakasan ang taong 'yon pero dahil doon, namatay si Melanie. Kung tutuusin, kasalanan 'to lahat ni Oliver. Siya ang dapat na managot at maparusahan.

Naplano na namin ang dapat naming gawin kay Oliver. Mas'yado nang malaki ang utang niya sa akin kaya dapat na akong maningil.

Tumunog ang cellphone ko at unregistered number na naman ang tumatawag.

"Hello?"

"Attorney Andriuz, natutuwa akong marinig ulit ang boses mo."

"Oliver. Ano na naman bang kailangan mo?" mariing tanong ko.

Humalakhak siya. "Hindi ko alam na tanga ka pala. Ibinigay ko na sa 'yo ang ebidensya pero hindi mo pa rin ipinakulong ang babaeng 'yon!"

"Ikaw ang dapat na makulong. Kaya kung ako sa 'yo, sulitin mo na ang araw na malaya ka pa. Dahil matatapos na 'yan."

Muli siyang humalakhak.

"Ang galing mo talagang magpatawa. Sa tingin mo ba, gano'n ako kadaling mapapabagsak? Bago mo gawin 'yon, uunahin ko na si Caelan. Mamamatay siya ngayong araw. "

"Oliver!" sigaw ko pero pinatayan niya na ako ng tawag.

I dialed Seb's number and asked about Caelan. Ang sabi niya nasa taping si Caelan ngayon kaya doon na lang ako didiretso. Pagkalabas ko pa lang ng unit ko ay nasalubong ko na si Aireen.

"Andriuz, saan ka pupunta?"

"Kay Caelan. Mamaya na kita kakausapin. Kailangan kong makita si Caelan."

"Pero Andriuz! Dito ka lang!"

Hindi ko siya pinakinggan at dumiretso na ako sa parking lot. Pero napansin ko kaagad na flat ang mga gulong ng sasakyan ko.

"Bwiset!" Sinipa ko 'yon bago ako tumakbo papunta sa sakayan ng taxi.

Hinintay kong maging red ang kulay ng traffic light bago ako tumawid. Nang bigla na lang akong makaramdam nang malakas na impact na tumama sa akin. At biglang dumilim ang paligid ko.

Nang magising ako, bumungad sa akin ang puting kisame. Hindi ako kaagad kumilos dahil iniisip ko ang lahat ng nangyari. Gaano ba ako katagal na walang malay? Buhay pa ba ako? O patay na?

"Andriuz? Thank God, you're awake. Kumusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" sunod-sunod na tanong ni mommy.

"Tatawagin ko lang ang doktor," boses ni Aireen ang narinig ko.

Naguguluhan pa ako sa lahat ng nangyari. Pero sinabi nila sa akin na nabangga raw ako ng isang truck. Masuwerte pala na nabuhay pa ako.

Pero may isa pa akong inaalala. Si Caelan, baka nasaktan na siya ni Oliver. Ilang araw daw akong tulog kaya maaaring nagawa na ni Oliver ang plano niya.

"Si Caelan? Ayos lang ba siya?" tanong ko.

"Bakit ba siya pa rin ang inaalala mo? Siya ang dahilan kung bakit ka naaksidente! Huwag mo na—"

"Aireen," pagsaway sa kan'ya ni daddy. "Seb, ilabas mo muna siya."

Lumabas na muna sila at tanging mga magulang ko na lang ang nandito.

"Huwag ka nang mag-alala kay Caelan. Maayos naman siya. Pati ang Oliver na 'yon, p'wede mo nang kalimutan. Dahil patay na siya," sabi ni dad.

Naguguluhang napatingin ako sa kan'ya. "Patay na si Oliver?"

Tumango sila. "Oo. Hindi namin alam ang ibang detalye pero sumabog daw ang sasakyan niya. Si Caelan, sa tingin ko sinugod niya si Oliver nang malaman niyang naaksidente ka."

Ginawa ni Caelan 'yon? Posible kayang may kinalaman siya sa pagkamatay ni Oliver? Pero paano naman niya mapapasabog ang sasakyan ng taong 'yon?  At bakit napakalakas ng loob niyang sumugod sa taong p'wede makapatay sa kan'ya?

"Alam mo ba, ilang araw nang sumisilip si Caelan dito. Mukhang gusto ka talaga niya dahil kahit naka-confine din siya dito, dinadalaw ka pa rin niya," sabi ni dad.

