Chapter 8
🔥
Save
"Wala kang kasing-sama, Oliver," sambit ko pero tumawa lang siya.
Sinenyasan niya ang isang katulong kaya lumapit 'yon sa akin.
"Dalhin n'yo na siya sa kuwarto at ayusan n'yo. Gusto kong siya ang pinakamaganda sa party mamaya," utos ni Oliver.
Isinama ako ng katulong sa isang kuwarto. Nakaharap sa dagat ang balcony pero hindi ko magawang i-appreciate ng view dahil nagagalit ako. Hindi talaga ako makapaniwalang pinakasalan ni mommy ang gano'ng klaseng lalaki. Sa tagal na nilang magkasama, imposibleng hindi niya alam kung anong pinaggagagawa ng asawa niya.
Pagdating talaga siguro sa pag-ibig, nagiging tanga ang isang tao.
Lumabas din kaagad ang babae at narinig ko ang pag-lock niya ng pinto mula sa labas. Napahinga ako nang malalim.
Ano pa bang inaasahan ko? Na hahayaan ako ni Oliver na maglakad-lakad dito sa mansyon? Paniguradong may mga tauhan siya diyan sa labas ng pinto ngayon at pati na rin dito sa tapat ng balcony.
Hindi ko alam kung anong oras na pero malapit nang lumubog ang araw. Mayamaya lang ay bumalik iyong katulong na nagkulong sa akin dito.
"Miss Caelan, nakahanda na po ang bathtub. Puwede na po kayong maligo," malumanay na sabi ng katulong.
Umirap ako at naupo sa kama. Wala akong balak na sundin ang sinabi ni Oliver. Kahit pa binantaan niya ako kanina, siya na rin ang may sabi na malaki ang naitutulong ni mommy sa negosyo niya kaya hindi niya siya papatayin.
"Miss Caelan, pakiusap sumunod na po kayo. Kami po ang malalagot kay Sir Oliver kapag hindi po kayo naayusan bago ang party."
Bumuntonghininga ako at pumasok sa banyo. Lahat naman ng mga tao dito, walang magawa kundi sumunod kay Oliver. Lahat may banta ang buhay. Kaya mas lalo ko lang siyang kinasusuklaman.
Binagalan ko ang pagkilos. Isang oras akong nagbabad sa bathtub bago ako umahon. Kalahating oras naman akong tumapat sa shower at saka ko isinuot ang bathrobe na ibinigay sa akin ng katulong.
Isinenyas niya ang upuan sa harap ng salamin at padabog akong naupo doon. Sinimulan niya nang patuyuin ang buhok ko. Halatang kinakabahan siyang lumapit sa akin dahil natatakot siyang bigla ko na lang siyang atakihin. Hindi ko naman gagawin 'yon.
She massaged my head for awhile that I almost fell asleep. Pumikit lang ako at nagpanggap na tulog pero ang totoo ay iniisip ko nang mabuti ang gagawin ko mamaya.
After doing my hair, she started putting makeup on my face.
Halos isang oras din ang itinagal ng pag-aayos niya sa akin. Hindi ko na inabala pang tingnan ang itsura ko sa salamin. Isinuot ko na kaagad ang gown.
It is a blue off-shoulder deep V-neck gown with a high slit on my left thigh. Medyo masikip sa bandang dibdib ko ang gown kaya masiyadong naka-expose ang cleavage ko. Pakiramdam ko mahuhubaran ako anumang oras.
Sunod na ipinasuot niya sa akin ang nude color na 6-inch heels. Madilim na sa labas nang matapos akong mag-ayos. At naririnig ko na rin ang ingay sa ibaba ang mansyon.
"Let's go, Miss Caelan."
I sighed before I followed her outside the room. She helped me walked down the grand staircase.
Pagbaba namin ay nakita ko na ang mga bisita. Hindi ko maiwasang kabahan sa mga mangyayari. Alam kong hindi lang ito basta isang party. Malamang may mangyayaring ilegal na bagay sa lugar na 'to.
Sa mga itsura pa lang nila, sila 'yung tipong handang gawin ang lahat para sa pera. Mga taong sumasamba sa kayamanan. At ang pinuno nila ay si Oliver. Nakatayo na siya ngayon sa harapan at nakikipagtawanan sa mga kapwa niya sakim.
Nang makita ako ay sinenyasan niya akong lumapit. Lumunok ako at dahandahang naglakad papunta sa kanila. Pero bago pa ako makailang hakbang ay namatay na ang lahat ng ilaw. Ang akala ko ay parte iyon ng palabas nila pero narinig ko ang pagtataka sa boses ng mga bisita.
