Chapter 40

This will be the last chapter of His Revengeful Desire. It has been a rollercoaster ride with Andriuz and Caelan. Thank you for being part of their journey. Stay safe!

Love

🔥

Sumunod ako sa kan'ya sa veranda at kaming dalawa lang ang nandito. Seryoso ang mukha niya pero hindi ko alam kung galit ba siya o baka pagod lang.

"Alam kong natanggap ka na ulit ng parents namin pero nagtatampo pa rin ako sa 'yo. You promised, right? Nangako ka na hindi mo na ulit iiwan si Andriuz pero umalis ka pa rin. At ang malala pa, tinaguan mo pa siya ng anak."

Napayuko ako at napabuntonghininga. "I'm sorry."

"Awang-awa ako sa kapatid ko noong nagising siya at hinahanap ka niya. No one told you this, not even him, but he was depressed that time. Mas malala pa ang kondisyon niya noong iniwan mo siya kaysa noong namatay si Melanie."

I opened my mouth to talk but I couldn't utter any words. I didn't know about that. Hindi rin nasabi sa akin ni Andriuz ang tungkol sa pinagdaanan niya.

"Sinisi niya ang sarili niya dahil hindi ka niya naprotektahan. At noong nalaman niyang kinausap ka ni mommy noong unconcious pa siya, nagalit siya kay mommy."

Napamaang ako. "Nagalit siya kay Tita Franz? Bakit?"

"Akala niya kasi pinaalis ka ni mommy. Kaya nagalit siya."

"Hindi gano'n 'yon. Kinausap nga ako ni Tita Franz pero hindi niya ako pinaalis. Sariling desisyon ko ang lumayo."

Mas lalo akong nahiya sa nagawa ko. Sarili ko lang ang inisip ko noong lumayo ako sa kanila. Hindi ko man lang naisip ang mangyayari sa mga taong naiwan ko. Akala ko...magiging maayos lang sila.

"I'm sorry. Malaking gulo pala ang iniwan ko sa pamilya ninyo. Tapos, ang lakas pa ng loob kong magpakita sa inyo ngayon—"

"Na matagal mo na dapat ginawa. Dapat matagal mo nang ipinakilala sa amin si Lian. Pero just like what Andriuz said, you only did that for your daughter's protection. Kaya hindi kita p'wedeng husgahan sa desisyon mo. Sana nga lang, huwag ka na ulit aalis. Dahil kapag ginawa mo pa 'yon, baka ako na mismo ang maglayo kay Andriuz mula sa 'yo."

I nodded. "I understand. This time, tutuparin ko na talaga ang pangako ko. Hindi ko na iiwan si Andriuz."

Hindi ko ma-imagine kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Andriuz at kung paano niya nalampasan ang lahat ng 'yon. Kung tutuusin, sobrang laki ng kasalanan ko sa kan'ya.

Matinding sakit ang binigay ko sa kan'ya mula pa noong mamatay si Melanie nang dahil sa akin. At hanggang sa mga nakalipas na taon, palagi na lang siyang naghihirap ng dahil sa akin. Pero nagawa niya pa rin akong tanggapin. Nagawa niya pa rin akong suyuin para lang magtiwala ako sa kan'ya. Kahit na ako dapat ang gumagawa no'n.

"Bakit dinala mo ako dito?" tanong ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang beach house.

Iba ang beach house na ito sa mga beach house na tinirahan namin ni mommy noon. Mas malalaki ang mga nandito at nasa kabilang parte ng isla.

Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Naramdaman ko kaagad ang simoy ng hangin nang bumaba ako ng sasakyan. Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya sa loob ng beach house.

Kulay puti ang loob at labas ng bahay kaya napakalinis tingnan. There are wooden furniture inside that added to the cozy feeling of the house.

"Let's go outside," Andriuz said.