Mas lalong napakunot ang noo ko. "Naka-confine siya dito? May sakit ba siya?"

They both shrugged. Kung talagang palaging pumupunta si Caelan dito, siguro naman dadalawin niya rin ako ngayon dahil gising na ako. But then, she didn't come. I waited for her but there was trace of her at all.

She left just like that. She left without seeing me for the last time. She didn't even say goodbye. And I don't know why it fucking hurts me.

"Attorney, wala po talaga siya dito. At hindi namin alam kung nasaan si Caelan. Ang sabi niya lang, lalayo siya," sabi ng personal assistant niya na si Camill.

I tried looking for her. Pinuntahan ko ang mga taong p'wede niyang pagsabihan kung nasaan siya pero wala akong napala. They didn't tell me where she was.

Pagkatapos ng ilang linggo ay ipinatawag kami ni Commander Greg. Akala ko ay may panibagong misyon siyang ipapagawa sa amin pero nagkamali ako. Dahil ang akala naming misyon na tapos na, hindi pa pala. Buhay pa si Oliver Vicero at nandoon siya ngayon sa Isla Real. Hindi nga talaga madaling mamatay ang isang 'yon. Planado niya ang lahat pati na ang pagsabog ng sasakyan niya.

Hindi ko alam kung bakit doon niya napiling magtago. Pero may posibilidad na pamilya ko naman ang target niya ngayon. Kaya naman nagtungo kami ni Agent Alice sa Isla Real para hanapin si Oliver. Pero mas nagulat ako sa nakita ko.

Habang sinusundan ko ang tauhan ni Oliver ay nakita ko siya. Si Caelan. Kung saan-saan ko siya hinanap pero nandito lang pala siya sa isla na pagmamay-ari ng pamilya namin.

"You have a stalker?" I asked her.

"Bakit ka nandito? Baka naman ikaw talaga 'yung stalker ko?"

"I'm not your stalker. I wasn't even expecting to see you here. Nandito ako para sa trabaho."

"Sa tingin mo maniniwala ako? Puro naman kasinungalingan ang sinasabi mo sa akin. Gusto ko nang tahimik na buhay, Andriuz. Kaya ayaw na kitang makita."

"Ang tahimik na buhay na gusto mo, makukuha mo lang kapag wala ako?" mariing tanong ko.

She gasped then she nodded. "Oo. Kaya please lang, huwag na tayong magkita pa."

I see. She's right. Nagkagulo ang buhay naming dalawa nang makilala namin ang isa't isa. Siguro nga, hindi na kami dapat pang magkita.

Pero dahil buhay pa si Oliver at ngayong nalaman kong nandito rin si Caelan, posibleng siya talaga ang tina-target ni Oliver. Kaya kailangan ko rin siyang bantayan.

I parked my car in front of our ancestral house. My brother asked me to eat dinner with them and I couldn't decline him. Kahit naman tumanggi ako, pipilitin pa rin nila ako kaya mas mabuting magpunta na ako dito nang kusa.

"Andriuz, nandito ka na pala," pagsalubong sa akin ni Crystal.

"Oo. Mukhang may bisita kayo kanina. Tagarito ba sa isla?" tanong ko habang nilalaro ang pamangkin kong si Frank.

Ang bilis niyang lumaki. Parang kailan lang napakaliit niya pang baby. Pero ngayon ang taba-taba na ng pamangkin ko.

"Ah, oo. Si Cae 'yon, bago kong kaibigan."

Napakunot ang noo ko pero hindi na ako nagsalita. Umakyat na muna ako sa k'warto para kunin ang iba kong gamit. Bago pumunta sa hapagkainan ay nagtungo na muna ako sa surveillance room para tingnan ang CCTV footage dito sa mansyon.

Tama nga ang hinala ko. Si Caelan ang bagong kaibigan ni Crystal. Looks like she doesn't know anything about my family. She doesn't know that this mansion belongs to my parents and that this island belongs to us.

But I don't have plans to tell her that soon. Hindi rin naman importante. At saka, kapag nalaman niyang sa amin ang islang 'to, iisipin niyang pinlano ko ang lahat. At baka bigla na naman siyang umalis.

I know that she doesn't want to see me anymore but I couldn't do that. Lalo na kapag nakikita kong nagseselos siya kay Agent Alice dahil palagi kaming magkasama.

