Chapter 38

Settled

🔥



"Si Lian...anak mo siya. You are her biological father."

He didn't move for a second. Nanatili siyang nakatitig sa akin na para bang hinihintay niya akong bawiin ang sinabi ko. Hindi ko mapigilang humikbi.

"I'm sorry. Itinago ko siya sa 'yo at sa pamilya mo dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka...kunin mo siya sa akin. Na baka galit ka kasi iniwan kita kaya ilalayo mo sa akin ang anak ko. I'm sorry. I'm really sorry..."

I cried while saying sorry to him. He didn't say anything and just pulled me into a hug. His hug never fails to comfort me. It makes me calm and it gives me something to hold on to.

"Ssshh, I really hate to see you cry."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang mga luha ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Hindi ka ba galit sa akin?" tanong ko.

He smiled. "About Lian, I already know that she's my daughter."

Napakurap ako at napakunot ang noo. "A-Ano? Kailan at paano?"

"Noong nalaman ko palang na ikaw ang mommy niya, inangkin ko na siya bilang anak ko. It doesn't matter to me if she's really my daughter or not, I'll still treat her the same. But now, mas napanatag ako dahil nagawa mo nang sabihin sa akin ang lahat. It only means that, you trust me again, right?"

Trust. That's the thing that I failed to do before. To trust him enough. I didn't trust him and I let my fears controlled me. Kaya naging ganito ang nangyari sa amin. Hindi maganda ang pagsisimula ng relasyon namin ni Andriuz kaya hindi ko magawang magtiwala sa kan'ya nang buo.

We lied to each other for how many times. We made wrong decisions due to our emotions. At nagkasakitan kami nang ilang beses. Pero kahit na gano'n, mahal ko pa rin siya at handa akong tanggapin siya ulit.

"M-Mommy..."

Napalingon kami kay Lian nang magising siya. Agad akong tumayo at nilapitan siya.

"Lian, how do you feel? Are you okay?" I asked while Andriuz called the doctor.

"I-I'm fine, mommy. I feel thirsty..."

"Okay, baby. Wait a second." Nagsalin ako ng tubig sa baso pagkatapos ay tinulungan ko siyang makainom. Mayamaya lang ay pumasok na ang doktor dito sa k'warto at chineck up niya ulit si Lian.

Maayos naman na ang lahat at wala na kaming dapat na ipag-alala. Pero para makasiguro ay pinili kong mag-stay na muna siya dito kahit hanggang bukas ng umaga.

"Huwag na po kayong mag-alala, mommy. I-di-discharge na po siya bukas kaya hintayin n'yo na lang po kami sa bahay," sabi ko kay mommy nang tawagan ko siya.

Katulad ko ay nag-panic kaagad si mommy at gustong pumunta dito sa ospital. Pero dahil ligtas naman na si Lian, hindi ko na sila pinapunta. Mapapagod lang sila sa biyahe at alam kong busy si mommy sa restaurant.

"Fine. Umuwi kayo kaagad pagka-discharge sa kan'ya. Sino nga palang tutulong sa 'yo diyan kung hindi ako pupunta?"

Sumulyap ako kay Andriuz na ngayon ay nakikipagtawanan na kay Lian. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Nandito po si Andriuz. Sige na po, mommy. Ako na ang bahala kay Lian," sambit ko.

"Sige na nga. Mag-iingat kayo."

Pagkapatay ng tawag ay nilapitan ko kaagad sila Lian. Napatingin silang dalawa sa akin. Nakaupo si Andriuz sa kabilang side ng kama kaya sa kabila naman ako naupo. Nasa gitna namin si Lian.

"Lian, I have something to tell you," I started.

She looked at me with confused eyes. "What is it, mommy?"

"You said that you want to meet your daddy, right?" I asked and she nodded. "Well, he's here."

Dahandahang kumunot ang noo niya bago lumingon-lingon sa paligid. Nanatiling nakatitig sa kaniya si Andriuz habang nakangiti. Napatingin sa kaniya si Lian at kumurap nang ilang beses.

"Mister, have you seen my daddy?" she asked.

