Chapter 27

Trust

🔥


Imposible ang nakikita ko ngayon. Patay na si Oliver pero sino ang lalaking nasa harap ko? Kamukhang-kamukha niya ang masamang step-father ko.

"Mukhang gulat na gulat ka. Hindi mo inaasahan ang pagkikita natin, ano?" nakangising sabi niya.

I clenched my fist to stop my hands from trembling. He walked towards me and I stepped back.

"Bakit buhay ka pa?" mariing tanong ko. "Nakita ko mismo na sumabog ang sinasakyan mo. Kaya paanong..."

"That's what you call, strategy, Caelan. Sa tingin mo ba, papayag akong basta na lang mamatay nang gano'n? Ikaw kasi, masiyado kang padalos-dalos kaya lahat kayo, nahulog sa patibong ko," saad niya.

Ikinuyom ko lalo ang kamao ko habang nagsasalita siya. Sinasabi ko na nga ba, hindi siya basta-basta matatapos. Ang demonyong katulad niya, matagal bago mamatay.

Lumakad siya papunta sa mesa at nagsalin ng alak sa baso niya.

"Pagkatapos kitang batuhin ng vase, tumakas ako. Pero inisip mong sumakay ako ng kotse at hinabol mo iyon. Patibong 'yon, Caelan. Tauhan ko ang nagmamaneho ng kotse pagkatapos...boom! Pinasabog ko."

Napakasama niya. Para makatakas, nagawa niyang isakripisyo ang tauhan niya. Wala na talaga siyang pinipili. Kahit ang mga taong tapat na nagtatrabaho sa kaniya, handa niyang patayin.

"S'yempre hindi pa doon natatapos ang plano ko. Alam kong iimbestigahan ng mga pulis ang bangkay na makukuha nila, mabuti na lang mautak ako at nagawan ko na ng paraan. Fake results. Fabricated evidences. Diyan ako magaling. Proven and tested mo na 'yon, 'di ba?"

Naalala ko kung paano niya nagawang paniwalain ang lahat na si Macoy ang nakabangga kay Melanie. Nabago niya ang lahat ng ebidensya sa maikling panahon lang. Iba talaga ang nagagawa ng pera.

"Malaking tulong din na naka-comatose si Andriuz nang mga panahong 'yon kaya walang pabidang abogado na nangialam sa kaso. Napakatalino ko, 'di ba? Pero malakas ding makiramdam ang abogadong 'yon dahil nalaman niyang buhay pa ako. Pero hindi niya ako maiisahan."

Si Andriuz? Alam niyang buhay pa rin si Oliver? Pero bakit hindi niya sinabi sa akin? Ito ba ang tinutukoy niyang kaso na inaasikaso niya hanggang ngayon?

Wait... Si Andriuz ang nag-text sa akin na magpunta dito. Pero bakit si Oliver ang nadatnan ko? Hindi kaya...

"Anong ginawa mo kay Andriuz?" tanong ko.

Mas lalo siyang ngumisi at inilapag ang isang cellphone sa mesa. Sa tingin ko, kay Andriuz ang cellphone na 'yon.

"Relax, Caelan. Wala pa akong ginagawa kay Andriuz. Dapat mas mag-alala ka sa sarili mo dahil ikaw ang nandito sa yate kasama ako," sambit niya.

Umatras pa ako at naghahanda na sanang tumakbo pero may dalawang lalaking biglang humawak sa braso ko.

"Bitiwan n'yo 'ko! Ano ba! Bitiw sabi!" sigaw ko at sinubukang magpumiglas pero hindi hamak na mas malakas sila kaysa sa akin.

Nakita ko ang mukha ng isa at natigilan ako. Siya iyong lalaking sumusunod sa akin. Ibig sabihin, matagal na akong pinapasundan ni Oliver. Matagal na niyang alam na nandito ako.

Lumapit sa akin si Oliver at sinubukang hawakan ang pisngi ko pero inilayo ko ang aking mukha. Hindi ko hahayaang mahawakan niya ako.

Sinenyasan niya ang mga lalaking may hawak sa akin at sapilitan nila akong pinaupo sa upuang kahoy kaharap ng mesa.

"Caelan, Caelan, Caelan. Madali ka pa ring lokohin hanggang ngayon. Kung iniisip mong ililigtas ka ng abogadong 'yon dahil lang sinabi niyang mahal ka niya, huwag ka nang umasa. Dahil hindi 'yon totoo. Naloko ka na niya noon, nagpaloko ka na naman ulit."