"Agent Frowlan, maganda ang kutsilyong 'to. Bilhan ko kaya sila Agent Logan?" tanong ni Alice habang pinagmamasdan ang mga balisong sa harapan namin.

"Agent Logan is not fond of knives. Mas gusto niya ang baril," sabi ko.

"Gano'n ba? Pero magaling siyang magluto kaya p'wede ko pa rin siyang bilhan nito."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Palagi siyang may katwiran. Kaya pati si Logan ayaw makipagtalo sa kan'ya.

Maraming tao dito ngayon sa plaza dahil may fiesta ngayon. Naaalala ko pa na ito ang pinakahinihintay kong araw sa buong taon, pangalawa lang ang pasko.

Pagkapasok namin ni Agent Alice sa tindahan ng pagkain ay nandito rin pala sila Caelan. Mas'yadong maraming tao dito kaya posibleng nasa paligid lang din si Oliver. Hindi ko naisip na gusto niya rin pa lang maki-fiesta.

"Agent Frowlan, may bibilhin lang ako. P'wede mo siyang bantayan tapos tawagan mo ako kapag may nangyari," sabi ni Agent Alice.

Tumango ako bago sumunod kay Caelan. Hindi ako lumapit mas'yado para hindi niya maramdaman ang presensya ko. Sinigurado ko lang na hindi siya mawawala sa paningin ko.

Mas lalo akong naging determinado na bantayan siya dahil muntik na siyang maaksidente. Ito ang bagay na hindi ko nagawa kay Melanie noon. Hindi ko siya nabantayan kaya nabangga siya. At hindi ko na hahayaang mangyari 'yon ulit.

"Cae!" her friend shouted. "Ayos ka lang ba?"

Tumango naman siya. "Ayos lang ako."

"Naku. Buti na lang at ligtas ka. Isipin mo naman ang baby mo bago ka kumilos para—"

My forehead creased because of that. Baby? Is Caelan pregnant? Iyon ba ang dahilan kung bakit umalis siya sa showbiz?

Since then, that idea hasn't left my mind. There is a big possibility that I got her pregnant. There are signs that I shouldn't ignore. Pero gusto kong siya mismo ang magsabi sa akin. Ayaw ko siyang pangunahan. Pero sisiguraduhin kong hindi na siya makakawala. Kaya naman ipinakilala ko na siya sa pamilya ko.

This is the only way I know to stop her from leaving me again. Ito lang din ang paraan para magtiwala siya sa akin. Para maniwala siya sa nararamdaman ko.

I admit, hindi ko rin kaagad natanggap ang nararamdaman ko para sa kan'ya. Mahirap paniwalaan at natakot akong harapin 'yon. Pero habang iniiwasan ko, mas lalo ko lang napapatunayan na gusto ko siya. Mali. Na mahal ko siya.

Nakakatawang pakinggan o kahit isipin man lang. I fell in love with the woman I despised before. What should I call myself? Idiot? Stupid? Or a fool? Well, pare-pareho lang naman iyon.

"Andriuz, are you sure about your feelings now?" mom asked.

Pagkahatid ko kay Caelan ay bumalik ako sa mansyon para kausapin si mommy. Silang dalawa na lang ni dad ang kaharap ko ngayon.

"I'm sure about it now. I love her."

She sighed. "She left and she might do that again."

"She won't. Pero kung sakaling umalis nga siya ulit, hahanapin ko siya."

That is why I really want to finish our mission already. After that, I will resign. I don't want to put her life at risk again.

"Agent Frowlan, ang sabi ni Agent Roi, may nirentahang yate si Oliver kagabi. Mukhang may balak na siyang umalis. Baka natunugan niyang nandito tayo para hanapin siya," sabi ni Logan.

Napaisip ako sa sinabi ni Logan. Imposibleng umalis na lang basta si Oliver nang hindi isinasagawa ang plano niya. Malamang may nakahanda na siyang gawin bago umalis.

"Bantayan n'yo lang siya. Nandito rin si Caelan sa isla at baka saktan siya ni Oliver. Kailangan na nating kumilos kaagad bago niya tayo maunahan. Ganito ang plano."

Lahat ng daungan sa isla ay pababantayan ko sa kanila. Sa oras na maisip ni Oliver na tumakas, hindi siya makakadaan. Unless, gagamit siya ng helicopter na hindi niya naman madadala dito.

