Chapter 5

🔥
Support

"Good morning, Miss Caelan," the guard greeted me when I entered the building.

Mayroon akong contract signing na naka-schedule ngayong araw at dito ako makikipagkita sa secretary ng kausap ko. Hindi ko kasama si Mario dahil may pinuntahan siyang importanteng seminar.

I roamed my eyes around the place and saw how mesmerizing the interior design. Ngayon lang ako nakapunta sa hotel na 'to kaya naman namamangha pa ako.

Ang sabi ni Mario, sa top floor daw ang office ng CEO pero dahil secretary lang naman ang makakausap ko, sa 14th floor ako dapat pumunta. Bago sumakay ng elevator ay nagtungo muna ako sa powder room para ma-check ang itsura ko. Nang makuntento ay 'tsaka ako lumabas.

"Nagawa mo na ba ang inutos ko?"

Nahinto ako sa paglalakad nang may marinig akong nagsasalita. Dahandahan akong sumilip sa kabilang pader at nakita ko si Oliver na may kausap sa phone.

"I'm sure that he's planning something. Don't let him escape. Patayin mo na kapag nakita mo."

Biglang tumunog ang phone ko kaya mabilis akong lumayo. Hindi ako dapat makita ni Oliver dito. Pero bakit nga ba siya nandito? Don't tell me, kasosyo niya sa negosyo ang CEO nitong company na 'to?

At sinong ipapapatay niya? Si Andriuz ba? O may iba pa ba siyang kaaway?

Kinuha ko ang phone ko sa bag at nakitang tumatawag si Mario. Sasagutin ko na sana ang tawag nang may makabungguan ako.

"What the..." Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang makita ko si Andriuz.

Mukha siyang nagmamadali at hindi niya ako napansin. Sinagot ko muna ang tawag ni Mario bago ko sinundan si Andriuz.

"Cae! Umalis ka na diyan sa building ngayon," bungad niya sa akin.

"Ha? Bakit naman?" tanong ko at pilit na tinatanaw kung saan papunta si Andriuz.

Bakit ba nandito rin siya? Nagkataon lang ba na nasa iisang lugar kaming tatlo? Grabeng coincidence naman ito.

"I just found out, na si Oliver na pala ang bagong CEO ng company na 'yan."

Hindi ako agad nakasagot kay Mario dahil napansin kong papalapit si Andriuz kay Oliver. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad akong tumakbo para mapigilan siya.

"Oliver—"

I grabbed his hand before he could even call Oliver. Hinila ko siya patago sa kabilang pader.

"Are you crazy?" I asked him. He looked confuse at first but then he started glaring at me the moment he recognized me.

"What the hell is your problem? Bakit mo ako hinila dito?" mariin niyang tanong.

"Abogado ka 'di ba? Dapat nag-iisip ka muna bago ka nagpapadalos-dalos sa kilos mo. Lalapit ka kay Oliver, ni hindi mo nga alam na balak ka na niyang ipapatay!"

He paused for awhile before he smirked. "And so? Wala ka na dapat pakialam do'n. Siya ang tumutulong sa 'yo na itago ang mga ebidensya, tama ba? Kaya natatakot ka na baka komprontahin ko siya."

Umiling ako at sinubukang magpaliwanag pero nakita ko kaagad ang mga tauhan ni Oliver.

"Shit!"

Napalingon sa akin ang isa kaya nanlaki ang mga mata ko. Hinawakan ko ulit ang braso ni Andriuz.

"Takbo na!"

Mas lalo kaming malalagot kay Oliver kapag nakita niya kaming magkasama. Paniguradong iniisip na niyang nakikipagtulungan ako kay Andriuz para ipakulong siya.

"Will you stop dragging me!" Andriuz shouted.

"Will you shut up! Bilisan mo na lang ang pagtakbo kundi dalawa tayong mamamatay dito!"

Hindi ko kabisado ang building na 'to kaya hindi ko alam kung saan dadaan para makalabas kami kaagad. Habang tumatagal, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

Ako ang naging dahilan kaya namatay ang fiancee niya kaya hindi ko na hahayaang ako pa rin ang maging dahilan para mapahamak si Andriuz.

"Wait," sabi ko bago tinanggal ang suot kong heels. Nilingon ko ang pinanggalingan namin at naririnig ko pa rin ang mga humahabol sa amin. "Fuck! Hindi talaga nila tayo titigilan."

"Kababae mong tao, ang hilig mong magmura." Sinamaan ko ng tingin si Andriuz pero ginantihan niya rin ako ng masamang tingin.

"Halika na! Doon tayo dumaan—"

"Sandali lang." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ko para hindi ako makatakbo. Kinunutan ko siya ng noo. "Bakit hindi ka na lang magpakita sa kanila? Those are your step-father's men, they won't hurt you."

"Nag-iisip ka ba? Sa tingin mo hindi nila ako sasaktan pagkatapos nila akong makitang kasama ka? Siguradong iisipin ni Oliver na tinatraydor ko siya!" naiinis na sagot ko.

