Chapter 3
🔥
Lie
"Caelan? Bakit nandito ka sa labas?"
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si dad. Hindi ako umuwi si condo at nagpahatid na lang ako dito sa mansyon. Ayaw ko pang makausap sila Camill at Mario.
Kahit naman gusto lang nilang protektahan ako, na-disappoint pa rin ako dahil pumayag sila sa kagustuhan nila mommy.
"Dad." Tumayo ako at niyakap siya. Muli akong napaiyak lalo na nang maramdaman ko ang yakap ni daddy.
"I heard what happened. Hindi ka dapat umaalis nang mag-isa lalo na ngayon at mainit ka pa sa mata ng media," sambit ni dad.
"Dad, I'm so tired. Gusto ko na pong sumuko sa mga pulis. Pero ayaw kong mas lalong mapahamak sila Mario. Ano pong gagawin ko?"
Kumalas ako sa pagkakayakap at pinagmasdan si dad. Kitang-kita kong naaawa siya sa akin. Ayaw kong kinaaawaan ako ng ibang tao pero kahit ako, naaawa ako sa sarili ko ngayon. Wala akong magawa para mailigtas ang sarili ko pati na rin ang mga importanteng tao sa buhay ko.
"Gagawan natin ng paraan, anak. Sa ngayon, pumasok muna tayo sa loob para makapagpahinga ka," sabi ni dad at sabay kaming pumasok sa mansyon.
Sumalubong sa amin si Tita Angelou, ang step-mother ko. Alam kong hindi niya gustong nagpupunta ako dito pero wala akong ibang mapuntahan. Titiisin ko na lang ang mga pang-iinsulto niya.
"Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing nasasangkot ka sa gulo, palagi mong ginugulo ang daddy mo. Kailan ka ba kasi gagawa ng tama?" tanong niya pagpasok sa kuwarto ko.
Huminga ako nang malalim. "I'm sorry. Ngayong gabi lang naman po ako matutulog dito. At tungkol po sa nangyari, aksidente po 'yon."
"Wala akong pakialam kung aksidente o hindi. Ang ayaw ko lang ay 'yung dinadawit mo pa ang pangalan ng daddy mo. Hindi ka ba nakokonsensya? Nadudungisan ang magandang reputasyon niya nang dahil sa 'yo! Puro ka na lang kasi eskandalo! Mabuti pa, pumunta ka na lang sa ibang bansa para hindi ka na makagulo dito!"
Pagkatapos sabihin 'yon ay padabog siyang umalis. Pagod akong humiga sa kama habang iniisip ang lahat ng nangyayari.
Hindi ko naman gustong masira ang pangalan nila nang dahil sa akin. Pero kahit anong gawin ko, mali pa rin sa mata nila. Palagi nilang iniisip na sinisira ko sila. Kahit pa ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng silbi ang buhay ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para makabalik ako sa condo nang hindi nakikita si Tita Angelou. Ayaw kong magkasagutan ulit kami ngayong umaga.
Pagbalik ko sa condo ay naabutan ko sina Mario at Camill sa sala. Parehong hindi mapakali at nang makita ako ay sabay silang lumapit sa akin.
"Cae! Saan ka na nanggaling? Magdamag ka naming tinatawagan pero hindi ka sumasagot. Nag-alala kami sa 'yo," sabi ni Camill.
Hindi ako kumibo at nilampasan lang sila.
"Galit ka ba sa amin, Cae? Alam naming masama ang loob mo dahil sa ginawa namin pero gusto ka lang naming protektahan," ani Mario.
Suminghap ako at hinarap sila. "Gusto n'yo akong protektahan? Edi sana, sinabi n'yo kaagad sa akin ang totoo! You should have ask me first before you decide on what to do! Sana tinanong n'yo muna ako kung gusto ko bang akuhin ni Macoy ang kasalanan ko! Hindi ko naman sinabing kailangan ko ng proteksyon, lalo na kung ang proteksyon na 'yon ay magpapahamak ng ibang tao!"
"Cae, calm down," Camill said.
"Okay, fine!" sigaw ni Mario. "Sana nga tinanong ka na muna namin bago kami nag-alala sa 'yo. Pero bakit ikaw, Cae? Palagi mo kaming tinutulungan kahit hindi naman namin sinabi! Noong nagkasakit ang nanay ko, binayaran mo ang hospital bills, kahit hindi ko naman sinabi! Noong birthday ko, ibinili mo ako ng kotse kahit hindi ko naman sinabi! Sa tuwing nagkakasakit ako o si Camill, ikaw mismo ang bumibili ng gamot, hindi naman namin sinabi!"
