Chapter 7

🔥
Insult

"Babalik ka na agad sa Maynila? Hindi pa nga kita naipapasyal sa mga isla dito," sabi ni Robin habang inaayos ko ang gamit ko.

Kaninang umaga ay na-discharge na ako kaagad. Normal lang naman sa akin ang lagnatin sa tuwing naaalala ko ang nangyari noon. Isa 'yon sa mga bagay na ikinaiinis ko sa sarili ko. Ilang taon na ang lumipas pagkatapos ng aksidenteng 'yon pero hindi ko pa rin makalimutan.

Nginitian ko si Robin. "Babalik naman ako dito. Sa susunod magtatagal pa ako. Huwag ka ngang magdrama," biro ko.

"Oo na. Basta alagaan mo ang sarili mo. Huwag kang papayag na saktan ka ng iba depende na lang kung sa shooting dahil bayad naman 'yon," sabi niya kaya mas lalo akong natawa.

Nakita ko si lola sa may pinto ng kuwarto kaya nilapitan ko siya at niyakap. Ilang araw ko na naman siyang hindi makikita. Ngayon pa lang na-mi-miss ko na siya kaagad. Kung p'wede lang akong tumira dito ay ginawa ko na.

"Lola, babalik po ako kaagad. Mag-iingat po kayo dito. Kapag ini-stress kayo ni Robin, sabihin n'yo lang sa akin para sisipain ko siya pagbalik ko."

Ngumiti si lola. "Mag-iingat ka, Cae. Huwag ka masiyadong magpapagod."

Pagkalabas ng bahay ay nilingon ko saglit ang bahay nila Mrs. Riques. Babalik naman ako kaya sa susunod ko na lang sila dadalawin.

"Kumusta ang pagpunta mo sa Zambales, Cae?" tanong ni Camill pagkarating ko sa condo.

Humiga ako sa sofa at bumuntonghininga. "Hindi gaanong maayos. Nagkita kami doon ni Andriuz."

"Ano? At bakit naman siya nandoon? Sinusundan ka ba niya? Baka balak ka niyang gantihan, Cae! Naku, mag-iingat ka."

Natawa ako sa sinabi ni Camill. "Puwede ba, huwag kang magpatawa. Malamang, nabangga ko ang fiancee niya kaya for sure gaganti talaga siya. Pero hindi 'yon ang dahilan kung bakit siya nandoon."

"E, bakit nga?"

"'Yung bahay ng pamilya ni Melanie, malapit lang sa bahay ni lola."

"Naku, edi mas lalo kang dapat na mag-ingat! Masama talaga ang loob ko. Parang may mangyayaring hindi maganda."

Hinayaan ko na lang siya sa mga sinasabi niya. Kahit naman noon na hindi ko pa kilala si Andriuz, marami nang nangyayaring hindi maganda. Parte na talaga ng buhay ko ang malasin. Kaya minsan sinasabayan ko na lang.

"Cae, ito ang mga scenes na i-sho-shoot ngayon. May one hour pa bago magsimula, gusto mo bang mag-coffee muna?" tanong ni Sebastian pagkaabot sa akin ng script.

Tumingin ako sa relo ko bago ako tumango. Medyo inaantok din kasi ako kaya mas mabuting magkape muna. Pumunta kami ni Seb sa malapit na coffee shop at binilhan ko na rin ng coffee sila Camill at Mario.

Tumunog ang phone ko at agad ko itong sinagot.

"Hello, Mario."

"Cae, where are you?"

Nagkatinginan kami ni Seb. "Nasa coffee shop. Pabalik na rin kami ni Seb."

"Okay, mag-iingat kayo."

Nang makuha ang order namin ay bumalik na rin kami kaagad dahil alam kong hindi mapakali si Mario kapag hindi ako nakikita. Iniisip niya palaging may dudukot sa akin.

Seb opened the door for me and I smiled.

"Normal lang bang lumabas nang magkasama ang direktor at ang artista niya?"

Napatingin kami sa nagsalita at nakita ko si Aireen. Mukhang hindi siya natutuwa sa nakikita niya. Masama kasi ang tingin niya sa akin.

