Chapter 30

Failed

🔥

Hindi ako makapaniwalang talagang sumunod siya dito sa bar. Akala ko ay umuwi na siya doon palang sa reception. Talagang mapilit siya na makausap ako.

Hinila niya ako papunta parking lot. Binuksan niya ang pinto ng kotse para sa akin pero hindi ako sumakay.

I crossed my arms and faced him. "I'm not going with you. Sinabi ko na, wala tayong dapat na pag-usapan. Huwag ka nang magsayang ng panahon."

Tumalikod ako para maglakad palayo nang magsalita siya. Hindi ko siya hinarap dahil natatakot akong makita ang mukha niya. Naduduwag akong makita ang emosyon sa mga mata niya.

"Why did you leave? Hindi ba may usapan na tayo noon? Pero bakit iniwan mo pa rin ako? You didn't trust me enough, right?"

Suminghap ako. "You're right. I didn't trust you. Gano'n ka rin naman, 'di ba? Wala kang tiwala sa akin."

Hinarap ko siya at nakita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya. Parang nadudurog na naman ang puso ko.

"What are you talking about, Cae?"

"Wala kang tiwala sa akin kaya hindi mo sinabi kung ano ba talaga ang trabaho mo. Masiyadong delikado 'yon kaya natakot ako na baka hindi ka na bumalik sa akin ng buhay! Dahil sisisihin ko lang ang sarili ko! Pati ang tungkol kay Oliver inilihim mo sa akin. Paano ako magtitiwala sa taong maraming itinatago sa akin?"

There was a lump in my throat that's why I swallowed hard. Tears are threatening to fall from my eyes. Pero pinigilan ko.

"That was your reason? Yes, I didn't tell you about my job because I was planning to resign! Ang huling misyon ko ay ang mahuli si Oliver. But I failed to protect you. I failed to make you stay."

I gasped. "It doesn't matter now. There, you heard my reasons already, I need to go."

"Caelan, why are you like this?-"

"No, Andriuz. I should be the one asking you that. Why are you like this? Ilang taon na ang nakalipas pero bakit ba ginugulo mo na naman ako? Sinasabi mong hinanap mo ako pero bakit inabot ka ng limang taon? Bakit ngayon ka lang?"

He tried to reach for my hand but I stepped back. "Caelan, please. Come back to me."

Tears fell from my eyes but I wiped it immediately. I don't want to accept him easily just because I still love him. Natatakot akong may mangyari ulit at magkahiwalay na naman kami. Ayaw kong makilala siya ni Lian tapos bigla siyang mawala balang araw.

Tumunog ang phone ko at agad ko itong sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Caelan, where are you? Si Lian, nahihirapang huminga. Parang may nakain siyang bawal sa kaniya."

"Ano? Sige, pauwi na ako-"

"Papunta na kami sa hospital. Magkita na lang tayo doon."

Halos hindi ko magawang ibalik sa bag ko ang phone dahil sa sobrang pagkataranta. Pakiramdam ko mas lalo akong nahihilo sa nalaman ko.

"What happened? Do you need to go somewhere?"

Napatingin ako kay Andriuz. Hindi ko magawang sabihin sa kaniya ang nangyari.

Lian is a healthy child. Hindi siya madaling magkasakit kaya naman natataranta ako ngayon dahil sa kaba at takot. Maayos naman ang lagay niya kanina bago siya umuwi. Hindi ko alam kung may allergy ba siya dahil hindi pa naman siya inatake noon.

"Mag-ta-taxi na lang ako," sabi ko kahit pa alam kong matatagalan ang pagpunta ko sa hospital.

"Nandito na ang kotse ko. If it's urgent, I'll drive you there. Don't worry, aalis din ako kaagad kung ayaw mong magtagal ako doon."

Tinitigan ko siya. Ang totoo, hindi ko alam kung anong gagawin. Gusto ko na lang mapuntahan kaagad si Lian. Hindi ako makakampante hangga't hindi ko siya nakikita.

"I can drive you there."

Tumango ako at pumayag na sa alok niya. He opened the car door for me. Pumasok ako kaagad at siya naman ay umikot patungong driver's seat. Sinabi ko sa kaniya kung saang hospital kami pupunta at agad siyang nagmaneho.

Habang nasa biyahe ay hindi ako mapakali. Hindi ko mapigilang mag-alala pagdating kay Lian. Kahit pa simpleng ubo at sipon lang ang sakit niya, talagang nag-pa-panic ako. Mabuti na lang ay nandito si mommy para matulungan ako dahil kung hindi, baka ako pa ang unang inatake sa puso sa pag-aalala.