Tumango ako at sinundan siya palabas sa harap na parte ng bahay. Bumungad sa amin ang napakagandang view ng dagat. Muling umihip ang malakas na hangin na tumatangay sa buhok ko. Iniwan ko sa harap ng bahay ang suot kong tsinelas at nakayapak akong naglakad sa buhanginan.

"Naaalala mo ba? This is the place where we first met."

Napahinto ako sa paglalakad. Inilibot ko ang paningin sa paligid at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pamilyar nga sa akin ang mga nakikita ko ngayon. Pero hindi ko maalala kung kailan ako unang nagpunta dito.

"Sa beach house na 'yon, doon ka nag-stay habang nandito ka sa isla kasama kami. Hindi ka namin dinala sa mansyon o sa iba pang lugar. Nandito lang tayo hanggang sa sunduin ka ng parents mo."

He held my hand tightly while staring into my eyes.

"This is the place where I first laid my eyes on you. The first time I saw you fighting for your life. And this is the place where you left this."

Inilagay niya sa palad ko ang hair clip ni lola. Parang biglang bumigat ang pakiramdam ko nang muli ko itong makita. Tumingin ulit ako sa paligid at pilit na inalala ang mga nangyari noon.

"Ibinalik ko na 'yan sa 'yo pero naiwan mo na naman sa condo ko. Kaya naisip kong ibigay na lang 'yan kapag naisama na kita dito."

Bigla akong nahilo at muntik na akong matumba. Mabuti na lang at mabilis na umalalay sa akin si Andriuz.

"Are you okay, Cae? Nahihilo ka ba?"

Tumango ako. "Napagod siguro ako sa biyahe."

"Let's go back inside."

We went back inside the beach house. Pinaupo niya ako sa sofa bago siya nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig. It feels like a deja vu.

Napatingin ako sa hawak kong clip nang sumakit na naman ang ulo ko. I closed my eyes tightly then suddenly images started to flash in my mind.

I saw my younger self sitting on this sofa before. Sa tabi ko ay isang batang babae at isang batang lalaki. Mas'yadong mabilis ang mga nakikita ko pero naiintindihan kong sila Andriuz at Aireen ang nakasama ko noon.

Tama nga siya. Nag-stay ako dito ng ilang araw hanggang sa sinundo na ako nila mommy at daddy. Iyon nga iyong panahon na na-kidnap ako at nalunod. Doon din nagsimula ang matinding problema sa pamilya namin.

Simula kasi nang araw na 'yon, palagi nang nag-aaway sila mommy at daddy. Hindi nagtagal, naghiwalay sila. Iniisip ko pa noon na baka ako ang naging dahilan ng paghihiwalay nila. Pero ngayon, naiintindihan ko na. Kahit magpakasal ang dalawang tao, hindi mo masasabi kung magtatagal ba ang pagmamahal ninyo sa isa't isa.

"Cae? Mas lalo bang sumakit ang ulo mo?"

Dumilat ako at agad na niyakap si Andriuz. Mukhang nabigla siya sa ginawa ko pero niyakap niya rin ako pabalik.

"What's wrong?" he whispered softly.

I sobbed. "I love you. I love you so much. Pangako, hindi na ako aalis ulit. Hindi na kita iiwan. Basta, huwag mo rin akong iiwan. I want to be with you forever."

He hugged me tighter as if our closeness isn't enough.

"I love you more. I'll always be here for you. I won't leave you. Hindi mo kailangang matakot na baka iwan kita dahil hindi ko gagawin 'yon. I will always choose to stay. No matter what."

He let go of me and stared into my eyes. I will never get tired looking at his eyes.

"I love you," he muttered before he closed the distance between us and kissed me.

I quickly answered his kisses. It was a light and slow kiss at first. Mabagal pero nakakatuliro. Then it became passionate and deep. His kisses never fails to make my knees weak. My heart is banging inside my chest together with the butterflies in my stomach.

We made love. We shared another special moment at a special place. The place where we first met.

