Chapter 28

Favor

🔥


"Hi, may I take your order?" I told the customer who is next in line.

She glanced at me and smiled. "I want one regular cappuccino, for take out."

"What flavor would you like, miss?" I asked.

"Vanilla, please."

I nodded. "That would be 150 pesos, Miss."

Inabot niya sa akin ang bayad at inilagay ko kaagad iyon sa kaha. Pagkatapos ay ginawa ko na ang order niya.

"Thanks for waiting, this is your vanilla cappuccino, miss. Enjoy," I told her.

Pagkaalis ng customer ay napasulyap ako sa orasan at napangiti. Malapit nang matapos ang shift ko, malapit na rin akong umuwi. Ano kayang iuuwi kong pasalubong?

Pinunasan ko ang counter habang wala pang customer. Narinig ko ang ingay mula sa door chimes, senyales na may pumasok.

"Miss, can I get one Americano and you, please?"

Nilingon ko ang nagsalita at natawa nang makita si Drew. Sinasabi ko na nga ba, wala namang ibang magbibiro sa akin nang gano'n kundi siya lang.

"Sakto ang dating mo, ah. Pauwi na rin ako," sabi ko.

"I know. And I'm with someone. Guess who?" he asked.

Kumunot ang noo ko at hinanap ang kasama niya pero wala naman akong nakita. Dumungaw ako sa harap ng counter at napansin ko ang dalawang maliliit na sapatos sa likuran ni Drew.

Nagkunwari akong nag-iisip. "Hmmm, sino kaya? Does her name start with A?"

"Yes!" Drew said.

"A. Who could that be? Alice? Alexa? Oh, I know it! Aelianna?"

I heard a little giggle and she immediately showed herself to me. Her short curly hair are bouncing as she laughed.

"Mommy!"

"Hello, baby. Why are you with Tito Drew?" I asked her.

Binuhat siya ni Drew para makita ko siya nang maayos. Nakita ko ang maliit niyang bag na puno na naman ng candy kaya sinamaan ko ng tingin si Drew. Mukhang alam ko na kung bakit sumama sa kaniya ang anak ko.

"Tito Drew said that he wants to see you so he fetch me—Hmmm."

Hindi na natapos ng anak ko ang sinasabi niya dahil tinakpan ni Drew ang bibig niya. I raised an eyebrow at him.

He laughed nervously. "I did not say that, Cae. Dumaan ako sa bahay n'yo at alam kong gusto ka nang makita ni Lian kaya isinama ko siya dito. You could say, we both want to see you."

"Whatever you say, Drew. Magbibihis lang ako tapos umuwi na tayo," sabi ko bago nagtungo sa locker room.

Nagpalit ako ng damit atsaka ko kinuha ang bag ko. Pagkatapos kong magpalit ay saktong dumating naman si Russel. Siya ang kapalitan ko dito sa coffee shop.

"Mukhang sinundo ka na ni Drew. Kasama pa ang anak mo. Ingat sa pag-uwi," sabi niya sa akin.

Ngumiti ako. "Salamat. Ikaw na ang bahala sa shop. Mauuna na ako."

Lumabas na ako mula sa coffee shop at natanaw ko sila Drew at Lian sa harap ng kotse. Agad ko silang nilapitan.

"Let's go," I told them.

Pinasakay ko na muna sa backseat si Lian at sinigurong naka-seatbelt siya bago ako umupo sa front seat. Si Drew naman ay pumasok na sa driver's seat at nagmaneho.

"Mommy, I want to eat an ice cream," Lian suddenly said.

Ngumiti ako at nilingon siya. "Okay, we will buy an ice cream. Is that all?"

She put an index finger on her chin as if she's thinking so hard on what to buy.

"I want a chocolate cake, and cotton candy. I also want a chocolate shake. I want all the sweets in the world!"

I burst out laughing when she said that. This kid never fails to make me happy. My heart is so full just by watching her.

Tumawa rin si Drew kaya pasimple ko siyang hinampas sa braso. Dahil sa kaniya kaya nahihilig sa matamis ang anak ko.

"Lian, you can't eat all of the sweets in the world. You will get a stomachache if you do that," I explained to her.

"But I won't eat all of that. I just said, I want it all," she said.

My forehead creased. "If you're not going to eat all of those, then why do you want to buy those sweets?"

She pouted. "I will give it to other kids. Mommy, they are so kawawa. Lola said that I must share my blessings to them."

I sighed. This kid. She's only five-year old but she's already observant of her surroundings. Matalino rin siya. Mabilis niyang natutuhan ang alphabetical letters noong four-years old pa lang siya.