"Ayun! Nando'n sila!"

Sabay kaming napalingon sa sumigaw. Siya na mismo ang humila sa akin papunta sa kung saan. Ilang beses kaming lumiko hanggang sa nakalabas kami sa likod na parte ng building.

"Aray ko! Ang init!" singhal ko nang tumapak ako sa mainit na kalsada.

Kahit na mainit at napapaso ang paa ko ay nagpatuloy lang kami sa pagtakbo. 'Tsaka lang kami huminto nang nasa tapat na kami ng sasakyan ni Andriuz. Pinatunog niya ang kotse at basta na lang pumasok doon.

Sinubukan kong buksan ang pinto sa front seat pero nai-lock niya na 'yon agad.

"Seriously? Iiwan mo ako dito?" tanong ko nang buksan niya ang bintana.

He stared at me blankly. "I won't let a criminal inside my car. Bahala ka nang tumakas sa kanila."

Bigla na lang niyang pinaharurot ang sasakyan pagkatapos sabihin 'yon. Talagang hindi niya ako sinabay kahit hanggang sa harap lang ng building!

Tumunog ang phone ko at agad kong sinagot ang tawag ni Mario.

"Cae! Nasaan ka na ba?" bungad niya sa akin.

Bumuntonghininga ako. "Nandito pa rin ako."

"What? 'Di ba ang sabi ko umalis ka na diyan? Ano bang ginagawa mo? Umuwi ka na."

Hindi ko na muna sinabi sa kaniya ang nangyari dahil magpa-panic lang siya. Bumalik ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Doon ko lang naramdaman kung gaano kahapdi ng paa ko dahil sa katatakbo nang naka-paa.

"Hinabol kayo ng tauhan ni Oliver? Pero sa tingin mo, si Attorney ang target nila?" gulat na tanong ni Mario.

Tumango ako at napadaing dahil sa nilagay na ointment ni Camill sa paa ko.

"Bago kami habulin ng tauhan ni Oliver, narinig ko siyang may kausap sa phone. May gusto siyang ipapatay," sabi ko.

"At bakit mo naman tinulungan ang abogado na 'yon? Nasa panganib din ang buhay mo, Cae! Bakit inuuna mo pang tumulong sa iba!"

"Pero hindi siya ibang tao! Fiance siya ng babaeng napatay ko! At ang tanging magagawa ko lang para kay Melanie ay ang siguraduhing ligtas ang lalaking mahal niya pati na rin ang pamilya niya!"

Kahit buhay ko pa ang kapalit, handa akong magsakripisyo. Mabayaran ko lang ang nagawa kong kasalanan sa kaniya at sa pamilya ni Melanie.

"Totoo nga!"

Napalingon kami sa dumating at nakita ko si mommy. Galit na galit siya na para bang handa na niya akong saktan ngayon.

"Madam Clara, ano pong ginagawa n'yo dito?" tanong ni Mario.

Hindi siya pinansin ni mommy at dumiretso siya sa akin. Kahit mahapdi ang paa ko ay pinilit ko pa ring tumayo.

"Tinutulungan mo ang abogado na 'yon para makulong si Oliver!" sigaw niya.

"Nagkakamali ka, hindi ko pa siya tinutulungan pero may alam na siya kay Oliver. Ano pa kaya kapag tinulungan ko na siya? Baka mabalitaan mo na lang na dinadampot na ng mga pulis si Olive—"

Hindi ko na naman natapos ang sinasabi ko dahil sinampal na naman ako ni mommy. Namumuro na ang pisngi ko sa mga sampal niya at pakiramdam ko namamanhid na nga ako.

"Madam Clara! Tama na po ang pananakit kay Cae! Hindi n'yo po ba alam na—"

"Tama na, Mario," pagsaway ko sa kaniya. "Wala namang magbabago kahit sabihin mo kay mommy ang nangyari. Si Oliver pa rin naman ang paniniwalaan niya. Kung wala ka ng sasabihin, puwede ka nang umalis."

"Caelan, I'm doing all of these for you! Ipinapahamak mo lang lalo ang sarili mo sa pagkampi mo sa abogadong 'yon!" sigaw ni mommy at dinuro-duro pa ako.

"Then so be it! Walang makakapigil sa akin sa pagtulong kay Andriuz. Kung gusto mo akong protektahan, huwag ako ang pigilan mo, mommy. Pigilan mo si Oliver sa mga masasamang gawain niya."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pumasok na ako sa kuwarto ko. Mas lalong lumalala ang mga nangyayari sa bawat araw na lumilipas. Hindi ko alam kung kaya pa bang maayos ang lahat ng ito. Pero hindi ako titigil hangga't malaya pa rin si Oliver. Sisiguraduhin kong magbabayad siya sa lahat ng kasamaan niya.

"Let's all welcome, the newest ambassador of Glamorous Beauty, Miss Caelan Aerith Suarez!"

The backstage door opened and I held a smile before walking out to the center of the stage. I roamed my eyes through the crowd.