Hindi ko akalaing makakabalik pa kami sa lugar na 'to nang magkasama. Sa tingin ko iisa lang ang ibig sabihin no'n. Kahit saan man kami makarating at kahit ano man ang pagdaanan namin, babalik at babalik pa rin kami sa piling isa't isa.

Is this what they called destiny? Or is it the result of loving someone with all your heart?

Tadhana raw ang magpapasya sa kalalabasan ng buhay natin. Kung makakasama natin habambuhay ang mahal natin, tadhana lang ang may alam. Pero, para sa akin, ang pagmamahal natin sa isang tao ang magtatakda ng ating tadhana.

Tayo ang gumawa ng tadhana. Bawat desisyong ginagawa natin, nagdudulot ng iba't ibang resulta. Noong nagdesisyon akong iwan si Andriuz, nagdulot 'yon ng kalungkutan sa aming lahat. Pero ngayong nandito na ulit ako sa tabi niya, p'wede na siguro kaming maging masaya.

"Kinakabahan ka?" natatawang tanong ni Andriuz.

I glared at him. "Nang-aasar ka ba? Hindi ka man lang kinakabahan sa p'wedeng mangyari? Magkikita ang pamilya natin kaya—"

He cut me off with his kiss. It only made my heart beats even more. Pero kahit papaano, naibaling sa iba ang isip ko. Lumayo siya pagkatapos ay humalik naman sa noo ko.

"Stop thinking too much. Just think of this as a family gathering."

I sighed. Kahit anong sabihin niya, hindi pa rin mapanatag ang loob ko. Ito ang unang beses na magkakasama ang mga pamilya namin at hindi malabong maungkat ulit ang nangyari sa nakaraan.

Kahit naman naayos na namin ang lahat, hindi pa rin maiiwasan na magkaroon sila ng samaan ng loob na sana lang ay hindi na mangyari.

"Cae, nakahanda na ang lahat," sabi ni mommy pagkalabas niya mula sa dining area.

Naisip namin ni Andriuz na imbes sa restaurant namin papuntahin ang mga pamilya namin ay dito na lang sa bahay.

"Andriuz, paparating na ba ang pamilya mo?" tanong ni mommy sa kan'ya.

Tumango si Andriuz at bago pa siya makapagsalita ay tumunog na ang doorbell. Nagtungo kami sa pinto para salubungin ang dumating.

"Dad, Tita Angelou," bati ko sa kanila bago sila niyakap.

"Anton, buti dumating na kayo. Pumasok muna tayo sa loob habang naghihintay sa iba," sabi ni mommy.

Tumango si dad at sumulyap kay Andriuz. "I guess, hindi pa dumarating ang parents mo? Darating ba talaga sila?"

"Dad," saway ko sa kan'ya.

Hindi na nga ako mapakali sa sobrang kaba tapos magsasalita pa si dad nang gano'n. Ayaw ko namang isipin ni Andriuz na nag-iisip si dad nang hindi maganda sa parents niya.

"They're on their way already, sir. Baka po mayamaya lang ay nandito na sila...."

Napahinto siya sa pagsasalita nang tumunog ulit ang doorbell. Nilingon namin ang gate at nakita ang isang van at kotse na nakaparada sa harap. Mukhang pamilya na ni Andriuz 'yon.

Hinawakan ni Andriuz ang kamay ko habang hinihintay na makalapit sa amin ang pamilya niya. Mula sa van ay unang bumaba sina Aireen at Sebastian. Nakangiti kaagad si Seb nang matanaw ako. Kasunod nila ay ang mga magulang na ni Andriuz, si Tita Franz at Tito Glenn.

Sa isang kotse naman nanggaling sina Art at Crystal kasama na rin ang anak nila na si Frank. Kumpleto nga sila. Kung nandito rin sila ang lolo at lola nila na nasa States, for sure, pupunta rin sila dito sa bahay.

"Mukhang nandito na kayong lahat, pumasok na tayo sa loob," sabi ni lola na kanina pa pala kami pinagmamasdan.