"Mario, kumalma ka nga rin muna—"
"Pero hinayaan kita, Caelan. Dahil alam kong nag-aalala ka at mahal mo kami. Gano'n din kami sa 'yo. Mahal ka namin at gano'n din si Macoy kaya ka namin tinutulungan. Hindi lang tayo basta magkatrabaho dito, pamilya tayo. Ngayon kung ayaw mo pala ng ganito, sige, hindi na ako mangingialam sa desisyon mo."
He is now crying. And I know, that what I said is too much. 'Tsaka lang ako natauhan. Nagkamali ako.
"I'm sorry. Sobrang na-s-stress lang ako sa mga nangyayari kaya kita nasigawan, Mario. I'm sorry," I sobbed.
"Halika nga dito." Niyakap niya ako. "Naiintindihan kita, Cae. Alam kong natatakot ka at nag-aalala. Pero hindi mo kailangan solohin ang mga problema mo. Tutulungan ka namin, promise. Hindi naman porke't hindi ikaw ang inaresto, hindi na natin pananagutan ang nangyaring aksidente. Maraming paraan para makabawi ka sa kanila."
This time, I listened to him. Hindi ko siya kinontra dahil alam kong mas nahihirapan siya ngayon. Siya ang sumasalo sa lahat ng mga katanungan ng media, pati na rin ang panenermon ng parents ko sa tuwing masasangkot ako sa gulo.
It's already noon when the doorbell rang. Camill opened the door and Sebastian went inside.
"Seb, aalis na ba tayo?" tanong ko.
"Teka sandali, anong aalis? Saan kayo pupunta?" tanong naman ni Mario.
"Dadalaw ako sa hospital para makita ko si Melanie. Huwag kang mag-alala, gusto ko lang siyang makita—"
Natigilan ako sa pagsasalita nang hawakan ni Seb ang braso ko. Sobrang lungkot ng mukha niya kaya nagtataka ako.
"Cae, hindi na natin kailangang pumunta sa hospital."
Agad akong napangiti. "Bakit? Magaling na ba siya? Saan ba ang bahay nila?"
"Hindi, Caelan." Huminga siya nang malalim. "Wala na si Melanie. Kagabi, nagpaalam na siya."
Unti-unting nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Sebastian. Pagak akong natawa at suminghap. Nangilid ang luha sa mga mata ko.
"Are you kidding me? Sinasabi mo lang 'yan para hindi ako makapunta sa hospital!" sigaw ko.
"Why would I fucking kidding about something serious like this? Noong umalis ka ng hospital, nagising siya. Pero kinagabihan...tuluyan na siyang nawala."
Natutop ko ang aking bibig habang pilit na pinoproseso ang nalaman ko. My hands trembled in fear.
"This...This can't be... She can't be dead...that's not true. K-Kung p-patay na siya...ibig sabihin, nakapatay ako...napatay ko siya...na-napatay ko siya..."
"Caelan, kumalma ka!"
I was crying so hard that I couldn't breath. I felt like someone dropped a bomb on me.
"Cae, please. Calm down," Mario begged.
Hinarap ko si Mario kahit halos hindi ko na siya makita dahil walang awat sa pagluha ang mga mata ko.
"Mario, n-na...kapatay ako. Napakasama kong tao! I killed her! I...I killed someone... T-This is...my fault...."
"What are you saying, Cae? Hindi naman ikaw ang nakabangga kay Melanie kundi si Macoy, 'di ba? Don't blame yourself," I heard Sebastian said.
I shook my head. "That's not true..."
"Sebastian, I'll explain it to you later. Pagpapahingahin ko lang muna si Cae," sabi ni Mario bago ako inalalayang tumayo.
"I killed her. Hindi si Macoy ang nakabangga sa kaniya, kundi ako."
Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod, sa stress, o sa dehydration kaya bigla akong nahilo. Basta namalayan ko na lang, biglang dumilim ang paligid.
Nang magising ako ay napansin kong nasa ibang lugar na ako. Inilibot ko ang paningin at nakitang nasa hospital ako. Anong ginagawa ko dito? At bakit ako naglalakad? Ni hindi ko magawang kontrolin ang sarili ko.
Bumaba ang paningin ko sa bulaklak na nasa aking kamay. Bakit ganito?
Namalayan ko na lang na nasa harap na ako ng isang kuwarto. Binuksan ko ang pinto at natanaw ko kaagad ang babaeng nakahiga sa kama. Nilapitan ko siya at doon ko lang napagmasdan ang kan'yang mukha.