The car stopped at the parking lot of the hospital. Bumaba kaagad ako at tumakbo papasok sa loob. Kasalukuyang nasa emergency room si Lian at inaasikaso ng doktor. Habang si mommy naman ay naghihintay sa tapat no'n.

"Mommy," sabi ko at agad na tumabi sa kaniya. "Ano po bang nangyari?"

"Hindi ko pa nakakausap ang doktor. Huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat."

Huminga ako nang malalim. Wala akong magawa kundi ang hintaying lumabas ang doktor. Mayamaya lang ay bumukas ang pinto ng ER kaya napatayo kami ni mommy.

"Doc, kumusta po ang anak ko?" tanong ko.

"Based sa mga tests na isinagawa namin, lumalabas na nagkaroon siya ng allergic reaction sa nakain niya. She's still conscious when we checked on her. Tinanong ko siya kung anong kinain niya kanina at ang sabi niya cupcake daw. Marahil iyon ang nag-trigger sa allergy niya."

My forehead creased. Palagi naman siyang kumakain ng cupcake kaya bakit ngayon lang na-trigger ang allergy niya?

Inisip ko kung anong klaseng cupcake ang inihanda sa reception. At bigla kong naalala na may Pecans 'yon. Ngayon lang nakakain si Lian ng cupcake na may pecans kaya siguro ngayon lang siya in-allergy.

"Doc, sa tingin ko may allergy siya sa pecans. Iyon kasi ang main ingredient ng cupcake na kinain niya. At first time niya lang makakain no'n," sabi ko.

He nodded. "We already included that on the possible food na allergic siya. We'll run another test to be sure. Sa ngayon, maayos na ang lagay niya. Puwede n'yo na siyang puntahan."

"Thank you, doc."

Pagkaalis ng doktor ay pumasok na rin kami ni mommy sa loob ng kuwarto ni Lian. Agad ko siyang nilapitan.

"M-Mommy," she uttered.

"Yes, baby? I'm here. How do you feel?"

Hinawakan ko ang kamay niya at hinawi ang hibla ng buhok niya. Namumula ang pisngi niya at pansin ko rin na may maliliit siyang pantal sa balat niya.

"I feel better now, mommy. Can we go home already?" she asked.

Nagkatinginan kami ni mommy at lumapit din siya sa amin. Hinaplos niya ang pisngi ni Lian.

"Lian, you need to stay here for tonight. The doctor will take care of you because you're sick. But don't worry, we'll stay here also," mom said.

Tumango naman si Lian. "Okay, lola."

Binantayan namin siya hanggang sa makatulog siya. Naisip kong baka nagugutom na si mom kaya lumabas muna ako saglit para bumili ng pagkain. Pero napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Andriuz sa waiting area.

Bumuntonghininga ako bago siya nilapitan. Agad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Akala ko ba aalis ka na kaagad pagkahatid mo sa akin?" tanong ko.

He stood up and now he's taller than me again. Mas okay pa kanina na nakaupo siya dahil maayos ko siyang natitingnan. Pero ngayon, nakatingala na naman ako sa kaniya.

"Is she okay?" he asked.

Sa itsura niya, mukha rin siyang nag-aalala. Nararamdaman niya ba ang lukso ng dugo kay Lian? Nagkausap na sila ng anak ko at hindi ko alam kung anong sinabi ni Lian sa kaniya para mag-alala siya nang ganito.

"She's safe now. Allergic reaction lang naman," sabi ko.

"Allergic reaction? She's allergic to pecans, am I right?"

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. "At paano mo naman nalaman 'yon? Narinig mo ba ang pinag-usapan namin ng doktor niya?"

He shook his head. "I just remembered that she ate a cupcake at the reception earlier."

I inhaled a deep breath then I crossed my arms. "Salamat sa paghatid mo sa akin dito. Puwede ka nang umalis at sana huwag ka nang bumalik."

Nilampasan ko siya at lumabas na ako ng hospital. Pero ramdam ko na nakasunod pa rin siya sa akin. Inis ko siyang nilingon.

"What do you want? Stop bothering me," I told him.

"She's my daughter, right?"

My breath hitched when he said that. He looked so sure about it and he only needs my confirmation.

I laughed sarcastically. "Are you out of your mind, Andriuz? Paano mo naman nasabing anak mo si Lian? We only fucked once. Kaya paano mo magiging anak si Lian? Ah, let me guess. Just because you're my first, you think you'll be my last? Wake up, Andriuz."