I glared at him. "You think I would believe you? Hinding-hindi mo malalason ang isip ko! Sana mamatay ka na!"

He grabbed my jaw and I flinched.  "Bago ako mamatay, uunahan ko muna ang walang hiyang abogadong 'yon at isusunod kita."

"Hindi mangyayari ang gusto mo—"

Malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya. Para akong nabingi sa sobrang lakas no'n.

"Sa oras na pumalag ka, mamamatay ka kasama ang bata sa sinapupunan mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Alam niyang buntis ako. "Nagulat ka ba? Alam ko ang lahat ng tungkol sa 'yo, Caelan. Sige na, itali n'yo 'yan at busalan ang bibig."

Ginawa nila ang inutos ni Oliver pagkatapos ay iniwan na nila ako doon. Walang tigil sa pag-agos ang luha ko sa takot at kaba. Hindi ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako para sa baby ko. Hindi ko makakaya kapag may nangyaring masama sa kaniya.

Naramdaman ko ang pag-andar ng yate kaya mas lalo akong kinabahan. Sumasabay sa alon ang yate at para akong masusuka. Inilapit ko ang tuhod sa aking dibdib bago ako sumiksik sa sulok.

Wala akong magawa. Panay lang ang pag-iyak ko hanggang sa bumalik iyong isang lalaking nagtali sa akin.

"Sumama ka sa akin nang tahimik kundi sasaksakin ko ang sikmura mo. Huwag mong tatangkaing tumakas," pambabanta niya.

Tinanggal niya ang tali sa paa at kamay ko. May hawak siyang kutsilyo kaya hindi talaga ako magtatangkang gumawa ng bagay na ikapapahamak ko. Hangga't maaari gusto kong maging ligtas kami ng anak ko.

Nasa unahan namin si Oliver pati na rin ang isang lalaking tauhan. Hindi ko alam kung dalawa lang ba talaga ang tauhan niya o nagtatago lang iba. Pagkalabas pa lang ng yate ay napansin ko na kaagad na parang may kakaiba. Mukhang napansin din 'yon ni Oliver dahil bigla niya akong hinatak at ipinangharang sa harapan niya.

"Saan tayo sasakay?" tanong ni Oliver sa tauhan niya.

"Sumunod po kayo sa akin, Sir. Nandoon po ang sasakyan natin."

Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Oliver at hinila na naman ako papunta sa kung saan. Nakasunod lang sa amin ang isa pa niyang tauhan.

Hindi nagtagal ay umakyat na naman kami sa isang yate. Mas maliit ito kumpara sa sinakyan namin kanina.

"Saan n'yo ba ako dadalhin?" tanong ko nang muli nila akong itali sa upuan.

Ngumisi si Oliver. "Ang plano ko, dalhin ka sa ibang bansa pero magtatago muna tayo sa malayong probinsya. Pero kapag dumating dito ang Andriuz na 'yon at sinubukan kang iligtas, 'tsaka ko gagawin ang plan B. Hindi ko muna sasabihin kung ano 'yon. It's a surprise."

Mayamaya lang ay nagmamadaling lumapit sa amin ang isa pa niyang tauhan. Sa itsura niya palang, mukhang may nangyaring hindi maganda.

"Sir, wala po si Bautista. Siya po ang magdadala sa atin sa pupuntahan natin."

Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. Hindi pa kami makakaalis. Atleast, may chance pa akong makatakas.

"Pa'no nangyari 'yon? Nasaan si Bautista? 'Di ba may usapan na kami?" tanong ni Oliver.

Napayuko lang ang lalaki. "Hindi ko rin alam, Sir. Tatawagan ko po siya ulit—"

"Hindi na. Ako na ang magpapaandar ng yate na 'to. Bantayan mo ang babaeng 'to at siguraduhin mong hindi siya makakatakas!"

Umalis si Oliver at naiwan kami ng tauhan niya sa loob ng k'warto. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang pag-andar ng barko. Pumikit ako nang mariin.

Andriuz, please... iligtas mo ako. Sana dumating ka...pakiusap. Tulungan mo kami ng anak mo.

Napadilat ako nang makarinig ng ingay. Suminghap ako nang makitang nakahandusay na sa sahig ang lalaking nagbabantay sa akin. Nataranta ako habang inililibot ang paningin sa paligid.