Hindi ko masasabing sa akin siya nagmana sa katalinuhan dahil ang sabi ni mommy, mahirap daw akong turuan noong bata pa ako. Pero mukhang hindi naman totoo 'yon.

Everytime I look at my daughter, I can see a female version of him. I hate to admit this but she really looks like her father. Lalong-lalo na ang mga mata at ilong. Ang tanging nakuha niya lang sa akin ay ang hugis ng labi niya.

I sighed again. I can't believe, it has been five years already since I left him without saying goodbye. After three days of being confined on that hospital, my dad booked me a flight to Davao City. I really thought he would sent me abroad. Thank God, he only sent me here in Davao.

I could still remember the conversation I had with Andriuz's mother. That day when she saw me inside his room at the hospital.

"Who are you?"

Napalingon ako sa dumating at nakita ko si Miss Franz, ang mommy ni Andriuz. Bahagya siyang nagulat nang makita ako.

"Caelan. What are you doing here?" she asked.

Napayuko ako habang pinipisil ang aking daliri. Hindi ko alam na makikita ko siya dito. Ang totoo, wala akong balak na magpakita agad dahil na-g-guilty ako sa nangyari.

"Dinalaw ko lang po si Andriuz," sagot ko.

"Let's talk outside. Marami akong gustong sabihin sa 'yo."

Hindi pa ako nakakapagsalita nang lumabas na siya. Sinulyapan ko ulit si Andriuz bago ako sumunod kay Miss Franz. Hindi ko maiwasang kabahan. Ramdam ko ang lamig sa boses ng ina ni Andriuz at alam kong masama ang loob niya sa nangyari.

At kung magagalit siya sa akin, maiintindihan ko.

"I'm sorry po," sambit ko nang makalabas kami ng k'warto. Walang ibang tao dito kundi kami lang.

Humarap siya sa akin habang magkakrus ang braso. Walang emosyon ang mukha niya kaya mas lalo akong kinakabahan.

"Do you really love my son?" she asked and I nodded.

"Mahal ko po si Andriuz."

"But why, Caelan? Bakit palagi na lang siyang napapahamak nang ikaw ang dahilan? I'm his mother and it hurts me to see him hurting because of someone."

"I'm sorry. Hindi ko po sinasadyang ipahamak si Andriuz..."

"Then do him a favor, don't put his life at risk again. Hangga't maaari, umiwas kayo sa panganib, Caelan. Alam ko kung gaano ka kamahal ng anak ko at gagawin niya ang lahat para sa 'yo kaya pakiusap...alagaan mo ang sarili mo."

Pagkatapos sabihin 'yon ay pumasok na siya ulit sa k'warto ni Andriuz. Sobrang bigat ng dibdib ko at halos hindi ko magawang maglakad pabalik sa k'warto ko.

"Caelan, saan ka ba galing?"

Nag-angat ako ng tingin kay mommy. Hindi ako sumagot at dumiretso na ako sa kama para maupo.

"May nangyari ba? Pinuntahan mo ba si Andriuz? Inaway ka ba ng pamilya niya?" sunod-sunod na tanong ni mommy.

Umiling lang ako. "Gusto ko pong magpahinga muna."

Natulog ako saglit at pagkagising ko ay nandito na rin si daddy. Mukhang may importante siyang sasabihin kaya naupo ako. 

"Caelan, nakapagdesisyon na ako. Hindi ko na hahayaang maulit 'to. Hindi ka na babalik sa lugar na 'yon at mas mabuti na rin sigurong hindi na kayo magkita ni Andriuz."

Napaangat ako ng tingin kay daddy nang sinabi niya 'yon. Sobrang seryoso ng mukha niya at kapag gan'yan siya, mahirap nang baguhin ang desisyon niya.

"Pero, daddy..."

"Noong nagpunta ka sa isla, ang plano mo ay magbagong buhay, 'di ba? Malayo sa kanila. Bibigyan na kita ng pagkakataong gawin 'yon. Ako mismo ang mamimili ng lugar na pupuntahan mo," mariing saad ni dad.

Tama si dad, lumayo ako para magbagong buhay. Maayos naman ang lahat noon. Pero nang sinubukan ko ulit mamuhay kasama si Andriuz, biglang nagulo ang lahat ng plano ko. Palagi na lang kaming napapahamak kapag magkasama kami. Siguro, paraan iyon ng tadhana para sabihing hindi kami dapat magsama. Na masasaktan lang namin ang isa't isa.