"Aireen, kagagaling lang namin sa coffee shop. Hindi ko alam na nandito ka, hindi tuloy kita nabilihan," sabi ni Seb pagkalapit niya kay Aireen.

"Hello, Aireen," bati ko sa kaniya at lalakad na sana paalis nang magsalita siya.

"Hindi ko alam kung paano ka pa nabubuhay nang normal matapos mong makapatay ng tao."

"Aireen, stop that," Seb told her.

Mukhang alam niya na rin ang nangyari. At hindi ko rin siya masisisi kung magagalit siya sa akin. Galit sa akin ang kapatid niya kaya inaasahan ko na ring magagalit din siya sa akin.

Suminghap ako bago siya nilingon. "I don't know. Kahit kailan naman hindi naging normal ang buhay ko."

Mula pa noong bata ako, hindi ko naranasang magkaroon ng normal na buhay. Dahil mula pa noon, napaliligiran na ako ng mga taong may galit sa amin. Lahat sila, gusto akong gamitin para makakuha ng pera.

I immediately went back to my dressing room after saying that. The shooting ended well, or I guess it was.

"Cae, magbihis ka na at didiretso na tayo sa event for the stars."

Sinunod ko ang sinabi ni Camill at isinuot ko na ang gown na ipinasadya talaga para sa event ngayong gabi. It is a red backless long-gown. This is kinda conservative type in front while very liberated at the back.

When the clock strikes at 7pm, we left the building. Marami nang reporters sa event kaya kailangan kong ngumiti sa kanilang lahat.

"Miss Caelan, you look stunning tonight," the reporter said.

"Thank you," I told her.

"Of course she's stunning, sa akin siya nagmana."

Nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang boses ni mommy. Nilingon ko siya at nakita kong magkasama sila ni Oliver.

"Looks like you're with your family, Miss Caelan."

Muntik na akong matawa. Family, my ass!

Lumapit sila sa akin at pumwesto sa magkabilang gilid ko. Sa itsura namin, mukha kaming isang masayang pamilya. Sobrang kabaligtaran sa totoong buhay.

"Ano bang ginagawa n'yo dito, mommy?" pabulong na tanong ko.

"Why? Are we not allowed here? For your information, isa sa mga sponsors ng event na 'to ang step-dad mo."

"Miss Caelan, smile! Nice!"

Pagkatapos mag-pose para sa mga photographers ay pumasok na kami sa loob. Ang dami kong nakikitang mga sikat na celebrity sa event na 'to. Pati mga politicians, businessmen at iba't ibang personalidad.

I immediately get a glass of wine and drink it. Ang akala ko magiging maganda ang gabi ko pero nang makita ko si Oliver, nasira na agad ang mood ko.

Hindi ko rin talaga alam kung para saan ang party na 'to. Maybe, for socialization only. Sana hindi na ako pumunta. Kung hindi lang dahil kay Mario, hindi na sana ako sumipot.

After drinking five glasses of wine, I walked my way to the powder room. Medyo nahihilo ako pero kaya ko pa naman ang sarili ko. I did what I have to do inside the powder room then I went out.

"Caelan, you really look gorgeous."

Nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ang boses na 'yon. Ikinuyom ko ang kamao ko bago hinarap si Oliver. Ayan na naman ang mala-demonyo niyang ngiti.

"Ano na namang kailangan mo?" naiiritang tanong ko.

He took a step towards me and I stepped back. "Relax, Caelan, hindi kita sasaktan. Kahit pa nalaman ko na nakikipagsabwatan ka sa abogadong 'yon."

"Stop bothering me. Hindi na ako matatakot sa mga pambabanta mo."

Tatalikuran ko na sana siya pero hinila niya ang braso ko at basta na lang akong itinulak sa pader. Halos kapusin ako ng hininga dahil sa pagkakatama ng likod ko sa pader pero hindi ako nagpatinag sa kaniya.

"Ayaw ko ng tinatalikuran na lang ako basta-basta. Gusto mo talagang nasasaktan, ano?"