"Melanie," sambit ng boses na nagmula sa akin mismo.
I could feel the tears forming in my eyes. She's that woman. Siya ang babaeng nabangga ko. At habang tinititigan ko ang mga pasa at sugat sa katawan niya, mas lalo akong naiiyak.
It's all my fault. I did this to her.
Mayamaya lang ay unti-unti siyang dumilat. Nagtama ang paningin naming dalawa at bigla siyang umiyak.
"I-ikaw...k-kasalanan...mo...'to. I...h-hate...you."
Napayuko ako habang humihikbi. "I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo 'ko...I'm sorry."
"Magb-babayad...ka."
Biglang dumilim ulit ang paligid at pagkagising ko ay nasa k'warto na ulit ako. Hindi ko mapigilang umiyak. Hanggang sa panaginip, sinisisi ako ni Melanie. Kailangan kong ayusin ang lahat ng 'to.
Bumangon ako at nagmamadaling lumabas ng k'warto. Nasa sala pa rin sila Mario at Seb.
"Cae, saan ka pupunta?" tanong ni Seb.
"Gusto kong pumunta sa burol ni Melanie," sagot ko at alam kong hindi papayag si Mario kaya agad akong lumuhod.
"Cae! Tumayo ka nga!"
"Please, I'm begging you. Gusto kong pumunta sa burol niya. Hindi ko kayo ipapahamak, gusto ko lang talaga siyang makita," pagmamakaawa ko.
Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nakikita si Melanie sa huling pagkakataon. Gusto kong...gusto kong humingi ng tawad sa kaniya kahit na hindi ko alam kung maririnig niya ba. Gusto kong sabihin sa kan'ya mismo na hindi ko sinasadya.
"Tumayo ka na diyan, Caelan. Sasamahan ka ni Seb sa burol ni Melanie. Pero kapag nagkagulo, umalis kayo kaagad," sabi ni Mario kaya agad ko siyang niyakap.
"Thank you, Mario."
Sumama ako kay Sebastian papunta sa lugar kung saan nakaburol si Melanie. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa posibleng mangyari. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng pamilya ni Melanie kapag nakita nila ako. Pero kailangan kong tatagan ang aking loob.
"Let's go, Cae."
I nodded before we entered the church. The moment I saw the coffin, my knees trembled. Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ko pero nagawa kong makalapit sa harap.
Melanie...kung naririnig mo man ako, gusto kong humingi ng tawad. Hindi ko sinasadyang mabangga ka. Hindi ko gustong mawala ka nang ganito kaaga. I'm sorry. I'm sorry. Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya.
Kung p'wede lang...ako na lang sana. Kung alam ko lang na makakapatay ako ng tao, hindi ko na sana iniligtas ang sarili ko. Hinayaan ko na lang sana na makuha ako ng mga tauhan ni Oliver. Mas gugustuhin kong ako ang mapahamak kaysa ang ibang tao.
"Miss, kaibigan ka ba ng anak ko?"
I wiped my tears before I looked at the woman beside me. She is smiling but I could see the sadness in her eyes.
"Kilala kita, ikaw si Caelan, tama ba?" muling tanong niya.
Huminga ako nang malalim bago tumango. "Opo. Nakikiramay po ako."
"Halika, maupo muna tayo."
Nauna siyang magtungo sa upuan at susunod na sana ako pero pinigilan ako ni Seb. Alam kong nag-aalala siya sa akin pero nginitian ko lang siya.
Sumunod ako sa ginang at naupo sa tabi niya. Pareho kaming nakatingin sa picture ni Melanie.
"Alam mo, tagahanga mo ang anak kong si Melanie. Paniguradong matutuwa siya kapag nalaman niyang nandito ka," saad niya.
I don't think so. Nagagalit siya sa akin ngayon dahil ako ang nakabangga sa kaniya. Kitang-kita ko ang itsura niya sa panaginip ko. Para bang gusto niya akong isama sa kamatayan.
"Melanie, nandito na si Caelan. Paano ka makakapagpa-autograph kung... wala ka na?" Humagulhol siya kaya mas lalong nadurog ang puso ko.
"I'm s-sorry. Patawarin n'yo po ako," sambit ko.
Humarap sa akin ang ginang at hinawakan ang mga kamay ko.
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Aksidente ang nangyari at isa pa, hindi naman tinakasan ng driver mo ang anak ko."
Mas lalo akong napahikbi. Sobrang bait ng ina ni Melanie. Mas lalo lang akong na-g-guilty. Napakasama ko dahil nawalan siya ng anak nang dahil sa akin. Nagdurusa siya ngayon nang dahil sa kagagawan ko.