"Hindi ka magiging ligtas kung nasa tabi ka ni Andriuz. Masiyadong delikado ang trabaho niya at puwedeng maulit ang nangyari kahit pa patay na si Oliver. Marami pang puwedeng magbanta sa buhay mo, Caelan."

"Alam ko po. Bilang abogado, marami siyang nagiging kaaway sa loob man o sa labas ng korte—"

"Hindi lang pagiging abogado niya ang tinutukoy ko. Hindi niya pa nasasabi sa 'yo ang isa pa niyang trabaho?" tanong ni dad.

Kumunot ang noo ko bago umiling. "I didn't ask him. Alam kong sasabihin naman niya kapag handa na siya."

"You should've asked him or atleast, he should've told you. He's not just a lawyer, Caelan. He is a member of Alpha Military Special Forces."

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Alpha Military Special Forces? He's an army?"

"Not an ordinary, Cae. They are the highest unit of Special forces here in the country. They are assigned to do deadly missions. Hindi basta-basta ang trabahong 'yon. Wala ring kasiguraduhan ang buhay. Do you want to live in fear forever? Kahit makasama mo siya, hindi kayo magiging tahimik. Unless, he will leave his job."

No. I don't want that to happen. I don't want him to sacrifice his job for me. Ayaw kong maging dahilan para iwan ni Andriuz ang trabaho niya. Alam ko kung gaano kahalaga sa kaniya 'yon. Mahalaga sa kaniya ang makatulong sa iba.

"If he really loves you, he will leave his job and he will find you no matter what. At kapag nagawa niya 'yon, 'tsaka lang ako tuluyang magtitiwala sa kaniya."

Naging madali lang ang paglipat namin ni mommy dito. Inihanda na ni daddy lahat ng kakailanganin namin. Tumira kami sa bahay na matagal na palang nabili ni daddy dito. Hindi ko alam 'yon dahil hindi ko naman inaalam ang mga property ng pamilya namin.

"Okay, Lian. We will go to the mall and we will buy ice cream," Drew said.

"Yehey! Thank you, Tito Drew!" Lian excitedly said.

Nakilala ko si Drew noong ikatlong buwan ko na dito. Naalala kong tinulungan niya ako noon sa pagdala ng mga pinamili ko mula sa grocery store. Tapos nalaman kong siya pala iyong anak ng bagong kaibigan ni mama dito sa Davao.

Nakatadhana talaga siguro ang makilala ko siya. Simula noon, palagi na niya akong tinutulungan.

Pagkarating sa mall ay kinailangan ko pang hawakan nang mahigpit si Lian dahil kung hindi, tatakbo na naman siya sa sobrang tuwa. Siya kasi 'yung tipo ng batang gustong palaging nasa labas. Kaya nga alam na alam ni Drew kung paano uutuin ang anak ko.

"What flavor do you want?" Drew asked Lian as we entered the ice cream store.

"Vanilla. I want a vanilla ice cream," she answered.

Pagkatapos ay sa akin naman tumingin si Drew. "Strawberry ice cream for you, right?"

Natawa ako dahil alam na alam niya kung anong flavor ng ice cream ang gusto ko. Humarap siya sa counter at siya na rin ang um-order.

"One vanilla ice cream, one strawberry ice cream, and one chocolate ice cream, please."

Kukuha na sana ako ng pambayad sa wallet ko pero naibigay na ni Drew ang pambayad niya. Hindi talaga siya pumapayag na ako ang magbayad kapag kasama ko siya.

"Here's your order," sabi ng crew at inabot sa amin ang ice cream.

Hindi na naman maawat sa katatalon itong si Lian. Napakahilig niya talaga sa ice cream.

"Lian, sit properly or else your ice cream will fall," I told her.

She nodded. "Okay, mommy."

I really love how obedient she is. Nakikinig siya sa lahat ng sinasabi ko. Kaya naman hindi ako nahihirapan sa pagsaway sa kaniya.

Nang matapos kaming kumain ng ice cream ay naglakad-lakad muna kaming tatlo sa mall. Hawak ko ang kanang kamay ni Lian habang si Drew naman ang may hawak sa kaliwang kamay niya.

Habang naglalakad kami ay may lumapit sa aming isang babae. May hawak siyang camera at nakangiti.

"Ma'am, Sir, would you like to try our family photo booth? Naghahanap po kasi kami ng perfect para maging model for our booth. Bagay na bagay po ang pamilya n'yo doon," sabi ng babae.

Nagkatinginan kami ni Drew. Alanganin akong ngumiti sa babae.

"I'm sorry, miss. Hindi kasi kami puwedeng magpakuha ng picture," sabi ko.