Hinawakan ko ang kamay ni Lian kaya napatingin siya ulit sa akin.

"Lian, he's your dad."

Tumitig siya sa akin na para bang naguguluhan siya sa sinabi ko. Lumingon siya kay Andriuz at muling tumingin sa akin. Hindi siya nagsasalita kaya kinakabahan ako sa kung anong iniisip niya. Nang tumingin ako kay Andriuz ay halos hindi na siya makangiti. Siguro natatakot na rin siya sa reaksyon ni Lian.

"Is he really my dad? You're not joking, mommy?" she asked again.

Umiling ako. "I'm not joking, baby. He's your father."

Saglit pa siyang tumitig bago siya tumingin kay Andriuz. She pouted and I could see that she's at the verge of crying.

"You're my dad, mister?" she asked him.

Andriuz nodded and smiled at her. "Yes, Lian. I'm your real dad."

"You're not busy anymore?"

Natigilan si Andriuz sa tanong ni Lian at kahit ako ay naguluhan kung bakit niya naitanong 'yon.

"I'm not busy anymore. Why did you ask? Would you like us to go on a vacation?" Andriuz asked her back.

Umiling si Lian. "If you're not busy anymore then...you won't leave us again? I always asked lola about you and she told me that you can't be with us because you're always busy at work. You're not going to leave again, right?"

Mas lalo akong nakonsensya. Iniisip niyang iniwan kami ni Andriuz kahit ang totoo ay ako naman ang nagdesisyong lumayo. Ayaw kong sumama ang loob niya kay Andriuz kahit kasalanan ko naman ang lahat.

Nag-iwas ako ng tingin at mabilis na pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko. Pagkatapos ay 'tsaka ko sila ulit nilingon.

"I'm not going to leave again, I promise," Andriuz told her. Hinawakan ni Andriuz ang kamay namin ni Lian. "From now on, we will be together as a family. Hindi ko na hahayaang malayo kayo sa akin."

I've always dreamed to have a complete and happy family ever since my parents separated. Ipinangako ko sa sarili ko noon na hindi ko hahayaang lumaki ang anak ko nang hindi buo ang pamilya namin. Pero nabigo akong gawin 'yon kaagad.

Sobrang dami na naming pinagdaanan ni Andriuz at ngayong magkasama na ulit kami, hindi ko na hahayaang magkalayo pa kami. Gagawin ko na ang lahat para protektahan ang pamilya namin.

"Lola!"

Pagkapasok pa lang sa bahay ay yumakap kaagad si Lian kay mommy at lola. Sobrang sigla niya na para bang hindi siya nanggaling sa hospital.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Andriuz sa kamay ko kaya tumingin ako sa kan'ya. Mukha siyang kinakabahan dahil first time niyang magpunta dito para kausapin sila mommy at lola.

"Lian, I'm so happy that you're fine already. I'm so worried about you, apo," mommy said.

"I'm sorry, lola. I'll be more careful next time," Lian answered. "Lola, I finally meet my daddy! And he said that he will never leave us again. I'm so happy!"

My heart flutters when I heard what she said. She's really happy. Pakiramdam ko, ang ipakilala si Andriuz sa kaniya ang pinakamagandang desisyon na nagawa ko sa buhay ko.

Napatingin silang lahat sa amin kaya lumapit kami ni Andriuz sa kanila. Naupo kami sa may sala habang si Lian ay kinuha na muna ni Robin para maglaro.

"Mukhang maayos na ang lahat sa inyong dalawa," sabi ni mommy habang nakatingin sa magkahawak na kamay namin ni Andriuz.

Tumango ako at ngumiti. "Opo, mommy. Kahapon lang po namin napag-usapan ang lahat."

"Mabuti naman kung gano'n, apo," sabi naman ni lola. "Masaya ako dahil mabubuo na ang pamilya ninyo. Alam kong magiging mabuting magulang kayo kay Lian. Alagaan n'yo sana ang isa't isa."

Pinisil ni Andriuz ang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Hindi siya lumingon sa akin at nanatili siyang nakatingin kay mommy at lola.