Ginamit ko ang pagkakataong iyon para palihim na lumabas ng mansyon. Delikado itong ginagawa ko pero kailangan kong subukan.
Walang nagbabantay sa labas dahil siguradong naalarma sila sa nangyayari sa loob. Nang tuluyan akong makalabas ay 'tsaka ako tumakbo palayo. Nakarinig ako ng mga putok ng baril sa kung saan kaya mas binilisan ko pa ang pagtakas.
Lumingon ulit ako sa mansyon habang tumatakbo nang bigla akong tumama sa kung ano.
"Aray ko!" pagdaing ko habang hinihimas ang noo ko.
Tiningala ko kung ano bang tinamaan ko pero nagulat ako sa nakita.
"Andriuz?" gulat kong tanong bago ko napansin ang hawak niyang baril. "Bakit ka nandito? Balak mo bang sugurin si Oliver?"
Kumunot ang noo niya at balak sanang magsalita pero naudlot nang may magpaputok ng baril.
Napatakip ang tainga at hindi ko maiwasang mapatili dahil papalapit sa amin ang nagpapaputok no'n.
"Ayun! Nando'n sila!"
Lumingon ako sa sumigaw at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga tauhan ni Oliver. Lahat sila ay may bitbit na baril kaya hindi ako nakakilos kaagad.
"Let's go!" Andriuz grabbed my arm and we both ran away from them.
Nahihirapan akong tumakbo dahil sa suot ko pero binilisan ko pa rin dahil ayaw kong maabutan nila kami. Muli akong napayuko nang makarinig ng putok ng baril.
Nakakatakot. Pakiramdam ko tatamaan ako ng bala anumang oras at mamamatay ako. Halos hindi ko na nga maramdaman ang binti ko sa pagtakbo namin kanina.
I heard him sigh in annoyance before we hid behind a tree. Sinenyasan niya akong huwag maingay kaya tumango ako.
"I can hear you," he said.
Nagtataka akong tumingin sa kaniya dahil bigla siyang nagsalita. Ako ba ang kausap niya? Pero hindi naman siya nakatingin sa akin.
"Kailangan ko ng back up. May kasama ako," sabi niya bago tumingin sa akin.
Doon ko lang na-realize na may suot siyang earpiece. Sa itsura niya ngayon, hindi siya mukhang abogado. Mukha siyang isang agent o sundalo. Basta gano'n.
Sobrang seryoso ng mukha niya habang pinakikinggan ang nagsasalita sa earpiece. Kahit madilim ay kitang-kita ko ang bawat pagkunot ng noo niya at ang pagsalubong ng makakapal niyang kilay.
Anong klaseng tao ka ba talaga, Andriuz? Palagi na lang akong nagugulat sa katauhan mo.
May kumaluskos sa kung saan kaya napalingon ako doon. Mukhang hindi napansin ni Andriuz pero may narinig talaga ako. Inaaninag ko kung may tao ba hanggang sa makita kong may balak bumaril kay Andriuz.
"Andriuz!" I shouted before I pushed him down using my body. Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko at halos mabingi ako.
He aimed the gun and shot the man's chest. I was too stunned to speak. I looked at him but he didn't bother looking at me. Tumayo siya kaya tumayo na rin ako. Nanginginig ang kamay ko sa takot pero itinago ko 'yon.
Walang alinlangan niyang binaril ang lalaki kanina. Na para bang sanay na sanay siyang gawin 'yon. Oo, nakakatakot na talaga siya mula pa noon pero mas nakakatakot siya ngayon. Pero wala naman akong choice kundi sumama sa kaniya para makatakas ako.
Muli kaming tumakbo papunta sa kung saan. Kung hindi lang hawak ni Andriuz ang kamay ko, malamang kanina pa ako nasubsob dahil sa mga sanga ng puno.
Hindi ko inaakalang makakasama ko na naman siya sa pagtakas mula sa mga tauhan ni Oliver. Sa tuwing naiipit ako sa ganitong sitwasyon, palagi ko siyang nakikita. Hindi ko alam kung coincidence lang ang lahat ng ito.
Sobrang sakit na ng paa ko at halos hindi na ako makahakbang bago pa kami makarating sa mismong kalsada. May sasakyan kaming nakita kaya doon kami dumiretso.
"Get in!" he said and I followed.
