Chapter 34

Fake

🔥

Parang sa isang iglap ay nakalimutan ko lahat ng nasa paligid. Hindi ko nga alam kung bakit ko ba ginagawa 'to. The only thing that I know is that, I missed kissing him.

Narinig ko ang padabog na pag-alis ng babae pero hindi pa rin tumigil si Andriuz sa paghalik sa akin. I gently tapped his chest and broke the kiss halfheartedly. We're both catching our breath when we stopped kissing each other.

"She already left..." I whispered.

His forehead is still resting into mine. I looked up on him and saw that he's staring at me again. Huminga ako nang malalim bago lumayo nang tuluyan.

"She's now convinced that you're my girlfriend. Kapani-paniwala na yata ang acting natin," nakangising sabi niya.

Umirap ako. "Don't put meaning on what we did. Tinulungan kitang paalisin ang babaeng 'yon dahil kailangan kitang makausap."

He nodded. "Let's talk later. Kailangan ko pang bumalik sa mga katrabaho ko."

"Sige, hihintayin kong matapos ang celebration n'yo," sagot ko.

Bumalik kami sa table nila at muli silang nag-inuman. They were talking about something that I can't relate to. Tungkol sa trabaho nila 'yon kaya hindi ko maintindihan.

Panay ang sulyap ni Andriuz sa akin at sa tingin ko ay sinasadya niya talagang paghintayin ako. Kung tutuusin, p'wede niya naman akong kausapin na kaagad kanina pero pinili niya akong paghintayin.

It's already seven in the evening when they decided to go home. Nakasandal sa sofa si Andriuz at nakapikit. Lasing na yata siya.

"Anong oras mo balak umuwi?" tanong ko.

He opened his eyes and smirked. "I'm drunk. I'll just rest for awhile. Hindi ako makakag-drive pauwi."

Bumuntonghininga ako. "Tumayo ka na diyan. Ako na ang maghahatid sa 'yo pauwi."

"Really?" gulat na tanong niya pero nakangisi pa rin.

"Oo nga. Bilisan mo na!"

Hinatak ko ang braso niya para makatayo na siya pero masiyado siyang mabigat kaya muntik na akong masubsob sa kaniya. Napalunok ako sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Tumayo ako nang maayos at sinamaan siya ng tingin.

"Nananadya ka ba?" naiinis na tanong ko.

He shook his head then he stood up. "Let's go."

Hinawakan niya ang kamay ko at basta na lang akong hinila. Papalapit na sana kami sa pinto nang may makabunggo sa aming dalawang babae. Natapon sa amin ni Andriuz ang dala nilang alak.

"Oh my gosh! I'm sorry!" sabi ng isa sa kanila. "Let me help you."

Susubukan sana nilang punasan ang damit ni Andriuz pero hinarangan ko sila. Ipinagkrus ko ang aking braso at tinaasan sila ng kilay.

"Natapunan n'yo rin ako ng alak. Pupunasan n'yo din ba ako?" tanong ko.

Hindi sila nakakibo agad kaya natawa ako. Sabi ko na nga ba, gusto lang nilang hawakan si Andriuz. For sure, sinadya rin nilang matapunan kami ng alak. Napakarami namang sagabal ngayong gabi!

Hinawakan ni Andriuz ang braso ko kaya nilingon ko siya. Nakatingin na siya sa dalawang babae.

"It's okay. Aalis na kami. Let's go, Cae," he said then he pulled me outside.

We went straight to the parking lot and he gave me his car key. Bumuntonghininga ako at padabog na kinuha 'yon sa kan'ya.

"Ipapasundo ko na lang dito ang kotse mo," sabi niya pagkapasok ko sa driver's seat ng sasakyan niya.

Hindi ako kumibo at nagmaneho na lang. Habang nasa biyahe ay bigla kong naalala na hindi ko pala alam kung saan ko siya ihahatid. Sumulyap ako sa kaniya at nakitang nakapikit siya.

"Andriuz, tulog ka ba?" tanong ko.

"Why?"

"Saan kita ihahatid?"

"At my condo. You know where it is," he muttered.

I took a deep breath before I turned right. It took us thirty minutes before we arrived to his condo. Sumakay kami sa elevator at pagdating sa harap ng unit niya ay bigla akong natigilan.

He opened the door and went inside while I remained standing in front of his unit. Memories from five years ago suddenly flashed into my mind.

Bakit ko nga ba nakalimutan na dito ang lugar kung saan may nangyari sa amin ni Andriuz? Dito nabuo si Lian. Uminit ang pisngi ko dahil sa naalala.

"Why are you still standing there?" Bumalik ako sa reyalidad nang lapitan ako ni Andriuz. "You want to talk to me, right? Get inside," he said.

Lumunok ako bago pumasok sa loob. Inilibot ko ang paningin sa paligid at wala namang masiyadong nagbago sa itsura ng condo niya.

"I'll take a shower first. Do you want to take a shower also?" he asked.

Bahagya akong nabigla sa tanong niya. "A-And why would I take a shower?" I stuttered.