"Gusto ko po sanang humingi ng tawad sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa pamilya ninyo. Lalo na po sa pananakit ko kay Caelan. Patawarin n'yo po ako," sambit ni Andriuz.

Muli na naman akong naluha. Hindi niya kailangang humingi ng tawad kung nasaktan niya man ako noon. Malaki ang kasalanan ko sa kan'ya at handa akong pagbayaran 'yon kahit pa sa anong paraan.

"Gusto ko ring mag-sorry sa 'yo, Andriuz. Sa lahat ng mga kasalanan namin ni Oliver sa 'yo. Sana, makapagsimula na tayo ulit bilang pamilya," sabi ni mommy.

"Naiintindihan ko po. You did what you can do to protect Caelan before. Hindi ko po kayo masisisi. Gusto ko rin pong magpasalamat kasi pinayagan n'yo po akong makilala ang anak ko."

"Gusto naming lumaki si Lian na may buong pamilya. Kaya sana, huwag na ulit kayong maghihiwalay," sagot ni mommy sa kaniya.

Andriuz looked directly to my eyes. The way he stares to my soul never fails to make my heart raced even more.

"I'll never let her go anymore. Ilang beses nang nawala sa akin si Caelan kaya hindi ko na hahayaang maulit 'yon."

A tear fell from my eye due to so much emotions. I could feel his sincerity through his words. Na para bang gusto niya na akong itali sa tabi niya huwag lang akong mawala ulit.

The next day, we decided to visit my dad in his mansion. We want to personally tell him about our relationship. Sinabi niya noon na 'tsaka niya lang matatanggap si Andriuz kapag nahanap niya ako. And he did. He found me and now we are together again.

It took him five years but it doesn't matter anymore. Ang mahalaga, hinanap niya ako dahil mahal niya ako.

Sumulyap ako kay Andriuz na nagmamaneho ngayon. Nakatuon sa kalsada ang paningin niya at magkasalubong na naman ang mga kilay. Kanina pa siya tahimik mula nang sinundo niya kami ni Lian sa bahay.

"Are you okay?" I asked. He glanced to me for a second but he didn't answer. "Kinakabahan ka ba?"

He shook his head. "Of course not."

"Sigurado ka? Parang mas'yado ka kasing tahimik ngayon. Huwag kang mag-alala, hindi ka naman babarilin ni dad," biro ko kaya mas lalong naging masungit ang itsura niya.

"Don't make fun of me, Caelan."

Mas lalo akong natawa. Hindi ko akalaing matatakot siya nang husto kay daddy. Samantalang ilang beses na siyang humarap sa mas nakakatakot at mas delikadong mga tao sa trabaho niya.

The huge gate of the mansion opened as soon as we arrived in front of it. Idiniretso ni Andriuz ang kotse papasok sa garahe bago kami bumaba.

"Careful, Lian," I told my daughter when she quickly ran inside the mansion.

Hinintay ko si Andriuz para sabay kaming pumasok sa loob. Nakita ko ang pagbuntonghininga niya kaya muntik na akong matawa.

Nilapitan ko siya at inayos ang kan'yang necktie.

"Relax, Andriuz. Hindi ka naman bibitayin. Halika na," sabi ko bago hinawakan ang kamay niya.

"Whatever your dad's decision, I'll never let you go, Caelan," he said.

I smiled. "I know. Kaya pumasok na tayo sa loob para hindi mainip sila dad."

We went inside the mansion and found them sitting on the couch. Lian is already sitting on her grandfather's lap while eating some chocolates.

"Hello, dad. Hello, Tita Angelou," I greeted them.

"Good morning, Sir, Ma'am."

Muntik na naman akong matawa dahil mas'yadong pormal ang pagbati ni Andriuz sa kanila. Maging si daddy ay napataas ang isang kilay bago umiling.

"Maupo na kayong dalawa. Nag-almusal na ba kayo?" tanong ni dad.

Umupo kami ni Andriuz sa katapat na couch bago ako tumango.

"Opo, dad. Kumusta na po kayo? Iniinom n'yo po ba ang mga gamot ninyo?" tanong ko.