As much as I can, I don't want to risk my daughter's privacy. Ayaw kong kumalat ang anumang litrato at impormasyon niya. Kahit naman limang taon na ang nakalipas, hindi pa rin maiwasang may mga taong naiintriga sa naging buhay ko matapos kong iwan ang showbiz.

"Gano'n po ba? Sayang naman. Napaka-cute po kasi nitong anak ninyo," sabi pa ng babae at nginitian si Lian.

"Miss, pasensiya na talaga. Kailangan na rin naming umalis," sabi ni Drew at umalis na rin kami.

Habang pinagmamasdan kong maglakad si Drew kasama si Lian, hindi ko maiwasang mapansin na mukha nga kaming isang pamilya. Kaya siguro nilapitan kami no'ng babae.

Minsan, naiisip ko kung nalulungkot ba si Lian dahil wala siyang daddy. Lumaki ako sa hindi buong pamilya at talagang nalungkot ako noon. Pero kahit papaano, nakikita ko naman sila mommy at daddy. Hindi katulad kay Lian, hindi ko man lang maipakilala sa kaniya ang daddy niya.

Am I selfish? Sinisi ko noon si mommy kung bakit nasira ang pamilya namin, pero ngayon, gano'n din naman ang ginawa ko.

"Ako na ang magbubuhat sa kaniya—"

"Sshh." Sumenyas si Drew na huwag akong maingay. Nakatulog na kasi si Lian sa likod ng kotse at siya na ang bumuhat sa kaniya.

Mukhang napagod siya sa katatakbo sa mall. Hatinggabi na rin kasi at oras na ng pagtulog niya.

Nauna nang maglakad si Drew papunta sa bahay kaya binilisan ko na ring maglakad. Binuksan ko ang pinto para makapasok sila. Iniakyat na rin ni Drew si Lian sa kuwarto niya.

"Caelan, nakauwi na pala kayo."

Nilingon ko si mommy nang lumabas siya sa kuwarto niya. Lumapit siya sa akin at sinulyapan si Drew na inaayos ang higaan ni Lian.

"Napagod siya kalalaro sa mall. Ayan tuloy, tulog na," sabi ko at bahagyang natawa.

"Si Drew, kailan mo ba siya sasagutin?" biglang tanong ni mommy. Hindi ako nakakibo kaagad. "Caelan, ilang taon na ang nakalipas. Matagal ka na ring nililigawan ni Drew. Sabihin mo nga sa akin ang totoo, may pag-asa ba si Drew sa 'yo? O may iba pa ring laman ang puso mo?"

"Cae, I need to go home already," Drew said as he approached us.

Tumango ako at sinamahan siya pababa ng hagdan. Hinatid ko siya sa kotse niya.

"Salamat, Drew."

He smiled. "No problem. By the way, kumusta na nga pala ang pag-o-organize n'yo sa wedding? Bukas na 'yon, 'di ba?"

I suddenly remember about the event that we're organizing. One of the businesses of Drew's family is an event organizer company. They are very popular when it comes to event organizing.

"I checked it earlier and everything is going according to plan. Wala kang dapat ipag-alala."

He nodded. "That's good. I made a right choice to hire you. Sige na, pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka na rin."

"Mag-iingat ka sa pagmamaneho. See you."

Pumasok na ako sa loob ng bahay at naabutan ko naman sa sala si mommy. Mukhang kanina niya pa kami pinapanood ni Drew. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Nakaalis na si Drew, puwede mo na sigurong sagutin ang tinatanong ko kanina?" tanong ni mommy pagkapasok niya sa kusina. "Pinapaasa mo lang ba si Drew?"

Bumuntonghininga ako. "Mommy, hindi ko po pinapaasa si Drew. Hindi ko po sinabi sa inyo 'to dahil hindi naman importante pero napag-usapan na po namin ni Drew ang tungkol diyan. I made it clear to him that I don't want to enter on a relationship again."

Noong unang taon palang naming magkakilala ni Drew, alam ko na agad ang intensyon niya at inamin niya naman sa akin ang nararamdaman niya. Iyon nga lang, hindi pa talaga ako handa. Ayaw kong paasahin siya sa bagay na malabong mangyari. Pero siya itong mapilit at gustong sumubok.

"Caelan, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nakakalimutan ang ama ni Lian?"

Napalunok ako at hindi ko magawang tumingin kay mommy. Hindi ko rin naman alam ang sagot sa tanong na 'yan. I haven't seen him for five years and I haven't heard any news about him. So, how would I know if I'm still into him?

Malalaman ko lang 'yon kapag nagkita kami ulit pero mukhang malabo nang mangyari 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top