He stared at me before he stepped forward. Napaatras ako para lang makalayo sa kaniya. Hanggang sa napasandal ako sa may pinto.

He suddenly smirked. "We both smell like alcohol. Natapunan ka rin kanina, 'di ba?"

Napaayos ako ng tayo nang ma-realize na mali ang iniisip ko. Uminit ang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin.

"Hindi na," sabi ko.

Tumingin ako sa kan'ya at nahuli ko siyang pinapasadahan ako ng tingin. Naiilang na naman tuloy ako.

"Your clothes have stain on it. Sigurado kang ayaw mong mag-shower muna? Hindi bagay sa 'yo ang may mantsang damit."

I glared at him. "I said, I don't want to take a shower. Ikaw rin, huwag ka na munang maligo. Mag-usap muna tayong dalawa."

"Okay, if you say so. Wait for me here," he said, ignoring what I told him.

Tinalikuran niya ako at pumasok na siya sa kuwarto niya. Ikinuyom ko ang kamao ko at sinundan siya.

"Andriuz, ang sabi ko, mag-usap muna tayo! You don't have to shower first. Are you doing this on purpose?" I asked angrily.

Hindi niya ako pinansin at dumiretso pa siya sa banyo. Akmang isasarado niya ang pinto pero pinigilan ko siya.

"I said, let's talk first! May gusto lang akong malaman—Ah!"

He pulled me inside the bathroom and pinned me to the wall. He leaned closer that I could almost feel his breath.

"Do you want us to take a shower together?" he said while smirking.

Nanlaki ang mga mata ko kaya itinulak ko siya. "Bwiset ka! Bilisan mong maligo para makapag-usap na tayo!"

Lumabas na rin ako ng banyo pagkatapos ko siyang sigawan. Kinapa ko ang dibdib kong malakas ang kabog atsaka ako huminga nang malalim.

Ang lalaking 'yon, napakawalang'ya talaga!

Bumalik ako sala at hinintay siyang matapos maligo. Ang totoo, nanlalagkit na nga ako sa alak na natapon sa akin pero ayaw kong maligo dito.

Habang hinihintay si Andriuz ay biglang tumunog ang phone ko. Si mommy ang tumatawag kaya sinagot ko ito agad.

"Hello, mom?"

"Cae, where are you? Anong oras ka uuwi?" tanong ni mom.

I sighed. "I'm with someone, mom. Hindi ko po alam kung anong oras ako makakauwi."

"Is that so? Take care, okay? Tawag ka lang kapag may kailangan ka."

"Yes, mom. Thank you."

I ended the call and sat down on the sofa. Hindi ko alam kung ilang minuto kong hinintay si Andriuz pero naiinip na talaga ako.

"So, what do you want to talk about?"

Napalingon ako kay Andriuz nang makalabas na siya mula sa k'warto. Dumiretso siya sa may kusina at kumuha ng tubig mula sa ref. Inilapag niya 'yon sa kitchen island at nagsalin sa baso. Huminga ako nang malalim bago siya nilapitan.

Kinuha ko sa bag ang maliit na box at inilapag iyon sa harap niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Why did you give me this?" I asked him.

He shrugged. "That's my gift for you. Hindi lang naman ikaw ang binigyan ko ng regalo. Pati ang mommy mo."

"That's not what I mean. Saan mo nakuha ang hair clip na laman niyan? Paano ka nagkaroon ng hair clip na kapareho sa lola ko? Don't lie to me, Andriuz. Imposibleng nabili mo lang 'yan sa kung saan dahil ang lolo ko mismo ang gumawa at nagbigay niyan sa lola ko."

"I know." Mas lalong kumunot ang noo ko sa sagot niya. "That hair clip is yours."

"Sa akin? At paano naman napunta sa 'yo ang hair clip na 'yan kung gano'n? Wala akong naalalang binigyan kita ng hair clip noon," naguguluhang saad ko.

He sighed before he sat on a chair. Nanatili akong nakatayo habang hinihintay ang paliwanag niya. Mas lalo lang akong naguguluhan dahil hindi niya sinasabi sa akin nang buo ang dahilan.

"Caelan, noong bata ka pa, may naaalala ka ba na nawala ka o may kumuha sa 'yo?" tanong niya.

I stared at him for awhile before I nodded. "Oo. Naaalala kong may kumidnap sa akin noong bata ako. Bakit? Anong koneksyon ng hair clip na 'yan doon?"

"Hindi mo ba naaalala kung paano ka nakaligtas?"

Napalunok ako. Bumalik sa isip ko ang pangyayaring iyon. Ikinuyom ko ang kamao ko bago siya sinagot.

"Nahulog ang sinasakyan namin sa tubig. Bakit mo ba tinatanong ang bagay na 'yon? Para sa akin, isa iyong masamang alaala. Gusto ko nang kalimutan ang tungkol doon."

"Pero iyon din ang naging daan para makilala kita. You don't remember anything after the accident?"

I stared at him, confused. "What do you mean? Wala akong naalala pagkatapos no'n. Basta ang alam ko, nagising ako sa bahay namin. Kasama ko sila dad at mom."