I tried to get free from his grasp but he was too strong. "Let me go."

He leaned closer and I really fought the urge to smash his face. Ayaw kong magkagulo dito nang dahil na naman sa akin. Dahil kapag nagkataon, ako na naman ang lalabas na masama.

"Lumayo ka sa 'kin. May pocket knife ako dito at sasaksakin talaga kita kapag hindi ka lumayo."

Sobrang kumukulo ang dugo ko sa galit.

"Pagbibigyan na muna kita ngayon. Pero sa susunod, hindi ka na makakatakas sa akin," bulong niya. Ngumisi  pa siya ulit bago umalis. At kahit umalis na siya ay hindi pa rin humuhupa ang galit ko.

Huminga ako nang malalim at papasok na sana ulit ako sa powder room nang may makita akong taong nakatayo sa 'di kalayuan. Nakatingin siya sa akin gamit na naman ang galit niyang mga mata.

Lumapit siya sa akin at pakiramdam ko kinakabahan na naman ako. Presensya niya pa lang, nagdudulot na ng takot sa akin.

Ngumisi siya. "Hindi ko inaasahan ang nakita ko. Malaking issue 'to sa katulad mong sikat na artista."

"Ano bang sinasabi mo?"

"Ano kayang mangyayari kapag nalaman nila na ang step-father mo ay gusto ka ring asawahin?"

Hindi ako nakasagot agad. Mukhang kanina pa siya nakikinig sa pag-uusap namin ni Oliver.

I faked a laugh. "As far as I know, you're a lawyer and not a celebrity. You're not even an entrepreneur, so what are you doing here? Are you stalking me?"

"And why would I do that? The last thing I want to see is your face. Pero may mapakinabang din pala ang pagpunta ko, napatunayan ko lang naman na totoo ang mga balita tungkol sa 'yo. Kaya siguro nagkukumahog si Mr. Vicero na tulungan ka dahil patay na patay siya sa 'yo. You look innocent but deep inside, you're using your body to get what you—"

I slapped him. I slapped him so hard that my hand hurts so bad.

"You have no right to insult me," my voice cracked. "Oo, galit ka sa akin pero wala kang karapatan na tapakan pati ang dignidad ko! Hindi mo ako kilala at hindi mo alam kung ano'ng mga pinagdaanan ko! Sinira ko ang buhay mo kaya gusto mong gumanti, 'di ba? Sige! Sirain mo din ang buhay ko." Mariin ko siyang tinitigan. "Kung may masisira ka pa."

"Why don't you just tell the truth!" he shouted angrily. "Gano'n ba kahirap magsabi ng totoo?"

"The truth? Kahit sabihin ko ang totoo, hindi ka maniniwala kasi hindi naman 'yon ang gusto mong marinig!"

"You're just making me angrier. Mas lalo ko lang gustong malaman ang katotohanan dahil pilit mong itinatago 'yon."

I nodded and smiled. "That's right. Dapat lang talaga manatili ang galit mo sa 'kin. Huwag mo hayaang mawala 'yan dahil ikaw din ang mapapahamak."

I walked away and went back to the party. Hinanap ko si Mario dahil gusto ko nang umuwi. Ayaw ko nang magtagal sa lugar na 'to.

Another days have passed and I never saw that lawyer again. Siguro abala siya sa paghahanap ng ebidensya laban sa akin. I don't think he can do that. Malamang sinunog na ni Oliver ang lahat ng ebidensya para masigurong hindi na siya madadawit sa kaso.

My phone rang and I answered it while I'm slipping on my heels.

"Cae, matagal ka pa diyan? Nandito na ako sa lobby," sabi ni Mario.

Hindi na siya umakyat dito sa condo dahil sinabi ko naman na tapos na akong mag-ayos. Pupunta kami sa photoshoot ng isang product ngayon.

"Pababa na ako. Ito na pasakay na ng elevator."

"Okay, see you here. Nakaabang na ang van sa harap."

Inilagay ko sa bag ang phone ko habang hinihintay na bumaba ang elevator.  Pagkabukas ng elevator ay natanaw ko kaagad ang van namin kaya pumasok na ako doon kaagad.

