Chapter 32

Back

🔥


The day ended so fast and we're now on our way home. I admit, it's such a tiring but enjoyable day for me. Hindi ko alam kung dahil nakaka-enjoy lang talaga ang mga pinuntahan namin o dahil naging isang buong pamilya kami ngayon.

Walang nagsasalita sa amin ni Andriuz habang nasa biyahe. Si Lian naman ay nakatulog na sa backseat.

Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip. Kung sakali bang...hindi ako umalis noon, ganito ba ang magiging buhay namin? Sabay naming palalakihin at aalagaan namin si Lian.

"What are you thinking?" Tumingin ako kay Andriuz nang magtanong siya. "Kanina ka pa bumubuntonghininga diyan. Is there something wrong?"

Umiling ako. "Wala naman. I'm just...tired."

"I understand if you don't want to tell me. Anyway, thank you for this day. I enjoyed being with you and Lian. Sana maulit pa 'to," sabi niya.

I forced a smile. "I don't think...this will happen again. Alam ko namang marami kang trabaho at kailangan mo nang bumalik sa Manila. Huwag ka nang...magsayang ng oras dito."

Huminto ang sasakyan at napansin kong nakarating na pala kami sa bahay. Bababa na sana ako pero hinawakan ni Andriuz ang braso ko.

"You're right. I'm going back to Manila next week. Pero babalik ako dito—"

"Hindi na kailangan. Huwag ka nang babalik dito," sambit ko.

His forehead creased. "You really don't want to see me anymore. You hate me that much?"

You're wrong, Andriuz. Hindi mo na kailangang bumalik dito dahil luluwas na kami sa Manila next week.

Gusto kong sabihin 'yon sa kan'ya pero pinigilan ko ang sarili ko. Malalaman niya rin naman 'yon.

"Salamat sa paghatid. Bababa na kami," tanging sabi ko bago ako lumabas ng sasakyan.

Bumaba rin siya ng sasakyan kaya binilisan ko na ang pagkuha kay Lian. Binuhat ko siya at muntik pa ako mawalan ng balanse. Mabuti na lang at nahawakan ako ni Andriuz sa likod ko.

"Careful," he muttered. "I can carry her.",

Inayos ko ang pagkarga kay Lian bago ko siya tiningnan. "Kaya ko na. Papasok na kami sa loob."

Hindi na siya nagsalita kaya tumalikod na ako at pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kuwarto ko at doon pinahiga si Lian. I stared at her face for awhile.

She was very happy earlier. Masayahin naman talaga siyang bata pero nakita kong mas masaya siya kanina. Halos ayaw niya na ngang bumitaw sa kamay ni Andriuz. Nararamdaman niya rin siguro na si Andriuz ang daddy niya.

"Sinong naghatid sa inyo? Hindi mo kotse ang dumating kanina. Si Drew ba?" tanong ni mommy nang maabutan ko siya sa kusina.

Uminom ako ng tubig bago siya hinarap. Hindi ko pa nga pala nasasabi kay mom na nagkita na ulit kami ni Andriuz.

Huminga ako nang malalim. "Hindi po si Drew. Si Andriuz po."

Natigilan si mom sa pagbabalat ng mansanas nang sabihin ko 'yon. Inilapag niya ang kutsilyo bago humarap nang tuluyan sa akin.

"Andriuz? You mean, Attorney Andriuz Baltazar?" she asked.

I nodded. "Yes, mom. Nagkita kami sa wedding reception. Hindi ko rin inaasahan na nandoon siya."

"Seriously? Kaya pala natataranta kang ipauwi sa akin si Lian. Wait...nakita niya na si Lian, tama ba? Alam niya na ba?"

Bumuntonghininga ako. "Nakita niya na po si Lian pero hindi ko pa inaamin sa kaniya ang totoo."

Kumuha si mama ng baso at uminom na rin ng tubig. Sobra yata siyang nabigla sa nalaman. Kahit naman ako ay nabigla rin. Imagine, nasa Mindanao na nga kami lahat-lahat, nagkita pa rin kami ni Andriuz. Kung hindi tadhana 'yon, e ano?