Noong nagising ako sa bahay, nagsimula na rin ang pagkatakot ko sa tubig. Naaalala ko kung paano nahulog ang sasakyan noon kaya ilang gabi rin akong binangungot. Halos ilang linggo rin bago ako tuluyang maka-recover.

Pero sa tingin ko, hindi pa rin talaga ako nakaka-recover nang tuluyan. Dahil sa tuwing binabangungot ako ng alaalang 'yon, nagkakasakit pa rin ako.

"We met when we were still kids. Napadpad ka sa dalampasigan sa harap ng beach house namin. I could still remember your face when I first saw you. You were so pale back then and you were shivering in cold. Pinatira ka namin sa beach house nang ilang araw. Hindi mo ba naaalala 'yon?"

Umupo ako habang pilit na inaalala ang sinasabi ni Andriuz. Pero wala talaga. Hindi ko tuloy alam kung totoo ba ang sinasabi niya o pinagti-trip-an niya lang ako.

"Kung nagkakilala na pala tayo noon, bakit hindi mo ako nakilala noong nagkita tayo five years ago?" tanong ko.

Natigilan siya saglit pero agad ding sumagot. "Dahil hindi ko naman alam ang totoo mong pangalan. You introduced yourself as Shaira Suarez. At hindi mo rin sinabi kung sino ang mga magulang mo dahil natatakot ka na baka masasamang tao kami."

I'm so damn confused right now. Why would I fake my name? Kahit bata pa ako noon ay alam ko nang maraming talagang kalaban sa negosyo ni dad kaya maraming nagtatangka sa buhay niya. Maybe, that was the reason why I didn't tell them my parents's name.

"Naiwan mo ang hair clip na 'yan sa beach house namin. I tried to look for you on my own. I trust myself that I could find you when the only thing I knew was your fake name. Hinanap kita sa loob ng limang taon."

"Then, sumuko ka na sa paghahanap sa akin?"

Napayuko siya. "Yes. I met Melanie. And I accepted that I would never see you again."

Natahimik ako. Hindi ko magawang ma-disappoint sa pagsuko niya sa paghahanap sa akin dahil ako mismo, nakalimutan ko siya. Limang taon niya akong hinanap para lang ibalik ang hair clip ko at sumuko lang siya nang makilala niya si Melanie.

Kung sakali bang sinabi ko ang totoo kong pangalan at nahanap niya ako, ano kayang mangyayari sa amin? Paniguradong iba sana ang sitwasyon namin ngayon.

Bumuntonghininga ako. "At kailan mo naman nalaman na ako nga ang Shaira Suarez na nakilala mo?"

"When you left again five years ago. Ilang araw akong nag-stay sa beach house namin at nakita ko ulit ang hair clip na 'yan. That time, I asked my parents about the owner of that clip. Doon ko nalaman na ikaw nga 'yon. Kung kailan nalaman ko nang ikaw si Shaira na hinahanap ko, umalis ka na naman."

There was a silence after he said those words. I don't know what to say. It was all my fault. Nagsinungaling ako noong mga bata palang kami kaya hindi niya ako nahanap. At noong nagkita na ulit kami, umalis na naman ako at iniwan siya.

"I...I still can't remember anything," I muttered.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit iyong aksidente lang ang naaalala ko? Gusto kong maalala ang nangyari no'ng nakilala ko si Andriuz. Pero hindi ko magawa.

"You don't have to force yourself to remember it. It's fine," he said.

Mataman ko siyang tinitigan. Ilang beses ko na siyang iniiwan at ilang beses na rin niya akong sinubukang hanapin. Mas'yado na ba akong makasarili?

"I'm sorry. Salamat din dahil sinabi mo sa akin ang tungkol sa nakaraan natin. Iyon lang talaga ang ipinunta ko dito," sambit ko.

Kinuha ko ang box at inilagay ito ulit sa bag. Tumayo na ako dahil balak ko nang umalis.

"You're leaving again?" he asked. Napaangat ako ng tingin sa kaniya. "After I explained everything, aalis ka pa rin?"

I sighed. I was about to say something when my phone rings. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita ko ang pangalan ni Drew. I glanced at Andriuz and saw him looking at my phone.

Lumayo ako nang kaonti kay Andriuz bago ko ito sinagot.

"Hello,"

"Congratulations! Nakita ko ang mga uploaded photos sa website ng business n'yo and I guess, it was a successful opening?" Drew cheerfully said.

"Thank you. Ahm, can we talk some other time? May inaasikaso lang ako."

"Is there something wrong? Matamlay yata ang boses mo ngayon..."

"Caelan, are you sure you don't want to change your clothes?"

Napalingon ako kay Andriuz nang magsalita siya. Nakasandal na siya sa island counter ngayon at nakangisi. Talagang nagsalita pa siya kahit na may kausap ako sa phone ah!

"Who's that? Nasa'n ka, Cae? Sinong kasama mo?" sunod-sunod na tanong ni Drew.

I glared at Andriuz. "I'm sorry, Drew. I really have to end this call. Bye," I said then I hung up.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top