Hindi siya kaagad huhulihin. Kailangang isipin ni Oliver na nakaayon lahat sa plano niya. At kapag nakakuha ng pagkakataon, 'tsaka siya i-co-corner para mahuli.

Mukhang madali pero mahirap talaga. Tuso ang taong 'yon. Malamang nakapag-isip na siya nang maraming back up plans.

Hapon pa lang ay nilibot ko na ang isang pier na maaaring daanan ni Oliver. Habang naglalakad ay bigla na lang may humablot sa cellphone ko at itinakbo 'yon.

"Hoy! Bwiset!" singhal ko at sinubukang habulin ang taong 'yon pero mabilis siyang nawala.

Hindi ko na matatawagan ang team mates ko kaya kailangan kong bumalik sa bahay para kunin ang isa ko pang phone. Kailangan kong magmadali para hindi na kami matakasan ni Oliver.

"Andriuz?"

Napahinto ako sa pagpasok sa kotse nang tawagin ako ng mommy ni Caelan. Mukhang nagtataka siya na nandito ako.

"Bakit po?" tanong ko.

"Hindi ba, magkikita kayo ni Caelan?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Wala akong maalalang magkikita kami ni Caelan sa ibang lugar. Hindi kaya....

"Saan po ba siya nagpunta?"

"Hindi niya sinabi sa akin. Bakit? Hindi ba kayo magkikita? Ang sabi niya lang pupuntahan ka niya."

Oliver. Humanda ka sa akin kapag sinaktan mo si Caelan. Walang hiya ka!

"Sige po, hahanapin ko po siya."

Sumakay ako kaagad sa kotse at tinawagan si Logan. Sinagot niya naman iyon kaagad.

"Andriuz, kanina ka pa namin tinatawagan sa isa mong number. Si Oliver, papaalis na ng isla. Sinusundan na sila ng tauhan natin."

"Huwag n'yo hayaang mawala. Posibleng dinukot niya si Caelan."

"Ano? O sige. Ang sabi nila sa akin papuntang pier sa timog sila Oliver."

Binilisan ko ang pagmamaneho papunta sa kabilang pier. Nakita ko ang isang yate na nirentahan din ni Oliver. Pumasok ako doon at agad kong tinutukan ng baril ang lalaking nagpapaandar nito.

"Lumabas ka kung ayaw mong mamatay dito mismo," pambabanta ko sa kan'ya.

Nagtaas siya ng kamay bago dali-daling bumaba ng yate. Hinintay kong makarating sila Oliver at ilang minuto lang nandito na sila.

"Agent Frowlan, nasaan ka?" rinig kong tanong ni Alice nang sagutin ko ang tawag mula sa earpiece. "Don't tell me, nasa loob ka na ng yate?"

Hindi ako sumagot. Nakatuon ang atensyon ko kay Caelan na umiiyak na ngayon. Kailangan ko siyang iligtas. Nang umalis si Oliver at ang tauhan na lang niya ang naiwan ay agad ko itong inatake. Hindi siya magaling makipalaban kaya napatumba ko siya kaagad.

"Caelan."

"Andriuz." She started crying and it hurts me to see her like this. "Andriuz...a-akala ko...hindi ka na darating. "

I hugged her. "Nandito na ako. Hindi ko hahayaang masaktan ka."

Hindi ko hahayaang saktan siya ni Oliver. I will protect her at all cost. Kahit sariling buhay ko pa ang kapalit, ililigtas ko siya.

"I knew it. Darating ka para iligtas ang babaeng pinakamamahal mo. Nakakatuwa. Hindi ko inaasahang magagamit ko pala talaga ang Plan B ko. Gusto n'yo na bang magsama hanggang sa kabilang buhay?" mapang-asar na tanong ni Oliver.

"Tumigil ka na, Oliver. Kung susuko ka ngayon, sisiguraduhin kong hindi ka sasaktan ng mga kasamahan ko. Pero kung pipilitin mong manlaban, baka ikaw ang mapunta sa kabilang buhay."

"Hindi naman ako takot mamatay. Pero gusto ko, kasama ko kayo."

Nagkasa siya ng baril na mabilis kong sinipa. Hindi ko siya hahayaang gawin ang gusto niya. Ni tutukan ng baril si Caelan, hindi niya magagawa. Kung kailangan ko siyang patayin, gagawin ko.