"Don't you think it's the right time already to tell him the truth?" mom asked.

"I will tell him the truth once we go back to Manila. But before that, I want to make sure na hindi ako magsisisi kapag sinabi ko sa kaniya na anak niya si Lian. Gusto ko rin munang siguraduhin na, matatanggap kami ng pamilya niya," sabi ko.

Limang taon akong nawala at itinago ko pa si Lian, kaya paniguradong masama ang loob sa akin ng pamilya ni Andriuz. Iisipin nilang ipinagdamot ko sa kanila ang anak ko. Atsaka, dadahan-dahanin ko ang pagsasabi kay Lian ng totoo. Ayaw ko namang biglain na lang siya.

"It's your decision. Anak mo si Lian kaya alam kong iniisip mo lang ang kalagayan niya. Nandito lang ako para suportahan at tulungan ka," saad ni mommy.

Ngumiti ako at niyakap siya. "Thank you, mom."

Pagkatapos naming mag-usap ay umakyat na ako sa kuwarto at tinabihan si Lian. Pinagmasdan ko siya saglit bago ako natulog.

Mabilis na lumipas ang tatlong araw at balik trabaho na ulit ako. Hindi ko na ulit nakita si Andriuz simula noong sumama siya sa aming mamasyal. Mabuti na rin 'yon, para hindi siya hanap-hanapin ni Lian.

It exactly five o'clock, my phone rings. Tapos na ang shift ko sa coffee shop. Sinagot ko ang tawag na mula kay Drew.

"Hello?"

"Cae, I'm here outside. Tapos na ang shift mo, 'di ba?" tanong ni Drew.

Kinuha ko ang bag ko at tumango sa kasamahan ko. "Yes, Drew."

"Great. Let's have dinner together."

Lumabas ako ng coffee shop at nakita ko si Drew. Nakasandal siya sa kotse niya habang nakalagay sa tainga ang phone. Ibinaba ko na ang tawag at nilapitan siya.

"Anong meron at nag-aya ka ng dinner?" tanong ko.

Pinagbuksan niya ako ng pinto habang nakangiti. Umikot siya sa driver's seat.

"Nothing. Baka kasi kapag nasa Manila na kayo, hindi na tayo makakain ng sabay," sagot niya.

I laughed. "Ang drama, ha. May building din naman kayo sa Manila so for sure, pupunta ka rin do'n."

"Pero hindi ko naman kayo makikita nang madalas katulad dito."

Napailing na lang ako. Malaki ang naitulong sa amin ni Drew. At na-g-guilty ako dahil hindi ko man lang masuklian ang nararamdaman niya para sa 'kin.

We went to a restaurant and have our dinner. We talked about some things then after that, he brought me home.

"Thank you, Drew. Drive safely, okay?" I told him.

He smiled and nodded. "I will. Pumasok ka na sa loob."

"Papasok ako pagkaalis mo," sabi ko.

Bahagya ko pa siyang itinulak para bumalik na siya sa kotse niya. Sumimangot siya at sinunod na lang din ang sinabi ko. Hinintay ko siyang makalayo bago ako nagpasyang pumasok sa loob. Pero bago ko pa gawin 'yon ay may natanaw na akong pamilyar na kotse.

Hindi ako p'wedeng magkamali. Kotse ni Andriuz 'yon. At napagtanto kong tama ako nang bumaba siya mula sa driver's seat.

I took a deep breath when I saw him walking towards me. I crossed my arms.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko paglapit niya sa kinatatayuan ko.

"I'm waiting for you," he answered.

Hinihintay niya ako? Ibig sabihin, kanina pa siya nandiyan? Nakita niyang hinatid ako ni Drew? Pero ano naman kung nakita nga niya. Mas maganda 'yon para maniwala na siyang naka-move on na ako.

"Why? May sasabihin ka ba?" tanong ko ulit.