"Oo naman, Caelan. Mas'yadong strict ang Tita Angelou mo kaya hindi ako p'wedeng maging pasaway na pas'yente," sagot ni dad bago sumulyap sa asawa niya.

Napangiti ako. "Buti naman po. Alagaan n'yo po lalo ang sarili mo, daddy."

"Alam ko 'yon, Cae. At alam ko rin na hindi lang tungkol sa kalusugan ko ang dapat nating pag-usapan ngayon. Mukhang may dapat kayong sabihin sa akin," seryosong sabi ni dad.

Biglang umayos sa pagkakaupo si Andriuz at bahagyang pinisil ang kamay ko. Parang mas lalo yata siyang kinabahan ngayon kaysa kanina. Medyo pinapawisan na rin kasi siya.

"Dad, nagkabalikan na po kami ni Andriuz," sabi ko.

"And?" dad asked.

Narinig ko ang paghinga nang malalim ni Andriuz.

"Sir, I know that I'd hurt your daughter so many times before and I don't deserve her—"

"Buti alam mo," putol sa kaniya ni dad.

"Dad," I complained. Sinenyasan niya si Andriuz na magpatuloy sa pagsasalita.

"As what I've said, I don't deserve Caelan. Ilang beses ko siyang pinaiyak at naisip ko pang gumanti sa kan'ya noon pero na-realize ko na nagkamali ako. I judged her so easily. That's why, I want to ask your forgiveness, sir. Forgive me for hurting your daughter. I promise that I will never hurt her again."

Tinitigan siya ni dad bago ito bumuntonghininga. Maging ako ay kinabahan sa reaksyon ni dad pero alam ko namang hindi siya tututol sa amin.

"Alam mong isa lang ang gusto kong gawin mo para matanggap kita para kay Caelan," sabi ni dad kaya napakunot ang noo ko.

Nilingon ko si Andriuz at mukhang alam niya kung ano ang tinutukoy ni daddy. Ngumiti siya bago tumango.

"I know, sir. I already resigned as a member of the special forces. Isa na lang akong abogado ngayon."

Napamaang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na iyon pala ang gusto ni dad na gawin ni Andriuz. Ang umalis siya sa military.

"Then, it's settled already. Welcome to the family, Andriuz."

Nakita ko na nakahinga nang maluwag si Andriuz dahil tinanggap na siya ni dad. Pero ako naman ang na-g-guilty dahil sa nangyari.

"Do you really want that?" I asked him. Kapapasok lang ni Lian sa loob ng bahay kaya kinausap ko na siya.

Kunot-noo siyang tumingin sa akin. "What are you talking about?"

"Gusto mo ba talagang umalis sa special forces? O napilitan ka lang dahil—"

He peck my lips to stop me from talking. "I've always wanted to do that. Naghahanap lang ako ng matinding dahilan para umalis sa trabahong 'yon. I want to leave that work and spend the rest of my life with you and Lian."

"Pero bakit...hindi mo nagawang umalis sa trabahong 'yon kahit noong magpapakasal na kayo ni Melanie? You don't have to lie, Andriuz. Kung pinilit ka nga ni dad na umalis, kakausapin ko siya—"

"I love you. I really love you, Caelan. May mga bagay akong nagawa nang hindi ko inaasahan mula nang makilala kita.  Mga bagay na hindi ko nagawa noong magkasama kami ni Melanie. Don't get me wrong, I love Melanie. At alam kong alam niya 'yon kung nasa'n man siya ngayon. But I just found myself loving you even more. The kind of love that I'm willing to sacrifice everything just to be with you."

I sobbed. "Andriuz..."

I don't know what to say. I really love him, too. And I'm willing to do everything for him. Noon, kontento na ako na mahalin siya kahit pa alam kong imposibleng mahalin niya rin ako. Pero ngayon, handa na rin akong iparamdam sa kan'ya 'yon.

"Huwag mo nang isipin na napilitan lang akong gawin ang lahat ng 'yon, Cae. Dahil kung para sa 'yo at sa anak natin, buong puso kong gagawin ang lahat. Handa akong gawin ang lahat. Palagi. Dahil mahal ko kayo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top