"Andriuz...."

I attacked him but he managed to dodge it. He kicked me and I punched him twice. Malakas si Oliver at may alam siya sa pakikipaglaban. Bawat atake ko ay nagagawa niyang sanggahin.

"Oliver!"

Napalingon ako kay Caelan at nakitang may hawak na siyang baril. Nanginginig ang kamay niya pero nagawa niya pa ring barilin si Oliver.

"Halika na, Andriuz," sabi niya at inalalayan akong tumayo. "Are we going to jump?"

I held her cheeks to make her look at me. Alam kong hindi siya marunong lumangoy at natatakot siya dagat. Pero hindi ko naman siya pababayaan. Sa oras na tumalon kami, sisiguraduhin kong hindi siya malulunod.

"Do you trust me?" I asked her and she nodded. "I don't know what will happen but if things get worse, we'll jump, okay? Hindi ko hahayaang malunod ka."

"Agent Frowlan, can you hear me? Kung nasa yate pa kayo ngayon, umalis na kayo! May bomba ang buong yate! Agent Frowlan!"

I know. Alam kong may bomba nga dito at maaari itong sumabog anumang oras. That's why I want Caelan to jump with me. But before I could tell her to jump, we heard several gunshots coming from behind me.

Naramdaman ko ang pagtagos ng bala sa likod ko pero hindi ko 'yon pinansin. I need to focus on Caelan. I need to save her.

"Sabi ko naman sa inyo, sama-sama tayong mamamatay."

"Andriuz..." she whispered.

"Trust me...I won't let you die...."

I hugged her before I jumped into the water. The yatch exploded the moment we fell. Malakas ang impact ng pagsabog at tuluyan akong lumubog sa tubig.

Nakita ko ang paglutang ng katawan ni Caelan dahil sa suot niyang life vest. Nag-iisa lang 'yon kaya sa kan'ya ko na lang ipinasuot.

Caelan, you don't have to worry anymore. You're safe now. You can now live happily. I love you.

"Andriuz, let's go fishing!" Aireen shouted while pulling me.

Itinabon ko ang unan sa ulo ko para hindi ako mabingi sa boses niya. She's being noisy again.

"Andriuz! Let's go! Gumising ka na kasi!" she shouted again.

"Aireen, I'm still sleepy! Si Mang Esteban na lang ay yayain mong mangisda!" sigaw ko rin pabalik.

Pero hindi pa rin siya tumigil sa paggising sa akin kaya bumangon na lang ako. She's smiling widely, as if she just won a big prize.

"Okay fine. I'll change first," I told her.

She ran outside my room and I immediately changed my clothes. After changing, I went outside. She was running towards the sea already when I went out. I was about to follow her when I saw something on the shore.

Niliitan ko ang mga mata ko para makita kung ano 'yon pero hindi ko makita kaya lumapit ako. As I went near, I realized that it's a girl. And she looks...lifeless.

"Mang Esteban! Mang Esteban!" I called our house caretaker.

He immediately ran towards me. "Ano 'yon, Andriuz?" Napatingin siya sa itinuro ko at nanlaki ang mga mata.

He checked her pulse and breathing.

"Is she dead?" I asked.

He pumped her chest repeatedly until she coughed. Napahinga ako nang malalim nang magising siya. Akala ko talaga patay na siya.

"Mang Esteban, dalhin natin siya sa loob ng beach house," sabi ko kaya binuhat siya ni Mang Esteban.

Sumunod naman kami ni Aireen papuntang bahay. She's now sitting on the sofa while staring at nothing.

"Dito lang kayo, tatawagan ko lang ang parents n'yo. Dito ka lang, little girl, okay?" sabi ni Mang Esteban sa amin bago umalis.

Umupo ako sa tabi ng batang tulala. Napansin ko na nanginginig siya kaya kumuha ako ng tuwalya para hindi siya lamigin.

She's so pale like a zombie. But she's still pretty, though.

"Bata, anong pangalan mo?" tanong ko pero hindi siya sumagot. "Anong nangyari sa 'yo? Nalunod ka ba?"

This time, she looked at me and she started crying. I panicked and glanced to my sister who is just watching us.

"M-Mommy...d-daddy...gusto ko nang umuwi."