Pain flashed in his eyes. I could see his jaw tightening. Parang bigla kong gustong bawiin ang mga sinabi ko. Pero hindi puwede.

"You can't fool me, Caelan. I know what I did that night. Ikaw ba, alam mo?"

Hindi ako nakakibo. Ikinuyom ko ang kamao ko habang iniisip kung ano bang sinasabi niya.

"Sinadya mong buntisin ako?" mariing tanong ko.

He smirked. "So, inaamin mong ako ang ama ni Lian?"

I glared at him. Gumagawa siya ng paraan para mapaamin ako. Ganito niya ba nililitis ang mga suspect sa korte? Hinuhuli niya ako sa sarili kong bibig.

"Caelan!"

I heard a familiar voice calling me. Nilingon ko 'yon at nakita ko si Drew.

"Drew, bakit ka nandito?" tanong ko.

"Tita Clara called me. Sorry ngayon lang ako nakarating, may tinapos pa kasi akong trabaho. Kumusta si Lian?" nag-aalalang tanong niya.

I smiled. "She's fine now. Natutulog na rin siya. Bibili lang ako ng pagkain para sa amin ni mommy."

"No need. I brought foods for you. Alam ko kasing mag-aalala ka nang husto kaya baka hindi ka makakain. Pumasok na tayo sa loob."

Tumango ako at susunod na sana kay Drew pero nakita ko si Andriuz. Nakatingin siya sa amin ni Drew. Napansin din siya ni Drew kaya kunot-noo itong tumingin sa akin.

"Nasagot ko na ang lahat ng tanong mo. Hindi mo anak si Lian dahil si Drew ang daddy niya."

Hinawakan ko ang kamay ni Drew para mas mapaniwala siya. Pero mas lalo siyang ngumisi.

"I told you, can't fool me. Gagamitin mo pa talaga siyang props para mapaniwala ako? He doesn't even look like Lian," Andriuz said.

Narinig ko ang pagsinghap ni Drew sa tabi ko kaya nilingon ko siya. Masama ang tingin niya kay Andriuz.

"Sino ka ba? At bakit ginugulo mo ang asawa ko? Layuan mo ang mag-ina ko bago pa kita ipapulis," seryosong tanong ni Drew.

Andriuz laughed without humor. I know that I can't fool him but I'm still trying. Hindi ko alam kung ano ba talagang gusto niyang mangyari. At mas lalong hindi ko alam kung anong gagawin niya sa oras na malaman niyang anak niya nga si Lian.

"Asawa? Mag-ina mo? Nananaginip ka ba ng gising?" sarkastikong tanong ni Andriuz. "Kapag napatunayan kong hindi mo anak si Lian, ikaw mismo ang lalayo sa kanila."

"Aba't-"

"Drew, tama na." Inawat ko si Drew dahil balak na niyang sugurin si Andriuz. Kahit naman magkasingtangkad sila, alam kong hindi mananalo si Drew.

"Bumalik na tayo sa loob. Halik na."

Hinila ko si Drew papasok sa hospital at hindi na sumunod si Andriuz. Pagdating sa kuwarto ni Lian ay hindi na muna kami pumasok sa loob para mag-usap.

"Siya ang daddy ni Lian, tama ba?" tanong ni Drew.

Bumuntonghininga ako. "Gano'n ba kahalata?"

"Caelan, kahit sino naman mapapansin 'yon. At kahit siya mismo, hindi natin maloloko pero sige, kung ayaw mong malaman niya ang totoo, tutulungan kita."

Napabuntonghininga ako ulit. "Hindi naman sa ayaw kong malaman niya. Kaya lang, hindi pa ako handang sabihin sa kaniya 'yon."

"At kailan ka naman magiging handa? Sooner or later, he will find out the truth. Tell me the truth, Cae. Do you still love him?"

Napayuko ako. Ayaw kong sagutin ang tanong ni Drew. Hindi ko gustong aminin pero ayaw ko ring itanggi. Noong nakita ko ulit si Andriuz, walang duda na bumilis ulit ang tibok ng puso ko.

"You still love him. Kaya bakit pinahihirapan mo pa ang sarili mo?" muling tanong ni Drew.

"Natatakot ako. Gusto ko munang malaman ang lahat ng tungkol sa kaniya bago ako sumubok ulit. Ayaw kong mabigla ulit sa susunod dahil lang sa may itinatago siya sa akin. It's just unfair. He knows almost everything about me but I only know a little bit about him."

Mahirap magtiwala sa taong hindi mo lubusang kilala. Kung mangangako siyang sasabihin na sa akin ang totoo palagi, baka makuha niya ulit ang tiwala ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top