"Caelan."

Lumingon ako sa bandang kanan at nakita ko siya. Ang taong kanina ko pa tinatawag sa isip ko.

"Andriuz," sambit ko at hindi ko mapigilang humikbi.

He's here. He's really here. Nandito siya para iligtas ako. Hindi niya ako binigo. Dumating talaga siya.

Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko para tanggalin ang tali sa aking paa. Sunod niyang tinanggal ang tali sa kamay ko. At saka ko siya niyakap nang mahigpit.

"Andriuz...a-akala ko...hindi ka na darating," humihikbing sambit ko.

Niyakap niya rin ako nang mahigpit. "Nandito na ako. Hindi ko hahayaang masaktan ka."

Biglang gumewang ang sinasakyan namin kaya muntik na akong matumba. Agad akong inalalayan ni Andriuz para makalabas kami ng k'warto. Pero pareho rin kaming natigilan nang masalubong namin si Oliver.

He's smirking while pointing his gun towards us. Andriuz hid me behind him to protect me. Pero mas lalo akong kinabahan para sa kaligtasan niya. Hindi magdadalawang-isip si Oliver na saktan siya.

"I knew it. Darating ka para iligtas ang babaeng pinakamamahal mo. Nakakatuwa. Hindi ko inaasahang magagamit ko pala talaga ang Plan B ko. Gusto n'yo na bang magsama hanggang sa kabilang buhay?"

Andriuz held my hand tightly. I saw how his jaw clenched.

"Tumigil ka na, Oliver. Kung susuko ka ngayon, sisiguraduhin kong hindi ka sasaktan ng mga kasamahan ko. Pero kung pipilitin mong manlaban, baka ikaw ang mapunta sa kabilang buhay."

Pero hindi naman natakot si Oliver sa banta ni Andriuz. Nagawa pa nga niyang tumawa na parang baliw. Wala na talaga siyang pag-asa.

"Hindi naman ako takot mamatay. Pero gusto ko, kasama ko kayo," mapang-asar na sagot niya.

Ikinasa niya ang baril pero mabilis na sinipa ni Andriuz 'yon. Natutop ko ang aking bibig habang pinapanood silang maglaban. Hindi ko masasabing lamang si Andriuz dahil natatapatan ni Oliver ang bawat atake niya.

"Andriuz..." sambit ko nang matumba siya.

He wiped the blood on his lips before he stood up again. It hurts me to see him like that. Nahihirapan siya nang dahil sa akin.

Dahandahan akong lumapit sa baril na nasa sahig. Kahit nanginginig ang kamay ko ay kinuha ko 'yon at itinapat kay Oliver. Kailangan kong gawin 'to para matapos na ang lahat. Kung hindi ko siya tuluyang mapapatay, siya ang papatay sa amin ni Andriuz.

Muli niyang nasuntok si Andriuz sa mukha kaya natumba na naman siya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa baril.

"Oliver!" sigaw ko kaya nakuha ko ang atensyon nila.

I aimed the gun on his chest before I shot him. My hands were trembling that's why I only hit his shoulder. I shot him again, this time, on his stomach.

Nang matumba siya sa sahig ay nilapitan ko kaagad si Andriuz. Tinulungan ko siyang tumayo.

"Halika na, Andriuz," sabi ko at hinila na siya palayo kay Oliver.

Nang matanaw ko ang dagat ay natigilan na naman ako. Nasa gitna kami ng tubig at kung hindi namin paaandarin itong barko ay kailangan naming tumalon sa dagat.

"Are we going to jump?" I asked him while staring at the sea.

Napatingin ako sa kan'ya nang hawakan niya ang pisngi ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. At alam kong gano'n din ang itsura ko ngayon.

"Do you trust me?" he asked.

Tumango ako. Malaki ang tiwala ko sa kaniya. Mas may tiwala ako kay Andriuz kaysa sa sarili ko. Alam kong hindi niya ako pababayaan.

"I don't know what will happen but if things get worse, we'll jump, okay? Hindi ko hahayaang malunod ka."

Kinuha niya ang life vest at isinuot 'yon sa akin. I remained staring at him. If ever, I couldn't make it alive, I want his face to be the last thing in my mind.

My eyes suddenly widened when I heard a gunshot. Napatingin ako sa likuran at nakita ko si Oliver. Nakatutok sa amin ang baril niya.