"Andriuz, don't scare her, kasi. You keep on asking questions kaya tuloy umiyak siya," sabi ni Aireen.

"Then, what am I supposed to do?" I asked her.

She rolled eyes on me before she sat down beside the girl. The girls is now sitting in the between us.

Aireen put her arm around the girl's shoulder and started wiping her tear.

"Hey, don't cry na. We'll look for your mommy and daddy. Wow, your clips are so nice," Aireen said while fixing the girl's hair. "Where did you buy this?"

Tumahan din sa pag-iyak ang babae at mukhang nakuha na ni Aireen ang atensyon niya.

"It's not mine. Kay lola ang clip na 'to," sagot niya.

"Okay. By the way, my name is Aireen Francheska Baltazar, I'm nine-years old. And he's my brother, Andriuz Frowlan Baltazar, he's eight-years old. You, what is your name?" Aireen asked.

My sister is really talkative.

"I'm Sai," she said.

Sai? Ang tipid naman ng name niya.

Moments later, Mang Esteban went back together with our parents. They asked several questions to the little girl but she looks so confused.

"Sai, can you tell us your full name? We will contact your parents so that you can go home already. Do you know their contact number?" dad asked her.

Sai nodded. "I'm Shaira Suarez."

Shaira? That's her real name?

"Okay, Shaira, can you tell us your parents name?" mommy asked.

"My father is..." she paused and stared to my parents. Parang nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ba ang pangalan. "I don't want to tell you."

"But, why? Paano ka namin mapapasundo sa parents mo kung hindi mo sasabihin sa amin?" tanong ni dad.

"Those bad men...they want to hurt my dad. They...they asked who is father then they...they told me that they will...hurt him if I don't follow what they said..."

She started crying again. She looks really scared. Those bad men, they should be in jail. Why would they hurt a little girl? They're not gentlemen. My father told me to never make a girl cry.

"Okay, okay. Calm down. For now, you can stay here while we're looking for your parents. Aireen, bring her to your room and help her change her clothes," mom said.

Dinala siya ni Aireen sa kuwarto habang ako ay nag-stay lang sa sala. Nag-uusap na sila mom at dad kung anong gagawin para makauwi si Sai.

They called the police to inform them about her. While waiting for the updates, they let Sai stay here.

"Sai, let's go to the beach! The weather is nice today, let's go!" Aireen excitedly said while pulling Sai.

"Ayaw ko," mahinang sabi ni Sai.

Aireen pouted. "But why? Don't you like the sea?"

Sai shook her head repeatedly then she ran inside the house. We immediately followed her.

Pagpasok sa loob ng bahay ay naabutan namin na maraming tao. May mga pulis at mga lalaking mukhang bodyguards.

"Mommy! Daddy!" Sai shouted and ran towards to her parents, I guess.

"Sai, thank God you're safe. We're so worried about you," the man said.

Our parents talked to Sai's parents for awhile. Aireen and I approached Sai.

"Your parents are here na. It means, babalik ka na sa house mo," sabi ni Aireen.

Tumango si Sai. "It's so nice here. People are nice also. Sana magkita pa tayo ulit," sabi niya.

Pagkatapos mag-usap ng mga magulang namin ay oras na para umalis sila Sai. Hinatid namin sila sa sasakyan nila. Bumukas ang bintana ng van at kumaway siya sa amin.

"Goodbye, Aireen. Goodbye, Andriuz."

I smiled slightly. Pinagmasdan ko ang van na papalayo hanggang sa hindi ko na iyon makita.

Goodbye, Sai. I hope to see you again, soon.

We went back inside the house after they left. Sila mom at dad naman ay nagpunta na sa mansyon. Habang nanonood ako ng T.V. ay narinig ko ang pagbaba ni Aireen sa hagdan.

"Andriuz! Sai left her clip in my room," she said.

My forehead creased. "Really? Can I see?"

Inabot niya sa akin ang hair clip. Tama siya, kay Sai nga ito. Mukhang naiwan niya dahil tinanggal niya ito sa kuwarto ni Aireen.  I sighed. Ibabalik ko na lang sa kaniya kapag nagkita kami ulit.

At nagkita nga kami ulit pagkatapos ng maraming taon. I fell in love with her but then, she left again. Nahanap ko nga siya ulit sa isla namin pero nang magising ako mula sa pagkaka-coma, bigla na naman siyang nawala.