Pagkasakay namin sa kotse ay agad kaming pinaputukan ng mga humahabol sa amin. Mabilis na pinaandar ni Andriuz ang sasakyan at pinaharurot ito.
Alam kong hindi kami titigilan ng mga lalaking 'yon at tama nga ako dahil mayamaya lang ay nakasunod na sila sa amin.
"We're being followed! Can you hear me? I need back up! Alice? Nandiyan ka pa ba? Fuck!"
Napaigtad ako sa pagmumura niya. His jaw is clenching while he's gripping so tight on the steering wheel. Kitang-kita ko ang galit sa mukha niya kaya kahit natatakot ako sa bilis ng takbo ng sasakyan namin, nanahimik na lang ako. Nilingon ko ang mga humahabol sa amin at nakitang tatlong kotse sila.
Sobrang bilis na ng pagpapatakbo ni Andriuz pero nakakahabol pa rin sila. Pati tibok ng puso ko ayaw nang kumalma.
Gumewang ang sasakyan kaya nauntog ako sa may salamin.
"Hindi ka ba puwedeng magmaneho nang mabilis pero hindi gumegewang, ha?" sabi ko habang hinihimas ang ulo ko.
Hindi siya kumibo at pansin ko na para siyang natataranta.
"A-Anong problema?" nauutal kong tanong.
Tumingin siya sa akin at umiling. "Walang preno."
"Ano?!" Tumingin ako sa kalsada at nakita kong bangin ang nasa gilid nito. Kung wala siyang preno, hindi malabong mahulog kami. "Gawan mo ng paraan! Mamamatay tayo kapag nahulog tayo sa bangin!"
"What am I supposed to do! Wala nang ibang paraan para matakasan sila kundi ang ihulog sa bangin ang kotse!"
Napayuko ako nang muli akong makarinig ng putok ng baril. Mas lalong nawalan ng direksyon ang sasakyan. Kumapit ako nang mahigpit sa upuan, umaasang maililigtas ako nito.
"Tubig ang babagsakan ng kotse kaya mabubuhay pa tayo," rinig kong sabi ni Andriuz.
Pumikit ako nang mariin. Kahit pa tubig ang babagsakan namin, hindi nga ako marunong lumangoy!
Maliit na nga ang chance kong mabuhay, mas lumiit pa ang pag-asa ko dahil si Andriuz ang kasama ko. Malabong iligtas niya ako sa oras na lumubog kami sa dagat. Siguradong iiwan niya lang ako at hahayaang malunod katulad nang nangyari sa Zambales.
Tumulo ang mga luha ko nang hindi ko namamalayan. Natatakot talaga ako. Sobrang natatakot ako. Kahit anong gawin ko, kamatayan na mismo ang humahabol sa akin.
Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko kaya muli akong napadilat. Tama siya, dalawa kaming mamamatay kapag naabutan kami ng mga tauhan ni Oliver.
Kung mahuhulog sa bangin ang sasakyan, may pag-asa siyang mabuhay. At ako...bahala na.
Huminga ako nang malalim. "Sige na. Ihulog mo na sa bangin," sabi ko.
Napapikit ako ulit nang makita kong didiretso na nga sa bangin ang sasakyan. Bumagsak sa tubig ang kotse at mabilis na napuno ng tubig sa loob.
Sinubukan kong pigilan ang paghinga ko nang matagal. Nakadilat ako pero malabo ang nakikita ko. Nang lingunin ko si Andriuz ay nakita ko siyang binubuksan ang pinto. At nang magawa niyang makalabas ay para akong nakahinga nang maluwag kahit pa hindi na nga ako makahinga.
Ligtas na si Andriuz. Ayos na sa akin 'yon.
Palubog nang palubog ang sasakyan at hindi ko na maaninag ang liwanag. Unti-unti na rin akong nauubusan ng hininga.
Noong bata pa ako, palagi kaming pumupunta sa tabing-dagat. Kasama ko sila mommy at daddy. Kahit abala sila sa trabaho, naglalaan sila ng oras para makapag-travel kami.
Ang dagat ang paboritong puntahan ng mga magulang ko. Na kalaunan, naging paborito ko na rin. Isang araw, tinanong ko si mommy kung bakit gustong-gusto nila sa beach.
Ang sabi niya...
"Sa dagat kasi kami nagkakilala ng daddy mo. Muntik na kasi akong malunod noon dahil hindi ako marunong lumangoy. Natakot siya na baka malunod ako ulit kaya tinuruan niya akong lumangoy."