"Sabi ko naman sa inyo, sama-sama tayong mamamatay," nakangising sabi niya.

Lumipat ang paningin ko kay Andriuz. Nakatingin lang siya sa akin habang hawak-hawak ang balikat ko.

"Andriuz..."

"Trust me...I won't let you die..." he said before he hugged me.

Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril hanggang sa naramdaman ko ang pagkahulog namin sa dagat. Kasunod no'n ay ang pagsabog ng yate na kanina lang ay sinasakyan namin.

Kahit nasa tubig na ay ramdam ko pa rin ang impact ng pagsabog. Agad akong lumutang dahil sa suot kong life vest pero hindi ako kaagad nakagalaw. Nasa gitna ako ng dagat, ang lugar na kinatatakutan ko sa lahat.

Pinagmasdan ko ang nasusunog na yate habang unti-unting lumalabo ang paningin ko. Sinubukan kong hanapin si Andriuz pero hindi ko siya makita. Hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.

I was blinded with light the moment I opened my eyes. Ilang sandali pa ang lumipas bago ko tuluyang naaninag ang paligid. Puro puti ang nakikita ko.

Patay na ba ako?

Nasagot ang tanong ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Dahandahan kong nilingon 'yon at nakita ko si daddy kasunod si mommy.

"Cae? Gising ka na ba?" tanong ni dad kaya tumango ako.

"Salamat at gising ka na, Cae. Nag-alala ako nang sobra sa'yo," naiiyak na sambit ni mommy habang hinahawakan ang kamay ko.

Sa isang iglap ay naalala ko ang lahat ng nangyari. Isinama ako ni Andriuz sa pagtalon sa dagat bago sumabog ang yate. Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos no'n. Hindi ko na rin nakita si Andriuz bago ako nawalan ng malay.

Dahandahan kong hinaplos ang tiyan ko bago naluluhang tumingin kila mom at dad.

"Ang... baby ko? Ligtas naman siya, 'di ba?" tanong ko.

Tumango si mommy. "Ligtas ang baby mo, Cae. Malakas ang kapit niya sa 'yo."

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Masaya ako na walang nangyaring masama kay baby. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala siya.

"Magpahinga ka na muna, Caelan. Kung may masakit sa 'yo, sabihin mo lang sa amin," bilin ni dad.

"S-Si Andriuz po? Nasa'n siya?" tanong ko.

My parents glanced to each other. Bigla akong kinabahan dahil sa reaksyon nila. Kahit nanghihina ay nagawa ko pa ring umupo.

"May nangyari po bang masama sa kan'ya?" muling tanong ko.

Bumuntonghininga si dad. "Ligtas si Andriuz. Nasa ICU siya at hanggang ngayon ay hindi pa nagigising. But don't worry—"

"Gusto ko siyang makita," putol ko sa sinasabi ni dad. "Dadalawin ko po siya."

Hinawakan ni mommy ang balikat ko para pigilan ako sa pagtayo.

"Sa susunod na araw mo na gawin 'yan. Mahina ka pa, Cae. Magpahinga ka na muna," sabi ni mommy.

"Tama ang mommy mo, Caelan. Para sa ikabubuti n'yo ng baby mo, magpahinga ka na muna," saad naman ni dad.

Huminga ako nang malalim bago tumango. Hindi na ako magpupumilit pa. Baka mahimatay lang ako kapag nakita ko ang kalagayan ni Andriuz. Kaya kahit gusto ko na siyang makita ay maghihintay na muna ako.

The next day, I decided to visit Andriuz. Hindi na ako nagpaalam kila mom at dad para hindi nila ako mapigilan. Maayos naman na ako at kaya ko nang maglakad.

Pagdating sa ICU ay tanging nurse lang ang nakita ko. Nilapitan ko siya para magtanong.

"Nurse, alam mo ba kung nasaan ang pasyente dito? Si Andriuz Baltazar?" tanong ko.

"Siya ba? Nasa room 302 siya, miss."

Tumango ako at nagtungo sa k'wartong sinabi ng nurse. Pagdating ko doon ay agad kong pumasok nang makitang walang ibang tao sa loob.

My eyes welled up in tears as I gazed to his unconscious body. This is my fault. He was hurt because of me. Palagi na lang ako ang dahilan ng paghihirap niya.

"Who are you?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top