Chapter 37

Sorry

🔥

The door opened and Secretary Klare went in. She's holding a folder in her hands.

"Miss Suarez, paki-sign po ito para po sa finance department," sabi niya bago inilapag ang folder sa mesa.

I scanned the files inside before I signed it. I was about to return it to her when I noticed that she's looking at something. Lumingon din ako doon at nakitang natutulog na sila Lian At Andriuz.

Pagkatapos kong kumain kanina, hinayaan ko na silang dalawa dahil may trabaho pa ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala sila. Nakasandal si Andriuz sa sofa habang si Lian ay nakaunan sa legs niya.

"Ang cute naman nilang mag-ama, Miss Suarez."

Napakunot ang noo ko nang sabihin ni Secretary Klare 'yon. She noticed that I'm looking at her that's why she smiled apologetically.

"Mag-ama? Mukha ba silang mag-ama?" mahinang tanong ko.

Alanganin siyang tumango. "Yes, po. Hindi po ba? Pasensiya na po, Miss Suarez."

"It's okay. Here, I signed it already." I gave her the folder and she immediately went out of the office.

I sighed and stood up. Dahandahan akong naglakad papalapit sa kinaroroonan nila Andriuz. I sat down at the single sofa beside them and gazed over their sleeping figures.

They looked good together. This scene makes me want to tell everything to him.

Andriuz suddenly moved then he opened his eyes slowly. Our eyes met and he smiled. Bumaba ang tingin niya kay Lian na natutulog pa rin.

"She must be tired," he said.

Tumango ako. "Tapos na ang trabaho ko, p'wede ko na siyang iuwi."

Tumayo ako para sana kuhain si Lian pero hinawakan niya ang kamay ko. Tinitigan niya ako gamit ang namumungay niyang mga mata.

"I'll carry her."

I'm too tired to stop him. This is the only thing I can do for now. To let him take care of her without knowing that she's his daughter.

Bumaba kami sa basement at sumakay sa kotse ko. Siya na rin ang nagpresintang magmaneho kaya hinayaan ko na siya. Mabilis lang ang naging biyahe namin pauwi at bumaba ako kaagad ng sasakyan. Bago ko pa mabuksan ang pinto sa backseat ay nasa harapan ko na si Andriuz.

"What is it again, Andriuz?" I asked.

He stared at me seriously that made my heart beats faster. I looked away. Hindi ko matagalan ang paninitig niya. At ayaw kong mabasa niya ang iniisip ko ngayon.

"The guy named Drew, is he really Lian's father?"

My brows furrowed and I looked back at him. "Why are you asking about her father again? Sinabi ko na ngang si Drew ang daddy niya."

"But that's not what she said to me earlier. She told me that she haven't met her father before. Ano ba talaga ang totoo, Caelan?"

I took a deep breath as I glared at him. He's not going to stop bombarding me with questions until I tell him the truth. But I will not do that. At least, not now.

"Why are you like this, Andriuz? Personal na bagay na 'yon kaya hindi mo na kailangang malaman. Nagkakagan'yan ka ba dahil may nangyari ulit sa atin last week? That doesn't give you the right to corner me with your questions."

His jaw clenched. "You're right. I just thought that you're finally ready to accept me again in your life. I'm sorry."

"Pagod na ako. Papasok na kami ni Lian sa loob," sambit ko bago ko kinuha si Lian mula sa backseat.

I didn't bother looking back at him again. I don't want to see sadness in his eyes just because I didn't tell him the truth.

Inilapag ko sa kama si Lian at pinagmamasdan siya saglit. Marahan kong hinaplos ang buhok niya kaya nagising siya. Kinusot niya ang kan'yang mata bago tumingin sa akin.

"Mommy, are we home already?" she asked.

I nodded. "Yes, baby."

"Okay. I want to change to my pajamas, mommy."

Natawa ako bago siya tinulungang magbihis. Hinayaan ko siyang mamili sa mga pantulog niyang damit. Nang matapos siyang magpalit ay bumalik na siya sa kama.

"Do you like to eat dinner first?" I asked.

She pouted and shook her head. "I'm full, mommy."

Inayos ko na rin ang kumot niya nang mapansin kong nakasimangot na naman siya. I sat beside her then I combed her hair.

"Are you okay, Lian?" She shook her head again. "What's the problem? Are you not feeling well?"