"She's definitely gorgeous, right?" the host said and the crowd cheered even more.

Through the years in the entertainment industry, this is the only thing that I will never get tired of. The love and support that I receive from my supporters are the reasons why I'm still here.

Sa kabila ng mga issue na kinasangkutan ko, nandiyan pa rin sila at hindi ako iniwan. I love them with all my heart.

Ilang araw naging tahimik ang buhay ko matapos naming makatakas sa mga tauhan ni Oliver. Pero kahit na gano'n ay hindi pa rin ako nakampante. Alam kong may binabalak na naman si Oliver at naghihintay lang siya ng tiyempo para maisagawa 'yon.

"Mario, gusto kong bisitahin si lola pagkagaling ko dito. Wala naman akong appointments hanggang weekend, 'di ba?" tanong ko kay Mario habang nasa van kami.

"Yes, Cae. Nabanggit mo na sa akin noong nakaraan na gusto mong pumunta sa Zambales kaya inayos ko na ang schedule mo. Mag-iingat ka doon, ha?" bilin niya.

"Oo naman, Mario. Na-mi-miss ko na kasi si lola. Pagdating sa condo, mag-iimpake na ako tapos didiretso na ako sa Zambales."

"Sigurado kang kaya mong magmaneho mag-isa? Ihatid na lang kaya kita—"

"No need. Nagpa-book na ako ng sasakyan papunta doon."

Napabuntonghininga na lang si Mario at pumayag na sa gusto ko. As soon as I arrived at my condo unit, I immediately packed my things. Balak kong mag-stay doon hanggang weekends kaya dinagdagan ko ang dala kong damit.

It was a two and a half hour drive from Manila to the place of my grandmother.

"San Antonio, Zambales," I read the sign.

Natatanaw ko na ang magandang karagatan at mas lalo akong na-excite na makita si lola. Kung ako ang masusunod, gusto ko sana na kasama ko siya sa Manila pero ayaw niya. Gusto niya raw nang tahimik na buhay sa tabing-dagat.

Hindi ko rin naman masisisi si lola, masiyadong magulo ang buhay kapag kasama niya kami. Kaya mas ayos na rin na nandito siya.

Bumaba ako malapit sa bahay ni lola at tinulungan ako ng driver na ibaba ang mga gamit ko. Nang makaalis ang driver ay 'tsaka ako naglakad papunta sa bahay ni lola. Naabutan ko siyang nagluluto.

"Ang bango naman ng hapunan. Nagugutom na ako," sabi ko bago nilapitan si lola.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at agad na iniwan ang niluluto para lapitan ako.

"Cae, apo ko!" aniya bago ako niyakap nang mahigpit.

"Lola, na-miss po kita! Sobra!" sabi ko.

Hindi ko mapigilang maluha dahil sobrang na-miss ko talaga si lola. Huli kaming nagkita noong pasko pa dahil naging busy ako sa trabaho.

"Lola, sinong dumating?—Caelan?"

Kumalas ako sa yakap at hinarap ang taong pumasok. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Robin. Ang kababata ko dito, siya rin ang kasama ni lola dahil wala na siyang pamilya.

"Robin!" I ran and hugged him. "Long time no see! Noong huli akong pumunta dito, wala ka. Kumusta? Inaalagaan mo ba nang mabuti ang lola ko?"

"Hay naku, Caelan. Iyang si Robin pa nga ang inaalagaan ko. Aba'y napakakulit," sabi ni lola.

"Lola naman, huwag mo akong isumbong kay Caelan. Baka tamaan na naman ako sa babaeng 'to," nagrereklamong sagot ni Robin.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Tatamaan ka talaga sa 'kin, Robin! Maghintay ka at tatanggalin ko lang ang sapatos ko!"

"Bleh! Asa ka! Bahala ka diyan, Cae!"

"Hoy!" Binilisan kong tanggalin ang suot kong sapatos para mahabol si Robin pero nakalayo na siya kaagad. Hindi hamak na mas mabilis talaga siyang tumakbo sa akin. Ang hahaba kaya ng biyas niya!

"Lagot ka kapag naabutan kita! Sabi ko alagaan mo si lola pero ini-stress mo siya!" sigaw ko at mas binilisan pa ang pagtakbo.

Napahinto lang ako nang mapansin ko ang pamilyar na bahay. Ang alam ko, wala nang nakatira dito. Pero ngayon, may naglilinis kaya sa tingin ko mayroong lilipat o kaya naman baka bumalik ang dating may-ari.

Lumapit ako sa isang naglilinis at mukhang hindi naman nila ako namumukhaan.

"Magandang hapon, itatanong ko lang kung may bagong lilipat sa bahay na 'yan?" tanong ko.

"Hindi, miss. Babalik na kasi 'yung pamilya na nakatira dito. Namatay na kasi ang anak nilang babae kaya dito na ulit sila titira."

Biglang umihip ang malamig na hangin kaya kinilabutan ako. Hindi naman siguro... Imposible. Pero kung tama ang iniisip ko, talagang napakaliit ng mundo.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top