"You talked to her? Pinaalis mo ba siya, mommy?" I asked my mom.

She looked at me with confusion in her eyes. Narinig ko ang pag-uusap nila ni dad. Noong wala pa akong malay, kinausap niya si Caelan.

"Yes, I talked to her. But I didn't tell her to leave. Ang sinabi ko sa kan'ya, huwag ka na niyang ipahamak ulit—"

"Pero gano'n din 'yon, mommy. Para hindi na malagay sa panganib ang buhay ko, naisip niyang umalis. Don't you think that I'm willing to risk my life for her?"

She gasped. "Andriuz, are you out of your mind?"

"Yes. Siguro nga nababaliw na ako. Hindi ko na alam kung saan ko siya dapat hanapin. Ilang beses na siyang nawala, mommy. Ilang beses na niya akong iniwan. At hindi pa rin ako masanay-sanay sa sakit."

I don't know what to do anymore. There were no records of her leaving the country. Pero marami namang paraan para umalis ng bansa nang iba ang pangalan. Maybe this time, she's really determined to stay away from me.

Is this destiny's way of telling me that I should let her go?  That I should just let her be happy without me. It's so unfair. Alam kong kaya niyang mabuhay nang wala ako. Pero hindi ko alam kung kaya ko ba 'yon.

Noong nawala si Melanie, nasaktan ako nang sobra. Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari. At ngayong nawala rin si Caelan, dahil na naman sa akin 'yon.

"I will not tell you where my daughter is. If you want to see her, find her on your own. But before that, you have to prove to me that you really love my daughter."

Tinitigan ko si Mr. Suarez. "I'm willing to prove to you that I love her."

"Kung gano'n pala, mag-resign ka na sa special forces."

Natigilan ako saglit pero kalaunan ay tumango rin ako. Balak ko naman na talagang iwan ang trabaho kong 'yon. Kahit pa hindi niya sabihin, mag-re-resign pa rin ako.

And that's when I realized that, I'm willing to do everything for Caelan. Kahit pa kailangan kong iwan ang trabaho para sa kan'ya, gagawin ko. Lalo na ngayon at may anak pala kami.

She hid our daughter from me. But I wasn't mad. I know that she only did that for Lian's safety. Ang tanging ikinasasama lang ang loob ko ay iyong pagtanggi niya na ako ang ama ni Lian. Pero kahit na gano'n, handa pa rin akong maging ama niya. Tatanggapin ko pa rin kahit pa totoong hindi ako ang ama ni Lian.

Mula nang makita ko sila ulit, ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na talaga sila makakalayo sa akin. If I have to tie her beside me, I will do it. But I have better plan in my mind. And that is to marry her and stay with her forever.

"Andriuz Frowlan Baltazar, do you take Caelan Aerith Suarez, to be your lawfully wedded wife. Through sickness and health. Do you promise to love, honor, cherish, and protect her, forsaking all others, and holding only unto her forevermore?"

I nodded while staring in to Caelan's eyes.

"I do."

"Caelan Aerith Suarez, do you take Andriuz Frowlan Baltazar, to be your lawfully wedded husband. Through sickness and health. Do you promise to love, honor, cherish, and protect her, forsaking all others, and holding only unto her forevermore?"

She smiled. "I do."

My heart beats inside my chest as soon as she said those words. Before this day ends, I can finally call her my wife. She'll be officially mine and I'm hers.

We exchanged rings as we said our vows. In front of God, our family and friends.

I don't know what the future brings to our relationship but I will trust our love. I will trust our hearts that we both want to be happy with each other together. From this day, I will commit myself to her and I will forever be faithful.

"And now by the power vested in me. I may now pronounce you husband and wife. Groom, you may now kiss the bride."

I took a deep breath before I lifted up her veil. I can finally see her beautiful face better. She smiled at me but her eyes were glistening with tears.

"I love you, my wife," I muttered.

"I love you, my husband," she answered.

I caressed her cheek before I leaned in to kiss her. She immediately kissed me back. A round of applause echoed throughout the church but it is not enough to drown the sound of my beating heart.

I'm forever grateful because Caelan came into my life. Yes, I'm so lucky to meet Melanie and she became the most important lesson to me when we were still together. But Caelan came to be the love of my life. She's my greatest love. And she will always be.

The End.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top