Agad ding umandar ito kaya sumandal muna ako sa upuan.

"Mario, after ng photoshoot, anong next appointment ko?" tanong ko habang nakapikit.

Wala si Camill ngayon dahil may sakit daw ang mama niya kaya mag-isa lang akong nakaupo dito sa middle seat. Sa harapan naman kasi palagi umuupo si Mario katabi ng driver.

Hindi nagsasalita si Mario kaya dumilat at napansin kong iba ang nagmamaneho ng van.

"Sino ka? Bakit ikaw ang nagmamaneho?" tanong ko at tiningnan kung kasama ko ba si Mario pero wala siya.

Kukunin ko na sana ang phone ko para tawagan si Mario pero bigla akong nakaamoy ng kakaiba. Unti-unting umikot ang paningin ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Pagkamulat ko pa lang ng mata ay nag-panic na ako kaagad. Umaalon ang paligid kaya nahirapan akong tumayo. Nang makalabas ako ay saka ko napagtanto na nasa yate ako at papunta ito sa isang isla.

Paniguradong si Oliver na naman ang may kagagawan nito. Kahit gustuhin ko mang tumakas, hindi ko magagawa dahil hindi ko kayang tumalon sa dagat. Pinagmamasdan ko pa lang kung gaano ito kalalim, nahihilo na ako.

Nang makalapit sa dalampasigan ay tuluyang huminto ang yate at agad na may lumapit sa akin na dalawang lalaki. Kusa akong sumama sa kanila dahil hindi ko naman kayang manlaban ngayon. Aalamin ko na muna ang binabalak ni Oliver bago ako kikilos.

Naglakad kami papasok sa loob ng gubat hanggang sa bumungad sa amin ang isang mansyon. Sa malayo pa lang ay nakikita ko na ang malaking ngisi ni Oliver.

"Welcome home, Caelan. Nagustuhan mo ba ang lugar na 'to?" masayang bati niya kaya mas lalo akong nainis.

"Bakit mo ako dinala dito?" mariin kong tanong.

Tumawa siya kaya mas lalong nangati ang kamay ko para suntukin ang bibig niya.

"Galit ka na naman. Mabuti pa, pumasok muna tayo sa loob para mahimasmasan ka."

Pagkapasok ko sa loob ng mansyon ay para akong nasisilaw sa mga gintong gamit na nandito. Hindi ganito karangya ang mansyon ni Oliver sa syudad. Dito niya siguro itinatago ang lahat ng kayamanang nakukuha niya sa ilegal na paraan.

Naupo si Oliver sa isang upuan na parang trono ng hari. Isinenyas niya ang upuan sa tabi pero hindi ako naupo doon. Itinulak ako ng isa sa mga tauhan niya kaya padabog akong lumapit.

"Mamayang gabi, magkakaroon ng malaking party sa lugar na 'to. Darating ang mga bigating kasosyo ko sa negosyo kaya ipapakilala kita sa kanila. Nahihiya akong iharap ang mommy mo bilang asawa ko, kaya ikaw na lang ang magiging muse ko ngayong gabi."

Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Ang kapal talaga ng mukha mo. Bakit mo pa pinakasalan si mommy kung nahihiya kang iharap siya sa mga kasosyo mo?"

Tumawa siya. "Huwag ka masiyadong mag-isip nang masama, Caelan. Mahal ko ang mommy mo. Malaki ang naitutulong niya sa mga negosyo ko. Pero ibang usapan kapag dito sa isla. Masiyadong sensitibo at pribado ang lugar na 'to."

"Kung gano'n pala, bakit ako ang dinala mo dito? Paano na lang kung binabalak ko pa lang isiwalat ang lahat ng malalaman ko dito?  Paano kung tumakas ako?"

Lumapit siya sa akin at ngumisi. "Kapag ginawa mo 'yan, mamamatay ang mommy mo. Nasa mansyon lang siya ngayon at isang utos ko lang sa mga tauhan ko, puwede nila siyang patayin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top