Habang pinagmamasdan ko ang mga taong nandito, hindi ko maiwasang maging emosyonal. Ganito kalaki ang pamilyang mabubuo kapag habambuhay na kaming magkasama ni Andriuz. Nakakatuwang isipin.

Dumiretso kami sa dining area para kumain na muna. Halata namang napagod sila sa biyahe. Nang matapos kumain ay lumipat kami sa living room. Si Aireen at Crystal ay binantayan na muna sila Lian at Frank habang nag-uusap kami.

Magkatabi ni Andriuz sa couch na nasa gitna. Sa kaliwang couch nakaupo ang parents niya habang nasa kanang couch naman nakaupo ang parents ko. Pakiramdam ko teenager kami ni Andriuz na mag-co-confess tungkol sa pagpapakasal namin dahil nabuntis ako.

"Mr. Anton and Mrs. Clara, pinapunta ko po dito ang pamilya ko para po sana hingin ang blessing ninyo."

Napatingin ako kay Andriuz nang sabihin niya 'yon. Wala siyang nabanggit na manghihingi siya ng blessing. Ang sabi niya lang, gusto niyang magkakilala ang pamilya namin.

"Alam naming mas'yado ng natagalan ang pamamanhikan dahil may apo na nga tayo sa kanila, pero gusto pa rin naming gawin ito," sabi naman ni Tito Glenn.

Seriously, ako lang ba ang hindi nakakaalam sa plano nila? Tumingin ako kila Crystal at Aireen pero nag-thumbs up lang sila sa akin.

"You're right," dad agreed. "Atsaka, nasa tamang edad na rin sila kaya hindi na namin kailangang tumutol sa desisyon nila."

Siniko ko si Andriuz kaya napatingin siya sa akin. Kinunutan ko siya ng noo pero ngumiti lang siya bago muling tumingin kay dad.

"Kung gano'n po, gusto ko na rin pong gamitin ang pagkakataong 'to para gawin ang matagal ko na pong gustong gawin," sabi ni Andriuz bago may kinuha sa bulsa niya.

Maliit na kahon 'yon at mukhang may kutob na ako kung anong laman. At mas lalo kong nakumpirma ang iniisip ko nang lumuhod si Andriuz sa harapan ko. Narinig ko kaagad ang impit na pagtili nila Aireen at Crystal.

"Andriuz...." I whispered.

He smiled. "Caelan, in front of our family, I want you to know how much I love you. We've been through so much struggles and challenges together. Ilang beses na tayong nagkalayo at ilang beses na nating nasaktan ang isa't isa. But despite all of that, one thing is for sure. I really, really love you. And I want to be with you forever. Will you marry me, Caelan?"

I gasped. Tears formed in my eyes but it's not because of pain nor sadness. This is what they called, tears of joy.

Masaya ako. Sobra.

I nodded. "Yes, Andriuz. I will marry you."

He slid the ring on my finger before hugging me. I hugged him back.

"I love you," he whispered.

"And I love you more."

Walang pagsidlan ang kasiyahan ko ngayon. Sa wakas, matutupad na rin ang pinapangarap ko. Ang bumuo ng masaya at kumpletong pamilya.

Ako at si Andriuz kasama si Lian at ang magiging anak pa namin.

Natagalan man at least matutupad ko pa rin. Mas'yado mang marami ang nailuha namin, sisiguraduhin kong mas marami pa rin ang ngiti namin habang magkasama kami.

Sino bang mag-aakala na ang taong nagawan ko nang matinding kasalanan noon, ay magagawa akong mahalin? Sino bang mag-aakala na p'wedeng maging pag-ibig ang galit?

No one expected this. No one.

It all started with his attempt to get revenge but it ended up as a desire. A desire that we couldn't ignore. A desire that later on, turned in to love.


🔥🔥🔥
Epilogue is next. It's time for Andriuz's POV.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top