"I'm going back to Manila tomorrow. Napaaga ang pag-alis ko kasi may urgent work—"

"You don't have to tell that to me. Kahit kailan ka pa bumalik sa Manila, wala akong pakialam," sambit ko.

He stared at me. For a moment, there was pain in his eyes. Then he sighed.

"I know. I just want to inform you. Baka hanapin ako ni Lian," nakangising sabi niya.

Kinunutan ko siya ng noo. "At bakit ka naman hahanapin ng anak ko?"

"Kung hindi si Lian, baka ikaw ang maghanap sa akin," pang-aasar niya pa.

"P'wede ba, umalis ka na. Goodbye," sabi ko bago ako pumasok sa gate.

Hindi ko na siya nilingon pa at dumiretso na ako sa loob ng bahay. 'Tsaka lang ako nakahinga nang maluwag nang makapasok na ako. Para akong nakipaghabulan dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ba hindi ko makontrol ang tibok nito? Kahit anong pigil ko, nagwawala talaga sa tuwing nandiyan si Andriuz.

"Really, Cae? Babalik na kayo dito sa Maynila?" hindi makapaniwalang tanong ni Camill.

"Oo nga. Pero huwag mo munang sasabihin kay Mario, ah. I want to surprise him," I said.

Umalog ang camera ni Camill dahil sa kalikutan niya. Masiyado siyang natuwa na babalik na ako sa Manila. Sabagay, excited na rin akong makita sila ulit. Ang huling kita namin ay noong bininyagan si Lian dahil kinuha ko siyang ninang.

"Doon ka ba sa condo titira?" tanong niya.

Noong nagpunta kami dito, iniwan ko ang condo kila Lola Carla at Robin. Iyong bahay nila sa Zambales ay ipina-renovate ko kasi kaya doon muna sila sa condo ko tumira.

Umiling ako. "Hindi, Camill. May bahay akong ipinatayo dati 'di ba? Hindi ko naman ibinenta 'yon. Doon kami titira."

"Ibang klase ka talaga, Cae! Ang laki talaga ng savings mo sa pag-aartista, 'no? Tapos magtatayo pa kayo ng food business dito. Ang galing!"

"Ano ka ba! S'yempre kailangan naming magtrabaho para magkapera. Mag-aaral na rin si Lian kaya kailangan kong paglaanan ng pera ang mga kailangan niya."

Hangga't maaari, gusto ko na sariling pera ko ang gagastusin pagdating kay Lian. Noon, ang pera ko ay ginagastos ko para sa sarili ko pero ngayong may anak na ako, siya naman ang priority ko.

"Mommy, where are we going?" Lian asked when she saw me packing her things.

I smiled and made her sit on my lap. "Baby, do you want to see Lolo Victor?"

She nodded. "Yes, mommy. I miss him and lola Carla even though we just saw them last year."

"I have a great news for you. We will go to Manila tomorrow! You'll be able to see lolo everyday if you want. We can also visit Lola Carla," I told her.

Nanlaki ang mga mata niya at napangiti. "Really, mommy? I'm so excited!"

"I'm excited also! So, help me pack your things!"

Bumaba siya mula sa kandungan ko at kinuha na rin ang iba pa niyang gamit. Tumulong siya sa pag-iimpake kaya mas napadali ang gawain namin. Sunod kong inayos ay ang mga gamit ko.

Halos hindi ako nakatulog magdamag kaya pagdating sa eroplano ay inaantok pa ako. Habang si Lian naman ay gising na gising dahil first time niyang makasakay ng eroplano. Paglapag ng eroplano ay bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Nandito na kami. Nasa Manila na ulit ako. Nakabalik na ako sa lugar kung saan ako nabuhay nang ilang taon.

Napalingon ako kay mommy nang hawakan niya ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin.

"It's good to be back. Kahit hindi naman tayo umalis ng bansa, na-homesick pa rin ako," sabi ni mom.

Tumango ako. "Ako rin, mommy. Masaya ako na nandito na ulit tayo."