"Mommy, I'm sad. Earlier at school, I saw my classmates with their mommy and daddy. I also want to see my daddy. Where is he?"

Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong niya. Bukod kasi sa biglaan ang pagtatanong niya, hindi ko rin alam kung anong dapat kong sabihin. Nakokonsensya na naman tuloy ako.

"Am I not allowed to see him?" she asked and I saw how her lips trembled like she was about to cry.

"Lian, it's not like that..."

"I want to see him. Don't you want to see him, mommy? Don't you miss him? I...want to meet my daddy. Mommy, please...I want to see him."

Tears formed in my eyes and I blinked to stop it from falling. I don't want to cry in front of my daughter. Ayaw kong isipin niya na naiiyak ako dahil hindi ko kaya ang pinapagawa niya.

I caressed her cheek and smiled. "You really want to see your daddy?" She nodded. "Okay, I'll do that. You're going to meet him soon."

She hugged me while whispering how excited she is to meet her dad. If only she knew that she already met him. For sure, she'll be very happy.

I want her to be happy and I will do everything for her. Kahit na natatakot ako sa mga mangyayari sa oras na malaman ni Andriuz at ng pamilya niya ang tungkol kay Lian. Magiging malakas ako. Para sa anak ko.

Days passed so fast and another week has ended. I finished everything that I needed to do in my father's company. Siniguro kong magiging magaan ang trabaho niya pagbalik sa office.

"Thank you, Caelan. I told you, you can do it. Hindi ba nagbago ang isip mo? Baka gusto mo nang i-handle ang company?" tanong ni dad nang magkita kami sa mansyon.

Bahagya akong natawa. "Dad, mas lalo ko lang napatunayan sa sarili ko na hindi para sa akin ang company n'yo. Kung wala si Secretary Klare baka hindi ko kinaya ang trabaho."

Kung mayro'n mang dapat na pasalamatan, si Secretary Klare 'yon. Dahil halos siya rin naman ang gumawa ng mga naiwang trabaho ni dad. Nandoon lang ako bilang substitute at para pumirma sa mga papers.

Sa mga nakalipas na araw, ilang ulit tinanong ni Lian kung kailan niya makikilala ang daddy niya. Iyon nga lang, hindi ko pa kasi nakakausap si Andriuz. Ang alam ko ay may hawak siyang kaso nitong mga nakaraan kaya hindi ko na muna siya inistorbo. Ayaw kong isabay sa trabaho niya ang pag-uusap tungkol sa anak namin.

"Okay, if you say so. Sunduin mo na ang apo ko. Mag-iingat ka sa pagmamaneho," sabi ni dad.

"Sige po, dad. Magpahinga pa rin po kayo. Aalis na po ako."

I went out of the mansion and drove to Lian's school. My phone suddenly rings and I answered it immediately through my earpiece.

"Hello?"

"Caelan." Nabosesan ko kaagad si Andriuz kaya napakunot ang noo ko.

"Andriuz?"

"I just want to ask you out for lunch, if it's okay?"

Kumabog ang dibdib ko habang pinakikinggan siya. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita at nakausap kaya siguro ganito na lang ang epekto sa akin.

"Ngayon na? Susunduin ko pa kasi si Lian..."

"It's okay. Fetch her first then let's meet at your restaurant?"

I bit my lips while thinking. Magkikita kami ngayon. Siguro dapat ko na ring sabihin sa kan'ya ang lahat. Ito na ang tamang pagkakataon. For sure, Lian will be surprised and at the same time, happy.

"Okay. Wait for us there. See you," I told him.

"See you, too. Drive safely."

The call ended and I released a heavy sigh. My hands were sweating due to nervousness and excitement. Parati kong iniisip kung ano ang magiging reaksyon nila sa oras na malaman nila ang totoo. At mamaya, mangyayari na nga ang pinaplano ko.

Malapit na ako sa school ni Lian nang mapansin ko ang sunod-sunod na mga firetruck at ambulansya na papunta rin doon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ma-realize kung anong nangyayari.

May usok na nanggagaling sa kung saan at mukhang nasusunog ang isang building ng school. Bumaba ako kaagad ng sasakyan para makapasok sa loob pero pinigilan ako ng mga pulis.

"Miss, hindi po kayo p'wedeng pumasok hangga't hindi naaapula ang apoy."