Nakakatuwang isipin kung paano nagsimula ang pagmamahalan ng mga magulang ko. Nang dahil sa pagmamahal, nagawa ni mommy na harapin ang takot niya.
Gusto ko sanang mawala ang takot na nararamdaman ko sa tuwing nasa ilalim ako ng tubig. Pero hindi ko kayang gawin 'yon nang mag-isa. Gusto kong maramdaman na may kasama ako at hindi niya ako hahayaang malunod ulit.
"Caelan!"
Ang boses na 'yon, pamilyar sa akin. Naramdaman kong mayroong nagbibigay ng hangin sa akin at tinutulungan akong huminga.
"Huwag kang mamamatay, Caelan! Gumising ka!"
Akala ko ay hindi na ako magigising pa pero nagawa kong dumilat. Umubo ako at pilit na ibinuga ang tubig na nainom ko. 'Tsaka ko lang nakita ang maliwanag na buwan sa gitna ng madilim na kalangitan. Na para bang sinasabing nitong siya ang magiging gabay ko ngayong gabi.
Nang mahimasmasan ay 'tsaka ko nakita si Andriuz na nakahiga sa gilid ko at hinihingal pa.
Did he... did he save me? But, why?
Nang kumalma ang paghinga niya ay tumayo na siya kaagad at nagsimula nang maglakad palayo. Kahit nanghihina ay tumayo na rin ako at sumunod sa kaniya. Pero napahinto rin ako kaagad nang lingunin niya ako.
"Bakit ka sumusunod?" tanong niya.
Lumingon ako sa paligid at sobrang dilim na. Hindi ko alam kung nasaang lupalop ng Pilipinas ba ako. At kung may ibang tao bang nandito.
"P-Puwedeng sumama?" mahinang tanong ko.
"Bumalik ka na lang sa mansyon ni Oliver. For sure, they are looking for you already," he said.
"P-Pero... hindi mo ba nakitang hinahabol din nila ako? Papatayin nila ako kapag nakita nila ako dito."
"At bakit ka na naman sasaktan ng tauhan ni Oliver? 'Di ba babae ka niya? Hindi ka niya papatayin."
Hindi na ako sumagot. Mukhang ayaw niya talaga akong isama. Hindi ko na siya pipilitin. Kung tutuusin, hindi niya ako kailangang iligtas sa pagkalunod pero ginawa niya pa rin. Kaya hindi ko na siya guguluhin pa.
Tumango ako. "Sige, mag-iingat ka."
Tumalikod na ako at naglakad papunta sa kabilang direksyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Giniginaw pa ako dahil basa ang suot kong damit. Medyo nanghihina rin ako dahil kagagaling ko lang sa pagkalunod.
Basta importanteng makahanap ako ng matataguan ngayong gabi. At hindi puwedeng nandito lang ako sa dalampasigan. Papasok na lang ako sa loob ng gubat.
Sobrang dilim at halos wala akong makita. Pero mas mabuti na siguro 'to. Para hindi ako kaagad makita ng mga kalaban.
Nakakita ako nang malaking ugat ng puno kaya napagpasyahan kong maupo na muna. Wala pang ilang minuto ay nakarinig na ako ng kaluskos mula sa kung saan. Papalapit iyon nang papalapit sa kinaroroonan ko.
Pigil ko ang hininga para hindi ako gumawa ng ingay. Hindi dapat ako mahuli ng kung sinong naririto ngayon. Pero bigla akong nakarinig ng umalulong na kung anong hayop. Hindi ako nakakilos kaagad at narinig ko ulit ang ingay.
"Aaaaah!" Tumili ako at tumakbo pabalik sa kung saan ako nanggaling kanina.
Lumingon ako para makita kung mayro'n bang humahabol sa akin pero hindi ko makita dahil madilim. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa may humila ng braso ko.
"Aaaa—hmp!"
Nagpumiglas ako sa taong nagtatakip ng bibig ko pero hindi ako makawala.
"Will you stop screaming?"
My eyes widened when I heard Andriuz's voice. Nakahinga ako nang maluwag at tumigil na rin ako sa pagpupumiglas ko.
Akala ko iniwan na niya ako dito. Pero nandito talaga siya. Hindi siya umalis.
Ano ba 'tong ginagawa mo Andriuz? Hindi mo dapat tinutulungan ang taong nakapatay sa fiancee mo. Hindi mo dapat kinakaawaan ang taong katulad ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top