"Lolo! Mommy, look! That's lolo Victor!"

Napatingin ako sa itinuturo ni Lian at nakita ko nga si dad. Nanlaki ang mga mata ko dahil kasama niya pa si Camill at Robin. Hindi ko alam na susunduin pala nila kami dito sa airport.

Lumapit kami sa kanila at agad na kinarga ni dad si Lian. Si Camill at Robin naman ay niyakap ako.

"I missed you! Gumanda lalo, Cae!" sabi ni Camill.

"Caelan, gumanda ka nga lalo pero parang pumayat ka? Hindi ka ba kumakain sa Davao?" tanong ni Robin kaya pinitik ko ang noo niya.

"Huwag n'yo na akong lokohin. Wala akong pasalubong sa inyo," sabi ko.

Humarap sa akin si dad pagkatapos niyang kausapin si Lian.

"Nandiyan na ang van na susundo sa atin. Let's go dahil nagugutom na daw itong apo ko," sabi ni dad.

Kumawit ako sa braso ni mommy at sumunod na sa kanila. Sumakay kaming lahat sa van at nagpahatid sa bahay kung saan kami titira. Ganito pa rin ang itsura ng bahay at talagang napanatili ang kalinisan nito.

Magaling talaga ang kinuha kong caretaker. Hindi nila pinabayaan ang bahay ko.

"Caelan, apo!" Napaangat ako ng tingin sa hagdan nang marinig ko si Lola Carla.

Sinalubong ko siya kaagad ng yakap. "Lola! Na-miss po kita!" sabi ko.

"Na-miss din kita, Cae! Nasa'n na ba si Lian? Ang aking apo sa tuhod," sabi niya at inalalayan ko siyang bumaba ng hagdan.

"Lian, come here," pagtawag ko sa anak ko.

Agad naman siyang lumapit at nagmano kay lola. Naupo muna sila sa sala habang kami nila Camill at Robin ay nagtungo sa kusina para kumuha ng meryenda.

"Robin, pakidala na lang ito doon sa sala. Salamat," sabi ko at inabot ang tray.

"Cae, na-miss talaga kita. For sure, na-miss ka rin ni Mario. Hindi ko sinabi sa kaniya na nandito ka na. Magtatampo 'yon kapag nalaman niya," natatawang sabi ni Camill.

"Hayaan mo siya. Hindi niya naman ako matitiis. Pupuntahan ko na lang siya sa agency," sabi ko.

"Ngayong nandito ka na ulit. Ano bang mga plano mo?"

Bumuntonghininga ako. "Marami. Pero sa ngayon, tutulungan ko muna si mommy sa food business niya. Habang pinag-aaral ko si Lian. Gusto kong matutukan ang anak ko para hindi siya mahirapang mag-adjust."

"Sa love life? Wala kang plano?" tanong niya kaya natawa ako. "Wala ka bang balak na balikan si Andriuz? Noong umalis ka five years ago, alam mo bang pumunta siya sa bahay dahil hinahanap ka? Nagulat nga ako kung paano niya nalaman ang bahay namin. Gano'n din pala ang ginawa niya kay Mario."

"Talaga? Ginawa niya 'yon? Iyon ba 'yong nagpunta ako sa Isla Real?"

Tumango siya. "Oo, Cae. Tapos ilang buwan lang ang nakalipas, nalaman naming umalis ka na naman. Grabe, ilang beses mong pinagtaguan si attorney. Mabuti hindi pa siya nabaliw kahahanap sa 'yo."

"Pasensiya ka na, Camill."

"Ayos lang. Pero sana ngayon, huwag ka nang umalis. Kahit ano pang mangyari, sana harapin mo na 'yon. Nandito pa rin kami palagi para sa 'yo."

Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Sa tuwing natatakot ako, wala akong ibang kayang gawin kundi ang umalis. Palagi akong tumatakas. Alam kong mali 'yon. Kaya simula ngayon, susubukan ko nang harapin ang lahat ng problema. Para kay Lian, mas lalakasan ko pa ang loob ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top