Napalunok ako. "Ang anak ko, nasa loob siya. Nasaan ang mga estudyante sa loob? Nakalabas na ba?"

Hindi ko maialis ang paningin ko sa building na nasusunog. Katabi 'yon ng building nila Lian kaya mas lalo akong natakot.

"Pinapalabas na po namin ang mga estudyante, ma'am. Dito lang muna kayo maghintay."

May mga estudyanteng lumalabas sa kabilang gate pero wala sa kanila si Lian. Inisa-isa ko na rin ang mga bata na nakahiga sa stretcher pero hindi ko siya makita. Palakas nang palakas ang apoy at wala na rin akong tigil sa kaiiyak.

"Lian...Lian!" sigaw ko habang pilit na pumapasok sa loob pero pinipigilan nila ako.

Hindi ako p'wedeng maghintay lang dito. Mamamatay ako sa takot habang lumilipas ang oras na wala ang anak ko.

"Iligtas n'yo ang anak ko! Bakit hindi n'yo pa siya nailalabas?" sigaw ko sa isang lalaki.

"Kumalma ka muna, ma'am—"

"Kumalma? Paano ako kakalma kung hindi n'yo magawang iligtas ang anak ko? Kapag may nangyaring masama sa kan'ya, hindi ko kayo mapapatawad!"

Humikbi ako nang humikbi habang hinahanap si Lian. Hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong magawa para mailigtas siya. Wala talaga akong silbi pati sa sarili kong anak.

"Ilalabas na ang huling estudyante sa loob. Unconscious siya dahil sa usok..."

Agad kong nilapitan ang huling mga bumbero na lumabas na may bitbit na stretcher. Natutop ko ang aking bibig nang makita si Lian.

"Lian?" Hinawakan ko ang kamay niya at sumama sa loob ng ambulance. "Baby, mommy's here already."

Pagdating sa hospital ay diniretso kaagad siya sa emergency room at wala na naman akong nagawa kundi ang maghintay. Halos hindi ko magawang maupo dahil hindi ako mapakali. Kung hindi lang nanghihina ang tuhod ko, mas pipiliin kong tumayo habang hinihintay ang doktor.

"Caelan."

Nanghihinang lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Andriuz. He approached me and hugged me. I cried again.

"Ssshh. She'll be fine," he whispered.

Hinaplos niya ang likod hanggang sa kumalma ako. Nang mahimasmasan ay 'tsaka ko lang siya tiningnan nang maayos. 

"P-Paano mo pala nalaman ang nangyari?" tanong ko.

He wiped the tears on my cheeks. "You're not answering your phone so I decided to pass by to Lian's school."

Bigla kong naalala na naiwan ko sa kotse ang phone ko. Sa kamamadali ko kanina, hindi ko na naisip ang dapat kong gawin. Pati kotse ko ay nandoon pa rin.

Lumabas ang doktor ni Lian kaya napatayo kami. Hinawakan ni Andriuz ang kamay ko kaya nabawasan kahit papaano ang kaba ko.

"She lost her consciousness due to smoke inhalation. But she's already safe now. Malayo na siya sa panganib. Mayamaya lang ay magigising na siya," sabi ng doktor.

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. "Salamat, doc."

Pagkaalis ng doktor ay pumasok na kami sa loob ng k'warto kung saan inilipat si Lian. May suot pa siyang oxygen mask at natutulog. Naupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa kamay.

'Lian, bilisan mo ang paggaling. Ipapakilala ko na sa 'yo ang daddy mo...'

Nilingon ko si Andriuz na ngayon ay nakaupo na sa sofa habang pinagmamasdan kami. Tumayo ako at naupo rin sa tabi niya. Dalawa na kaming nakatingin kay Lian ngayon.

"Andriuz...I'm sorry," I muttered.

At the corner of my eye, I saw him looked at me but I kept my head straight. I don't have the strength to look back at him while confessing.

"Why? Is it because our lunch was postponed?" he asked.

Umiling ako. "Hindi tungkol do'n. I'm sorry kasi... nagsinungaling ako sa'yo."

"I don't understand."

This time, I looked at him. He stared back at me with confusion in his eyes.

"S-Si Lian..." Tumulo ang luha sa mga mata ko kaya pinunasan ko ito kaagad. "Si Lian...anak mo siya. You are her biological father."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top