"What are you doing here?"
Napalingon ako sa nagsalita at napatayo nang makita ang lalaking nakabanggaan ko sa kalsada noong nakaraan.
"Seb, bakit mo naman isinama si Caelan dito? 'Di ba ang usapan, pamilya lang ang puwedeng pumunta?" tanong naman ni Aireen.
"Aireen, Andriuz, nakikiramay lang naman si Caelan kaya siya nandito. Hindi n'yo kailangang magalit," malumanay na sabi ng mama ni Melanie.
"Sumama ka sa akin sa labas. Hindi ka puwede dito."
"Andriuz!"
"Cae!"
Before I could say something, he immediately grabbed my arm and pulled me outside the church.
"Hey! Bitiwan mo nga ako!" Hindi siya nakinig at patuloy lang sa paghila sa akin hanggang sa parking lot. "I said, let me go!"
Pagalit niyang binitawan ang braso ko bago siya humarap sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya at para bang gusto na niya akong patayin ngayon.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi pa ba sapat na napatay mo ang fiancee ko, ha! Ano na namang balak mong gawin? Babayaran mo ang pamilya ni Melanie para hindi magsampa ng kaso?"
"What?" Siya ang fiance ni Melanie? Ibig sabihin, kuya siya ni Aireen? Oh fuck!
"Stop playing innocent! Magkano naman ba ang ibabayad mo ngayon? Tutal diyan ka naman magaling."
Bigla kong naalala kung paano ko siya binigyan ng pera noong nabunggo ko ang kotse niya. Hindi ko naman gustong mainsulto siya sa ginawa ko. Gusto ko lang namang mabayaran ang damages ng sasakyan niya.
"Wala akong balak na magbayad para manuhol. Gusto ko lang makiramay dahil hindi magawang dumalaw dito ng driver ko—"
"Shut up! Hindi ang driver mo ang nakabangga kay Melanie. Siya lang ang umako sa parusa dahil may pinoprotektahan siya, tama ba?"
Napalunok ako sa sobrang kaba. Ang taong 'to, mukhang hindi siya basta-basta maloloko. At para bang sigurado talaga siya sa ibinibintang niya sa akin.
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Kung hindi ang driver ko ang nakabangga, sino?" tanong ko at bigla siyang ngumisi.
"Babae. Babae ang nakabangga sa kaniya. Ako mismo ang nakarinig sa boses ng babaeng 'yon. Isang tao na may importanteng reputasyon na hindi puwedeng masira. Kilala mo kung sino 'yon. Caelan Aerith Suarez."
He took a step forward and I stepped back. He looked like a predator in front of his prey. My heart is banging so hard in my chest.
Sa itsura niya ngayon, mukhang alam niya ang totoo at naghihintay lang siya ng tamang panahon para pabagsakin ako.
"Cae!"
I was about to look at Seb but Andriuz grabbed my arm again. He was glaring at me but I didn't back down.
"Tandaan mo 'to, bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Melanie. Ipakukulong ko ang totoong may sala. At kahit sinong makapangyarihang tao pa ang tumulong sa suspect, hinding-hindi ako susuko. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa bilangguan."
This man, he really loves Melanie. Kahit punong-puno ng hinanakit ang mga mata niya, nararamdaman ko kung gaano kahalaga sa kaniya ang fiancee niya.
I nodded and smiled bitterly. "Go on. Do it. Patunayan mong magaling kang abogado. Ipakulong mo ang pumatay sa fiancee mo. Humanap ka ng ebidensya kung kaya mo."
"Andriuz, bitiwan mo si Caelan."
We glared to each other for awhile before he let me go. Mabilis akong dinaluhan ni Sebastian at iginiya sa kotse.
Hindi pa rin humuhupa ang tibok ng puso ko. Para akong nag-marathon kahit na kinausap ko lang naman ang fiance ni Melanie. Nakakatakot siya. Bawat salitang binigkas niya, may halong galit.
"Ayos ka lang ba, Cae? Anong sinabi sa 'yo ni Andriuz?" tanong ni Sebastian habang nagmamaneho siya.
Umiling ako. "Ayos lang ako. May mga pinag-usapan lang kami. Pakihatid na lang ako sa condo."
It was a lie. I'm not really okay. Mas lalo akong natatakot sa mga p'wedeng mangyari. Lalo na ngayon at nakilala ko ang Andriuz na 'yon. For sure, hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang katotohanan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top